13. Bad, Josef, Bad
Isang magandang wooden patio na pininturahan ng puti, isang mini garden na binabakuran ng four-feet high wooden fence na sinadyang disenyuhan ng man-made vine, at isang napakagandang panghapong araw. Nakaupo lang si Armida sa white-painted wooden porch at nakatanaw sa kalsada ng village ng tinitirhan nila sa kasalukuyan habang in-e-enjoy ang smoothie niya.
"Love the day?" tanong ni Josef nang tabihan siya sa wooden porch. Nakitanaw na rin ito sa kalsadang wala halos dumadaan pero naririnig nilang may nagkakasiyahan sa di-kalayuan. Malamang na may event sa pinanggalingan nilang convention dahil abot hanggang sa bahay nila ang lakas ng tugtog doon.
"Tama lang," komportableng sinagot ni Armida at dinekuwatro ang mga hita. Pinakatitigan niya ang katapat na bahay sa kabilang kalsada. Gawa sa kahoy at kawayan ang kalahati nito, sementado naman ang kalahati na may exterior na blue and white ang shade. "Akala ko nga, private place ang pagdadalhan sa 'tin." Humigop siya ng smoothie.
"Ayaw mo ba sa ganitong bakasyon?" usisa ni Josef at tinitigan mula sa kanan niya ang asawa. "Hindi ka ba sanay sa maraming tao? Sanay ka bang nirerentahan ang buong lugar para sa sarili mo lang?"
Nagkibit-balikat lang si Armida at humigop na naman ng smoothie. "I don't do vacations." Matipid ang ngiti niya nang sulyapan si Josef. "Travels, yes."
"Pero para sa trabaho 'yon. Hindi counted 'yon."
"I'd rather stay in my house, chilling."
"Mas prefer mo bang mag-stay sa mansyon?"
Natawa bigla si Armida at buong pagtatakang tiningnan si Josef. "I have my own house sa Vale. At maliit lang 'yon."
"Oh . . ." Napatango si Josef at biglang napaayos ng upo nang may maalala. "Ah! I remember. Been there. Nandoon ko napanood yung mga video ni Jocas."
Saglit na natahimik ang dalawa. Dumaan ang malamig na hangin na lalong nagpagaan sa mga pakiramdam nila.
Napatingin na naman ang mag-asawa sa bahay sa kabilang kalsada.
"Anong gusto mong bahay?" tanong ni Armida habang nakatuon ang tingin sa kabilang kalsada.
"Yung simple lang." Doon lang siya napatingin sa asawa. "Di ba dapat, ako ang nagtatanong niyan sa 'yo? Ano'ng gusto mong bahay?"
"Wala naman akong kaso sa bahay kahit ano pang itsura. Basta komportable."
"Any image of your dream house? Wala?"
Hindi agad nakasagot si Armida. Tinitigan niya si Josef na nag-aabang ng sagot sa kanya. "Walang thrill mangarap ng mga bagay na kaya mong makuha anytime." Ibinalik ni Armida ang tingin sa kabilang kalsada. "Dreams are meant to reach impossibly. How can you dream of something that's within your grasp?"
Si Josef naman ang napatulala sa sinabi ng asawa niya. Sa kabilang banda, naiintindihan niya ang sinabi ni Armida. Halos nasa kanila na ang lahat—anila, wala na ngang papangarapin pa.
Saglit na nagusot ang labi ni Armida at natawa nang mahina. "Ganito ba yung gusto mong buhay kaya pinili mong mag-quit sa Asylum?" usisa niya sa asawa. "Magtatrabaho ka as regular manager, uuwi sa nirerentahang apartment, gagamit ng kotseng mumurahin, magluluto ng sariling pagkain, walang butlers and maids—"
"Makakatulog sa gabi na wala kang ibang iniisip kundi gagawa lang ng weekly report. Matutulog kang hindi mag-aalala kung may babaril ba sa 'yo anumang oras kahit nagpapahinga ka," panapos ni Josef at humigop na rin ng smoothie niya. "It's my dream. Noong sinabi ni Uncle na persona non grata na 'ko sa Asylum, 'yon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko magmula nang makaalis sa poder nina Daddy sa Citadel."
Natitigan ni Armida ang asawa niya sa mukha—binabasa ang tuwa nito sa ikinukuwento. Na para bang iyon na nga ang pinakamasayang nangyari sa tanang buhay nito.
It was his dream.
"You don't have any idea of how happy I was no'ng sinabi mong makakaalis na ako ng Vale. Na wala na si Shadow. Na patay na siya."
Base sa ganda ng ngiti ni Josef habang nakatanaw sa malayo, halatang masaya nga ito. Hindi na namalayan ni Armida na nakatitig lang siya sa asawa niya habang matamang nakikinig dito.
"I really thought that that was my final farewell sa mundo. You could have killed me."
"Gusto lang ni Jocas na mabuhay ka," paalala ni Armida sa kanya.
"And you?" tanong agad ni Josef pagsulyap niya sa asawa. Pumaling pa siya sa gilid at ipinatong ang kanang siko nito sa porch. Itinukod niya ang sentido sa kinuyom na kamao at saka tinitigan nang taimtim si Armida.
Nagtaas naman ng tingin ang babae at tinimbang pa ang sagot base sa kilos ng katabi. "I just did what she wanted."
"Oh . . ." Gumusot ang labi ni Josef at saka tumango. "Pero wala akong natatandaang nangako si Jocas na hahanapin niya 'ko someday."
"Ginawa ko lang yung gusto niya."
"I'm sure she can do that herself that time." Tumango na naman si Josef. "But she didn't. It was you who did."
Umirap pa si Armida. "Ano'ng gusto mong palabasin?"
"Aminin mo na lang na ginawa mo lahat ng 'yon dahil ikaw talaga yung may gusto sa 'kin at hindi si Jocas."
Agad na nanlaki ang mga mata ni Armida at pinandilatan ang tanong na iyon ng asawa niya. "H-hah! Wha—! What the fuck does that supposed to mean, huh?"
Agad ang lapad ng ngiti ni Josef nang makita ang reaksyon ni Armida. Iyon na yata ang unang beses niyang makita itong magulat nang ganoon. "Every time na may nakikita akong ibang expression sa mukha mo aside sa evil grin and sharp eyes, feeling ko, may nare-reach akong achievement sa buhay hahaha!"
Ibinagsak ni Armida ang hawak na baso at saka tumayo para magpamaywang. "Alam mo, yung mga tanong mo, ang gandang source ng migraine. Alam mo 'yon?"
"Hahaha!" Ang lakas pa ng tawa ni Josef at biglang sumeryoso nang bahagya pagkatapos. "You just said I'd tried to flirt with you." Inilapag na rin niya sa porch ang baso at tumayo na rin para hamunin sa tindigan ang asawa niya. Malas lang nito dahil mas matangkad siya nang limang pulgada para pagbabaan ito ng tingin.
"And you did," proud pang sinabi ni Armida sabay halukipkip.
"Iba ka rin mag-assume, Ms. Erajin Hill-Miller," sabi pa ni Josef para asarin ang asawa niya. Humakbang siya ng isa para hamunin ito. "Have you ever seen me flirt? Do I have to do that to you?"
"You're Richard Zach, matagal ka nang malandi," bintang ni Armida sabay taas ng kilay. "Gamit na gamit mo nga 'yang kalandian mo sa pagnanakaw ng kung ano-anong walang kuwentang bagay." Nanghagod pa siya ng tingin. "And you even call your Art of Seduction a skill? Oh, come on! What a useless skill if you were to ask me." Itinuro pa niya ang buong katawan ni Josef. "You just stick your body to any ladies, at masyado lang silang marurupok para bumigay sa so-called charm mo." Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ng lalaki. "You can't use that stupid, useless art against your enemies—even me."
"What . . . ?" di-makapaniwalang tanong ni Josef habang nakatingin sa mukha ng asawa niyang nanliliit pa yata sa kaya niyang gawin. "You don't dare say that to me."
"Huh! I just did!" Lalo pang nanghagod ng tingin si Armida mula ulo hanggang paa ni Josef. "Legend? Oh, really."
"OH MY GOD! JOSEEEF!"
Napalingon agad silang dalawa roon sa sumigaw.
"Uy! Mukhang nag-mo-moment kayong mag-asawa diyan, a!" nakangiting sinabi ni Miethy habang lumalapit sa bakod nilang wala namang pinto kaya malaya ang kahit sinong tumuloy. Kasama nito ang asawang si JC na may dala pang isang plastic bag na may lamang pagkain at inumin.
"Dito ba kayo naka-stay? Ang ganda, a!" tanong ni JC habang tinitingnan ang pansamantalang bahay nila.
Parehong masama ang timpla ng mag-asawa mula sa naudlot na maliit na pagtatalo kaya halatang pareho silang wala sa mood nang tingnan ang mag-asawang nakangiti sa kanila.
"May kailangan kayo?" naiiritang tanong ni Armida sa dalawa.
Nakangiti namang umiling si Miethy at itinuro ang two-story rest house na katapat mismo ang bahay na tinutuluyan nila na nakatirik sa kabilang kalsada. "Ito lang yung rest house namin!"
"Oh." Natikom agad ni Armida ang bibig at pinilit ang sariling ngumiti dahil wala na siyang ibang masabi.
"O! Sige na, una na kami, ha! Ituloy n'yo na 'yang ginagawa n'yo, hehehe," sabi ni Miethy sabay kindat kay Armida.
Matipid na kumaway si Armida at tumawa na naman nang sobrang pilit kay Miethy.
Tumuloy na sina Miethy sa katapat na bahay. Matapos ay ibinalik na ni Armida ang tingin sa asawa niya sabay hagod na naman dito ng tingin. Umirap pa siya pagkatapos.
Mabilis niyang kinuha ang baso at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa bahay.
Naiwan naman sa labas si Josef na hindi makapaniwala sa mga sinabi ng asawa niya sa kanya at sa kaya niyang gawin. At kahit hindi niya sabihin, napakalaking insulto ng sinabi nito sa kanya.
Padabog din niyang kinuha ang basong ininuman at pumasok na rin sa loob ng bahay. Mas naging tahimik ang loob niyon kaysa noong una. Naabutan ni Josef na hinuhugasan ni Armida ang ininuman nito. Mabilis siyang lumapit dito at halos ibagsak sa lababo ang babasaging baso.
"Minamaliit mo ba 'ko?" sabi ni Josef nang may mabigat na tinig. Halatang napikon sa mga sinabi ni Armida.
"Iba ang nangmamaliit sa nagsasabi ng totoo," maangas na sinabi ni Armida. Papaling na sana siya sa kaliwa para ilapag ang hinugasang baso sa counter nang kabigin ni Josef ang braso niya para pigilan siya. Hindi inaasahang nabitiwan niya ang hawak na baso dahil sa gulat kaya napatingin siya sa ibaba.
"Wha—" Halos pandilatan niya ang sahig dahil walang kahit anong bumagsak doon. Agad ang lipat niya ng tingin kay Josef na seryoso lang ang tingin niya sa kanya.
"Bawiin mo ang sinabi mo," seryosong utos ni Josef sa kanya.
"Huh!" Sumimangot agad si Armida at napailing. Hindi siya makapaniwalang mapipikon nang ganoon si Josef. Pagtingin niya sa kaliwa, nandoon na sa counter ang basong nabitiwan niya. "What the f—"
"Bibigyan kita ng pagkakataong bawiin ang sinabi mo," mabigat na utos ni Josef.
"If I said it, I said it!" Sinulyapan ni Armida ang kamay ng asawang nasa braso niya at mahigpit na nakahawak. "Bibigyan kita ng pagkakataong bitiwan ako." Saka niya tiningnan nang masama si Josef.
"You can't kill me," naghahamong sinabi ni Josef.
"Huh! Talaga ba?" Sumulyap si Armida sa kaliwa at nakita sa counter top ang knife holder. Malakas niyang tinabig ang kamay ni Josef at mabilis niya iyong inabot at kumuha ng isang kutsilyo. Hindi pa man niya nahuhugot ang patalim, natigilan na siya nang may maamoy na kakaiba . . .
"Bibigyan kita ng pagkakataong bawiin ang sinabi mo," huling pakiusap ni Josef.
Pamilyar ang amoy na iyon. Sobrang tamis pero walang kaparehong amoy na maaaring pagkomparahan. Halos pandilatan niya ang harapan nang maramdamang biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang dahan-dahang nagtitindigan ang mga balahibo sa katawan.
"Josef?" takang pagtawag niya nang lingunin ang asawa niya. Halos pandilatan niya ito dahil seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Napalunok na lang siya dahil iyon na yata ang unang beses na nakaramdam siya ng kilabot habang nakatingin sa asawa niya.
"Josef, it's not funny," banta ni Armida at napahakbang paatras.
"Why? Are you scared?" humakbang naman papalapit si Josef sa kanya.
"What the hell are you doing?!" naiinis na sinabi ni Armida at umatras na naman. Tumatapang ang napakatamis na amoy na iyon. Lalo pang tumitindi ang kilabot na nararamdaman niya.
Hindi niya maintindihan kung ano'ng nangyayari kay Josef. Hindi niya maaming natatakot siya pero alam niyang kinikilabutan siya. Napaisang hakbang na naman siya paatras at sa pader na bumangga ang likod niya.
"Josef, I'm warning you," mabigat na banta ni Armida kahit na hindi niya maipaliwanag kung bakit halos manlambot ang tuhod niya.
Hindi pa niya kahit kailan naramdaman iyon maliban noong nasa Isle pa siya at alam pa niya kung paano matakot para sa buhay niya.
Itinapat ni Josef ang mukha niya kay Armida. "I warned you," mahina niyang sinabi rito nang itapat niya ang mga labi sa labi nito.
Dug. Dug. Dug.
Lalong nanlaki ang mga mata niya nang marinig na naman ang tatlong malalakas na tibok ng pusong iyon.
Napaawang na lang ang bibig niya.
Hindi siya makagalaw.
Parang pinipigilan ang paghinga niya.
Para bang uminit sa paligid nila at pakiramdam niya ay parang may kung anong usok na umiikot sa bibig niya.
Naaalala na niya ang napakatamis na amoy na iyon.
"I told you not to make me do it again," bulong nito harap-harapan sa mga labi niya.
Nangilid bigla ang mga luha sa mga mata niya habang pinandidilatan ang mga mata ni Josef na wala siyang ibang mabasang kahit ano—blangko at nakakatakot.
Sa mga sandaling iyon, para bang umiikot sa labi niya ang lahat ng huwisyo niya, at pag-atras ni Josef, parang sumama roon ang kaluluwa niya at biglang naputol kaya napasalampak siya sa sahig dahil sa panghihinga.
Napakabigat ng paghinga niya at naging mabilis din. Talo pa niya ang tumakbo nang napakabilis dahil sa paghingal niya. Pagpikit niya nang mariin, gumapang agad ang luhang nanatili sa mga mata niya sa loob nang ilang segundo.
Pagdilat niya habang hinihingal, una niyang nasilayan ang pantalon ni Josef na hindi umalis sa harapan niya. Nakapamulsa lang ito at hindi na niya inabala ang sariling tingalain ito para makita ang mukha nito. Ayaw niyang mabasa ang mukha nito dahil alam niyang mapapahiya lang siya sa sarili niya.
"Tell me how stupid and useless that skill is again, and I'll show you how weak and vulnerable you are as a lady, Armida Zordick." Tumalikod na si Josef at iniwan doon ang asawa niyang pulang-pula ang mukha. "They don't call me a legend for nothing. Don't you dare demean that fact."
----------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top