12. As You Please
Pabalik na sa tinutuluyan nila ang dalawa. Natawa na lang si Armida dahil isang kanto lang ang layo ng reception area dahil malapit sa dagat ang venue. At malapit din sa dagat ang bahay nila. Isang liko lang nila sa nilabasang daan, natanaw na nila ang arko ng pinaka-entrance ng village na pansamantalang tinutuluyan.
"Hindi ko gusto ang Fovicate na 'yon," sabi ni Josef habang nakatingin nang diretso sa daan.
"Lahat naman, hindi mo gusto e," nakangising sinabi ni Armida. "Ako, gusto ko siya."
Pagsulyap ni Josef sa asawa, nakita na naman niya ang evil grin nito na pinakahuli sa listahan niya ng facial reaction nito na gusto niyang makita.
"Don't tell me, papatayin mo siya?" mapanghusgang tanong ni Josef habang tinataasan ng kilay ang asawa niya.
Inugoy-ugoy lang ni Armida ang katawan at napalitan ng mas matamis na ngiti ang labi niya. "May mga taong hindi deserve ang mamatay." Nilingon niya si Josef na pinagdududahan siya ng tingin. "Gusto kong mabuhay siya nang matagal. Gusto kong maranasan niya na mas malala ang mabuhay kaysa mamatay."
"She's not the type of person na madali kang putulan ng pasensya. Ano'ng binabalak mo?"
Ibinalik ni Armida ang tingin sa daan at ipinatong ang kanang kamay sa balikat ng asawa niya. "Wala naman. Mukhang hindi naman na natin sila makikita ulit."
"But you just said you almost bought me to marry."
"Hahaha! I did!" proud pang sinabi ni Armida.
"Huh! Tuwa ka, 'no?" sarcastic na sinabi ni Josef at tinabig pa ang kamay ni Armida sa braso niya. "Binili mo 'ko para paglaruan mo."
"Excuse me, Mr. Richard Zach," masungit na sinabi ni Armida sabay halukipkip at hagod ng tingin kay Josef. "I spent billions just to have you, not to play with you."
"Then admit na crush mo na 'ko noon pa man," nang-aasar na sinabi ni Josef. "Hindi ako magagalit."
"Ang kapal mo."
"Hahaha!" Si Josef naman ang natawa dahil sa sagot ni Armida sa kanya. "Coming from the lady who spent billions of money just to have me. Ako pa pala ang makapal."
Nakaabot na ang dalawa sa tinutuluyan nila. Alas-tres y medya na ng hapon at medyo nakaramdam ng init ang dalawa dahil sa paglalakad.
"Ah! At last, makakahiga na rin!" malakas na sinabi ni Armida at ibinagsak ang sarili sa malambot na puting couch.
Dumiretso naman si Josef sa kusina at nagkalkal doon ng ref.
"Nag-check ako ng phone kanina, walang kahit anong contact number," paalala ni Josef habang naglalabas ng mga prutas sa ref. "Mukhang si No. 99 ang umasikaso sa atin ngayon."
"Ayaw lang niyang ma-contact natin si Cas," sagot na lang ni Armida at tinakpan ang mata niya ng kaliwang braso. "He's being overprotective."
"Nag-check ako ng background ng Superior's List before we went here. Dating guardian ni Cas si 99."
Parang wala lang kay Armida ang narinig kay Josef. "That explains the history. Deserving naman sa impyernong 'yonyung mga Hwong."
"Coming from the tongue of a Hwong descendant," nakangising sinabi ni Josef—di pa makapaniwalang kay Armida pa talaga nanggaling ang mga salitang iyon. "Gusto mo ng smoothie?" tanong niya rito.
"Sure."
Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay. Isang malaking divider na walang pinto lang ang nagbubukod sa kuwarto at sala. Counter top lang ang pagitan ng sala sa kusinang galley island ang layout. Isa lang ang banyo. Pero sa kabuuang sukat, malaki na ang lugar at sapat sa dalawang tao. Kompleto pa sa gamit at appliances. Mas bagay ang bahay sa mga nagha-honeymoon.
Nag-alis ng takip sa mata si Armida at tinanaw si Josef na nag-aasikaso. Napabangon tuloy siya dahil abala na agad ito kahit kararating pa lang nila sa bahay.
"No'ng nag-usap kayo ni Cas sa rooftop ng ospital," panimula ni Armida na umupo sa high stool ng counter, "may nabanggit ba siya kung hanggang kailan tayo rito?"
Walang naitugon si Josef kundi iling lang. Naghiwa na lang siya ng mangga at inihanda na ang blender at ilang ice cube na bagong kuha sa ref.
"Tingin mo ba, magtatagal tayo rito?" tanong na naman ni Armida habang pinanonood ang asawa niyang magsalin ng kung ano-ano sa blender.
"Why? Gusto mo nang umuwi?" tanong ni Josef nang saglit na sumulyap sa asawa niya.
"Hah!" Natawa nang mahina si Armida sa tanong na iyon. "Saan naman tayo uuwi? Sa Citadel?"
Napasulyap na naman si Josef sa asawa niya nang may pagtataka kahit pa nakangiti. "I'm sure, mas gugustuhin mo pang tumira sa gubat kaysa ro'n." Nagbalik siya sa pag-aasikaso sa smoothie.
Nanatili lang ang titig ni Armida sa ginagawa ni Josef. Inaalis kasi nito ang laman ng mangga gamit ang wine glass.
"You cook?" usisa pa ni Armida.
"Trained to," kaswal na sagot ni Josef. "Want me to cook for you?"
"Ah, come on!" natatawang sinabi ni Armida sabay lahad ng mga braso niya sa magkabilang gilid. "You'll be a good husband to your wife."
Natawa nang mahina si Josef sa narinig at saglit na huminto sa ginagawa at tiningnan nang maigi ang asawa niya.
"What?" nagtataka pang tanong ni Armida dahil nginingitian na naman siya ni Josef nang hindi niya malaman ang dahilan.
"You have Jocas' memory, haven't you?"
Saglit na hindi nakasagot si Armida at naipaling na lang nang bahagya ang ulo sa kaliwa. Sandaling nawalan ng sagot sa mga tingin niya, kalaunan ay napalitan din ng pagtataka.
"Why? Miss her?" tanong na lang niya.
Nagkibit-balikat naman si Josef bilang tugon. "You're here."
"Hindi ako si Jocas," mabigat na sinabi ni Armida na ikinatawa lang nang mahina ni Josef.
"Kasi ikaw si Armida, yeah," natatawang balik ni Josef at saka tumango.
"I already know you love Jocas," sabi pa ni Armida at bakas ang kaunting pagsuko sa tinig.
"She's jolly and cooperative," puri ni Josef habang nagsasalin ng gatas sa blender. "She knows what to do, and very decisive. Aside from her annoying attitude towards me, tactical-wise, I love working with her. Hindi siya sakit sa ulo. And she likes me. A lot."
Napatulala na lang si Armida dahil sa narinig. Parang may umubos ng emosyon niya sa mga sandaling iyon matapos iyong marinig mula sa bibig ng asawa niya.
"So . . . you love her," dismayadong sinabi ni Armida habang nakatulala sa ginagawa ni Josef.
"She's you," katwiran na lang ni Josef na hindi man lang nakakahalata.
"Hindi ako si Jocas."
"May kaibahan ba?" tanong pa ni Josef at saglit na huminto sa ginagawa para tingnan ang asawa niya sa mukha. "Why? Still insisting she's your alter kaya magkaiba kayo?"
"Dahil magkaiba talaga kami," mabigat na tugon ni Armida. "And you prefer her more than me."
Napataas naman ng magkabilang kilay si Josef dahil sa narinig. Ilang saglit pa, pangiti na sana siya pero mabilis niyang pinigilan. Pero kahit na ganoon, pinuna pa rin ng asawa niya.
"Pinagtatawanan mo ba 'ko?" naiinis na tanong ni Armida.
Hindi na pinigil ni Josef ang ngiti niya at umiling na lang.
"Alam mo, nakakairita ka!" inis na sinabi ni Armida at binato ang asawa niya ng display na apple sa counter na nailagan agad nito.
"HAHAHA!" malakas ang tawa ni Josef at napailing na lang pagkatapos.
"May nakakatawa, ha?!"
Saglit na nagpigil ng ngiti si Josef. "You're jealous of yourself."
"Bullshit!" tugon agad ni Armida at akmang magbabato ulit ng prutas na display pero mabilis na kinuha ni Josef ang tray na pinaglalagyan niyon at inilapag sa tabi ng blender. "For all I know, you're doing all these dahil parte ko pa rin si Jocas, at siya lang talaga ang gusto mo."
Imbis na mapikon, nanatili lang ang ngiti ni Josef sa mga labi. Napipikon kasi ang asawa niya sa sarili nito kaya lalo siyang natatawa. Kung umakto ito, parang nambababae siya samantalang ito at ito lang din naman ang kababagsakan niya kahit pa si Jocas at si Armida ang pakasalan niya.
"You're just faking everything because—"
"I'm scared," putol niya kay Armida na ikinahinto nito.
Pinaandar na niya ang blender at ang ingay na iyon ang namagitan sa katahimikan nilang dalawa.
Tinitigan lang ni Armida ang asawa niyang matipid ang ngiti sa mga labi. Ni hindi na rin niya napansing nakapaglapag na ito sa harapan niya ng smoothie.
"Sabihin mo kung sobrang tamis," sabi pa ni Josef nang may ngiti. "Gagawan kita ng panibago."
Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Armida habang nakatingin sa lalaki. "You're scared 'cause you still think of me as a monster."
Si Josef naman ang napahinto at agad na tiningnan ang asawa niyang mukhang dismayado na naman.
"You're scared kasi alam mong hindi ako normal. At never akong magiging normal."
Bumuga na lang ng hangin si Josef at nagpatuloy sa pagsasalin ng sarili niyang smoothie sa baso. Nagdagdag lang siya ng honey sa baso para dagdagan ang tamis niyon.
"You're scared kasi ako si RYJO. And you can't do anything about that."
Umikot na lang paalis sa counter si Josef dala ang sarili niyang smoothie. Ni hindi man lang pinansin ang mga pinagsasasabi ng asawa niya.
"Are you even listening?" naiinis na tanong ni Armida.
Tumapat si Josef sa asawa niya at inilapag sa tabi ng smoothie nito ang kanya. Pinaikot niya ang inuupuan nitong stool at ipinaharap sa kanya. Ipinatong niya ang magkabilang kamay sa counter para ikulong sa maliit na espasyo si Armida. Simangot na simangot ang mukha nito at halos paapuyin siya ng tingin kaya lalo siyang natawa.
"You never grinned like that to Jocas. Nang-iinis ka ba?" pikon na sinabi ni Armida. "Mukha ba 'kong joke sa 'yo, ha?"
"You're not as annoying as Jocas. You're classy. A pain the ass, and never ask for a knight and shining armor," sunod-sunod na sinabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Armida. "You're the careless daughter of a careful man. You never thought about yourself when it comes to people you value a lot. You kill for liking. You just died and still ask how I was." Umiling si Josef. "No sane monster even in the endless pit of hell would do that. And I'm faking it because I'm scared . . . because I know, at some point, you don't need me just as much as Jocas did." Kinuha na niya ang smoothie ni Armida at inalok dito. "Tikman mo kung sobra sa tamis."
Tiningnan nang masama ni Armida ang smoothie sa harapan ng mukha niya. "Wala ka ngang inilagay na honey o kaya asukal diyan."
"Hindi ko nilagyan kasi alam kong ayaw mo sa matamis."
"Gusto ni Jocas sa sweets," masungit niyang sinabi.
"Hindi ka si Jocas."
"E di, ipaghanda mo rin si Jocas."
"Since when did I tried to please Jocas just as much as I did to please you?"
Agad ang taas ng isang kilay ni Armida at nag-twitch nang bahagya ang isang dulo ng labi na akmang ngingiti pero pinigilan lang.
Bahagyang umatras si Armida para makasandal sa counter.
"At bakit mo naman ako kailangang i-please, hmm?" mapanghamong tanong ni Armida. "I'm not your target to lure, Shadow."
"But you're my wife. And you're more complicated than who you were before I knew who you really are." Itinaas na naman nito ang baso para ialok kay Armida. "My hands are freezing."
Napa-smirk na lang si Armida at hinawakan na rin niya ang baso kahit hawak pa ni Josef at tinikman ang gawa nito. Napatitig na lang siya sa baso pagkatapos uminom nang kaunti dahil hindi nga matamis—at sakto lang iyon sa panlasa niya. Ayaw kasi niya ng sobrang tamis ang pagkakagawa.
"Not that sweet," iyon na lang ang nasabi niya kahit walang gana. Hahawiin na sana niya ang ibabaw ng bibig na may bakas pa ng smoothie nang pigilan ang kamay niya ni Josef at inilapat nito ang labi sa itaas na labi niya at naramdaman na lang niyang tinikman nito ang kung ano ang ipinatitikim sa kanya nito.
Halos takasan siya ng saglit na paghinga dahil doon.
Lumayo na rin si Josef na gusot ang magkabilang dulo ng labi at saka tumango. "Now it is."
Kaswal lang nitong kinuha ang sarili nitong smoothie at tumayo na nang diretso. Kung umakto ito ay parang wala itong ginawang kakaiba.
Napalunok na lang si Armida at buong pagtatakang nakatulala sa harapan niya.
Para bang tinakasan siya ng sarili niyang huwisyo dahil sa nangyari. Pagtaas niya ng tingin, nakatitig lang sa kanya si Josef na mukhang nag-aabang ng kung ano sa kanya.
"Kulang ba?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot agad. Kahit anong isip niya, wala siyang mahalukay na sagot sa utak niya.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero may kung ano kay Josef sa mga oras na iyon na naninibago siya.
Natawa siya nang mahina at saka napailing. Kumuha na lang siya ng pilas ng paper towel na nasa counter at pinunit iyon saka pinambalot sa baso niya. "The great Richard Zach had tried to flirt . . ." Tumayo na siya at binigyan niya ng pang-asar na tingin si Josef saka umirap. "Naubos yata yung charm mo pagdating sa babae."
Napaawang na lang ng bibig si Josef at hindi makapaniwalang narinig iyon sa asawa niya. Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas ito ng bahay.
"Wow. Huh!" Napaisip siya sa sinabi nito na lalong ikinakunot ng noo niya.
Iniisip niya kung saan nito napulot ang sinabi. He wasn't flirting, at all. At kung alam lang ni Armida kung paano siya makipag-flirt, ewan na lang niya kung makangisi pa iyon nang ganoon.
Sinundan na lang niya ang asawa sa labas ng bahay para makausap nang masinsinan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top