11. Marriage Issues
Natapos na nga ang sharing of stories sa Couple's Convention at hindi na nakaalis pa ang mag-asawa dahil kinaladkad na naman sila nina Miethy at JC para sumama sa kanilang kumain.
"A-a-ano. K-kailangan bang sumama kami?" tanong pa ni Josef habang nakaakabay sa kanya si JC.
"Opkors! Grupo na tayo ngayon! Ahahaha!" masayang sinabi ni Miethy habang ka-holding hands si Armida at inuugoy-ugoy iyon.
Napataas lang ang kilay ni Armida sa sinabi ni Miethy at napatingin sa kamay niyang hawak nito.
"You know what, ang cute n'yong dalawa sa stage! As in!" kinikilig na sinabi ni Miethy. "Medyo nabuhayan yung mga hindi interesadong makinig ng corny stories!"
"Trooo!" chorus nina Nicole at Nikki.
"Saka, kayo lang ang hindi nag-I love you sa isa't isa! Nakakaloka!" sabi ni Nicole.
"Trooo!" chorus nina Miethy at Nikki.
"Di ba kayo sanay magsabihan nang gano'n?" dagdag ni Nikki.
"Trooo!" chorus naman nina Miethy at Nicole.
Nagkatinginan lang ang mag-asawa at nag-'I-don't-know' shrug. Though sa side ni Josef, alam niyang kaya niyang sabihin iyon. Malay lang nila kay Armida. And nobody was expecting for her to say that, kung alam lang nila.
"Arranged lang naman sila," paningit ni Fovi. "Hindi naman nila kailangang sabihin 'yon sa isa't isa if they really don't love each other," mataray niyang sinabi dahil para magtinginan silang lahat sa kanya.
"At last! Nagsalita ka rin! Buti, hindi napanis laway mo!" sermon ni Miethy sa kanya.
"Whatevs!" Inirapan lang siya ni Fovi.
Napansin ng mag-asawa na may attitude talaga si Fovi. Mataray at nakakapang-init ng ulo ang tono pati ang boses nitong parang umiiyak na tuta. Dagdag pa ang kilay nitong magkasalubong. Maganda sana ito kaso mukhang malaki ang angst sa Earth.
"Pagpasensyahan n'yo na 'yan, para rin 'yang kayo," bulong ni Miethy kay Armida. "Arranged din kasi sila ni Alex kaya ganyan. Ang kaibahan lang, mukhang walang pag-asa yung kanila. Yung inyo, very obvious ang spark." Kinindatan pa niya si Armida.
"Ah, hahaha. Spark, okay. Spark." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Armida kay Miethy.
Nakaabot ang grupo nila sa reception area na kasama sa in-organize for Couple's Convention. Gaya nga ng sinabi ni Miethy, libre ang foods at walang gutumang magaganap.
Nasa malawak na garden ang reception at tinatakpan ng mararaming banderitas na gawa sa plastic na pinunit-punit para magmukhang pompoms na mahaba. Pang-cover na rin iyon sa init ng araw.
Naupo agad sina Nikki at Nicole sa isang table na good for ten. Sinundan naman sila ng mga asawa nila. Sumunod si Fovi at ang asawa nito.
Magkatabi sa upuan sina Josef at Armida, sa tabi nila sina Miethy at JC. Katapat ng mag-asawa sina Earl at Nikki. Sina Nicole at John naman ang katapat nina Miethy. Nasa magkabilang kabisera sina Alex at Fovi.
Kapansin-pansin agad ang layo ng puwesto ni Alex sa asawa niya. Hindi naman masyadong halatang may galit sila sa isa't isa.
Napansin din iyon ng mag-asawa, pero hindi na nila binanggit since hindi naman pinansin ng iba. Parang normal lang sa kanila ang ganoong setup. Saka, iyon lang ang upuan, kaya wala rin naman silang karapatang magreklamo.
Ang gagawin lang nila roon, maghintay na i-serve sa kanila ang kakainin nila. Nag-di-distribute na ng pagkain para sa mga attendee kaya ilang minuto lang at makakakain na sila.
"Bakit nga pala kami ang isinama n'yo?" usisa ni Armida kay Miethy na katabi niya.
"Ah! Sina Jasmine kasi, hindi sumipot! Indian-era talaga 'yon kahit kailan!" inis na sinabi ni Miethy at kinuha ang water goblet sa harap niya para uminom.
Base sa observation ni Armida kay Miethy, nagger ito at masayahin. Magkakasundo sila when it comes to talking. Ayusin lang nito ang pagiging clingy.
"Gaga! May emergency kasi yung mama niya. Alam mo naman 'yon," kontra agad ni Nicole.
"Natural lang na unahin niya 'yon! Alangan namang nandito siya nagpapakasaya habang may problema sa kanila yung mama niya!" dugtong ni Nikki.
Parang may kung anong tumama kay Armida dahil sa narinig at hindi niya naiwasang mapatingin kay Josef na nakikinig lang sa kuwento nina Nikki.
"Haaay, sige na." Nagbuntonghininga na lang si Miethy. Wala na siyang magagawa, natapos na ang convention.
"Sobrang close ni Nikki at ni Nicole, 'no?" nakangiting puna ni Josef sa magkatabing magkaibigan.
"AAAHHH! Napansin ako ni Joseeef!" masayang tili ng dalawa sabay tingin sa isa't isa at tumawa nang malakas.
"Mag-best friend 'yang dalawa. Hindi mo mapaghihiwalay 'yan," sabi ni Earl.
"At kung ako ang tatanungin, mas pipiliin nila ang isa't isa kaysa sa 'ming asawa nila," inis na sinabi ni John.
"Ay, tampo naman kayo!" sabi nina Nikki at Nicole.
Isinandal na lang ni Nikki ang ulo sa balikat ni Earl sabay pa-cute. Inakbayan naman ni Nicole si John at saka ito binigyan ng kiss sa cheeks.
Napangiti na lang si Josef at napailing na lang sa ginawa ng dalawa sa mga asawa nila.
"O! Eto na ang pagkain!" sigaw ni Miethy. At parang siya lang ang g na g sa kanila sa pag-aabang ng tanghalian.
Inilapag na ng mga waiter ang pagkain nila. Once cup rice, dalawang tempura, pork sirloin with mushroom gravy, at fuit salad. Orange juice naman ang drinks.
"May bayad ba 'to?" tanong ni Armida.
"Yung pagkain? Wala naman," sagot ni Miethy.
"No, I mean, everything. The convention, the reception, everything."
"Ah, yeah!" Tumango naman si Nicole at sumingit sa usapan. "But, don't worry about it. Paid naman na, kailangan na lang namin ma-credit yung isang missing pair."
"Oh." Tumango-tango naman si Armida. Kinuha na niya ang tinidor at tumusok ng tempura nang biglang . . .
"Okay, let us pray!" masayang sinabi ni Miethy.
Nagsalikop ng kamay ang mga nasa mesa maliban kay Armida. Napatingin agad siya kay Josef na nagsalikop din ng mga kamay at bahagyang yumuko.
"What?" tanong pa niya kaya napasulyap sa kanya si Josef.
"Pray," sabi pa ng lalaki at itinaas nang kaunti ang pinagsalikop na mga kamay.
"Uh," kahit litong-lito, nakigaya na lang si Armida at palipat-lipat ang tingin sa lahat ng nasa mesang iyon.
"Lord, thank you po sa lahat ng blessings . . ."
"You praying?" bulong pa ni Armida sa asawa niya.
"We know how praying works for us," bulong din ni Josef.
"Amen . . ."
Umayos na nang upo ang mag-asawa at pilit na nginitian ang mga nasa mesang iyon.
"Makakakain naman na tayo, di ba?" bulong na naman ni Armida nang humilig siya sa kanan.
Nagkalansingan na ang mga kubyertos at mukhang oo ang sagot sa tanong niya.
"Uhm, by the way, akala namin mga foreigner kayo," bati pa ni JC sa mag-asawa. "Tamang English pa kami ng asawa ko, hahaha!"
"Muntik nang dumugo ilong ko, mahal! Grabe yung kaba ko kanina, wala pa naman akong baong Henglesh!" kuwento pa ni Miethy sabay subo ng pagkain. Siniko pa niya si Armida na ikinakunot ng noo nito. "Bebs, kung di pa kita naintindihan, malamang na nag-nosebleed na ako kanina hahaha!"
"We're multilingual," kaswal na sagot na lang ni Josef at matipid na nginitan ang mga nasa mesang iyon.
"Ooohh . . ." bilib nilang pagsasabay-sabay. "Ano 'yon? Taga-simbahan ba kayo?"
"Simbahan?" sabay pang tanong ng mag-asawa.
"Di ba, may ganoon? Yung mga evangelist?" sabi ni Nikki.
"Ah!" Mukhang nakuha naman agad ni Josef ang pinupunto. "Actually, I used to study here in this country. Sa international college. Nandito rin kasi ang family ng mother ko. But my father is German."
"Ay, nice! Kaya pala mukha kang imported," sabi ni JC. "Si Armida?"
Napahugot ng hininga si Armida sa tanong na iyon at napatingin sa asawa niya. Matipid lang na ngumiti si Josef.
"I'm grew up around Pacific," kuwento na lang ni Armida. "Korean and Russian ang parents ko."
"Ay, ang taray!" bilib na sinabi ni Nikki. "Tapos dito ka rin nag-aral?"
Umiling agad si Armida. "Yung workplace ko before, within the country lang din."
"Taraaay!" bilib na namang sinabi ng mag-best friend. "Ano'ng work n'yo?"
Susubo na sana si Josef nang matigilan sa tanong na iyon. Nagpalitan agad sila ng tingin ni Armida para tanungin ang isa't isa kung paano iyon sasagutin.
"Uhm . . ." Napalunok na lang si Josef at nailapag ulit sa plato niya ang isusubo sana. "Well . . ."
"Sa human resources kami," sabi agad ni Armida.
"Ay, taraaay!" magkasabay na naman ang mag-best friend. "Puwedeng mag-apply?"
"Uhm . . ." Mas lalong hindi nakasagot si Josef.
"We're looking for chemist and biotechnologist," proud na sinabi ni Armida at kampanteng sumubo.
"Ay, bakla, science! Waley tayo diyan!" dismayado agad na sinabi ng mag-best friend at wala nang pumilit pa sa trabaho ng mag-asawa.
"Schöne lüge (gandang kasinungalingan)," nakangising sinabi ni Josef at napaisang iling na lang.
"Natürlich (natural)," sagot na lang ni Armida at sumubo na naman.
Si Armida naman ngayon ang susubo sana pero natigilan dahil nakatitig sa kanya ang mag-best friend at maging si Miethy.
"What?" tanong pa niya at isinubo na ang pagkain.
"Ibang language ba 'yon?" usisa ni Miethy sa kanya.
Natawa lang nang mahinhin si Armida at bahagyang tumango. "German."
"Ano yung sinabi n'yo?"
Nagkatinginan pa ang mag-asawa at mukhang napasubo na naman.
"Uhm, ano," paningit ni Josef. "Ang ganda ng araw." Nginitian pa niya sina Nikki at Nicole.
"Agree," sabi pa ni Armida at uminom ng juice habang iwas ang tingin sa kanila.
"Oohh . . ." Bilib na naman ang mag-best friend. "Ilang language ang alam n'yo?"
Nailang na lalo si Josef na sumagot. Napahimas na lang siya ng batok at alanganing tumango. "Kaunti lang."
Umayos na nang sandal si Armida sa upuan at sinagot sina Nikki. "Te us bruyant (Ang ingay mo), chan tungkar thi ca kha khun (gusto na kitang patayin). Me haga otra pregunta por favor? (Pwede bang magtanong kayo ng iba?) Wa'illa (Kundi)-"
"Sshh!" pagpigil agad ni Josef sa kanya.
"What?" tanong pa ni Armida dahil nakasimangot sa kanya si Josef. "I'm just practicing my language." Nandilat pa siya nang bahagya sabay subo ng kinakain niya. "They asked for it. Nag-de-demo lang ako."
"Taraaaay!" bilib na namang sinabi ng mag-best friend at pumalakpak pa. "Ano yung sinabi niya?" tanong nila kay Josef.
"Sabi niya," at halos irapan na ni Josef ang tanong ng mag-best friend sa kanya. "Sabi niya, ang init raw ngayon." Inalok na niya yung orange juice niya kahit sarcastic ang tono niya. "Gusto mo pa? Baka kulang yung iyo?"
"Hahaha!" natawa agad si Armida at sumubo na naman ng huling kutsara niya. "Josef knows more language than I did," pagyayabang niya sa kanilang lahat. "He used to visit different countries before kaya ang dami niyang alam na language."
"Taraaaay!" bilib na naman ng mag-best friend.
"Ang bongga n'yo, ha! Kaya siguro twice kayong ikinasal. Mayaman siguro kayong dalawa."
"Uhm!" Mabilis na tumango si Armida. "My husband is rich as fuck."
"Wow," mabilis na sagot ni Josef sabay smirk. "Why don't we talk about you, milady?" Nangalumbaba pa siya para tingnan sa gilid ang asawa niya.
"Ooohh . . ." Lalong nagningning mga mata nina Nikki at Nicole sa mag-asawa. "Sana lahat, di ba?"
"So, basically, you married each other dahil sa pera," paningit ni Fovi, na sa wakas ay nagsalita na rin.
Sabay-sabay silang napatingin kay Fovi na mukhang tapos na sa kinakain nito.
"We have our reasons why, pero hindi pera ang main reason," sagot agad ni Armida. "Huwag mong igaya sa amin ng asawa ko ang kung ano man ang kaso mo."
Automatic ang pagtaas ng kilay ni Fovi dahil sa sinabi ni Armida. "You don't love him. O mahal mo lang siya dahil may pera siya. O mahalaga lang siya because he's just rich."
Komportableng napainom si Armida ng juice na para bang ang gandang pelikula ni Fovi para panoorin niya.
"You can't even say you love him," katwiran pa nito.
"Fovi, di naman siguro need 'yon sa kanila," kontra agad ni Nicole na naiilang pang sagutin si Fovi.
"Totoo naman e," sagot pa ni Fovi. "Tama ba 'ko?" tanong pa niya kay Armida at nanghahamon pa.
Inilapag na ni Armida ang baso niya at mayabang na tiningnan si Fovi. "I planned our first wedding. I spent billions of dollars, makuha lang siya. Is it about money? I spent money, but not because of it." Humugot siya ng hininga at komportableng sumandal sa upuan niya at nginitian si Nikki na nasa harapan niya. "I don't need to say those words to prove something." Ibinalik niya ang tingin kay Fovi. "At kung failed ang marriage mo with this man," itinuro pa niya si Alex na nasa kanang gilid ni Josef, "hindi na namin kasalanan ng asawa ko 'yon. Kaya kung hindi mo gusto ang napangasawa mo, hiwalayan mo na. Hindi yung kami ng asawa ko ang pinag-iinitan mo."
Halos lumuwa ang mga mata ng lahat sa sinabi ni Armida.
"Armida!" pabulong na pagtawag ni Josef at binalaan ng tingin ang asawa niya.
Matamis lang ang ngiti ni Armida kay Josef pero mababasa sa tingin nito na ayaw talaga nitong magpatalo kay Fovi.
"Fovi, 'wag kang ma-offend, ha?" Pilit na ngiti ang ibinigay ni Miethy kay Fovi. "Alam mo naman, kakakilala pa lang, hehehe."
"Oo nga, Fovi. Chill lang tayo, ha? Chill lang," pag-awat ni Nicole.
"Yeah, right. Kalma. Breathe in, breathe out," dagdag ni Nikki.
Ramdam ang namumuong sama ng loob sa mesang iyon. Ang awkward tuloy ng atmosphere. Tiningnan ni Armida si Alex na asawa ni Fovi. Nakayuko lang at mukhang walang balak magsalita.
"You better leave her as soon as possible, Alex," suggestion ni Armida dahilan para mapatingin ito sa kanya. "She'll ruin your life. Take it from the expert's tongue." Tumayo na rin si Armida at nagpagpag ng damit. "It's nice to know you, people. Thanks for the food. Hope not to see you again." At dali-dali na siyang naglakad paalis.
"Uh," kahit si Josef ay isa na rin sa natulala sa pagwo-walkout ng asawa niya. Tiningnan niya ang mga nasa mesang iyon na nagtataka rin sa inasal ni Armida. "I'm sorry. Thank you for the food. Nice to know you, guys! I better go." Agad siyang tumayo at umalis na para habulin ang asawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top