1. Sudden Death

"Patay na siya."

"Tumahimik kayo."

Nakaupo siya sa tabi ng asawang nakaratay sa hospital bed. Ilang oras na rin silang nasa private medical hospital na iyon na pagmamay-ari ni No. 99.

"Don't you understand?! PATAY NA SIYA!" sigaw ni No. 99 sa kanya.

"Hindi . . ." Hinarap niya ang dalawa sa likuran. "Sinabi na ngang hindi!"

"Anong hindi? Wala na siyang heartbeat! Hindi na rin siya humihinga! Bakit mo ba ipinagpipilitan 'yang ideya na hindi siya patay?!"

"Dahil hindi nga siya patay!"

"For fucking sake, you brat," inis na sinabi ni No. 99 at napahilamos na lang ng mukha.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa niyang wala nang buhay. Hindi siya sumusuko kahit na ilang oras nang patay ang asawa niya.

"Alam kong hindi mo matanggap. Magkakaroon ka ng breakdown dahil sa ginagawa mo," mahinahong sinabi ni Cas.

Tumayo na siya para harapin sina Cas at No. 99

"Hindi n'yo naiintindihan. Wala kayong naiintindihan! Hindi siya patay!"

Isang malakas na sampal ang natamo niya mula kay Cas. Umaasa itong baka magising siya sa katotohanang patay na ang asawa.

Kinagat lang niya ang labi niya at tinignan nang masama si Cas.

"Wala na siya, okay . . . ? Wala na."

Puno ng kalungkutan ang mga mata niya nang salubungin ang tingin ni Cas. "Bakit ayaw n'yong maniwalang buhay siya? Hmm? Magigising din siya. Alam ko 'yon! Nararamdaman ko!" sabi niya habang tinuturo ang dibdib niya. "Asawa ko siya kaya alam ko!"

"Stop it! This is nonsense!" sigaw ni No. 99. "Kailangan na niyang i-autopsy. Tatawagin ko na-"

"Hindi n'yo siya gagalawin," mabigat niyang sinabi at tiningnan nang masama si No. 99. "Walang gagalaw sa asawa ko. And that's an order."

"Hanggang kailan mo ba balak makipagmatigasan sa amin? Patay na siya!" pagpipilit ni No. 99 sa kanina pa nila pinagtatalunan.

"Wala kang karapatang sabihin na patay na siya dahil wala kang alam!"

"May alam ako! At alam kong patay na siya kahit na ano'ng gawin mo!"

"Patay . . . ?" Natawa siya nang walang buhay. "Siya, mamamatay? Imposible." Lumapit ulit siya sa asawa niya at hinakawan ang pisngi nito. "Magigising din siya. Alam ko 'yon dahil ako ang asawa niya."

Yumuko lang si Cas at kinuyom ang kamao niya.

"Parehong-pareho kayo ng ama mo. Matigas ang ulo!" Tuloy-tuloy na lumabas si No. 99 dahil sa inis.

"Bakit mo ba 'to ginagawa, hmm? Hindi mo ba matanggap? Gano'n ba kahirap tanggapin?" malungkot na tanong ni Cas sa kanya.

"Tatanggapin ko kung wala na talagang pag-asa. Pero alam ko, mabubuhay siya. Ikaw ang ina, dapat nararamdaman mo rin kung ano'ng nararamdaman ko."

"Josef . . ."

"Limang araw . . . Bigyanmo 'ko ng limang araw lang, Cassandra. Mabubuhay siya . . ." Muli, tiningnanniya nang diretso sa mga mata si Cas. "Kapag hindi 'yon nangyari, maghanap nakayo ng bagong Fuhrer."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top