Prologue

"Sa dinami-rami ng lugar na pagkikitaan ko sa 'yo, talagang dito pa tayo nagkita," kaswal na sinabi ni sabi ni Razele habang tinitingnan ang relo niya.

Bagong taon na. Nagpalit na naman ng taon. At sa mga oras na iyon, nasa isang medical facility sila na naktirik sa loob ng teritoryo ng Citadel.

Apat na oras na ang nakalilipas mula nang sunduin siya ng mga Guardian, at naging napakatagal ng oras pagdating niya sa loob ng Citadel. Alas-dos siya nakarating at pasado alas-sais na ng gabi.

Nakatayo si Razele kasama si Laby sa harap ng ICU. Nakatanaw siya sa glass window at nakatitig lang sa nakaratay sa loob ng silid sa kabila.

"Alam mo ba kung bakit gusto niyang nagpapahaba ng buhok?" tanong pa niya sa katabi. "Kasi ang huling alaala niya noong bata pa siya, ginupit nang sobrang ikli ang buhok niya hanggang sa halos makalbo na siya."

Napabuga ng hininga si Laby at napatitig na lang din sa babaeng nasa ICU.

"At alam mo rin ba kung bakit ayaw niyang kinukulayan ang buhok niya?" pagpapatuloy ni Razele. "Kasi pakiramdam niya, wala siyang buhok." Tumango-tango pa siya para papaniwalain ang kausap. Nagpamulsa siya at humarap na sa katabi. "Kapag nagising siyang naka-pixie cut at blonde na, malamang na papatayin niya ang may gawa niyan sa buhok niya.

Naging matipid din ang ngiti ni Laby nang harapin din si Razele. "Don't worry, wala siyang na alaala."

Ilang segundo pa bago nakaimik si Razele. "Ha?"

Humugot muna ng hininga si Laby bago nagpaliwanag. "Kailangang gumawa ng paraan ng Citadel para alisin siya sa sistema. May gamot kaming ibinigay sa kanya para ma-contain ang mga alter niya. Tinaasan namin ang dosage, enough para makalimot siya. Hangga't wala siyang trigger, walang alter. Banta siya sa buhay ng Fuhrer at ito lang ang naiisip naming paraan para magkahiwalay sila."

"Pero asawa niya ang bagong Fuhrer," katwiran pa ni Razele. "Hahanapin ng taong 'yon ang asawa niya."

"May binayarang tao ang Citadel para diyan."

Napaurong ng ulo si Razele na akmang tatango nang malaki. Hindi niya naiintindihan ang nagaganap. Itinuro niya ang loob ng ICU. "Ano'ng gagawin ko sa kanya?"

"Ikaw na ang bahala," nakangiting sagot ni Laby.

"A . . . ko? Ba't ako?"

"Mas pagkakatiwalaan pa kita kaysa sa Elites, Razele," tugon na lang ni Laby. "Kung gusto mo, ibalik mo siya bilang si RYJO. Mapapakinabangan mo pa rin naman siya."

"Pero alam nilang lahat na patay na siya. Ano? Bubuhayin ko na naman?"

"Raz, alam din nilang lahat na hindi siya madaling mamatay."

"Pero—" Napataas na lang ng magkabilang kamay si Razele para sumuko. Napailing na lang din siya at saglit na tumalikod saka muling humarap. "Look, Labyrinth, alam mong galit ang lahat sa pagtalikod na ginawa niya sa associations pagkatapos ng all-out war declaration. Kapag nalaman nilang buhay pa siya bilang si RYJO, maglalapag ng mandato ang executives para sa manhunt. Susugurin kami ng ibang unit."

"Problema ko pa ba 'yon?" tanong pa ni Laby. "Basta dalhin mo siya labas at ilayo mo siya sa Fuhrer. Ang maipapangako ko lang sa ngayon, protektado ang HQ ng Citadel. Kung may sumugod sa inyo, Guardians na ang bahala sa kanila."

Napasuklay na lang ng buhok si Razele dahil sa inis. Problema ang ibinigay sa kanya ngayon ng kausap niya. Napakalaking problema. At ang masakit, hindi siya puwedeng humindi dahil Superior na ang kausap niya at hindi lang basta PIC ng kompanya nila.

"Sino yung ipinalit n'yo sa kanya rito?" pag-usisa niya.

"Siguro mas mabuting 'wagmo nang itanong," sarcastic na sinabi ni Laby. "Basta bago matapos ang araw na'to, kunin mo na siya at ilayo mo na siya sa Citadel.




-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top