Epilogue

Limang taon.

Mahabang limang taon din ang lumipas sa mga buhay nila. At dumating na ang takdang panahon para magbalik.

May annual meeting ang board ng HQ, at noon lang dadalo si Richard Zach para malaman ang status ng kompanyang kung tutuusin ay pagmamay-ari na niya. Nagpasabi naman na siya na nandoon siya bilang board member lang kaya ayaw niya ng kung ano pang seremonya na ginagawa lang para sa Fuhrer.

Makalipas ang limang taon, muling nagbalik si Josef sa HQ at nakitang nagbalik na rin ang sigla ng kompanya. Kasama niya si Xerez, kasunod ang apat pang Guardian.

Nilalakad pa lang nila ang papasok sa HQ ay binungaran na sila ng isang agent na nagpakilalang si Boris--ang magiging escort nila.

"This way, Mr. Richard Zach," sabi ng lalaking nakauniporme na may insigna ng Main Sector. Pansin nilang masyado itong bata para magtrabaho roon. Wala pa yatang dalawampu't lima ang edad nito.

Naninibago si Josef sa loob ng HQ. Ang lakas ng air conditiong system, masyadong malamig. Nakuha niya agad ang atensiyon ng mga agent na naroon at nagtatrabaho.

Mga yumuko ito sa kanya para magbigay-galang, di gaya noon na halos tutukan siya ng baril ng mga ito para patayin. Iyon lang at pinabalik din niya ang lahat sa mga ginagawa nito.

Dinala siya ng lalaking agent sa lobby sa kaliwang panig ng entrance. Malawak doon, may ilang mga halamang display sa gilid. May mahabang navy blue couch, at may dalawang magkaharap na single-seater na pinagigitnaan ng isang coffee table. Tanaw na tanaw ang maaliwalas na  paligid sa labas mula sa glass wall. Halos manilaw ang paligid sa sobrang tirik ng pangtanghaling araw.

Napahinto si Josef sa paglalakad nang makitang may nakaupo sa dapat na upuan sana niya bilang mahalagang bisita roon.

"Uhm," kahit ang escort ay natigilan din at nakagat ang labi nang mapayuko.

Pare-parehas silang natahimik habang nakatingin sa nakaupo roon sa upuang iyon.

"I'm sorry, Mr. Zach. Uhm . . ." Kitang-kita sa mukha ng escort na hirap itong paalisin ang nakaupo roon. "Mr. Zach—" Yumuko ito nang sobrang baba na halos umabot na sa baywang ang pagyukod. "Parusahan n'yo na lang po ako!"

Napataas ng magkabilang kilay si Josef at biglang kumunot ang noo pagkatapos. Nagulat siya dahil parang mas gusto pa nitong maparusahan kaysa ang paalisin ang kung sinuman ang nandoon lang naman nakatambay.

"No need," sabi na lang ni Josef. "Sa kabilang upuan na lang ako uupo. Baka importante rin siyang bisita." At nagbukas na siya ng butones ng suit at saka umupo na nga sa kabilang upuan na kaharap ng upuan sana niya.

"Maraming salamat, Mr. Zach!" malugod na sinabi nito at dumiretso na ng tayo. "Kukuha na po ako ng maiinom."

Umalis na rin ang escort nila pagkatapos.

Komportable namang nakaupo si Josef sa upuang napili kahit wala namang pagpipilian kung tutuusin. Pinagmasdan niya ang nakaupo sa kabilang upuan. Nagbabasa lang ito ng malaking libro na nakatakip sa halos buong katawan nito habang kinukuyakoy ang mga paa. Sa coffee table na nakapagitan sa kanila, nakalapag doon ang isang malaking carton ng chocolate milk, ilang cookies na nasa platito, at may prutas pa sa isang bowl.

Naisip niya, mukha ngang importanteng bisita--mas importante pa sa kanya--dahil maiinom lang ang inalok sa kanya ng escort samantalang ang kaharap ay may pameryenda pang ibinigay. 

Napasulyap si Josef sa mga agent na pinanonood pala sila sa mga sandaling iyon, pero nang idako niya sa buong lobby ang tingin ay biglang naging abala ang mga ito na parang walang nakikita.

Napabuntonghininga na lang tuloy siya dahil doon.

"Ugh!" Naibalik niya ang tingin sa kaharap dahil padabog nitong ibinaba ang libro at napakamot ng ulo. "This is sooo frustrating."

Nanlaki ang mga mata ni Josef dahil sa nakita. Kanina pa naman niya napapansin na batang lalaki iyon, pero mas nagulat siya kilos nito na parang napakaproblemado nito sa binabasa. Napaisip siya na ano naman ang poproblemahin nito sa binabasang libro samantalang kung siya nga na laging puno ang mesa, hindi naman na-frustrate nang ganoon. Ang bata-bata pa, problemado na sa buhay.

Bigla siya nitong tiningnan at itinuro nito ang book cover ng binabasang libro. "They didn't put Mauritius here!" reklamo nito na parang napakaimportanteng bagay niyon.

Napataas ng magkabilang kilay si Josef at bahagyang napangiti. Pagtingin niya sa tinuturo nito, wala nga roon ang tinutukoy dahil kung tutuusin, masyado naman talagang maliit ang bansa para isama pa.

"Guess someone lost his job for not putting Mauritius on your book, hmm?" nakangiti niyang sagot sa batang lalaki.

Biglang umikot ang mata ng bata at mababasa sa mukha nito ang pagkairita. "They should put everything on the map!" Isinara nito ang libro, inilapag sa malaking espasyo ng inuupuan at saka nagkrus ng mga braso saka sumimangot.

Natutuwa siya rito. Mestisuhin kaya angat ang mamula-mulang pisnging matambok. Maganda ang pagkakasuklay sa natural na kulay brown na buhok palikod. Ang tingkad ng kulay ng mata nitong brown na brown at matangos ang ilong kahit bata pa. At napatunayan nga niyang importanteng bisita ito dahil nakasuot ng pulang tuxedo na ipinares sa isang pulang short.

"Don't you like what you read?" nakangiting usisa ni Josef sa bata. Nagkrus pa siya ng mga binti at ipinatong sa kaliwang armrest ang braso. Senyales na natutuwa siya sa inaakto ng bata.

"Mama said I need to finish the book before she returned," bossy na paliwanag nito.

Natatawa na lang si Josef dahil napaka-bossy ng bata sa pinaka-boss ng lahat na nandoon. Iniisip niyang kung alam lang ng bata kung sino ang kinakausap nito.

"That's World Geography, kid," sabi ni Josef na balak patulan ang attitude ng batang kausap. "Familiar with countries?"

"Uhm-hmm!" Tumango ito nang malaki.

"Good. What's the capital of Mauritius?"

"Port Louis!" proud na sagot nito.

"Mongolia?"

"Ulaanbaatar!"

"Yugoslavia?"

Bigla itong naghiwalay ng mga braso at ipinatong sa magkabilang arm rest ang mga kamay kahit na halos dumipa na ito para lang maabot iyon.

"It's Federal Republic country and made up of seven constituent republic; Bosnia, Herzegovina, Croatia, Macedonia, Montenegro, Serbia, and Slovenia," pagyayabang nito kay Josef para ipaliwanag na hindi lang isang bansa ang huling tanong nito.

At kahit hindi magsalita ay bakas sa mukha ni Josef ang pagkamangha sa batang kausap. Ni hindi man lang nautal sa paliwanag nito at halatang alam ang sinasabi. "What's your name, kid?"

"Mama said I won't say my name if people don't tell them first."

"Uhm," napatango si Josef sa sinabi ng bata. "Your mother is strict, huh. I'm the Fuhrer," simple niyang pakilala na parang walang espesyal sa titulong iyon.

"Fuhrer means leader!" masayang sinabi nito na may nagningning na mga mata. "Are you a leader?"

Nagusot ang magkabilang dulo ng labi ni Josef at napatango-tango. "I guess I am."

Bzzt! Bzzt!

Saglit silang napahinto sa pag-uusap dahil sa tumutunog na iyon.

Mabilis na kinuha ng bata ang phone sa kanang gilid nito at hinawakan iyon gamit ang maliliit na magkabilang kamay. Inilayo nito nang bahagya sa sarili ang phone at itinutok sa mukha.

"Hello, Soldier! News?" bati sa kabilang linya na dinig hanggang sa puwesto ni Josef. Mukhang video call ang tawag.

Natawa na lang si Josef dahil mukhang agent ng HQ ang ina ng batang kausap. O kung hindi man agent, malamang na VIP rin.

"Mama, they didn't put Mauritius in my book!" reklamo ng bata sa phone.

"Oh, they didn't put Mauritius in your book!"

"Yes!" sagot ng bata na nakasimangot at tumango-tango pa para papaniwalain ang kausap.

"Then, what are we gonna do with that, young lad?"

"I want a book with Mauritius on it!"

"You want a book with that place? Okay, Soldier, we'll buy a whole library and you'll search for your Mauritius, you fine with that?"

Saglit na nandilat si Josef nang marinig na mukhang mayaman ang ina ng bata dahil halatang ini-spoil ang anak nito. VIP nga talaga, sa isip-isip niya.

"Mr. Zach," anang escort kanina na may dala nang kape bilang maiinom.

Gusto sana niyang manghingi rin ng pagkain gaya sa bata kaso baka isipin ng escort, naiinggit siya sa kaharap.

Kinuha na lang ni Josef ang kape at matipid na nginitian ang lalaki. "Thank you."

Yumukod lang ito at umalis na ulit.

"Mama, there's a man talking to me," reklamo ng bata kaya napasulyap doon si Josef habang humihigop ng kape.

"I already warn them about you, ah. Did someone throw you out of your seat again? Want me to punch them in the face?"

"No. But he looks like Daddy."

"Pfft! Ugk! Ugk! Ugk!"

"Lord Ricardo," pagdulog ni Xerez na nagulat din dahil napabuga ng kape ang amo niya.

"Oh, he looks like Daddy?" tanong pa ng babae sa kabilang linya. "Is that so?"

"He said his name is the Fuhrer, Mama."

"MAXIMILIAN!" sigaw sa kabilang linya na masyadong malakas para marinig na ng ibang agent na nasa lobby. "DON'T GO ANYWHERE, KID! WAIT FOR ME!"

"Ugh! She's shouting again." Bigla nitong ibinalibag sa gilid ng upuan ang phone at nagkrus na naman ng mga braso na parang inis na inis na naman. "She's really annoying." Umirap-irap pa ito at umiling na parang matandang aburido kung kumilos. Binalikan nito ang libro at binuklat iyon sa kung saang pahina.

Habang si Josef, nakaawang lang ang bibig at hindi makapaniwala sa nakikita sa mga sandaling iyon.

Ang batang huli niyang nakita sa isang baby picture noong nakaraang limang taon . . .

Iyon na ang batang kausap niya ngayon.

"MAX!"

Nang magtagpo-tagpo ang mga tingin nila, parang huminto ang mundo para sa kanila sa mga sandaling iyon. 











To be continued . . .

Next Book: Secrets of the Malavegas

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top