4: Blood and Crimson

Sa HQ . . .

Nasa Main Sector si Razele at inaayos ang mga mission na nakatengga sa kanila. Walang ibang laman ang mesa niya kundi mga notice of dissolution at liquidation. Pulos mga warning na malapit nang mawala ang kompanyang matagal na niyang hinahawakan.

Wala pa man, nalulungkot at nadidismaya na siya.

"Hmm . . ." Napansin niya ang isang folder na nakasiksik sa mga notice. Binuksan niya iyon at binasa ang laman.

"Aspasia," pagbasa niya sa pangalan ng profile.

Pamilyar siya sa pangalan. Family assassin ng mga Altagriona.

Wala itong malinaw na personal background. Walang magulang, walang kapatid, walang recorded na pamilya.

Kung titingnang maigi, maganda ang background para maging assassin. Walang hahabulin ang mga kaaway nito.

Pagtingin niya sa skills, isa rin itong distance killer gaya ni RYJO. Isa ring high-skilled assassin. Ang kaibahan lang nito sa Slayer, weapon-maker si Aspasia. May ibang pinagkokompara ang dalawa pagdating sa kakayahan. Pero kung siya ang tatanungin, pagdating sa lakas ng isipan, di-hamak na mas lamang si Aspasia kaysa kay RYJO.

Tiningnan niya ang mandato tungkol kay Aspasia.

Manhunt, order galing sa Citadel. May tag na as ACCOMPLISHED at ipinadala na raw ito sa Citadel para sa i-summon sa Oval noong nakaraang taon pa. Nasa mesa lang niya para ipaalalang kailangan nang bayaran ang agent na gumawa ng mission. Napakamot tuloy siya ng ulo. May kailangan pa pala silang bayarang ahente, wala nang pera ang HQ.

Pero maliban doon, biglang kumunot ang noo niya.

"Ano kaya ang gagawin nito sa Citadel?" bulong niya sa sarili.



***


Alas-onse na ng gabi at talagang wala nang uwian si Razele sa office niya sa Main Sector. Pakiramdam niya, mas nakakatakot pang umuwi sa asawa niya dahil baka ito na ang pumatay sa kanya. Ginagawa niyang bahay ang opisina.

Hindi kasi siya puwedeng umuwi muna dahil paparating na ang bisita ng HQ mula Central. Ilang araw na nga siyang nasa HQ at wala talagang labasan sa kompanya.

Makailang beses na niyang tiningnan ang wristwatch niya, pagkatapos ay titingin sa orasan sa gilid ng pinto ng opisina para tingnan uli ang oras kung pareho ba ito ng nasa relo niya.

Ginawa na lang niyang parang ride sa amusement park ang swivel chair at nagpaikot-ikot doon na parang bata para lang malibang.

Inaantok na nga siya kung tutuusin. Kung hindi lang executive ng Central ang paparating, malamang na natulog na lang siya o di kaya ay umuwi na agad sa bahay.

Abala siya sa pag-ikot-ikot at pagbato-bato sa hangin ng stressball niya nang biglang . . .

"Ano na naman ang niluluto mo rito sa HQ ha, Razele?"

Napahinto siya sa pag-ikot-ikot at dahan-dahang hinarap ang nagsalita.

"Well, hello, Crimson!" maligaya niyang pagbati sa matangkad na lalaking naroon sa pintuan. "Had a long ride?"

Halatang wala itong panahon para makipagbiruan sa kanya. Seryoso itong lumapit at tumayo sa harapan ng office table niya. "Alam kong hindi ikaw ang tipo ng taong bubuhay ng isang taong dapat ay matagal nang patay." Nagkrus ito ng mga braso at naningkit ang mga mata. "Where is she?"

Tumayo na lang si Razele at hindi na sinagot si Crimson sa tanong nito.

Sa katunayan ay hindi niya inaasahan na si Crimson ang pupunta. Si Ranger kasi ang tinawagan niya. Malay ba niyang ito ang may hawak ng telepono pagtawag niya.

At ang presensya ni Crimson sa HQ ay simbolo ng napakalaking kaguluhan. Lalo pa, si RYJO ang ipinunta nito roon.

"Kapag siya na ang pinag-uusapan, kahit nasa mission ka, pupuntahan mo pa rin talaga siya, ha," sabi ni Razele at nagtungo na lang sa pintuan ng office niya. "Nasa kabilang panig ka ng mundo but you managed to get here sa loob lang nang tatlong araw. Hindi naman 'to urgent case."

"I'm asking you where is she, Razele," mariing sinabi ni Crimson, puno na ng pag-uutos ang tinig.

Napabuga na lang tuloy ng hininga si Razele at itinuro ng ulo ang daan. "Follow me."

Hindi alam ni Razele kung ano ang balak gawin ni Crimson kay RYJO. Basta ang alam lang niya, galit ito sa babae. Iniisip na lang niya na baka dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa lahat noong nagdeklara ito ng all-out war.

Lahat naman sila, alam kung ano ang kaugnayan ng dalawa sa isa't isa. Buong buhay ni RYJO, si Crimson ang kasama nito. Mula pagkabata hanggang pagtanda. Kahit nga noong auction, nakuha pang bisitahin ni Crimson si RYJO sa bahay ng napangasawa nito—na sorpresa dahil ang taong iyon ay walang iba kundi si Shadow. At mas nakasosorpsesa pa dahil iilan lang silang nakakaalam na si Shadow na ang idineklarang bagong Fuhrer.

Dumiretso si Razele sa bumukas na elevator at sumunod sa kanya sa loob si Crimson. Pupunta sila ngayon sa floor 3B kung saan naroon sa kasalukuyan si Erajin.

"Heads up lang, she can't remember anything," paunang paalala ni Razele habang nakatingin nang diretso sa pinto ng elevator.

Napansin niyang sinulyapan siya ni Crimson sa reflection ng elevator.

"She always play with her mind. Naniwala ka namang wala siyang maalala? Really, Razele?" sarcastic na sagot ni Crimson at idiniretso na naman ang tingin.

Sinubukan ni Razele na huwag maglabas ng kahit anong facial reaction kahit na gusto na niyang ipaikot ang mga mata niya at umiling.

"Matalino kang tao, Raz," pagpapatuloy nito. "If you're trying to change my mind using that reason, better try next time."

Kating-kati na si Razele magbuntonghininga pero kailangan niyang tiisin. Hindi rin naman kasi si Crimson ang tipo ng taong madaling mauto. At hangga't may mapipiga siya sa tao, pipigain niya ito kahit na tuyong-tuyo na.

Iniisip niyang kung si Ranger ang pumunta, malamang na maiintindihan siya nito. Iyon nga lang, hindi si Ranger ang pumunta.

"Ayoko siyang puwersahing magsalita. Magsasalita naman siya kung talagang gusto na niyang magsalita, di ba?" paliwanag ni Razele, pilit pinaniniwala si Crimson.

"Naging maluwag ka na sa kanya, Razele. Hindi na bata si Erajin na ii-spoil mo pa dahil lang sinabi niyang wala siyang maalala. Para kang bago nang bago ah." Dama ang inis kahit na sinabi iyon ni Crimson sa pinakamahinahong paraan.

Kahit na gusto niyang mag-facepalm, magkamot ng ulo, himasin ang noo, at sabunutan ang sarili dahil nagsisimula na si Crimson sa interrogation nito ay hindi magagawa ni Razele. Lalo lang niyang bibigyan ng dahilan si Crimson para hindi siya paniwalaan.

Pinanatili lang niya ang poker face at composure para naman kapani-paniwalang hindi siya kinakabahan sa pinaplano.

"Tingnan mo na lang ang lagay niya saka ka magsalita." Iyon na lang ang nasabi ni Razele.

Pagkalipas nang ilang sandali, lumabas na sila ng elevator at agad na nagpunta sa U-Office.

Nauna nang pumasok sa loob si Razele.

Nakauwi na sina Tank. Hinihiling niyang sana lang talaga lahat, nakauwi na rin. E kaso, nandoon pa rin siya at kausap pa ang isang sakit sa ulo.

Walang ibang laman ang opisina kundi si Erajin na kumakain lang ng tinapay sa mga sandaling iyon.

"Razele, hanggang kailan ako rito?" inosenteng tanong ni Erajin sabay subo ng tinapay.

Tiningnan naman ni Razele ang mesita sa harap ni Erajin. Tatlong 1.5 liters na tubig at isang can ng orange juice, limang balot ng loaf bread, dalawang bote ng strawberry jam at tatlong peanut butter bilang palaman na ang nauubos nito. Pang-anim na balot ng tinapay na ang kinakain nito ngayon.

Kanina noong huli niya itong nakita, kumakain ito ng tinapay. Ngayon, tinapay na naman.

"Kulang pa ba? Gusto mong magpadala pa 'ko?" tanong ni Razele. Alam niya kasing kulang ang tinapay bilang pagkain nito dahil halos labintatlong araw itong walang full meal na kinakain.

Masaya namang tumango si Erajin. "Padagdag ng chocolate!" nakangiting sinabi nito. "Saka pala—" Napahinto ito sa sinasabi at agad na tiningnan ang lalaki sa likod ni Razele.

"O!" gulat niyang nasabi at naituro pa ang lalaking iyon. Ibinaba niya ang hawak na tinapay at tumayo na. Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki sa likod ni Razele. Walang ibang mababasa sa mukha ng babae kundi gulat.

Poker-face lang siyang tiningnan ni Crimson habang minamatyagan nito ang kilos niya.

Itinulak ni Erajin si Razele palayo sa kinatatayuan nito. Hinaguran ng tingin ni Erajin si Crimson habang pinapaikutan niya ito.

Mataas itong lalaki, higit sa anim na talampakan ang taas. Kasintaas lang din ni Tank. Di-hamak na mas maganda ang tindig nito, lalo na at nakasuot ito ng smart casual attire na light blue and white combination.

Tumaas ang kilay ni Crimson nang bigla siyang amuyin ni Erajin.

"You smell familiar. Hindi gawa ng pabango." Umatras ng isang hakbang si Erajin nang makaharap sa lalaki at tiningnan nang diretso si Crimson sa mga mata nitong matingkad ang pagkaka-brown. "Nagkita na ba tayo dati?"

Nagkatinginan bigla sina Crimson at Razele dahil sa sinabi ni Erajin.

"Razele, parang kilala ko siya," sabi pa ng babae.

Gustong-gusto nang magwala sa saya ni Razele dahil sa narinig. Unti-unti, nabibigyan siya ng pag-asang baka nga si Erajin talaga ang kaharap nila at makapagbigay na ng sapat na patunay na ito nga ang totoong si RYJO.

"Erajin," pagtawag ni Crimson.

Tinitigan lang ni Erajin ang lalaki. Wala siyang ibang mabasa sa mga mata nito. Parang napakalalim niyon at kahit anong intindi niya ay wala siyang mahita kundi kawalan.

"Never dare use that name," sabi na lang nito sa kanya. "Hindi dahil kamukha mo siya, ipagpipilitan mo na ang sarili mong maging siya."

Imbis na sumagot, nanatili pa rin ang titig niya rito na parang pilit na inaalala kung saan sila nagkitang dalawa.

"What a disappointment, Razele." Tiningnan ni Crimson nang masama si Razele. "You wasted my time, you wasted your chance." Itinuro niya si Erajin. "This lady won't do you and this branch any good."

Doon na naibuga ni Razele ang buntonghiningang kanina pa niya iniipon. "E di, hindi siya si Erajin. Nagbabakasakali lang naman akong baka siya."

Sa totoo lang, gusto nang isuko ni Razele ang ideyang si Erajin ang babaeng kasama nila. Lalo pa't si Crimson ang kausap niya.

"You'll definitely regret this, Razele." Tumalikod na si Crimson at akmang aalis nang bigla siyang hatakin ni Erajin.

"Saglit lang!"

"Get your hands off me!" galit na sigaw ng lalaki at marahas na itinulak si Erajin.

"Ah—!"

Napalakas ang puwersa ng pagkakatulak ng lalaki at halos mabalibag si Armida sa center table kung nasaan ang kinakain nito.

"Aray!"

"Jin!" sigaw ni Razele at dinulugan agad ang babae.

Pare-parehas silang napatingin dito nang makita ang kamay nitong tumama sa bread knife.

"Crimson, ano ba?!" galit na sigaw ni Razele habang hawak ang kamay ni Erajin. Pagbalik niya ng tingin sa kamay nito. "Oh shit."

Nanlaki ang mga mata nila nang makitang dahan-dahang kinakain ng balat nito ang mababaw na bagong sugat gawa ng kutsilyo.

Gulat ding itinago ni Erajin ang kamay niya sa likuran at pinandilatan si Razele.

"Jin . . . ?" nag-aalalang pagtawag ng lalaki. "Ikaw nga si Erajin . . ."

Mabilis na umiling si Erajin at gumapang sa kanila palayo. "Hindi. Hindi!"

Nagkatinginan na naman sina Crimson at Razele na parehong hindi makapaniwala sa nangyari.

"I'm taking her," iyon na lang ang nasabi ni Crimson at akmang lalapitan si Erajin.

"No!" sigaw ni Razele at mabilis na nilapitan si Erajin. Kinuha niya ang kamay nito at marahas na itinayo.

"You don't dare disobey me, Razele!" galit na sigaw ni Crimson.

Ginapangan na agad ng kaba si Razele habang nakikita si Crimson na puno ng galit at pagbabanta ang mga tingin.

Parehas pa naman silang walang dalang kahit anong armas sa mga sandaling iyon. Hindi rin naman nila kailangan ng armas sa office work.

"Razele?" natatakot na pagtawag ni Erajin nang itago siya ng lalaki sa likuran nito.

"Alam mo, mamamatay ako sa ginagawa natin ngayon," bulong pa ng lalaki sa kanang gilid.

Binuksan ni Crimson ang dalawang itaas na butones ng blouse niya at inangat ang mga manggas ng damit.

"Don't dare fight me, Raz," babala ni Crimson.

Ang lalim ng hugot ng hininga ni Razele dahil sa kaba.

Hindi naman sa hindi niya kayang talunin si Crimson. Alam lang niya na kapag naglaban sila, talagang mapupuruhan nila ang isa't isa.

Napalunok tuloy siya.

"Jin?"

"Bakit?"

Dahan-dahan ang buga ng hininga ni Razele ng hangin para pakalmahin ang sarili.

"When I say run, you run. Understand?"

"Ha?"

"RUN!"

"HA?!"



-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top