33: Positive

"Gab, location?"

"We're following the van."

Napasulyap agad si Markus kay Erajin na nakaupo lang sa sa loob ng van. Nakapatong ang kanang braso nito sa kanang tuhod at nakadiretso naman ang kaliwang binti.

Kanina pa niya dinidiinan ang sugat sa balikat na natamo nang patamaan siya ng kutsilyo ni Daniel. Bahagya naman nang humina ang pagdurugo at mabuti na lang dahil walang mahalagang ugat na natamaan dahil doon.

"Erajin, sigurado ka bang hindi mo natatandaan si Shadow?" pang-uusisa sa kanya ni Mephist na nakaupo lang sa bandang ulunan ni Daniel na nakahiga sa sahig ng van.

Hindi sumagot si Erajin, hindi rin masasabing nakatulala. Nakatingin lang ito sa harapan na parang nag-aabang na may lalabas doon sa haligi ng van kahit wala naman.

Lumiko ang van sa kanan at ilang saglit pa ay huminto na.

Sabay-sabay silang napatingin sa likurang pinto ng van nang bumukas iyon. Dumulog agad sa kanila ang mga nurse na hindi magkandaugaga sa pag-assist sa kanila para makuha ang katawan ni Daniel.

Inilagay ang katawan nito sa stretcher at patakbong ipinasok sa ospital kung saan sila dinala ni Razele.

Pagbaba nilang lahat sa van, una nilang tiningnan si Erajin na walang mababasang emosyon sa mukha nang maglakad papasok doon.

"Jin," pagpigil ni Razele at hinawakan ang babae sa kanang braso nito.

"Gusto kong malaman kung paano umabot ang lahat sa ganito," ani Erajin na diretso lang ang tingin ngunit parang ang layo ng tinatanaw. Nagpatuloy siya sa paglakad papasok ng ospital.

"Raz," seryosong tawag ni Mephist. Pareho silang napabuntonghininga nang magsalubong ang tingin.

"Hindi 'to ang inaasahan kong mangyari," dismayadong sinabi ni Razele.

"Miss!"

Napatingin silang lahat sa loob ng ospital at nanlaki ang mga mata nila nang makitang bumagsak si Erajin.

"Jin!"

Magkakasabay na tumakbo sina Razele, Mephist, at Markus para lapitan ang babaeng nawalan ng malay.

Mga nurse na ang kumuha rito at binuhat para dalhin sa pinakamalapit na ward.

"Sir, saglit lang po," pagpigil sa kanila ng isang babaeng hospital attendant doon. "Sino po sa inyo ang kasama ng—"

"Ako, miss!" putol ni Razele na panay ang lingon sa direksiyon kung saan dinala si Erajin. Lumapit siya sa isang section ng lobby ng ospital at inalam kung ano ang mga kailangang pirmahan para sa mga kasama niya.

"Sumunod ka na lang sa 'min," madaling sabi sa kanya ni Mephist at tinapik siya sa balikat bago nito tinakbo ang mga nurse na nagbuhat kay Erajin paliko sa kaliwang hallway.

"Sir, paki-fill up na lang po nito," sabi ng attendant at nilapagan siya ng mga papel.

"Miss, ako rin ang guardian ng naunang dalhin dito. Yung tumawag ng emergency," paalala ni Razele.

"Vargas po ba, sir?" tanong ng attendant sa apelyido niya.

"Yes, miss," sagot agad ni Razele at matipid na nginitian ang attendant.

"Raz!"

Napalingon si Razele sa entrance ng ospital at nakitang humahangos doon si Brielle kasama ang Fuhrer at si Aspasia.

Noon lang niya napansin si Brielle na ang daming tuyong dugo sa katawan.

"Ma'am, magpapa-admit po ba kayo?" tanong ng attendant kay Brielle nang mapansin din nito ang ayos niya.

"I'm good, thanks," sarcastic na sinabi ni Brielle at inirapan ang babaeng attendant bago ibinaling ang atensiyon kay Razele. "Where are they?"

"Si Markus, pumunta na sa ER. In-assist naman siya ng nurse. Sinamahan siya ni Mephist."

"Si Erajin?"

Napasulyap si Razele kay Josef na nasa likuran ni Brielle at nakikinig lang sa kanila. "She passed out. Dinala yata siya sa ward kasama si Markus."

"Where is she?" tanong agad ni Josef.

"Somewhere on that left hall," turo ni Razele sa huling direksiyong nakita kung saan dinala ang asawa ng Fuhrer.

"Thank you," madaling sabi ni Josef at dali-daling hinanap ang asawa niya.

"What about Dan?" tanong ni Brielle na naiwan doon.

"I don't know, Gab," malungkot na sagot ni Razele at napailing na lang.





Walang may gusto sa lahat ng nangyari. Wala rin naman kasi iyon sa inaasahan nila.

Pare-parehas silang nasa emergency room. Masyadong malaki ang lugar, tabi-tabi ang mga hospital bed na ang tanging naghihiwalay lang sa bawat kama ay makakapal na berdeng tela na hinahatak na lang mula sa metal na sinasabitan nito sa kisame kapag kailangan ng privacy ng mga pasyente.

Ginagamot ang sugat ni Markus sa balikat. Nalinisan na iyon at naturukan na rin ito ng ilang antibiotic at anti-tetanus. Malalim ang hiwa pero mabuti dahil huminto na ang pagdugo kaya tinatahi na lang. Nasa gilid nito ang asawang si Brielle na pinanonood kung paano tahiin ang sugat ng lalaki.

"Three stitches," sabi ni Brielle at nagusot ang magkabilang dulo ng labi habang tumatango. "Not bad."

Napasulyap tuloy sa kanya ang lalaking nurse na nagtatahi ng sugat ni Markus. "Ma'am?"

"Ah!" Napangiti na lang nang matamis si Brielle. "Nothing," sagot niya at inilahad ang palad. "Continue."

"You sure you're fine?" tanong ni Markus sa asawa.

"My stomach hurts a lot. Ang lakas sumipa ni Erajin," sabi ni Brielle.

"Gusto mong magpa-check up?"

Sinulyapan ni Brielle ang nurse na pasulyap-sulyap sa kanya.

"I can manage," sagot na lang ni Brielle at binalikan ang pagtitig sa sugat ni Markus. "Mas nag-aalala ako kay Erajin. Kanina pa kasi hindi nagkakamalay."

"May bago ba?" sabi ni Markus habang nakatingin sa mukha ng asawa niyang napakarungis. Saglit niyang pinunasan ang pisngi nito para mabawasan man lang ang duming naroon.

"Markus, ang bago ro'n, kasama niya ang Fuhrer at Superior na siya," paliwanag ni Brielle.

"Sir, okay na po," sabi ng nurse at nginitian silang dalawa. "Pakihintay na lang po si doc."

Matipid ding ngumiti ang mag-asawa at tumango. Pinanood nila ang nurse na umalis dala ang lahat ng ginamit nito sa pagtahi.

"Where's Jin again?" tanong ni Markus.



"Will you stop walking, huh?" inis nang pakiusap ni Mephist kay Josef dahil kanina pa ito palakad-lakad sa dulo ng kama, kagat-kagat ang kuko ng hinlalaki at bakas na bakas sa mukha ang pag-aalala. "'Wag kang ngang paranoid. Buhay pa naman si Erajin."

"Paano ako hindi mapa-paranoid, ha?" inis ding balik ni Josef nang mapahinto at humarap kay Mephist. "This is not the first, nor second, nor third time, na nakita kong nasa hospital bed si Armida! Parang linggo-linggo na lang!"

"Ssshh! May iba pa pong pasyente rito!" sermon sa kanila ng isang nurse na nasa kabilang kama.

Natahimik din sila pero nag-usap na lang gamit ang matatalim na tingin.

Marahas na napabuga ng hininga si Josef at napahilamos dahil sa inis.

"You won't understand," mahinahon nang sinabi niya sa kanila.

"Brother, we understand it more than you," kontra agad ni Markus. "We saw Jin died a lot of times. Huwag kang overacting, masanay ka na lang."

Napangiwi agad si Josef dahil doon. "Masanay na lagi siyang namamatay sa harapan ko? Naririnig mo ba 'yang sarili mo?"

"Fucker, how many times do we need to tell you, hindi siya patay this time? Ako, naiinis na sa katigasan ng ulo mo e," inis na sinabi ni Brielle at akma sanang susugod pero hinawakan agad siya sa balikat ni Razele.

"Easy, Gab. Nag-aalala lang yung tao sa asawa niya," mahinahong sinabi ni Razele.

"E 'yan kasi, nakakaaburido na e," galit nang sabi ni Brielle habang dinuduro si Josef.

"Excuse me."

Sabay-sabay silang napahinto sa pagtatalo nang may marinig na boses ng babae.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Isa-isang tiningnan ng doktor sina Razele na nakatambak doon sa dulo ng higaan kung nasaan si Erajin.

"Ako ang asawa," sabi agad ni Josef. "Ano'ng nangyari sa kanya?"

"We're still running some test, sir," sabi ng doktor at binasa ang naunang diagnosis na ginawa kay Erajin, "pero based sa naunang result, wala namang ibang problema si Mrs. Hill-Miller. Below normal ang blood pressure at pulse rate. But not alarming . . ."

"Hill-Miller?" Naniningkit ang mga mata ni Josef nang ibaling ang tingin kay Razele na biglang napatago sa likuran ni Mephist nang makasalubong ang tingin niya.

"Hinihintay pa namin ang ibang result, pero suggested na bawasan ang stress ni misis kasi makakasama sa baby. Fatigue ang dahilan kaya siya nahimatay. Please ensure na wala siyang ginagawang extreme activities, lalo ngayon, naulanan siya."

"Wait. Ano ulit? Sa . . . an?" utal na tanong ni Brielle. "Baby? Like . . . a small human?"

Ngumiti naman nang matamis ang babaeng doktor. "Yes, Mrs. Hill-Miller is pregnant. Waiting pa kami ng ultrasound result niya para malaman kung ilang weeks na ang bata." Binalingan ng doktor si Josef na nakatulala sa kanya habang nakanganga. "Babalik ako later, and please, don't overcrowd the bed para makaikot ang hangin dito. Thank you."

At iniwan na sila ng doktor.

Pare-parehas silang natahimik habang nakatingin kay Josef na nakatulala pa rin.

"I'm having goosebumps right now, people," sabi ni Brielle na napapagpag ng braso dahil talagang kinilabutan siya sa ibinalita ng doktor.

"Jin is having a kid," sabi ni Markus na nakatingin kay Erajin at parang pilit inuunawa ang idea. "Jin is having a kid . . . okay. Okay?"

Napadausdos papaupo si Josef gawa ng panghihina.

"Josef!" Si Mephist na ang sumalo sa kanya bago pa man siya tuluyang mapasalampak sa sahig.

Napakapit agad sa metal na dulo ng hospital bed ni Armida si Josef at napalunok na lang nang sulyapan ang asawa niyang wala pa ring malay sa mga sandaling iyon.

"Oh God . . ." Parang pinutol ang paghinga niya at bigla ring ibinalik. "Oh my god . . ."

"Uhm . . ." Tinapik na lang ni Mephist ang balikat niya at matipid itong ngumiti. "Congratulations."

Gusto sana nilang magsaya sa mga sandaling iyon, pero sa sobrang gulat sa nalaman, para bang lumutang bigla ang mga isipan nila dahil sa katotohanang narinig.

Hindi lang nila alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Erajin paggising nito kapag nalaman nito ang pagdadalantao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top