31: Face Off
Nakikita n'yo ba yung media? Iyan yung portrayer ni Markus/Neptune hahaha 2014 days hahaha
------
Alas-dose ng tanghali. May narinig na pagsabog si Erajin mula sa malayo. Hindi iyon malakas sa pandinig, pero alam niyang hindi iyon magandang balita. Hindi tuloy niya naiwasang silipin ang bintana mula sa sarili niyang kuwarto sa bahay ni Daniel para malaman kung ano ang nangyayari sa labas.
Mukhang payapa sa paligid, hindi niya alam kung saan galing ang pagsabog na narinig.
Nagkasundo na sila ni Daniel na papatayin niya si Shadow. Pero kailangan pa muna niyang hanapin ang taong iyon kung sakali mang sundin niya ang lalaki. Pero nakausap na niya si Markus. At kung sakali mang magkita-kita sila, wala pa siyang naiisip na gagawin kung sakali mang dumating ang oras na iyon.
May naririnig siyang tunog mula sa labas. Tunog ng alarm, mula nga lang sa malayo.
"Erajin," pagtawag ni Daniel mula sa pintuan. Nagulat siya dahil may dala na itong baril at nakabihis na ito.
"What's happening?" takang tanong niya.
"They're here," ani Daniel na parang hinihintay talaga ang tinutukoy nito.
"They?"
Nagbato ito ng armas sa kanya na sinalo niya rin naman. "It's time."
***
Patuloy ang pagsabog sa unang kilometro ng casa. Bumabagsak na ang mga patak ng ulan paunti-unti.
"Shadow, location?" tanong ni Neptune sa linya ni Josef.
"Your map is outdated," sabi ni Josef na patuloy lang sa pagtakbo. "Blocked ang daan na binigay mo sa blueprint. I need to find another way out and it's far from the main house."
Nag-check ng coordinates si Markus at nakitang imposible ang plano nilang dumirekta sa main house. "Negative. Wala nang daan papuntang main house. Ang nearest exit is half kilometers away from the residence."
"I'll go with that. Give me directions."
***
NNNNGGG! NNNNGGG!
Paulit-ulit lang ang tunog na iyon sa unang kilometro ng casa.
Bukas na ang alarms. Malakas na ingay ang pumupuno sa buong lugar. Lahat ng guards ay nagsisimula nang kumilos.
Isinasara na ang lahat ng puwedeng isara. Binubuksan na ang dapat buksan. Sumugod na ang AFV na minamaneho ni Razele. Lumipat sa likuran si Mephist at siya na ang nakatokang mag-operate ng machine gun sa bubong ng van. Magkasama sila ni Markus at ito ang nakatoka sa instructions kung ano ang susunod na gagawin.
"Gab, visuals?" tanong ni Markus sa linya ni Brielle.
"Take the Fourth street, disabled ang security ro'n ngayon!" sigaw nito at nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
"Shadow, update?" tanong ulit ni Markus sa linya ni Josef.
"I see the end of this tunnel, probably hundred meters away," sagot nito.
"That's going south, four blocks away from the main house. Let's meet at-"
BOOGGSSHH!
Hindi na natapos ni Markus ang sinasabi nang makarinig ng malakas na pagsabog sa linya ni Josef.
"Shadow? Do you copy? Shadow?"
Kung ano-anong buton na naman ang pinindot niya at tuluyan na ngang naputol ang linya niyo.
"Bad news, people, we lost Shadow."
Kumakalat na ang sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. May sumabog na rin sa gitnang parte ng casa.
Niraratrat na ni Brielle ng bala ang mga guwardiya roon na balak silang pigilan. Kung saan-saang bahagi na rin ng casa ang nagkakaroon ng kaliwa't kanang putukan. Malapit nang matapos ang alarm at pasara na rin ang lahat ng puwedeng entrance ng casa. Oras na mangyari iyon, isang lugar na lang ang puwedeng daanan-ang gate. At sigurado silang lahat ng guards ay haharang doon para pigilan ang lahat ng magbabalak lumabas.
****
Umiikot ang paligid ni Josef. Hindi niya inaasahan ang pagsabog na nangyari. Nagulat na lang siya nang bigla siyang tumilapon at bumangga siya sa kung saang matigas na pader.
"Ugh, God . . ." Napaungol siya sa sakit dahil ilang malalaking bato ang bumagsak sa katawan niya pagbagsak niya sa sementadong sahig.
TIIINNGGG!
Iyon lang ang matinis na tunog na naririnig niya at lalo pang dumilim ang paningin niya sa madilim nang tunnel na iyon.
Inalis na lang niya ang earpiece niyang parang sa tainga pa niya nabasag dahil static sound na lang ang rumerehistro doon, at pagkapa niya roon ay may nahawakan siyang basa.
Ayaw na niyang alamin kung ano pa ang nahawakan niya. Pinilit niyang bumangon kahit na parang hinahatak ng lupa ang katawan niya.
Kanina pa siya tumatakbo. Gusto niyang umupo. Gusto niyang magpahinga. Wala na siyang naririnig sa paligid. Hindi siya sigurado kung dala ba ng underground tunnel ang katahimikan o nabingi na siya dahil sa nangyaring pagsabog.
May nakikita na siyang liwanag. Hindi niya alam kung delusyon lang ba iyon o tunay nga ang liwanag na likha ng pagsabog.
Gusto na niyang umuwi, kahit na alam niya sa sariling hindi niya alam kung saang bahay siya may mauuwian.
"Armida . . ."
Gusto niyang humiga sa malambot na kama, matulog buong maghapon, at bumalik sa dating buhay na wala siyang ibang iisiping problema na may kaugnayan sa buhay at kamatayan niya.
"Nag-aalala ako sa 'yo! I promised to protect you at all cost!"
"And you almost died, Josef!"
Naririnig niya na naman ang eksenang iyon sa isipan niya. Natawa siya nang mahina habang nakatanaw sa liwanag sa malayo.
". . . hindi ko sasayangin ang mga taon ng buhay ko para lang pagsisihang napahamak ka nang dahil sa 'kin. You live, I live. You die, I die . . ."
"S-sorry, mi-milady. Th-This is . . . not . . . yet through . . ." Diniinan niya ang pagkakasandal sa pader at halos itulak ang sarili patayo. Itinukod niya agad ang kanang kamay sa magaspang na pader at paika-ikang naglakad pasunod doon sa natatanaw niyang ilaw.
Dumudugo na ang tainga niya at pakiramdam niya, kahit ang ilong niya ay dumudugo na rin. Mahapdi ang mga sunog sa balat niya, pero sa sobrang sakit, nawalan na siya ng pakiramdam.
Nakikita niya sa nanlalabong mata ang isang imahen ng isang babae doon sa liwanag.
"Josef!" sigaw nito at para bang iyon ang hudyat ng pagbagsak ng katawan niya.
"Josef, ano'ng nangyari?!"
Hingal na hingal siyang dumausdos na naman pababa sa may pader. Pinakatitigan niya ang harapan at nakitang umabot na pala siya sa dulo ng tunnel nang luminaw-linaw ang paningin niya.
Saglit niyang sinulyapan ang babaeng inaaway na ang bakal na pinto sa kanang gilid niya.
"Armida . . ."
"Oy! Anong nangyari sa 'yo?!" sigaw sa kanya ni Aspasia at sa wakas ay nabuksan na ang bakal na pintong magkandalasug-lasog na rin naman gawa ng pagsabog. Nilapitan siya nito saka siya inalalayan para makatayo nang maayos "Saan galing yung pagsabog?!"
"Nasaan . . . ang . . . asawa ako . . . ?"
"Malay ko? Ikaw ang inaabangan ko rito! Nawala ka sa linya sabi ni Markus!" malakas na sagot ni Aspasia.
"Hagh-!" Hingal na hingal siya dahil sa nangyari. Napapikit na lang siya habang nakatingala nang makalabas na rin siya ulit sa malawak na lugar.
Doon lang niya naramdamang may tumutulo sa pisngi niya.
Pagdilat ng mga mata niya, umaambon na pala.
"It's raining . . ." mahina niyang sinabi habang nakatitig sa langit.
"Uy . . . Okay ka lang?" asiwang tanong ni Aspasia habang inaalalayan siya sa paglakad.
"Shadow!" malakas na sigaw mula sa malayo.
Sinubukan niyang tingnan ang nasa kaliwang direksiyon at nakitang umuusok na ang iba't ibang panig doon.
Nakarinig sila ng humaharurot na motor at napalingon naman sila sa kanan.
Nakakita sila ng dalawang motor na paparating.
Unti-unti, lalong lumalaki ang mga patak ng ulan kahit mahina lang.
Ilang saglit pa, huminto ang motor ni Brielle malapit sa AFV.
Bumaba na silang lahat at nag-ipon-ipon doon sa gitna ng malawak na kalsada sa pagitan ng damuhan.
Nakatingin lang sila sa dalawang dumating. Ni hindi na nga sila nagtaka nang magtanggal ang mga ito ng helmet.
"So, this is really an urgent situation, huh," pagmamalaki ni Daniel. Nakasuot lang ito ng Type B black tropical fatigue at black tropical boots. May Kapansin-pansin ang magkabilang baril na nakasukbit sa holster nito at ang army knife nitong nasa ibaba lang ng ibabang pocket ng pants.
Kasunod niya si Erajin na nakasuot lang ng denim shorts, black racerback tank top, at black boots. At gaya ng inaasahan, may dala nga itong armas pero iniwan nito sa sinakyang motor.
"Crimson, ibalik mo na si Erajin sa Citadel," pamimilit ni Razele.
"Huh?" Naglahad ng magkabilang braso si Daniel para ipakita ang sitwasyon nila. "Citadel ang nagdala sa kanya sa labas . . . bakit ko siya kailangang ibalik?"
"Jin," pagtawag nina Markus.
Base sa tingin nito, alam na nilang si Daniel pa rin ang sinusunod nito sa mga sandaling iyon.
"Boss!"
At kahit hindi sila lumingon, alam na nilang nasundan na sila ng ibang tao ni Daniel at na-corner na sila sa lugar na iyon.
"Hindi na 'ko nagulat sa ginawa n'yo rito," nakangiting sinabi ni Daniel at sumulyap sa kaliwang panig niya kung nasaan sina Josef at Aspasia. "Ah . . . the bastard of the throne. Your luck is very intriguing."
Mabilis na hinugot ni Daniel ang baril niya at akmang babarilin si Josef nang biglang . . .
PSHUNG!
Biglang tumalsik sa kamay niya ang hawak na baril.
Bahagyang napaawang ang bibig niya at dahan-dahang nilingon ang direksiyon ng pinagmulan ng balang tumama roon.
"Kapag namatay siya, mamamatay kami," sabi agad ni Brielle na nakangisi at nakatutok kay Daniel ang baril nitong may silencer. "And you know my side since we were kids."
Maangas na napangisi si Daniel at napatango. "Then we deal with that!" Mabilis na binunot ni Daniel ang isa pa niyang baril at sunod-sunod na pinaputukan sina Brielle.
Bang!
Bang!
Bang!
"Kunin n'yo si Erajin!" utos ni Razele.
Lumakas na ang pagbuhos ng ulan at lumalabo na rin ang paligid.
Sinubukang pigilan ng mga tauhan ni Daniel sina Mephist kaya hindi ito agad nakadulog para kunin si Erajin sa panig ni Daniel.
Hindi mawala-wala ang ngisi ni Daniel habang palipat-lipat ang tingin kina Brielle at Markus na nasa harapan niya.
"Like the good old times," napapailing na sinabi ni Daniel at hinugot mula sa likuran ang isang army knife.
"Dan, alam mong hindi natin kailangang umabot sa ganito," pakiusap ni Markus.
"Exactly!" sagot agad ni Daniel habang pinandidilatan silang dalawa. "Sa atin dapat si Erajin at hindi sa mga taong pilit siyang sinusuka mula sa impyernong 'yon!"
Napailing na lang sa pagkadismaya si Markus. "Nababaliw ka na . . ."
"Arrgh!" Mabilis na lumukso si Daniel at inundayan ng saksak si Markus. Mabilis nitong sinalag ang braso niya at humirit ng suntok pailalim. Lumiyad lang ito para umiwas at ito naman ang bumawi ng ubod ng lakas na suntok sa kanya na sinundan ng pagsipa sa sikmura saka nito pinakawalan ang army knife na hawak at bumaon agad ang patalim sa kanang balikat ng kalaban niya.
"Markus!" sigaw ni Brielle at ito na ang sumugod. Sunod-sunod ang suntok niya kay Daniel na sinasalo lang nito.
At nakikita na sa mukha ng lalaki na nasasaktan ito sa bawat pagsalag na ginagawa.
"Argh!" Pumaling patalikod si Brielle at bumwelo ng sipa para patamaan si Daniel sa mukha.
Sinalag na naman iyon ni Daniel pero sa puntong iyon ay napaatras na ito at napatingin sa kaliwang kamay na nabali na at baliko na ang paling.
Natawa nang mahina si Daniel nang makitang nakalaylay na ang kamay niya. "Hahahaha!" biglang lakas ng tawa niya at saglit na napatingala sa langit nang nakapikit. Dinama niya ang lamig ng bumabagsak na ulan habang natatawa.
"Kaya na kitang talunin ngayon, Daniel," inis na sinabi ni Brielle na napakatalim ng tingin sa lalaki.
Muling tumayo nang diretso ang lalaki at nawala na ang magaang aura nito at napalitan ng mas madilim at nakakatakot.
Nangingibabaw ang lagutok ng kamay nito nang muli nitong ibalik sa tamang posisyon ang mga buto.
"Daniel!"
Nanlaki ang mga mata ni Brielle nang humarang na sa lalaki si Erajin.
"Come on!" reklamo ng babae. "Jin! Still not on your fucking self?!"
"Gabrielle, back . . . off," banta ni Erajin at inilahad ang kanang palad sa harap at ang kaliwang kamao naman ay nakakuyom sa tagiliran.
"Jin, alam mong kaya kitang patayin ngayon . . . di ba?" tanong ni Brielle na may pagbabanta na sa tono. Pinalagutok niya ang mga daliri sa magkabilang kamay at sa leeg.
"Do it," simpleng sagot ni Erajin at malakas na hinawi ang hangin.
Napatingin si Brielle sa kaliwang braso at nakita ang bagong hiwa roon. "This is cheating," sabi niya habang tinuturo ang braso.
At imbis na labanan si Erajin, talagang puntirya ni Brielle si Daniel. Nang mapansing naglalakad ito papalapit sa direksiyon nina Josef, mabilis niya iyong tinakbo para pigilan ang lalaki.
"Hindi pa tayo tapos!" malakas niyang sigaw ngunit bago pa siya makaabot kay Daniel ay bigla na siyang napaatras nang may sumipa sa sikmura niya. "Ugh! Ugk! Ugk! Ugk!"
Napaubo ng dugo si Brielle at parang gusto na niyang isuka ang lahat ng lamanloob niya dahil sa lakas ng sipang iyon.
Napaluhod siya at parang sumabay sa pag-agos ng tubig-ulan sa mukha niya ang labo ng paningin.
Sinubukan niyang tumingala para makita ang lagay ni Josef.
At bago pa siya tuluyang manghina, nakita na lang niya si Erajin na pinipigilan si Daniel sa balak nitong gawin.
"Jin . . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top