30: Tunnel Dilemma

"So, we're gonna wait?"

Napatingin sa langit si Brielle habang tinutuktok ng talim ng kutsilyo ang suwelas ng suot na boots. Nagusot ang mukha niya nang mapansing mukhang uulan pa dahil sa maiitim na ulap.

Tatlong minuto pa lang ang nakalilipas, naroon sila di-kalayuan sa tapat ng steel gate, nag-aabang sa pangako ni Josef na sampung minuto. Mataas bakod ng lugar na para bang may nakakulong na halimaw sa loob ng mga bakod na iyon.

"Ten minutes is impossible, I can't even stand there for a minute," sabi pa niya, at tiningnan ang mukha ng mga kasama niya.

Mukha lang silang nakatambay roon at naghihintay sa kasama nila bago umalis. Nakasandal sa gilid ng van sina Mephist at Razele. Nakatunghod naman sa pintuan ng likod ng van si Markus. Si Aspasia, sinusubukan ang hawak na crossbow na parang may gustogn asintahin.

"Hey, people—H-H-Hey."

Napalingon sa loob ng van si Markus. "Uh, guys . . ."

Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pinagmumulan ng nagsasalita.

"Can you—h-h-hear me?"

Paputol-putol ang linya ni Josef. May mga pinindot na buton si Markus at luminaw na rin ang tawag.

"Copy. Copy," sagot ni Markus. "This is Neptune? Do you copy?"

Dumulog na ang iba sa loob ng van at nakinood ng mga nasa monitor.

Nakabukas ang camera ni Josef. Madilim ang nakikita nila pero mukhang ginagamit nito ang maliit na flashlight na kasama sa holster kaya may naaaninag silang kaunting liwanag.

"This is just a plain tunnel," sabi ni Josef na nag-fe-feedback na rin ang echo sa loob ng tunnel. "And I'm sure, this is not the Isola you're talking about."

"Actually, you need to walk another—"

"Wait." Biglang lumipat ang liwanag at na-focus sa isang pader. "I found a way."

Hinalbot ni Brielle ang microphone. "Don't tell me, wawasakin mo 'yang pader?"

Saglit na gumalaw ang ilaw at na-steady rin sa pader. Ilang saglit pa, gumalaw na naman ang ilaw at na-steady ulit sa pader.

"Guess I'm too experienced to know what I'm doing. And not stupid enough to punch this block, just so you know, Miss Warfreak."

"I so hate you, you arrogant son of a bitch, just so you know too," sagot ni Brielle sa kabilang linya.

"Guys, enough," pag-awat sa kanila ni Markus bago balikan si Josef. "Experienced how, Shadow?"

"Sinubukan yata nilang itago ang biosensors dito out of hard rock. You got the tunnel map?"

"Yes, do you want a walkthrough?" tanong ni Markus at binuksan ang tunnel map sa isang monitor.

"No need. I already memorized it. I'm the one walking you through for inspection."

Pare-parehas silang napahimas ng batok sa narinig.

"Napakayabang talaga niyaaaaa," nanggigigil na namang sinabi ni Brielle at halos sakalin si Markus para ilabas ang inis niya. "Gusto ko na talaga siyang patayiiin!"

"G-Gab! Ugh! Stop!"

Wala namang magagawa si Markus kundi tiisin ang pananakit ng asawa niya habang nagtatrabaho.

"See this wall?" tanong ni Josef.

"Yes."

"This is supposed to be hard rock. But it's not." Pinadaan niya ang tulis ng kutsilyo at may tinuklap doon.

"Whoah."

Sabay-sabay silang nagulat nang makita ang isang fuse box na may mga buton.

"The tunnel drive is too long. And you said, this is under Casa Amarrillo." Itinutok pa ni Josef ang ilaw sa mga button. Hindi nakasulat sa English ang mga instruction. French at German. "They used Roadheaders to create this tunnel. Mas precise ang digging, less vibrations, less damage. If there are bombs under here, masyadong delikado kung ma-a-activate 'yon. Guguho ang itaas. And no smart engineer would do that kind of stupidity for a security. And if ever it has, for sure it wasn't as destructive as you instructed. But killing someone is a hundred percent probable."

Pinindot ni Josef ang mga button at biglang umurong ang pader na katabi ng fuse box.

Nagkapalitan ng gulat na tingin sina Mephist at Razele, pati sina Brielle at Markus matapos ang paliwanag ni Josef.

"I'm staggered but he's still an arrogant bastard," mahinang papuri at insulto ni Brielle. "And I don't care if he's a legend. He's still annoying as hell."

"Are you seeing this?"

Inagaw na naman ni Brielle ang mic. "Of course, fucker, where's your ten minutes? It's already noon!"

Kinuha ni Josef ang spycam na nakasabit sa kuwelyo ng suot niyang damit at ipinalibot iyon. "Can you scan this whole place?"

"One moment," sagot ni Markus at gumawa ng 3-D blueprint mula sa activated scanner.

"This is another tunnel," sabi ni Josef. "I doubt this is your Isola." Inilibot pa niya ang tingin at kinatok ang sahig.

"Uh, yeah, 'cause Isola is on the other way, not there."

"Oh, lucky me. The chance of dying lessen."

Napairap si Brielle sa narinig. "What a lucky douche we got there."

"The tiles are made out of fiber glass. Ten inches thick." Lumapit si Josef sa ilang tiles pa at kinatok-katok iyon. "Some are thinner. This one's a four, probably for land mines or bombs," sabi niya habang kinatatok nang marahan ang isang tiles sa kanan. Tumingala siya at tinutok doon ang camera. "Hindi cemented ang ceiling." Tinanaw niya ang daan ng tunnel. "I see no airways above, but it's cold in here and the air's not that thinner than you had in HQ's Stockroom. I presume it's the wall."

"Bakit ba ulit ako galit sa demonyong 'to?" tanong pa ni Brielle sa kanila habang tinuturo ang monitor para tukuyin si Josef.

"There are bombs beneath the flooring," paalala ni Markus nang makita ang mga pulang tuldok sa nabubuo niyang three-dimensional diagram. "May pattern ang bomb placing nila."

"It's a Fibonnaci sequence, what a basic," dismayado at natatawa niyang sinabi. "One of the best in the world? This kind? Really?"

"Magpasalamat ka na lang na wala ka sa Isola, hangal," sermon ni Brielle.

"I should be, hot-head. Anyway, the floor speaks for itself. I already know my path. Any possible traps found?"

"Well, you're right about the walls," sabi ni Markus. "Sa dingding din nanggagaling ang lahat ng ilaw kaya sobrang liwanag diyan. Wala na 'kong makita since limited lang ang na-scan ng camera. Unless you go around, I can do guides."

"Okay. I'll run this way out." Nakarinig sila ng pagbuga ng hininga sa linya ni Josef at ibinalik nito ang camera sa kuwelyo ng damit. "Whooh . . . mas gusto ko pa ang office work kaysa rito."

"Aha! I know I'm not alone with that thought!" segunda ni Razele na tuwang-tuwa sa narinig.

Tumalon-talon sa kinatatayuan niya si Josef at nagsimula nang takbuhin ang daan. Wala siyang diretsong daan na tinahak, at paminsan-minsan ay tumatalon siya nang malalaking hakbang na parang may iniiwasang tapakan.

At habang ginagawa niya iyon ay nasusundan ni Markus ang diagram na ginagawa niya. Kaya imbis na siya ang magbigay ng guide kay Josef, ito na ang gumagawa ng sana ay ginagawa niya.

"So, manonood lang talaga tayo?" tanong ni Brielle sa kanila.

"'Yon lang naman ang magagawa natin sa ngayon," sagot ni Mephist.

"Whoah!" napasigaw si Josef nang muntik nang madulas sa laki ng hakbang na itinalon niya.

CLICK!

"Oh shit," naring nila sa kabilang linya.

Pare-parehas silang napanganga dahil sa tunog na iyon.

BOOM!

Isang solidong tunog ng maliit na pagsabog ang narinig nila, pero walang apoy sa paligid.

"Shadow, the floor is collapsing!" paalala ni Markus.

"Dont remind me! I saw it first!" sigaw rin ni Josef at wala nang malalaking hakbang pa dahil talagang gumuguho na ang tunnel. Kada tapak niya ay kinakain ang lupang dinaanan niya.

"Oh God! I was a retiree!" reklamo ni Josef habang tumatakbo nang sobrang tulin.

Kung naririnig nilang abot-abot ang hingal ni Josef sa monitor at sa earpiece, kahit sila ay napapakagat na lang ng labi dahil para silang nanonood ng horror-thriller movie kung sana hinahabol ng mga halimaw ang bida.

"Come on, come on," mahinang bulong ni Mephist na napangatngat na ng kuko gawa ng kaba.

"You're almost there, brother," mahinang sinabi ni Brielle na kuyom-kuyom na ang sandalan ng inuupuan ni Markus. "You're almost there."

"I see a doorway!" malakas na sigaw ni Josef ngunit halos hindi naman iyon maaninag nina Brielle dahil magalaw ang camera sa sobrang tulin ng takbo niya. "I see a door--"

BOOM!

Katahimikan.

Pare-parehas silang napaatras nang biglang dumilim.

Para bang ilang segundo ring pinutol ang paghinga nila at inaalam kung ano na ang nangyari kay Josef.

"Oh dear." May mga pinindot si Markus sa control panel na nasa ibaba niya para malaman kung ano na ang nangyari kay Josef. "Shadow? Do you read me? Shadow?"

"Fuck," tanging nasabi ni Brielle at napatakip ng bibig gawa ng pagkagulat. "That's horrifying."

"Please tell me he's not dead. Papatayin ako ng Citadel kapag nalaman nilang kasabwat ako rito," nag-aalalang sinabi ni Razele at napasuklay na lang ng buhok.

"He's not answering. Shit, what are we supposed to do?" nalilito na ring tanong ni Markus na panay ang pindot ng kung ano-anong buton para lang makabalik ang linya ni Josef.

"I told you, this is not possible," dismayadong sinabi ni Mephist at napabuntonghininga na lang. "God, kapag nalaman 'to ni Auntie, ibabaon niya 'ko nang buhay sa garden niya."

Bzzzt! Bzzzt!

Sabay-sabay silang napatingin sa monitor nang makarinig ng tunog ng vibration.

"Ugh! This is tiring!"

Biglang nagbalik ang liwanag sa monitor at nakita nila ang braso ni Josef na nakakapit sa isang army knife na nakabaon sa isang metal door.

"HOLY FUCK!" Napatili agad si Brielle at napahawak sa ulo ni Markus na nasa harapan niya.

"Ar—aaah! Gabrielle!" Mabilis na hinampas ni Markus ang kamay ng asawa niyang sinasabunutan siya.

"Ugh, goodness!" Napa-high five na lang sina Mephist at Razele at nakahinga na agad nang maluwag nang malamang buhay pa pala si Josef.

Nakita nilang inangat ni Josef ang sarili at itinukod ang mga paa sa kanang dingding at ang mga braso naman sa kabilang dingding. Binitiwan na rin niya ang kutsilyo at pinakawalan ang cable harness na nakasukbit sa belt niya.

Kumagat ang metal sa kisame at ilang saglit pa ay lumambitin siya roon. Inalis niya ang camera sa kuwelyo ng damit at ipinakita kina Markus na wala na siyang sahig na tatapakan.

"This is the reason why I retired," inis niyang bulong at itinaas na ulit ang camera. "Akala ko, graduate na 'ko sa ganito seven years ago. Whoooh!" Itinutok niya iyon sa pinto at nakita nina Markus na may passcode na kailangan para mabuksan iyon.

"I can help you with that," alok na tulong ni Markus.

"Thanks for the offer but I can handle it. The explosion's ashes made the combinations easier to decode. it's just three digits." May mga pinindot si Josef at biglang bumukas ang metal door. "See? Basic security. One of the best, as you said."

"Oh well," tumipid ang ngiti ni Markus at nagtaas ng magkabilang kamay para sumuko. "Thanks for the thrill. We almost died watching."

"That son of a gun is bitchin' me," inis na sinabi ni Brielle. "Lucky bastard."

Nag-swing si Josef para makatapak sa sahig ng kabilang panig ng pinto. Madilim doon kaya napabukas na naman siya ng flashlight.

"I see no control room here," sabi niya habang nililibot ang tingin. "Hindi ako galing sa Isola."

"Actually, you're in the control room. And—"

"I think, ito yung control box for the gate," putol ni Josef at itinutok ang ilaw sa isa na namang fuse box na may nakalagay na "Gate."

"No shit, Sherlock," sabi pa ni Brielle sa mic. "Can't you read? It says GATE. What kind of mind do you have?"

May ibinaba lang na lever si Josef at sabay-sabay silang napasilip sa windshield ng van para makita ang dahan-dahang pagbukas ng gate.

"Damn," mura ni Mephist. "He's serious about not dying."

"Akala ko, mayabang lang siya," sabi ni Brielle at tumalon na palabas.

"Well . . . The legend is real," sabi na lang ni Markus. "The arrogance was neatly justified. Now, let's go back to business."

At bago pa man sila makapaghanda, nauna nang paharurutin ni Brielle ang big bike papasok sa di pa gaanong bumubukas na gate.

Nakarinig na lang sila ng tawag mula sa linya nito.

"Let's back that bitch up. Kating-kati na 'kong magpasabog ng isang buong village!"

Napailing na lang sila dahil sa sinabi ni Brielle.

"Ngayon alam mo na kung bakit sina RYJO at Ranger ang madalas kuning assassin ng mga client namin," paliwanag ni Markus kay Josef mula sa linya nito.

"I'm glad, hindi kasing-ingay niya ang asawa ko," sabi na lang ni Josef at tinakbo na ang daan para mahanap na si Erajin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top