29: Prep

Hindi pa man tuluyang natatapos ang dalawampung minutong sinabi ni Daniel ay lumabas na si Erajin sa banyo. Dahan-dahan ang kilos niya habang pinakikiramdam ang paligid. Paglabas niya roon ay blangko na naman ang kuwarto. Hindi niya malaman kung may trabaho ba si Daniel na iniwan lang nito para sa kanya dahil ang dalas nitong mawala.

Lumabas na siya ng kuwarto. Ang opisina ni Crimson ay sa dulo ng pasilyo kung nasaan niya nakatayo sa mga sandaling iyon. Gusto sana niyang puwersahing buksan ang kuwarto niya pero kapag nakita siya ni Daniel, malamang na pagalitan siya nito at igapos nang wala sa oras. Kaya kahit na nagdududa ay tinungo niya ang opisina nito.

Tahimik naman sa loob, mukhang wala itong kausap. Kumatok siya bago pinihit ang doorknob.

"Dan?"

Pagsilip niya sa loob ay nakatingin na sa kanya ang lalaki. Kaharap nito ang laptop at mukhang may tina-type doon.

"What is it?" tanong nito at hinubad na ang suot na salamin.

"Are you working?"

"Yes," simpleng sagot nito.

Pumasok na siya sa loob at sinubukang huwag ipakita ang pagdududa niya. Hindi niya naiwasang usisain ang loob ng opisina ni Daniel. Malawak iyon, pero naging crowded na dahil nadagdagan ng isa pang malaking bookshelf at dalawang gray file cabinet.

May isang sofa set sa kaliwa at naging pabilog na ang glass table nito at hindi na mahabang wooden table.

"What is it, Jin?" tanong ni Daniel nang mapansing pinag-aaralan niya ang buong opisina nito.

"Uhm . . . Puwede bang makuha ang susi sa kuwarto ko," aniya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buong kuwarto. "Kukuha lang ako ng damit."

Isinara lang ni Daniel ang laptop at kinuha sa drawer ang susing hinihingi ni Erajin.

Nalipat ng babae ang tingin kay Daniel nang tumayo ito dala ang susing hinihingi niya.

Dahan-dahang bumakas ang gulat sa mukha ni Erajin nang papalapit na sa kanya ang lalaki. "I can open it alone."

Hindi nagsalita si Daniel at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad papalabas ng kuwarto.

"Ah, great," bulong ni Erajin sa sarili at pumaling na patalikod para sundan si Daniel.

Habang tumatagal na lumilipas ang oras ay tumitindi pa ang pagdududa niya rito. Binalikan na naman nilang dalawa ang kuwartong katapat ng kuwarto ni Daniel-ang kuwarto niya sa bahay na iyon.

"Alam mong magtatanong ako, di ba?" tanong ni Erajin habang nakatingin sa mukha ng lalaki.

"Kahit magtanong ka, wala rin akong isasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko," sagot na lang din sa kanya ni Daniel at ito na ang nagbukas ng pinto.

"Hindi ka nagagalit kina Gabrielle?" Pumasok na si Erajin sa loob at napansing parang iyon lang ang bahagi ng bahay na hindi nagbago sa paningin niya.

Maayos ang kamang kulay itim at pula ang kumot, mattress, at unan. Pula rin ang velvet curtains na nakasara. Masyado iyong malaki para sa isang taong nakatira. Wala halos laman maliban sa higaan at doon sa isang pula at itim na sofa set sa kanan.

"Hindi ko hawak ang isip nina Gabrielle, Jin."

"Gusto ko silang makausap."

"Imposible 'yan."

Tumungo na lang siya sa walk-in closet sa kaliwang panig ng kuwarto katabi ng pinto ng banyo.

Iniisip niya kung gaano ba katagal na hindi nabubuksan ang closet niya dahil kung hindi lang sa air freshener ay mangangamoy kulob ang mga iyon.

Kumuha siya ng itim na racerback, isang maikling denim shorts, isang itim na ladies' boxer.

"You're not planning to escape, aren't you?"

Natigilan sa pagkakalkal si Erajin para sa nakatagong armas nang marinig ang boses ni Daniel sa direksyon na naman ng pintuan.

"May rason ba para tumakas?" tanong niya nang harapin ang lalaki.

"I knew you, Jin. More than you knew yourself. Don't make me do something you'll never like."

Natawa nang sarkastiko si Erajin at napailing. Mukhang tapos na ang pagtatangka niyang magtago kay Daniel. "Tell me that three months is a lie. Hindi lang ako tatlong buwan nawala."

"It's the truth," pag-amin ni Daniel. "Lahat ng agent, alam 'yan."

"At hinayaan mo 'kong mawala?" di-makapaniwalang tanong ni Erajin.

"Ikaw ang sumuko sa kanila. Nang hindi ako kinokonsulta." Itinuro niya ang kaliwang gilid. "You went to Citadel, and after that freaking three months, you're back here and you didn't escape! They threw you out of that hell taking away your memory!"

Muling nagpakita ang di-inaasahang pagkagulat sa mukha ni Erajin dahil sa sinabi ni Daniel. "I went there . . . ? For what?! Why?"

"You better ask Shadow why. He used you to take away everything from us. Now, it's your turn to take that everything away from him."

May pinindot sa gilid ng light switch si Daniel at bumukas ang isang pader sa kaliwa ni Erajin. Bumungad doon ang isang malaking cabinet na puro armas.

"Hindi kita kailangang ikulong dito. Pero ang gusto ko, tapusin mo na ang dapat mong tapusin. You kill Shadow. Do we have a deal?"

Saglit na tiningnan ni Erajin si Daniel, sunod ay sa mga armas na naka-display roon.

Nagbuntonghininga si Erajin saka tumango.

"Deal."





Samantala . . .



Nagsuot si Josef ng bluetooth earpiece at spycam sa bandang leeg.

"You sure you're gonna do it?" paninigurado na naman ni Markus dahil talagang hindi niya gusto ang ideya na naiisip ni Josef.

"Hon, what's happening back there?" dinig nilang tanong ni Brielle sa kabilang linya.

"The Fuhrer's gonna go underground!" sigaw ni Markus sa mic.

"He what?!"

Lumiko ang AFV sa isang street at huminto sa isang maliit na tunnel na nakasara ang pinaka-gate na kalawanging screendoor lang.

Pagbukas ng pintuan sa likod ng van, eksaktong pagparada naman ng bike sa bandang kaliwa ng malaking sasakyan.

Bumaba agad si Josef at in-adjust pa sa kamay ang suot na leather gloves. Pagsilip niya sa suot na mamahaling relo, nakita niyang alas-diyes y medya na pala. Alas-onse ang inaasahan nilang pagdating sa casa.

"Nababaliw ka na ba?!" pambungad na pambungad ni Brielle at nakuha pang itulak sa dibdib si Josef. "I thought you were joking around last night! You're supposed to get the fucking joke, motherfucker!"

Parang hindi nakarinig si Josef, nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad papuntang screendoor na may anim na talampakan ang taas.

"Josef!" Si Mephist na ang pumigil sa kanya sa paglalakad. Inawat siya nito at hinarang ang kamay niya sa dibdib nito. "Hindi lang ito ang option natin."

Sumagot naman si Josef at tinabig ang kamay ni Mephist. "But this is the best option we got."

"It doesn't matter what's the best or what's not!" Dinuro-duro ni Mephist ang dibdib ni Josef. "The goddamn matter is you're gonna die!"

Umiling lang si Josef sa sinabi ni Mephist sa kanya. "No one's gonna die today." Naglakad na naman siya papuntang screendoor at tiningala ang sampung talampakang taas na iyon.

Tinalon lang niya iyon ikinawit ang kaliwang kamay sa ilang bahagi ng screen at walang kahirap-hirap na lumukso pakabila na parang apat na talampakan lang ang taas ng tinalon.

Muli niyang tiningnan ang mga kasama sa kabilang bahagi ng bakod.

"Not gonna mourn for your body, son of a bitch!" singhal sa kanya ni Brielle.

"Ten minutes! I'm gonna open that door within ten minutes and I'll take my wife with me!" sigaw niya at tumakbo na papasok sa loob ng tunnel.

"Stupid asshole," inis na sinabi ni Brielle at tiningnan ang mga kasama niya. "Really, none of you two opposed?" tanong niya kina Markus at Razele.

"I know I'm overrating him, but I trust his skills," sabi ni Razele habang umiiling. "He's Shadow. Tingnan na lang natin kung totoo nga ang alamat."

-------



Nagbawas ako ng tatlong chapter na maganda naman pero baka lalo lang kayong ma-bad trip dahil it's with Crimson LOL. Gagawa na lang ako ng PDF and i-download n'yo na lang para doon n'yo mabasa hahaha

And yes, this is total revision kaya hindi ito gaya ng dati, so please don't complain na bakit ang daming binago. Saan ka nakakita ng revision na walang binago, duh?

If you want the original version, for the nth time, ANSWER THE QUESTIONS in The NEW-ly Weird group para makapasok kayo then download the file. No answer, no entry. Tengkyow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top