27: Breaking the Habit

Alas-sais ng umaga at nakahanda na ang grupo nina Brielle. Pero ang paghahanda ay hindi pa sigurado kung saan ba talaga pupunta. Kung dederetso ba sa casa o sa kung saan.

Halos lahat sila, pare-pareho ng suot. Camouflage cargo pants, boots, at puting V-neck shirt. Kahit ang mga army tag nila ay suot nila para lang sa identity kung sakali lang na magkaproblema. Kahit si Aspasia ay suot ang tag niya bilang family assassin na itinatago lang niya sa bulsa ng kahit anong suot. Si Josef naman, ang tanging mayroon lang ay ang wedding ring niya na may ukit ng apelyido niya at ng asawa.

Nandoon lang sa labas si Brielle at naninigarilyo, nagpapalipas ng inip dahil ang gusto sana niya ay alas-singko pa lang, bumabiyahe na sila. Pero gaya nga ng nagaganap sa mga sandaling iyon, balik na naman sila sa planning. Nasa labas lang din si Aspasia at naglilibot-libot habang wala pang balita sa mga kasama nilang lalaki.

Nasa salas naman sina Josef at nag-iisip na naman ng gagawin dahil sa natanggap na tawag kay Erajin may ilang oras na ang nakalilipas. Nakaupo siya sa isang single-seater couch, nakatayo naman sina Razele at Mephist habang nakapamaywang.

"Nagsabi na si Jin, pupuntahan niya 'ko kapag nakuha na kita," paalala pa ni Markus na nakasandig lang sa tabi ng hamba ng pintuan. "Kung tatawagan ko siya ngayon, baka siya pa ang lumapit sa 'tin."

"Pero sa lagay niya ngayon, tingin mo papayagan siya ni Crimson na umalis?" tanong ni Razele.

"I doubt that," kontra agad ni Mephist. "Or kung payagan man niya si Jin, for sure na magkasama sila."

"And besides, phone ni Dan ang ginamit niya. If we'll try to reach out, probably Dan will answer the call this time," dugtong ni Markus.

Naubusan na ng iisipin si Josef, pero ayaw niyang tumunganga na lang doon at maghintay. Kinuha niya ang phone ni Markus na nakalapag lang sa center table at hinihintay nila kung may paparating bang tawag mula kay Erajin.

"Hey, may password 'yan," paalala ni Markus kay Josef. "Let me—" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang itutok na lang ni Josef ang phone sa tapat ng bibig at nakarinig na lang sila ng ring sa kabilang linya.

"Did you just . . . unlock my phone . . . ?" di-makapaniwalang tanong ni Markus.

Parang walang narinig si Josef, nakatingin lang siya sa ibaba habang naghihintay ng sagot sa kabilang linya.

"Jesada," biglang sagot sa phone.

Sabay-sabay silang napataas ng kamay at nagtatanungan kung ano na namang gagawin nila dahil si Crimson na ang sumagot.

"Si Shadow 'to," diretsong sagot ni Josef. "Nasaan ang asawa ko?"

Nakarinig sila ng matunog na pagngisi sa kabilang linya. "Ah . . . I see. Iniisip mo bang magiging kakampi mo ng mga kapatid kong minsan ka nang pinagtangkaang patayin?"

"Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan si Armida?" mariing tanong ni Josef.

"Armida . . ." May mahinang tawa mula kay Crimson. "Mula nang dalhin siya sa Isle at pabayaan nina Cassandra, hindi na siya si Armida. At bakit mo pa ba siya hinahanap? Nakuha mo na ang posisyon, hindi ba?"

Napakuyom ng kamao si Josef at pigil na pigil ang galit habang nakikinig sa kabilang linya. Kahit wala pa man itong sinasabi, nakakaramdam na siya ng galit.

"Hanggang ngayon ba, pinagmumukha ka pa rin nilang tanga? Ni hindi ka man lang ba nagtataka kung ano'ng ginawa nila kay Erajin kaya nawala ang mga alter niya? Kung bakit nandito siya sa labas at wala sa Citadel?"

Sa pagkakataong iyon, nagkakapalitan na ng makahulugang tingin sina Mephist at Markus. May ipinararating ang mga tingin nila na hindi papabor kay Josef.

Maliban sa alam nila ang ginagawa nito, alam din nilang lahat ng ginagawa ni Crimson ay planado at mas makatwiran pa sa inaasahan. Klase na masyadong mabigat para balewalain.

"Prepare yourself, you son of a bitch, I'll take my wife back and you can't do anything about it."

"HA! Don't think of yourself as her saviour. You never saved her. Kung may pakialam ka talaga kay Erajin, just leave her alone. The more she stays with you, the more they make her life as miserable as she had way back before. And Neptune . . ."

Nalipat kay Markus ang mga tingin nila.

"I know you're a fair player. Choose your side now."

At biglang namatay ang tawag.

Kahit na gustong ibato ni Josef ang phone ay hindi niya magawa dahil hindi naman kanya iyon. Inilapag na lang ulit niya iyon at tiningnan ang mga kasama niya.

"Whose idea is it again to bring her back to the Citadel?" tanong ni Mephist. "Aside from the Fuhrer."

"It was mine," sagot ni Razele at nagtaas pa ng kanang kamay.

"At iniisip mong magandang ideya 'yon?" tanong ni Mephist.

"That's where she belongs now. Come on, guys," katwiran pa ni Razele at inalam sa mga kasama ang susunod na gagawin. "Superior na si Jin!"

Tumayo na si Josef at nagpagpag ng hita. "If you can't go, I'll go alone. Hindi n'yo kailangang mamili."

Nagdire-diretso siya palabas kaya napasunod tuloy sa kanya sina Razele.

"O! Aalis na ba?" pambungad ni Brielle na naroon sa may front yard at nakuha pang magdilig ng halaman.

"Kung kinakailangang isuko ko ang lahat sa kanya, mabawi ko lang si Armida, then so be it. Wala rin naman akong pakialam sa posisyon ko. I just want a normal life!"

Tuloy-tuloy lang sa paglakad si Josef at naghahanap sa paligid ng msasakyan niya. Nakakita siya ng big bike sa may parking lot limang metro ang layo sa main house.

"Come. On! Why didn't just let her stay with Crimson?" tanong pa ni Mephist. "She's safe with him! Stop with this selfishness, will you?"

"Selfishness?" di-makapaniwalang tanong ni Josef. Huminto siya sa paglalakad at dinuro ang kanang gilid niya. "Hindi mo 'ko maiintindihan dahil hindi mo asawa ang nandoon. And yes! I'm one hell of a selfish man who can give up everything even my position for my wife! Ikaw, Neptune!" Paglilipat niya ng topic kay Markus na isa ring nakasunod, itinuro pa niya si Brielle. "If Ranger was on Armida's position, pababayaan mo lang ba siya ro'n, ha? Sasabihin mo rin ba sa sarili mong hahayaan ko na lang tutal safe naman siya sa lalaking 'yon, ha?"

"Well, if I were Jin, I would kill Daniel myself," sabi na lang ni Brielle at lumakad na papuntang AFV. "Come on, guys! Enough with the discussion! Let's do it for love! And we're freaking late!"

"Ugh! For real?" takang sinabi ni Mephist at nagtaas pa ng dalawang kamay sa hangin para malaman ang reaksiyon ng iba.

"Gabrielle said it. It's final," pagsuko ni Markus at sumunod na lang sa asawa niya. "Hon, take the bike."

"My pleasure!" Tinakbo na nito ang pinakamalapit na red and silver Ducati na nauna nang nakita ni Josef.

"Man, you come with me," ani Markus at tinapik ang kanang balikat ni Josef para sundan siya. "It's a five-hour travel, all details was instructed last night."

Wala naman nang nagawa sina Razele at Mephist kundi sumunod na lang.

"This is not a good idea," inis na bulong ni Mephist.

"I'll drive!" prisinta ni Razele at nagpatiuna na sa driver's seat ng armed van. Walang salitang sumunod sa kanya si Mephist at doon tumabi sa passenger seat.

Binuksan ni Markus ang back door ng van at sumakay sila roon. Nakasunod na rin sa kanila si Aspasia na naghihintay lang din ng balita sa kanila.

"Mas maganda pala 'to sa inaasahan ko," papuri ni Aspasia sa loob ng van.

Kompleto ng gamit doon. May tatlong computers for monitoring na agad ding binuksan ni Markus. Nagsuot siya ng bluetooth earpiece at may tinawagan agad.

"Hon, you ready?" tanong ni Markus sa kabilang linya.

"Kayo na lang naman ang hindi."

Sabay-sabay silang napatingin sa may monitor nang biglang paharurutin ni Brielle ang big bike.

"Hindi ba siya naghihintay ng go signal?" tanong ni Aspasia na nagtataka.

"She's the go signal," sagot agad ni Markus at ibinaba ang isang makapal na board na nasa kaliwa niya kung saan nakapuwesto si Josef. May binuksan siya roong button at biglang bumukas ang isang malinaw na LCD screen at nagpakita ang buong mapa ng Casa Amarrillo.

"May dalawang option para mabuksan ang steel gate," panimula ni Markus at naramdaman nilang umandarna ang sinasakyan nilang van. "First is we bomb it on the outside. We can manage to do that, Razele is a bomb expert—"

Saglit na nandilat ang mata ni Josef nang maalala ang tungkol sa bomba. "Yes, he really is."

"But that will alert the whole perimeter. Big time. Explosives don't come in whispers."

May pinindot si Markus sa ibaba ng mapa at nalipat sa underground ang view.

"Second option is this. Isola." Tiningnan nilang dalawa si Josef. "We never attempt to check this tunnel kaya kahit anong plano natin, wala kaming mabibigay na info about this place aside sa masyadong delikado. Maraming traps and lock sa ilalim kaya walang nagbabantay."

"I can do it," sagot agad ni Josef.

"Man, hindi lang ikaw ang magtatangkang pumasok dito. Those who attempted? Wala na kaming balita sa kanila."

Pero masyadong mapilit si Josef. "I'll do it. If I couldn't manage to escape, then I don't deserve all my records and achievements before."

Napabuntonghininga tuloy si Markus at napailing. "Hindi sa minamaliit kita, pero masyado ka nang mataas ngayon para mawala sa hierarchy. Kapag namatay ka rito, mamamatay rin kami."

"Well then, that's another reason for me to stay alive."

Napakamot bigla ng ulo si Markus dahil ayaw magpaawat ni Josef. "Okay, after the tunnel 1, nandito ang power box ng casa." Itinuro niya ang dulo ng isang tunnel na 500 meters ang haba. "If you're a runner, you can reach that within a minute. But the thing is, that 500 meter is a death path. At wala akong idea kung ano-anong maaabutan mo sa loob."

Napaisang iling si Josef. "I'm a thief and artifact collector. This isn't surprising at all."

"But Crimson's security is one of the best in the world."

Proud na nagtaas ng tingin si Josef. "And I'm the best in the world in breaking securities."

At dahil kayang i-operate ang screen sa mesa, z-in-oom in ni Josef ang tinutukoy na 500-meter death path ni Markus at pinaliwanag ang panig niya.

"This is not a new trap formation. Itong buong path, kung made half a decade ago or less, malamang na bago 'to sa 'kin."

"It's not. 10 years nang ganyan ang Isola," sagot ni Markus.

"Good," pagtango ni Josef. "Probably lasers ang nasa dulo nito. Floors are full of trap. Walls either. Cemented ang ceiling, kung may airways man, for sure, that's thinner than a human body. They can't change it within years dahil kung sinasabi ninyong may mines sa tunnel, explosives could wipe up the whole land."

"Kaya nga walang nag-a-attempt na dumaan doon. Because that tunnel is literally a trap path."

"Pero mabubuksan doon nang tahimik ang steel gate."

"Yes! And may way rin doon paakyat sa main house. Without the whole casa knowing na nakapasok ka na. But then again, uulitin ko, it's a suicide."

"Drop me to its entrance. Give me ten minutes, I'll open the gate."

"HA?!" Halos mapanganga si Markus sa sinabi ni Josef. "Masyadong mabilis ang ten minutes! And this is your first time to do it! At wala ka ring second chance at all because you're gonna die!"

"At uulitin ko ulit ang sinabi ko, wala 'yan sa option ko. I'll open the gate underground, you assist me to escape. And that's final."

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top