24: The Dinner Plan
Alam nilang lahat na isa si Shadow sa pinaka-aroganteng agent na nakilala nila sa buong association. Lahat, ginagawa nito para lang umangat at manatili sa tuktok, at wala siyang pakialam sa ibang tao. Isa sa pinaka-classy magtrabaho, pinakamalinis, pinakatahimik, pinakamagaling, pero pinakamayabang at pinakawalang amor sa lahat. Dahil gaya nga ng sinasabi sa kanya noon ng Mama niya, walang lugar ang mundo para sa mahihina. At kung magiging mahina siya, lalamunin siya nang buhay ng mundo. Kailangan niyang manatili sa tuktok dahil ang nirerespeto lang ng mundo ay ang mga nasa itaas at walang matalinong tao ang tumitingala sa ibaba.
Minsan na siyang napunta sa itaas, at ngayon, mas lalo pa niyang itinaas ang sarili niya na ultimo kahit ang mga taong ayaw sa kanya ay wala nang pagpipilian kundi irespeto siya dahil siya na ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa lahat. Wala na siyang aabutin dahil nakamit na niya ang matagal na niyang inaasam noon pa man.
Pero nagbago ang lahat noon pang nakaraang pitong taon. Wala na ang Shadow na kilala nila. At kahit pa bumalik na siya, wala na rin siyang balak maging ganoon gaya ng kung sino siya noon.
At hayun siya ngayon, handa nang isuko ang lahat para lang sa normal na buhay. At hindi niya magagawa iyon kung alam niyang ang asawa niya ay hawak ng taong noon pa man niya itinuturing na mortal na kalaban.
"Ang tahimik n'yo kumain, 'no?" bati ni Aspasia sa kanila.
Nakatitig lang kasi sina Brielle kay Josef sa pagkain nito na parang kumakain sila sa isang fine-dine restaurant. Napakapino maging ng paghiwa nito sa karne, at kahit sa pagsubo. Kahit ang pag-upo nito nang diretso at paghawak sa kubyertos, parang ikahihiya ng kahit sinong walang class ang sabayan siya sa pagkain. Ang bagal ng subo nila habang si Aspasia lang ang kain-militar sa kanila na patapos na sa unang plato nito.
Ilang saglit pa, nakatapos na si Josef sa pagkain at nagpunas ng bibig gamit ang asul na table napkin saka iyon inayos sa mesa. Kahit ang pagsalansan sa kubyertos nito, may ibig sabihin pa na tapos na itong kumain at hindi na magsasandok pa.
Pag-angat niya ng tingin sa kanila, kanya-kanya silang iwas ng tingin maliban kay Brielle na kung tingnan siya ay parang nanonood ito ng kakaibang palabas na noon lang niya napanood sa tanang buhay niya.
"Aware ka namang parang patay-gutom kumain si Erajin, di ba?" sabi pa ni Brielle sabay subo rin ng pagkain niya sa marahang paraan.
"Yes, she could eat a food for five huge man in one seating. Why?"
Dahan-dahang napatango si Brielle na parang naiintindihan na niya ang kung anong bagay. "Hindi ka ba natu-turn off sa kanya o kaya nawawalan ng gana kapag kasabay mo siyang kumain? Sa kilos mo, halatang pinalaki ka sa yaman e."
"The way she eats was enough to stopped me from eating," seryosong sinabi ni Josef. "But that didn't turn me off. I enjoyed watching her as much as she enjoyed eating everything I cooked for her. Alam naman niyang makita ko lang siyang kumakain nang magana, busog na 'ko."
Nakitaan ng gulat sa mga mata ni Brielle at hindi niya napigilan ang pagngiti na agad din naman niyang binawi sa pamamagitan ng pagkagat sa kutsara niya.
"Wala sa itsura mo maging sweet. Bakit no'ng nasa Citadel tayo, di ka naman nagluluto?" tanong ni Aspasia at sumubo na naman ng panibagong sandok niyang pagkain.
"Hindi ako papayagang magluto ng mga Guardian," paliwanag ni Josef. "And just so you know, ayaw kumain ni Armida sa dining area ng Citadel dahil sa mga Guardian na nanonood, kaya nagtatakas siya ng pagkain papunta sa kuwarto at doon kumakain mag-isa."
"Aaah . . . kaya pala takang-taka ka kung paano ako nakakakain doon sa mahabang mesa," sabi ni Aspasia habang tumatango.
Nanatiling tikom ang bibig ng mga lalaki. Maliban sa naiilang silang magtanong, alam nilang Fuhrer ang tatanungin nila. At lahat ng lalabas sa bibig nila ay magagamit laban sa kanila. Ang kaso nga lang, ito lang talagang si Brielle ang napakaingay.
"Pinaglulutuan mo si Erajin?" usisa ni Brielle.
"Wala naman akong choice. The last time she cooked something, it was like she made a high quality toxic material out of simple spices. And I don't want to die because of isolated not-really-food food poisoning."
"Pfft—ehem." Kahit ang pagtawa ni Razele sa simple ng tono ni Josef, kailangan pang pigilan. Pero nakakatawa naman kasi talaga para sa kanila ang sinasabi nito. Tipong tanggap na tanggap na ni Josef na may talent naman talaga sa paggawa ng lason si Armida, pero na-apply pa nito sa pagkain.
"By the way, Razele," pagtawag ni Josef na ikinaalerto ni Razele kaya napaupo ito nang diretso. Na-call out tuloy siya kaya biglang kinabahan.
"Yes? Ehem." Pinilit niyang huwag tumawa kaya kinagat niya ang labi.
"On-hold ngayon ang transaction sa HQ, tama?"
Napayuko si Razele at bahagyang tumango. "Binaba ng MA ang memo last year, wala pang president kaya Main Sector ang tumanggap."
"Si Armida ang naglapag ng memo para i-hold ang operation ng HQ."
Pare-pareho silang natigilan at seryosong napatitig kay Josef.
"Ang totoo, nandito ako para kausapin ang in-charge sa HQ habang hindi pa bumabalik ang memorya ni Armida." Napasulyap siya saglit sa katabing nagpanggap bilang asawa niya. "Ongoing ang 30-day period sa memo, effective 'yon noon pang nakaraang 20 days. Opisina ni Armida Zordick ang humahawak nito pero napunta sa opisina ng Fuhrer. Malamang na si Armida rin ang may pakana kaya nalipat sa 'kin ang desisyon."
Napatango na lang si Razele doon. "Nag-file na ng bankruptcy ang HQ. Mula no'ng natapos ang declaration ng all-out war, wala nang client na nag-hire sa mga agent namin. Iniiwasan nilang madamay sa galit ng Superiors kay RYJO. Ang laki ng inilugi sa operation kaya no'ng nag-account, nakita ng Citadel na naghihingalo na ang kompanya."
Tumango naman si Josef at ipinatong ang magkabilang kamao sa pagitan ng plato niya. "I know, nakita ko lahat ng reports. Kaso ng HQ ang nasa priority list ko these past few days before I landed here. Or even after I landed here."
"Oh, so . . ." Akmang tatango si Razele at pilit hinuhuli ng isip ang gustong puntuhin ni Josef. "You're here to dissolve HQ. We barely operates. Hinihintay na lang namin ang order of revocation ng renewal contract for another year."
Naging matipid ang ngiti ni Josef. "I sent a procurement proposal and asked for MA para sa bidding. I'm here to buy the branch."
"Bibilhin mo yung HQ?" di-makapaniwalang tanong ni Brielle. "For what?! Para mas lalo kaming kontrolin ng Citadel at ng mga Superior? No fucking way!"
"Armida wasn't telling anyone about her plan. She worked alone," paliwanag niya agad bago pa magkalituhan. "But since the clock is ticking, and she wasn't around to handle the procurement, I have to do something." Umiling pa ulit siya. "And don't worry, hindi pera ng Citadel at ng Fuhrer ang gagamitin para hindi kayo hahabulin ng guild. Pera ko bilang si Richard Zach ang nasa kontrata. After the bidding, once makabalik na si Armida sa opisina niya, I'll send the title to her, pababayaran ko sa kanya para malipat sa pangalan niya ang management. For sure, hindi siya tatanggap ng libre, kahit pa sabihin kong anniversary gift 'to mula sa asawa niya."
"Man, you bought a whole branch as a fucking gift to your wife? Hindi teddy bears and flowers ang HQ, hello!" kontra pa ni Brielle. "This is not something you buy unplanned just because what? Dahil lang may pera ka pambili?"
"But she'll love it, for sure," proud pang sinabi ni Josef. "She would do this as well kung siya ang nandito."
"So . . . this is not really about the memo you received in your office. You're just doing all this . . . for what? For personal reasons?" simpleng tanong ni Brielle na wala nang kahit anong gulat pang ekspresyon. "You can buy the HQ for yourself . . . to control us. To dominate us. To show us that you—" Itinuro pa niya si Josef gamit ang kanang palad. "That you were the greatest agent of all! You can brag this to everyone, duh! Alam ng lahat na matagal mo nang gusto 'to."
Nagkibit-balikat lang si Josef. "Simple lang ang gusto ko. Ang gusto ko lang, maging masaya ang asawa ko. And if that means saving all of you, then so be it." Matipid niyang ngitian si Brielle. "She is my life . . . and I'll do everything to take my life back. And I'm grateful that you're here to help me kahit pa hindi maganda ang past connections natin. I appreciate it . . . like, a lot. Thank you."
Napaangat ng mga mukha sina Markus at nagulat. At kapansin-pansin ang biglaang pamumula ng mukha ni Brielle habang nakatitig sa sinserong mukha ni Josef.
"Totoo ka pa ba, Shadow?!" natutuwang sinabi ni Brielle habang pinamumulahan na naman ng mukha.
"He's a good man," sabi pa ni Aspasia at kumuha na naman ng pagkain na pangatlong plato na niya.
Kinagat na naman ni Brielle ang kutsara habang nagpipigil ng ngiti. Tiningnan niya ang asawa at nginitian din ito. "He said thank you. You hear that, huh? You hear that?" tanong niya habang pinapalo-palo ang balikat nito.
"Yes—yes, hon. And stop punching me! Ano ba?" pakiusap ni Markus habang iniiwas ang mukha sa pagpalo ng asawa niya.
Binalikan na rin ni Brielle si Josef at tinapik ang hangin sabay sabi ng "Wala 'yon, ano ka ba? Maliit na bagay, hahaha!" At nagpaipit pa ng buhok sa tainga.
Naasiwa tuloy sila Razele sa inaakto niya dahil para siyang teenager na pinansin ng crush niya kung makapagpa-cute.
"I thought you hate him?" asiwang tanong ni Markus sa asawa.
"I didn't say that!" kontra niya agad.
"You even said you're gonna kill him, Gab," gatong pa ni Mephist.
"Arkin, manahimik ka diyan kundi sasaksakin kita ng tinidor," banta pa ni Brielle sabay balik kay Josef. "Mga mapanirang tao talaga 'tong mga 'to. Huwag mo na lang silang pakinggan. Alam mo, I like you na." Tumawa pa siya nang mahina sabay kagat na naman ng kutsara niya at ngiti kay Josef na parang nakapaguwapo nito sa paningin niya. "This is the first time na makakasama kita sa isang suicide mission," nakangiting sinabi ni Brielle habang tumatango. "It's my pleasure."
"Ha? Su-suicide?" gulat na tanong ni Josef.
Lumapit pa si Brielle sa mesa para magsalita nang may kahinaan kahit pa maririnig din naman ng lahat. "Crimson's security is ten times worst than this bunker."
Biglang nagbago ang aura ni Brielle at naghalo na ang pagiging seryoso, pagbabanta, at pagpapaalala.
"Casa Amarrillo is a highly secured land. At kung balak mong sugurin 'yon nang tahimik, kailangan mong planuhin nang pagpasok sa loob nang ilang linggo."
"But I can't afford another week," sabi agad ni Josef.
"That's why you have us. We are trained to bring down lands. And I'm telling you, hindi kami nagtatrabaho nang tahimik. If bombing the whole place is our only choice, we'll bomb the whole place and bring the hell on Earth manually."
"She's Ranger, in case you've forgotten," gatong ni Mephist. "She alone can bring a whole district down for just a minute."
"Elites' pride! Thank you!" At nag-bow pa nang paulit-ulit si Brielle habang nakahawak sa dibdib.
"May two thousand capacity ang guards, K9s everywhere, 24-hour under surveillance. One of the best in the world ang security company ni Crimson," paliwanag ni Neptune. "578 hectares ang lawak ng lugar. Kung masisira namin ang 12-inch steel gate niya, makakapagbiyahe ang AFV papasok sa area within 8 minutes in full speed."
"But we can't guarantee the success na makakalagpas tayo ng 8 minutes," dagdag pa ni Mephist. "Dahil sa 8 minutes na 'yon, maraming puwedeng mangyari. Laging naka-heighten alert ang buong casa. Fully equipped at prepared ang mga tao niya. They could throw bombs out of nowhere and we're only a one team army. We can't run that half a mile in few minutes."
"Unless, dadaan tayo sa Isola," dagdag ni Brielle na ikinatahimik nina Mephist. "That is the only way—MMM!"
Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil tinakpan agad ni Markus ang bibig niya.
"Don't mind her, please," pakiusap ni Markus.
Pero huli na dahil na-curious na si Josef doon. "Ano'ng meron sa Isola?"
"Hindi, wala!" tanggi agad ni Mephist habang umiiling.
"No. I wanna know," matigas nang sinabi ni Josef. "What is it?"
Wala pa ring sumagot at nag-iwas ang lahat ng tingin.
"Ano ba!" Sa wakas ay naitaboy na rin ni Brielle ang kamay ng asawa niyang nakatakip sa bibig niya.
"Ranger, ano'ng meron sa Isola?" tanong ni Josef sa pinakamaingay sa kanila.
"Underground tunnel 'yon na naka-connect sa labas papunta sa lahat ng possible entrance ng casa, especially sa main house na malamang pinagtataguan ni Crimson kay Erajin. Walang bantay roon."
"Pero, Gab, masyadong delikado," kontra ni Mephist. "May algorithmic pattern ang traps sa tunnel papunta sa main house. Hindi niya made-decode 'yon nang isang subukan lang."
"So, walang bantay kasi may mga trap?" tanong ni Josef.
"Yes, pero kahit isa sa 'min, wala pang nakaka-decode n'on. Even Jin," paliwanag ni Markus. "Isang maling pattern lang, kaya nang makapag-trigger ng chain reaction at sasabog ang buong tunnel. At kung maiiwan ka ro'n, mamamatay ka nang walang nakakaalam."
"Mukhang delikado nga," paningit ni Aspasia na nakikinig na lang sa usapan.
"I was trained to deal with all kinds of security," sabi ni Josef sa kanila.
"Baliw ka na ba?" galit nang tanong ni Mephist. "We need to protect you, and you want to risk your life to enter that tunnel?" Naglahad siya ng mga palad. "Sige, ibalik natin ang tanong ni Gabrielle, what if you die? Ano'ng gagawin mo?"
Nagtaas ng mukha si Josef. "Ibabalik ko rin ang sagot ko. Wala sa pagpipilian ko ang mamatay. I'll go to that tunnel, you deal with the war outside."
Napahilamos bigla si Mephist dahil sa pagkainis. "Hindi mo ba naiintindihan? Kapag sumabog sa loob ng tunnel, wala kaming mababalitaan sa 'yo kung buhay ka pa ba o patay ka na! Walang magre-rescue sa 'yo sa loob!"
"I don't need any rescue, I can and I have to survive."
Inis na nagbuntonghininga si Mephist at napailing na lang. "Isusugal mo yung buhay mo para lang dito? Hindi ka na si Shadow. Fuhrer ka na!"
"I promised to Armida that I will save her no matter how improbable the way! I vowed to be her Serving Guardian! And it's not just for personal reason! This is my responsibility!"
Kumalansing bigla ang hawak na kutsara ni Brielle nang mabitiwan ito at naiwan na naman siyang nakanganga kay Josef. Para bang hindi sila nauubusan ng gulat sa loob lang ng iisang gabi.
"You . . . pledged . . . as a Guardian?" gulat pang tanong ni Brielle. "Alam mong kapag tinuloy natin 'to, parurusahan ka ng Credo, di ba?"
"I don't care," walang pakialam na sinabi ni Josef.
"Oh . . . my . . . freaking hell. Bagay nga kayo ni Erajin, parehas kayong baliw." Napapailing na lang si Brielle habang hindi makapaniwalang nakatitig kay Josef. "Really, if you survive this madness, you will definitely have my full respect. IF and IF . . . you survive."
"I need to add another loot bag," iyon na lang ang nasabi ni Markus at kinuha niya ang plato niya para makaalis na sa mesa. "Looks like we need to have another plan for the Fuhrer."
------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top