23: Teaser
Pasado alas-nuwebe na nang matapos sila sa paghahanda sa mga gagamiting armas. Limang bag ang dala nila at kung susumahin, para silang magpapabagsak ng isang buong bayan sa dami ng dala nila.
Sabi nga ni Josef, masyado iyong marami para magamit nila. Pero sabi ni Brielle, tatlong legitimate member ng Escadron Elites ang kasama niya. Kulang pa ang lima kung tutuusin dahil hindi pa kasama ang AFV. Baka raw malula siya pagsakay roon.
Kasalukuyan silang nasa kusina ng main house kung saan hindi nila nararamdaman na may nangyayaring masama sa labas o may problema pala silang kailangang harapin. Tulad nga ng sinabi ni Markus, ang tactical and demolition expert nila, walang magagawa ang pagpa-panic at pagmamadali. After all, hindi naman balak patayin ni Crimson si Erajin para madaliin nila ang lahat.
"I'll cook for dinner," alok ni Razele. "You want meat? I'll go with all meat."
Huminto sila sa harapan ng ten-seater glass table. Nagkatinginan pa sila kung saan mauupo.
Inalok agad nila kay Josef ang kabiserang upuan. Fuhrer pa rin ang kasama nila kaya wala silang magagawa kundi mag-adjust nang mag-adjust.
"Ha?" Nagtaka naman agad siya kung bakit inaalok sa kanya ang upuan. "D-dito na 'ko uupo," sabi niya at doon na lang sa kanang panig ng mesa, sa dulo siya nag-urong ng upuan.
Nagkatinginan na naman sila. Nagsiksikan sa kaliwang panig sina Markus at Brielle. Sumunod naman si Mephist na kumuha ng sarili niyang tubig at hindi man lang nag-alok. Naiwan naman sa kanan sina Josef at Aspasia.
Pag-upo nila, lalong lumala ang awkward atmosphere dahil iyon ang unang beses na makakasama nila si Shadow sa iisang mesa—at hindi lang siya basta si Shadow. Siya ang kasalukuyang Fuhrer. Maliban sa katotohanang tinangka nila itong patayin noong auction kung kailan sila huling nagkita-kitang lahat, isa na itong Superior ngayon na may pinakamataas na posisyon para ipapatay sila nang walang kahirap-hirap sa isang kumpas lang ng kamay nito.
"Mr. Zach, may gusto kang kainin?" alok ni Razele.
"Josef, please," sabi ni Josef at matipid na ngumiti. "At . . . kung ano ang kakainin ng lahat, 'yon lang din ang kakainin ko."
"Tss," pasimpleng umismid si Brielle. "For sure, mamahaling pagkain ang niluluto sa inyo ni Jin doon sa Citadel."
"Totoo," sabad ni Aspasia. "Mamahalin yung mga karne nila ro'n. At may sarili akong chef—o yung asawa niya." Pagturo niya sa katabi.
"Hmmp! Ano pa nga ba'ng aasahan ko?" masungit na sinabi ni Brielle habang nakairap. "Three months kayong nawala, for sure buhay reyna doon si Erajin."
"Actually, kailan lang kami nakabalik sa Citadel," paliwanag ni Josef. "Two weeks pa lang at hindi komportable ang buhay sa Citadel para pangarapin mo."
"Bakit? Saan kayo galing?" tanong ni Brielle.
"May mission kasi kami ni Armida. May mga hinahanap kaming mga tao. Galing din kami sa bakasyon gawa ng nangyari sa mga Zubin kaya natagalan kaming makabalik."
Napaurong palapit sa mesa si Brielle at pinaningkitan ng mata si Josef. "Bakasyon? Nakapagbakasyon si Erajin? Kasama ang mga Guardian? Nakatagal siya?"
Umiling si Josef para sabihing hindi. "Kami lang dalawa."
Umiling din nang mabilis si Brielle. "Wala kayong kasamang Guardians?"
Umiling din ulit si Josef. "Wala."
"Inasikaso ka ni Erajin?" nagtatakang tanong ng babae habang parang curious na curious sa mga tinatanong nito. "Wow, mapalad kang nilalang, Richard Zach."
"Ang totoo . . ." Asiwang tumango si Josef. "Ako yung nag-aasikaso sa kanya. I did all the household chores."
"Eh?!" gulat na nasabi ni Brielle. "Ikaw yung Fuhrer, pumayag kang alipinin ni Jin? Wow! Dream come true!"
"Hindi niya 'ko inalipin, excuse me," katwiran pa ni Josef na parang manenermon na naman. "Ako lang yung nag-aasikaso sa bahay kasi wala siyang kuwenta ro'n."
Biglang ngiwi ni Brielle sa kanya. "Iba rin yung tabas ng dila mo, 'no? Buti nagkakasundo kayo ni Erajin. Hindi siya napipikon sa 'yo? Kasi ako, pikon na pikon na e."
"Wala naman siyang magagawa, pinakasalan niya 'ko. Saka bakit ba tanong ka nang tanong sa 'kin? Type mo ba 'ko?"
Napakuyom ng magkabilang kamao sa hangin si Brielle at nakapikit na pinanggigilan iyon. "Alam mo, nakakapanginig ka talaga ng lamaaaan. Diyos ko, mahabagin."
"Brielle," pag-awat ni Markus sa kanya at hinatak siya pasandal sa upuan. Inilipat niya ang tingin kay Josef na kalmado pa rin naman. "Hindi ka ba binigyan ng sakit ng ulo ni Erajin?"
Halos manlaki ang butas ng ilong ni Josef at inis na inis na tiningnan ang mesa sabay sandal sa upuan niya. "She killed an innocent guard, trespassed an assassin's mansion, got shot by a hired killer, killed her targets while dancing, she even died in seven freaking days after she killed Carlos Zubin, wiped out a whole group of kidnappers, and we were ambushed by Alef Maksura's gang after taking some kid who died afterwards, so yeah, I still want my lady back kasi baka gusto pa niyang paramihin ang sakit ko sa ulo."
Nakangiwi lang sila habang nakatingin kay Josef na sobrang sarcastic na ng sinasabi. Kung makapagsalita kasi ito, parang kasalanan pa nila ang kasalanan ng asawa nito samantalang nagtatanong lang naman sila.
"Guess, Jin give you a hard time, huh," sabi na lang ni Mephist at kinalahati ang laman ng baso niya.
"Who else didn't?" sabad pa ni Markus sabay paikot ng mata. "She's always the loose cannon. Even the executives can't handle her crazy."
"Uhm!" Itinuro pa ni Brielle ang asawa. "Wala pa ngang pinapalit na President ng HQ matapos niyang patayin yung mayabang na Mr. J e."
"Si Daniel lang naman kasi ang may kayang kumontrol sa kanya," sagot ni Markus. Akma na sana siyang iinom sa basong kinuha kay Arkin nang mapansin ang mga tingin nila sa kanya. Klase ng tingin na halatang may sinabi siyang mali na makaka-offend sa asawa ni Erajin na naroong kasama nila. "Uhm, kukuha muna ako ng tubig." Mabilis siyang tumayo at tumungo sa ref para makaiwas.
"She's gonna be fine with him," paliwanag ni Mephist. "Kung ang memory niya ngayon ay yung memory niya seven years ago or below that date, for sure, mag-a-adjust si Crimson sa kanya."
"Pero galit si Daniel sa ginawa niyang pagtanggap sa posisyon, Arkin," paliwanag ni Brielle. "Hanggang kailan yung memory na 'yon ni Jin? Paano kung bumalik ang lahat ng alaala niya? Ano ang gagawin niya sa casa? Ano 'yon? Magpapatayan sila ni Daniel?"
"Gab, we all know Dan loved Jin so much he could kill everyone for Milady. Of course, he won't gonna hurt her," katwiran ni Mephist. "And Jin won't either. Daniel is her life saver, di ba?"
At kung awkward na ang sinabi kanina ni Markus, mas awkward pa ang sinabi ni Mephist ngayon.
Sumaglit sila ng sulyap kay Josef at mabilis na nag-iwas ng tingin nang makitang ang talim ng tingin nito sa kanila.
"Ubos na pala yung tubig ko," sabi ni Mephist at tinangay ang baso niyang kalahati pa naman ang laman. Na kahit si Markus na kukuha lang dapat ng tubig, tumambay na lang din sa may kitchen counter at nakinood sa niluluto ni Razele doon.
Si Brielle na lang ang matapang na naiwan sa mesa at si Aspasia.
"Magre-request ako ng gulay sa nagluluto," sabi ni Aspasia at tumayo na rin para tunguhin si Razele. Mukhang nakaramdam ng tensiyon sa paligid.
Biglang lumapad ang ngisi ni Brielle at nangalumbaba pa habang nakatingin kay Josef na matalim ang tingin sa kanya.
"Baka may kukunin ka rin," sarcastic pang sinabi ni Josef at inilahad ang kamay niya sa kitchen counter kung saan nagkumpulan ang iba. "Go ahead."
Nanatili lang ang ngisi ni Brielle na parang nakainteresanteng bagay ng nasa harapan niya.
"Dan was with Jin all her life since our Isle days," panimula ni Brielle sa mahinang boses na parang nananakot na. "They drowned her, he killed who did that. They shot her, he shot the person who did that. Jin was his princess, he was her guardian. He always saved her life. He could sacrifice a whole army for her. So . . ." Bahagyang inilapit ni Brielle ang sarili paharap sa mesa. ". . . What about you?"
Nagtaas ng mukha si Josef at tiningnan nang masama si Brielle. Mukhang hinahamon na naman siya nito.
"You're that selfish, arrogant, conceited man who never cared for anyone aside from himself," pagpapatuloy ni Brielle na halatang gustong i-provoke si Josef dahil napansin niyang may napitik na ugat sina Markus at Mephist at gusto lang niyang mang-inis. "Aminin mo na. Hinahabol mo si Erajin dahil ang iniisip mo, pagmamay-ari mo siya. Gaya ng mga kayamanan mong dini-display mo lang kapag kailangan mo ng maipagmamalaki sa lahat. After all, she's the Slayer . . . she's Erajin Hill-Miller. Hindi ka na lugi sa kanya."
Humalukipkip si Josef at sumandal sa upuan niya. Tinitigan niya nang matiim si Brielle na nakangising pinipikon siya.
"Napakagaling mo naman para maisip ang plano ko," natatawa pang sinabi ni Josef. "Yes, hindi na 'ko lugi sa asawa ko. She's the Slayer, she's Erajin Hill-Miller, she's really a treasure." Nginisihan din niya si Brielle para tapatan ang pang-iinis nito. "Yes, I am that selfish, arrogant, conceited man who never cared for anyone aside from myself. Thanks for reminding me, muntik ko nang makalimutan. Tapos ka na? 'Yan lang ba ang kaya mong sabihin sa 'kin?"
Biglang sumama ang tingin ni Brielle kay Josef. Hindi kasi ito napikon sa pamemersonal niya. Lalo tuloy lumawak ang ngisi nito sa kanya dahil nabigo siya sa balak.
"Your legend has ended, Shadow," iyon na lang ang nasabi ni Brielle sa kanya habang masama ang titig at nagbabanta. "You're gonna die."
"Dying wasn't on my list of options," mapagmataas na sagot ni Josef. "I'm here to take my wife back, and I'll do whatever ways would deem fit."
"Nababaliw ka na!" Ibinagsak ni Brielle ang mga kamao sa mesa at puno na ng pagbabanta ang mga tingin sa kausap. "Ano pa'ng magagawa mo kapag namatay ka na? 'Yon ba, naiisip mo, ha?"
"Ah! I thought I'm that selfish, arrogant, conceited man who never cared for anyone aside from myself? Bakit naging concern ka yata sa welfare ko?" mapanghamong tanong ni Josef sabay ngisi na naman. "Hindi ka ba nabubulunan every time na nilulunok mo lahat ng sinasabi mo?"
Kinuyom na naman ni Brielle ang hangin gawa ng panggigigil at talagang pigil na pigil na ang inis niya kay Josef. "Nakuuuu! Diyos ko, Markus, kundi lang talaga 'to—ay, naku talagaaa!"
Lumapit na si Markus sa kanila at inakay na patayo ang asawa niya saka yumukod kay Josef. "Pasensya ka na sa asawa ko."
"Don't worry, ang saya nga kausap ng asawa mo e," sarcastic pang sinabi ni Josef. "Ako yung inaasar pero siya yung napipikon."
"Grrrr!!! Nanggigigil na talaga 'ko sa lalaking 'yaaan!"
"Ba't mo pa kasi kinakausap?" sermon pa ni Markus sa asawa at tinangay ma rin ito papunta naman sa sala na para pakalmahin.
"Kapag talaga nabawi namin si Erajin, ako mismo maglalayo sa kanya sa 'yo! Napakasama ng ugali mo, antipatiko!" sigaw pa nito sa kanya.
"Ha-ha! I'm scared!" pang-asar pa ni Josef. "Thanks for calling me handsome, by the way!"
"Letse ka! Tantanan mo 'ko kundi ako papatay sa 'yo bago ka pa makatapak sa lugar ni Crimson!"
At mukhang hindi yata tatahimik ang gabi nila dahil sa asaran ng dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top