22: The Lunatic
Masyadong malaki ang city na iyon at naghahati ang boundary na pagmamay-ari ng Assemblage at Asylum. Kung tutuusin, pabor kay Josef kung nasa loob sila ng domain ng Asylum kaysa nasa loob siya ng Assemblage. Mapoprotektahan kasi siya ng President kung sakali mang kailanganin niya ng tulong. Ang kaso, halos lahat ng kasama niya ay taga-Assemblage, maliban kay Mephist at Aspasia.
Naroon sila ngayon sa bunker ni Neptune, sakop ng lupain ng Assemblage. May kadiliman sa mga pasilyo niyon papasok. Kung hindi lang nila kasama ang may-ari, malamang na mahihirapan silang pumasok dahil under maximum security facility ang buong lugar. Inabot sila ng sampung minuto, makarating lang sa main house na kung tutuusin ay simpleng bahay lang mula sa labas.
Dinala sila ni Neptune sa workshop nito na nakabukod sa main house. Malaki iyon at parang isang malaking cylindrical building. Sumasakop iyon ng dalawang floor at may laking kasya ang isang tennis court sa loob. Nasa first floor ang gym at dalawang kuwarto saka banyo. Sa itaas ang imbakan ng armas na may malawak na table sa gitna.
"Magaganda ang collection mo," papuri ni Aspasia sa isang malaking aparador na puro patalim na may iba't ibang tabas. Tiningnan niya iyon isa-isa. "Kilala ko yung dalawa rito."
"Bakit ka pumayag na kunin ng Citadel?" tanong ni Razele sa babae habang abala ito sa pagtingin-tingin sa mga patalim. "Nakita kong agent ng HQ ang nakakuha sa 'yo para dalhin doon."
Pasimple namang nakikinig sina Brielle sa usapan ng dalawa. Naghahanda kasi ang mga ito ng malalaking bag kung saan ilalagay ang mga dadalhing armas.
"Alam mo ba kung kailan ako kinuha sa Citadel?" tanong ni Aspasia at lumipat naman sa kabilang tokador na puro naman iba't ibang klase ng handgun.
"Na-validate ang order no'ng second week ng December last year," sagot ni Razele. "Ibig sabihin, mag-aapat na linggo ka nang nasa Citadel."
Noon lang nagkainteres sa pag-uusap si Josef na nakatanaw lang sa bintana para tanawin ang langit. "Pero mahigit isang linggo ka pa lang nagigising—o kung ano man ang ginawa mo bago ka magsinungaling sa 'kin."
Saglit naman silang tumahimik. Pinakatitigan lang ni Aspasia si Josef habang nakataas ang kilay. Kanya-kanyang iwas sina Markus sa usapan. Maliban sa wala silang alam doon, wala rin silang balak makialam dahil usapang Superior lang iyon at alam nilang oras na makisali sila, malamang na hahabulin sila ng mga Guardian pagkatapos.
"Nasa Citadel na 'ko bago pa man kayo makabalik," paliwanag ni Aspasia.
"At pumayag ka naman sa inutos nila sa 'yo, huh?" naiinis nang tanong ni Josef. "Sino ang nag-utos? Ang dating Fuhrer? Si Labyrinth? Yung ibang pioneer?"
"Si Milady," tipid na sagot ni Aspasia at tumalikod na naman para magmasid.
"Sinong milady?" takang tanong ni Josef.
"Si Jin?" di-makapaniwalang tanong ni Brielle. "Pinatapon nga si Jin sa Citadel, di ba? Tapos si Jin ang nag-utos?"
"Ang totoo niyan, si Armida Zordick ang nag-utos sa 'king pumunta sa Citadel. Kanya ang order sa pangalan ni Kevin Mark. Matagal na niya 'tong plano. Ewan ko, gusto niya yatang tumakas sa kanila."
Muli na namang tumahimik. Pare-pareho silang nagpapakiramdaman. Susulyap kay Aspasia, susulyap kay Josef. Pareho na kasing tumahimik ang dalawa.
Hindi nila alam kung bakit natahimik ang Fuhrer. Iniisip ni Mephist na baka may alam ito tungkol doon.
"Kung ako si Erajin, gano'n din ang gagawin ko," pagbasag ni Brielle sa katahimikan nila. "Jin hated the Citadel too much." Ibinagsak niya ang malaking travel bag sa mesa para doon ilagay ang lahat ng armas na dadalhin nila. "Gagawa at gagawa siya ng paraan para makaalis doon."
Lumapit na rin sa mesa si Razele na may dala nang kahon-kahon ng mga bala.
Binato ni Brielle ng travel bag si Josef na sinalo rin naman nito. "Hindi mo kami binayaran. Tumulong ka," maangas na sinabi ng babae at kinuha sa isang drawer ang tatlong kahon ng baril na kailangan pang i-assemble.
Balisa at seryosong inilapag ni Josef ang bag sa malaking mesa.
Sabay-sabay na silang nag-ayos doon habang panay ang kuha ng mga kahon ng mag-asawang Markus at Brielle sa kung saan-saang drawer.
"Alam mong gustong umalis ni Jin sa Citadel?" simpleng tanong sa kanya ni Mpehist habang nagkakarga ito ng bala sa hawak na magasin. "Sinabi ng naglabas kay Jin na banta siya buhay mo. Tingin ko, naunahan lang siya."
Nagbuntonghininga lang si Josef at malungkot na tiningnan ang ginagawang pagsasalansan ng mga inaayos nilang magasin sa loob ng malaking bag.
"May nangyari ba bago siya mawalan ng alaala?" tanong ni Mephist habang nakatingin lang kay Josef na walang buhay ang mga mata.
"Malamang na gawa 'yon ng pagkakapatay niya kay No. 99," wala sa sariling sagot ni Josef.
BAG!
Isang malakas na kalabog ang narinig nila at nadako ang paningin nila kay Brielle na nakanganga lang sa isang sulok kung saan nailaglag nito ang hawak na isang malaking kahon.
At mukhang hindi lang si Brielle ang nagulat. Maging sina Razele at Markus ay natigilan at napaawang na lang ang bibig sa sinabi niya.
"Pinatay . . . ni Erajin . . . si No. 99?" di-makapaniwalang tanong ni Brielle habang dahan-dahang lumalapit sa mesa. "Pinatay ni Jin . . . ang pinakamagaling . . . na assassin ng guild . . . ?"
Bumakas sa mga mukha nila ang pagluluksa. Napayuko na lang sila at saglit na natigilan sa ginagawang paghahanda. Si Josef na lang tuloy ang naiwang kumikilos.
"It was an accident—or, at least, she didn't know what she was doing that time," katwiran na lang ni Josef. Para bang sinusubukan pa rin niyang linisin ang pangalan ng asawa niya kahit pa alam nila noon pa na maaaring mangyari ang nangyari na. "I can't blame her. None of us blame her. Cas won't blame her own daughter either. And I'm sure, even if she killed her own father, the deed was not something she would do if she was in her good condition."
"Father? Daughter?" tanong pa ni Brielle at nakuha pa nitong tumabi sa kanya para lalong mag-usisa at tingnan siya sa malapitan. "What do you mean by her own father? And Cas?"
"Gab, Jin is the daughter of Cas and 99," paliwanag ni Razele.
"Hagh—!" Napasinghap si Brielle at napatakip ng bibig dahil sa gulat. Ilang saglit pa ang inabot bago siya nakabawi. "But—But I thought her parents were already dead! And you!" Binalikan niya si Josef. "I thought, anak ka ni Cas and Nightshade! Oh my fucking hell! How come I didn't know about all this shit?!" Napasabunot siya sa sarili at nagpalakad-lakad sa gilid ng mesa. "She killed a Superior. Guys, she killed a Superior! Papatawan si Jin ng castigation dahil sa ginawa niya!"
"Sumasalang siya sa castigation no'ng nangyari 'yon," dugtong ni Josef.
Akala nila, tapos na ang mga kagulat-gulat na katotohanan, pero hayun at nagdagdag pa ng isang kailangan ng sagot.
"May parusa na kaming dalawa bago pa niya patayin si No. 99. Inako niya yung parusa ko at siya lang ang mag-isang tumanggap ng lahat."
"Bakit naman siya papatawan ng castigation? May ginawa ba siya?" tanong pa ni Brielle na kanina pa maingay. "Nagwala ba siya ro'n? Ininsulto ba niya ang dating Fuhrer? Nanira ng mga gamit? Ano? Bakit? Bakit siya pinarusahan?"
"Pinatay niya si Carlos Zubin," simpleng paliwanag ni Josef. "May treaty ang Citadel sa mga Zubin na hindi namin sila puwedeng galawin. Nagkataon lang na napasok kami sa problema. Hindi niya naman sinasadya yung nangyari . . ."
Pinandilatan lang ni Markus ang mesa dahil sa narinig. Para bang sinasabi ng mukha niya na "Kapag si Erajin ang gumawa, imposibleng hindi niya 'yon sinasadya."
Si Mephist naman, nagpipigil ng tawa dahil alam niyang walang nakakatawa sa kinukuwento ni Josef pero natatawa siya sa katwiran nito.
Si Razele, nakanganga lang at parang diring-diri sa sinabi ni Josef.
Si Brielle, kung tingnan si Josef, parang tinubuan ito ng nakakadiring bagay sa mukha.
"Sorry, ha," natatawang sinabi ni Mephist at nagtaas na ng magkabilang kamay para humingi ng pasensiya. "Pero hindi ko talaga inasahang si RYJO ang pumatay sa matandang Zubin." At natawa pa siya ng mahina habang umiiling. "I mean—who would have thought, right? Buong sakop ng Citadel at Four Pillars, pinagbabawalang magbigay ng mission na sakop sila! Not an enemy, not an ally."
"Like I've said, it was an accident," kontra agad ni Josef. "Hindi niya 'yon sinasadya."
"Oh come on, Josef!" putol ni Mephist. "Parang hindi mo naman kilala si Erajin."
"Wait . . ." putol din ni Brielle. "You called him Josef?" tanong pa niya habang tinuturo ang katabi.
"Yes, why?" tanong pa ni Mephist.
Hinagod naman ng tingin ni Brielle ang katabi mula paa pataas sa mukha nito. "It rings a bell."
Naniningkit lang ang mata ni Josef nang tingnan si Brielle na tinatantiya siya ng mapanuring tingin. "May problema ka na naman ba sa 'kin, ha?"
"OH MY GOOOOD!" biglang lakas ng tili ni Brielle at napaatras silang lahat dahil sa tining ng boses nito, mas lalo na si Josef na simangot na simangot sa katabi.
"Problema mo?" tanong pa ni Josef.
"Hey, Asparagus!" pagtawag ni Brielle sa kasama nilang babae.
"It's Aspasia," paliwanag pa nito.
"Whatevs," mataray na kontra nito. "Anyway, did you two make out?"
"HA?!" gulat na naisigaw ni Josef sabay tingin kay Aspasia na napataas lang ang dalawang kilay sa tanong. Ibinalik din niya ang tingin kay Brielle na pinaghihinalaan sila ng tingin. "What kind of question was that?!"
"E nagpanggap siyang asawa mo, di ba?" sabi pa ni Brielle. "So did you two had sex?"
"Of course not!" kontra ulit ni Josef habang pinandidilatan si Brielle. "How dare you speak to me like that?!"
"Haay, nako, kung alam n'yo lang," dismayadong sinabi ni Aspasia sabay paikot ng mata habang inaayos ang isang set ng army knife sa loob ng isang malaking bag.
"Ano na naman 'yan?" reklamo pa ni Josef sa babae sa kabilang mesa.
"Buong akala ko talaga, wala kang pakialam sa asawa mo," sabi pa ni Aspasia. "Ni ayaw mo ngang hawakan kita, di ba?"
"Ay, grabeeee! Napakaarte mo talaga, as in," sabi pa ni Brielle habang hine-head-to-toe si Josef at nakakrus pa ang mga braso. "Bakit ba may ugali ka na parang lahat ng babae sa mundo, pinalaking germs, ha? Allergic ka ba sa babae?"
"Mahal ko lang ang asawa ko," singhal din niya kay Brielle.
"Ay, wow! Mahal, big word! And Jin had a one-night stand to a handsome man last night, huh! Wala ka pala e."
"Oh, surprise to you, Miss Warfreak, I was with her last night. And that handsome man was me."
"And so—huh?" Sasagot pa sana si Brielle nang biglang mag-sink in ang sinabi ni Josef sa kanya na ikinagulat din ng iba pang kasama nila. "Waaaait a minute." Nagtaas pa siya ng daliri at itinutok sa mukha ni Josef. "Ikaw ba yung Josef na Lord Ricardo?"
Mabilis na tinapik ni Josef ang daliring dinuduro siya. "Ano ngayon kung ako nga? May issue ka na naman ba?"
Ang laki ng pagkakanganga ng bibig ni Brielle dahil sa gulat. Napapikit-pikit na lang siya habang nakatingin kay Josef.
"Neptune, hindi ka ba nagsisising ganito kaingay ang asawa mo?" sarcastic pang tanong ni Josef kay Markus.
"Sorry, man. Just ler her be," paumanhin na lang ni Markus at nagpatuloy sa pag-assemble ng baril para ihanda.
Natahimik nang saglit.
Ngunit imbis na mapalagay na, lalo lang silang na-bother dahil nakanganga pa rin si Brielle kay Josef.
"Okay, she's freaking me out," sabi na lang ni Josef at lumipat na lang ng puwesto sa pagitan ni Razele at Mephist.
"Hon," pagtawag ni Markus dahil talagang na-shock ang asawa niya sa nalaman nito. "Honey, still there?"
Bigla itong kumalma at sapo-sapo ang noo. Lahat tuloy sila, nagtataka sa ikinikilos niya. Kung kailan siya tumahimik, saka naman sila nabahala rito.
"Sorry, di lang ako makapaniwala," sabi na lang ni Brielle sa pinakakalmadong tonong kaya niya. "I mean . . ." Nag-inhale-exhale pa siya habang parang mga nag-aabang na naman ng pagsigaw niya ang mga lalaking kasama.
"I thought, baliw na ang asawa ko," mahinang sinabi ni Josef habang tumutulong sa paglalagay ng bala sa magasin.
"Sana hindi mo siya parusahan sa ingay niya," paumanhin na agad ni Razele sa mahinang boses. "Kinakabahan ako, hindi ka naman na kasi agent lang ngayon. Pasensya na agad."
Ilang na ilang sila habang naghihintay ng ingay kay Brielle.
"You good?" tanong pa ni Markus sa asawa na nagpapaypay na ng namumulang mukha. "Gabrielle?"
"It felt like a movie, oh my god," pigil na pigil ang kilig na sinabi nito habang pinapaypayan ang matang naluluha na. "I'm so happy for Jin."
"Sorry, Markus, but she's crazy," kaswal na sinabi ni Mephist sa katabi.
"Isipin n'yo na lang, wala kayong nakikita," tugon na lang ni Markus sa kanila.
Kanya-kanya na silang buntonghininga dahil sa kagagawan ni Brielle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top