21: Revelation

Bilang mga agent, hindi pa nila naranasan mula pa noon ang makausap ang Fuhrer nang personal—maliban sa wala silang dahilan para makausap ito, wala ring dahilan para gustuhin nilang makausap ito.

Kaya nga hindi nila maiwasang kabahan dahil sa itinagal-tagal nila sa trabaho, bigla na lang silang ipatatawag para sa isang biglaang meeting ng Fuhrer.

Inokupa ng mga Guardian ang penthouse ng Grand Wyatt ayon na rin sa utos ng Fuhrer. Pumayag naman din ang President ng Hamza dahil ito ang may-ari ng penthouse kung nasaan sila.

"Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis," bulong ni Brielle.

"Hon, bibig mo," paalala sa kanya ng asawang si Markus.

Pinaupo kasi sila ng mga Guardian sa isang mahabang couch. Nasa kaliwang dulo si Markus, katabi niya ang asawa niyang si Brielle, at sa tabi nito ay si Mephist, at sa kabilang dulo si Razele.

Pinalilibutan sila ng mga bantay sa malalayong panig ng buong penthouse.

"You know this is not just a random meeting," panimula ni Josef habang naglalakad papalapit sa kanila mula sa pinanggalingan nitong kung saang bahagi ng penthouse.

Kinalabit na nila si Razele para ito na ang kumausap tutal ito naman ang may mataas na posisyon sa kanila.

"Sa totoo lang, hindi namin alam kung bakit kami dinala rito," panimula ni Razele. "Kaya hindi—wow."

Pare-parehas silang hindi nakapagsalita nang pag-upo ng Fuhrer sa separate single-seater sa harapan nila ay siya namang pagsulpot ng babaeng kamukhang-kamukha ni Armida Zordick.

"Jin!" malakas na pagtawag ni Markus.

"She's not her!" malakas na bulong ni Brielle at siniko ang asawa niya sa sikmura.

"Aw! Tss!" Napangiwi tuloy sa sakit si Markus habang hawak ang tiyan. "Bakit ka ba nananakit?"

Naupo sa likuran ng Fuhrer si Xerez at naupo naman sa kanang single-seater ang babaeng kasama nito.

Pare-parehas lang silang nakatitig sa babaeng nasa kabilang upuan. Nakasuot lang ito ng simpleng puting button-down at cream-colored slacks. May light makeup ito at pulang lipstick lang ang nagpapaangat sa kulay ng mukha.

"Kamukha niya talaga si Erajin," bulong ni Markus sa asawa.

"I know, hon," sagot naman ni Brielle. "At kung nakita mo si Jin last day, ang layo ng ayos nila. She cut her hair in pixie and dyed it blonde."

"She what?!" malakas na bulong ni Markus dahil sa gulat. "Nababaliw na ba siya?"

"'Yan talaga yung tanong mo, hmm?" sarcastic na tugon ni Brielle.

"Psst!" pag-awat sa kanila ni Mephist dahil nakatitig na sa kanila ang Fuhrer.

"Ehem." Napaayos tuloy silang lahat ng upo.

"Gusto ko kayong makausap lahat dahil may gusto akong malaman," seryosong sinabi ng Fuhrer. Sinulyapan niya ang babae sa kabilang upuan. "Tell me the truth . . . sino ka bang talaga?"

"Milord—"

"Xerez, magsasalita ka lang kapag sinabi ko," putol niya sa Centurion kaya napayuko na lang ito at napaayos ng tayo sa likuran.

Pabigat nang pabigat ang pakiramdam nila. Lalo na ng apat sa couch.

Maliban kasi sa nakipagbarilan lang naman sila sa simbahan kung nasaan ang Fuhrer, malamang na puwede silang patawan ng castigation dahil sangkot sila sa tangkang pagpatay rito. Hindi man nila sinasadya o wala sa intensiyon nila dahil tumatakas lang naman sila, nakasaad pa rin sa Credo na kapag nakita na ang mga Guardian ng Fuhrer sa area at itinuloy pa rin nila ang pagsugod, ground na iyon para sa parusa nila. Wala rin namang pakialam ang Credo kung mamamatay sila dahil doon. Ang importante ay panatilihing ligtas ang Fuhrer sa anumang paraan.

Inilipat nila ang tingin sa babae sa kabilang couch. Wala talagang takot ang tingin nito, parang ito pa ang matapang.

"Hindi ka sasagot?" matigas na sabi ng Fuhrer, nagbabanta.

"Aspasia," simpleng sagot ng babae.

"Oh shi—" Hindi na natuloy ni Razele ang pagkagulat nang malipat sa kanya ang atensiyon ng lahat. "Uhm, I tend to know her . . . somehow." Tumango-tango pa siya.

Napapikit na lang ang Fuhrer at napahimas ng noo. Nakitaan na ang mukha niya ng stress na pinipilit nitong itago noong mga nakaraang araw pa.

"So, you're not my wife," stressed na tanong niya sa nagpakilalang Aspasia. "Oh God . . ."

Napatakip tuloy ng mukha ang Fuhrer gamit ang magkabilang kamay at naitukod ang mga siko sa magkabilang tuhod.

Pare-parehas silang yumuko dahil parang kasalanan ang tingnan ang Fuhrer sa ganoong estado nito.

Kahit sina Razele, hindi rin makapaniwala na parang noon lang nag-sink in sa mga sarili nila na hawak si Erajin ng ibang taong hindi nila kayang pagkatiwalaan.

"Xerez!" galit na sigaw ng Fuhrer na nagpaalerto na naman sa kanilang lahat. "May alam ka ba rito?!"

Napayuko lang si Xerez at hindi nakasagot.

Bumigat bigla ang paghinga ng Fuhrer at walang ano-ano'y tumayo ito at sinapak ang Guardian niya.

Hindi alam ni Brielle kung bibilib ba sa tindig ng Guardian dahil kahit na pumutok na ang labi nito ay nanatili pa rin itong diretso sa pagkakatayo at bahagya lang na napaatras. Malamang na kung simpleng tao lang iyon, tumilapon na iyon dahil malakas ang pagkakasuntok ng Fuhrer dito.

"Kinuha ni Crimson ang asawa ko!" nanggagalaiting sigaw ng Fuhrer na bumalot sa buong penthouse.

"Huminahon ka nga!" pagpigil ni Aspasia at tinutukan ng baril ang Fuhrer sa sentido para pakalmahin ito.

Saglit na kumalma ang Fuhrer at nagtaasan ng baril ang mga Guardian para tutukan din ng baril si Aspasia.

"Oh hell," bulong na sinabi ni Markus at napatingin sa mga kasama niya. Nagtatanong kung aawat pa ba sila dahil hindi naman iyon ang ipinunta niya roon.

"Ang lakas ng loob mo para magpanggap bilang asawa ko," sarkastikong sinabi ng Fuhrer.

"Pinoprotektahan ka lang ng Citadel mula sa kanya," paliwanag nito at may tinuklap sa bandang leeg. Ilang saglit pa at hinatak nito ang mas malaking balat at hinubad iyon sa buong ulo.

"Ah! I knew—" Pinigil na naman ni Razele ang magsalita habang nakaturo kay Aspasia. Gusto lang niyang sabihing si Aspasia nga iyon.

Ipinaikot ni Aspasia sa daliri ang baril at nakasampay na lang iyon sa kanang hintuturo. Pagkatapos ay itinapon din sa mesa ang pekeng mukha. "Hindi ako lalaban. Nandito ako para protektahan ang Fuhrer." Ibinaba niya sa center table sa pagitan nilang lahat ang baril at komportable na namang umupo roon. "Kumalma ka naman na, baka puwede ka nang maupo ulit." Inilahad pa nito ang palad para ialok ang upuan sa lalaki.

"Wala kang galang," inis pang sinabi ng Fuhrer.

"Hindi ako legitimate Guardian para igalang ka. Binayaran ako para lang pansamantalang bantayan ka. Hindi rin ako sakop ng Credo kaya hindi ako maparurusahan."

"Huh!" Napaismid na lang ang Fuhrer dahil hindi talaga siya makapaniwala. Kung tutuusin, kaugaling-kaugali rin nito ang asawa niya.

Nagbalik na lang ang Fuhrer sa pagkakaupo at tiningnan nang masama si Aspasia.

"Sino ang nagplano ng lahat ng 'to?" tanong niya sa lahat. "Sumagot kayo."

"Milord, napagkasunduan ito ng guild. Para din ito sa kapakanan ninyo," tugon ni Xerez.

"Anong alam ninyo sa kapakanan ko, ha?!" singhal pa niya sa kanila. "Nasa labas si Armida, hawak ni Crimson, at nandito ako, niloloko n'yong lahat!"

"Milord, sana ay maintindihan ninyo na mas mahalaga ang buhay ninyo kaysa buhay ng ibang tao."

"Yung ibang taong sinasabi mo ay asawa ko, Xerez! Asawa ko, naririnig mo?! At mas mahalaga ang buhay niya kaysa buhay ninyong lahat!"

Napasinghap si Brielle sa narinig habang nakahawak sa dibdib. Siya lang yata ang nag-react sa sinabi ng Fuhrer.

"I should be offended 'coz of that shit, right?" tanong pa niya kay Markus.

"Sshh!" pagpapatahimik na naman sa kanya ng asawa.

"He said mas mahalaga pa ang buhay ni Jin kaysa sa 'tin."

"And so? Asawa niya si Jin, hon. He's just exaggerating," bulong ni Markus para patahimikin na talaga ang asawa niya.

"Pumunta kayo roon at bawiin ninyo si Armida kay Crimson," utos niya kina Xerez.

"Uh, I hate to break the tension," paningit ni Mephist dahilan para lahat ng mata ay malipat sa kanya. "But I'm hundred percent sure, dadalhin ni Daniel si Jin sa Casa Amarrillo. As far as I know, labas 'yon sa sakop ng Citadel." Inilipat ni Mephist ang tingin kay Xerez. "Oras na pasukin 'yon ng mga Guardian, para na rin kayong nagdeklara ng all-out war sa Four Pillars. Walang reversal 'yon, parurusahan pa ng castigation ang lahat ng makakabalik kapag sinugod n'yo ang casa."

Napapikit na naman ang Fuhrer at napahilamos na naman ng mukha.

"Milord, hayaan na lang natin si Lady Armida—"

"Fuck that! Babawiin ko ang asawa ko sa lalaking 'yon!" Dinuro ng Fuhrer ang Guardian niya. "And if you can't do it, then I will."

"Milord! Delikadong pumunta kayo roon nang mag-isa," pagpigil ni Xerez.

"Hindi tayo aabot sa ganitong punto kung hindi kayo nagsinungaling sa 'kin!" Dali-daling naglakad papalabas ng penthouse ang Fuhrer.

Saglit pang nagkatinginan sina Razele, nagtatanungan ang titig kung ano na ang gagawin sa susunod.

Tumango lang si Mephist, ganoon din si Markus.

"Guys, don't tell me . . ." bulong ni Brielle.

"May blueprint ako ng casa," paliwanag ni Markus na tumayo na rin. Ikinahinto naman iyon ng Fuhrer at nilingon siya. "I'll help you retrieve Jin from Crimson."

"Gusto ko lang maging safe si Jin," paliwanag ni Razele at tumayo na rin. "At wala si Crimson sa option ko."

"I know, Jin is important but I can't let you die," katwiran naman ni Mephist. "Pagagalitan ako ni Auntie kapag nalaman niyang pinabayaan ko ang anak niya."

"May choice pa ba 'ko e nagpatiuna na yung asawa ko, tss," paismid na sinabi ni Brielle sabay irap.

Tumayo na rin si Aspasia. "Bayad ako para protektahan ka. So whether you like it or not, susundan kita kahit saan."

Iniisa-isa sila ng tingin ng Fuhrer. Ilang saglit pa, walang salita itong tumalikod at dumiretso na sa elevator.

"Napakayabang talaga niya! Grrr, nanggigigil ako!" inis na sinabi ni Brielle habang nilulukot ang hangin.

"Dumaan muna tayo sa bunker," paliwanag ni Markus. "Pustahan, mangangapa rin 'yan maya-maya."

At nagsisunuran na sila sa Fuhrer patungong elevator.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top