20: Ambush

Sa likod ng simbahan napadpad sina Erajin. Sinabihan siya ni Brielle na huwag nang lumingon kahit sigaw siya nang sigaw kung paano na sina Razele at Mephist na naiwan.

"Jin, hayaan mo na sila, alam nila ang ginagawa nila!" sigaw sa kanya ni Brielle habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Erajin. Martes at wala na halos nagsisimba sa mga sandaling iyon. Papalubog na rin ang araw at kulay matingkad na kahel na ang langit.

"Brielle, mamamatay sina Mephist doon!"

"Jin, ano ba?!" Saglit na huminto si Brielle at hinawakan sa magkabilang balikat si Erajin at niyugyog ito para matauhan. "They're after you! Lalo tayong patay kapag nakuha ka nila!"

Kinuha ulit ni Brielle ang kamay niya at hinatak siya papasok sa back door ng simbahan.

Nangingilid-ngilid na ang luha ni Erajin gawa ng takot dahil hindi niya naman inaasahan na pauulanan sila ng bala ng mga taong hindi naman niya alam kung bakit siya hinahabol.

Alam naman niyang wala siyang alaala, pero hindi naman niya inaasahan na ganoon kalala ang pakay nila sa kanya na halos patayin na nila ang mga sarili para lang maprotektahan siya.

Mataas ang ceiling ng simbahan. Tinahak nila ang isang pasilyo na may kulay mahogany na tiles na nagpapapula sa sahig sa pagtama ng dilaw na ilaw. Damang-dama nila ang lamig ng air-con sa loob at amoy ng kandila.

Napaliligiran ang pasilyong iyon ng mga larawan ng mga pari.

"Jin, mas ligtas tayo rito sa St. Francis," paliwanag ni Brielle nang kumalma na sila at panay ang lingon niya sa kung saan ba maaaring magtago.

Sa dulo ng pasilyo ay may isa pang malaking kahoy na pintuan at isang daan sa kanan.

"May mga naglilingkod dito na nagtatrabaho rin sa Asylum," dugtong ni Brielle at pasilip-silip na maliliit na siwang ng pader na may maliliit ding bintana. "Kahit paano, may laban tayo kapag sumugod sila."

Napansin ni Brielle ang isang confession room sa malapit sa pinto na exit ng pasilyong tinatahak. Nasa harapan na pala sila ng simbahan. Wala siyang makitang ibang tao roon sa hilera ng kumpisalan.

"Hide," utos sa kanya ni Brielle habang nakatingin ito sa lugar ng dasalan. May ilang mga tao ang nagdadasal sa labas. Itinulak-tulak pa siya nito para pumasok sa maliliit na booth para mangumpisal.

"Pero paano ka?" nag-aalala niyang tanong.

"Just hide!" malakas na bulong nito. Lumapit si Brielle sa isang malaking metal candle holder na pinaglalagyan ng malalaking kandila para magamit na armas.

Bang!

Bang!

Bang!

"Aaahhh!" Napatili na naman si Erajin at mabilis na nagbukas ng pinto ng isang booth ng confession room.

"Aaaahh!" Isang malakas na tili na naman mula sa kanya nang makitang may tao pala sa loob niyon.

"Aah!" mabilis na sigaw rin ng lalaking nasa loob dahil sa gulat.

"AAAAHH!" Lalo pang lumakas ang tili ni Erajin habang nakapikit at tinatakpan ng mga kamay ang tainga. "AAHH—"

Hindi na niya naituloy pa ang pagsigaw dahil tinakpan ng lalaki ang bibig niya.

"Sssshh!" pagpapatahimik nito sa kanya.

Halos pandilatan niya ito dahil sa sobrang takot. Panay ang palag niya rito at pinalo-palo pa ang balikat nito para bitiwan siya.

"Shut up!" malakas na bulong nito at kinuha na naman nito ang mga kamay niya para pigilan siya. "Will you please calm down?! I'm not gonna hurt you!"

Hingal na hingal siya habang pinandidilatan ang lalaking hawak-hawak siya. Nakikita niya ang mukha nito sa maliliit na siwang na ng confession room. Saglit na naningkit ang mga mata niya para alamin kung kilala ba niya iyon, at muling nandilat ang mga mata niya nang mapagtantong iyon yung lalaking sinasabi nilang asawa niya.

Bang!

Bang!

Bang!

Bang!

"Aaaahhh!" Napakapit si Erajin sa damit ng taong kasama niya sa maliit na silid na iyon dahil sa takot.







Hindi inaasahan ni Josef ang mga putok ng baril na narinig niya. Maliban sa alam niyang nasa area ang mga Guardian, wala rin silang inaasahang kalaban sa mga sandaling iyon lalo pa't simbahan ang lokasyon nila. Naiwan pa naman si Armida sa sasakyan sa labas.

Ngunit ang mas hindi niya inaasahan ay ang babaeng pumasok sa confession room kung saan siya naroroon.

Takot na takot ito at nagpa-panic.

Hindi niya lubos maintindihan kung bakit sa mga sandaling iyon, nakikita niya ang tingin ni Jocas noong nagwawala ito sa dati nilang bahay. Ganoon din ang tingin nito noong hinahabol nila ang Scheduler.

Bang!

Bang!

Bang!

Bang!

"Aaaahhh!" Napakapit ito sa damit niya kaya niyakap niya ito para protektahan.

Tili lang ito nang tili. At ang bawat sigaw nito ay parang malalaking batong ipinupukol sa dibdib niya para masaktan.

Hindi siya tipikal na nakararamdam ng ganoon sa ibang taong naghihirap ngunit iba talaga ang hatid ng babaeng iyon sa kanya. Gusto niya itong protektahan, gusto niya itong yakapin at sabihing magiging ayos lang ang lahat.

Lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito na parang ang tagal niya itong hindi nakita.

Alam niyang nagkakagulo sa labas pero naging napakapayapa sa loob ng maliit na silid na iyon. Nagtatalo ang bigat at kaba ng pakiramdam ng nangyayaring barilan sa labas at sa gaan dahil may dinadala siyang mabigat na biglang nawala.

Ilang saglit pa, tuluyan na ngang pumapayapa ang lahat.

Nawala na rin ang sigaw ng babaeng yakap-yakap niya.

"Armida?" mahinang pagtawag niya ngunit bigla niyang binawi. "A—sorry. I mean . . ."

"Lord Ricardo!"

Nakita na lang ni Josef ang sarili na napalabas na ng confession room nang may humatak sa kanya mula sa loob.

Hindi nawala ang tingin niya sa babaeng iyon na nakatulala na lang habang nakatayo sa sulok.

Paglingon ni Josef sa katabing Guardian, nakita niya ang gulat na mukha nito nang makita rin kung sino ang nasa loob.

"A—Wha—What's gonna happen?" litong tanong pa ni Josef nang mapaatras dahil naglakad na paabante ang babae sa loob ng confession room.

Pagtapak nito sa liwanag, napasinghap si Josef dahil nakita na niya ang tinging iyon—ang matalim na tingin ni RYJO. At alam niyang isang tao lang ang nagmamay-ari ng ganoong tingin na kayang patindigin ang mga balahibo niya.

Hindi na sila nakaumang nang bigla nitong agawin ang baril na hawak ni Xerez sa tabi niya at itinutok sa kanila.

"Shadow," sabi pa nito sabay ngisi.

Wala nang duda, si RYJO nga ang nasa harapan niya.

"Akalain mo nga naman, dito pa tayo nagkita." Naglakad ito paatras patungong pinto habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanila.

"Armida . . ." pagtawag niya rito habang itinataas ang magkabila niyang kamay. "Put the gun down."

"Huh! Hindi Armida ang pangalan ko." Pasulyap-sulyap ito sa likuran para tantiyahin ang dinadaanan paatras. "At may kasama ka pa, ha?" tanong pa nito habang nakatingin kay Xerez. Saglit nitong ibinaba ang tingin sa collar ng gray suit ni Xerez na may naka-pin na lapel. "Your crown brooch . . ." Napakunot ang noo niya habang patuloy pa rin sa pag-atras. "Guardian Centurion . . . ? What the fuck are you doing here?"

"Erajin!"





Napasulyap si Erajin sa likuran dahil doon sa tumawag.

"Ah! Huh!" Napangisi na lang siya at mabilis na tinakbo ang gitna ng simbahan.

"Ranger!" sigaw niya para sumagot.

"Jin!"

Napahinto siya nang makita ang dalawa pang lalaking duguan ang mga mukha at may hawak na baril. Katabi nito si Brielle na nakadepensa rin.

"Razele?" takang tanong pa niya.

"Ayos ka lang?" tanong pa nito sa kanya.

"Pyro?" pagtawag pa niya kay Mephist.

"P-Pyro?" gulat pang tanong nina Razele at Brielle sa kanya.

"What the hell is happening right now?"

At doon lang napatingin sa paligid si Erajin. Pinalilibutan sila ng mga Guardian na tinututukan sila ng baril.

"Hinuhuli ba nila tayo?" tanong pa niya sa kahit sinong makasasagot. "Ano'ng nangyayari?"

"Erajin," pagtawag sa pinto ng simbahan.

Lahat sila ay napatingin doon.

"Crimson!" sagot din ni Erajin. Mabilis siyang tumakbo rito para lumapit.

"JIN!" pagpigil sa kanya nina Razele pero hindi siya nakinig.

"Jin, ano ba?! Kalaban siya!" sigaw pa ni Brielle.

Pero imbis na makinig, puno lang ng tanong niya nang makalapit kay Crimson.

"Crimson, bakit may mga Guardian dito? Hinuhuli ba nila tayo?"

Napaangat ng tingin si Crimson at napansin na iba na ang tingin nito sa kanya. Iba na rin ang sinasabi nito gaya noong una. At mukhang kilala na siya nito.

"Akala ko ba, wala na sa serbisyo si Pyro, bakit nandito siya?" dagdag pa ni Erajin.

"Pyro . . ." banggit din ni Crimson at sinulyapan si Mephist na ang sama ng tingin sa kanya. Ang tingin nito ay dismayadong-dismayado sa nangyayari. "Ah . . . I see." Napatango naman siya at parang naiintindihan na niya ang nagaganap. "Ang totoo niyan . . ." Inakbayan niya si Erajin at ipinaharap sa kanila. "Ang totoo niyan ay kumampi sila sa mga Superior at balak ka nilang isuko sa kanila ngayon."

"Crimson!" malakas at galit na galit na sigaw ni Razele.

"Dinala ka nila rito para ipahuli sa mga Guardian dahil may pabuya silang ibinigay sa ulo mo," nakangising sinabi ni Crimson habang ipinakikitang tapos na ang labang iyon dahil panalo na siya.

"Erajin! Huwag kang maniwala sa kanya!" pagmamakaawa ni Brielle.

"Nakikita mo ba 'to?" mahinahong paliwanag niya habang nililibot ng tingin ang paligid nilang tinututukan sila ng baril. "Kung sila, gusto kang isuko sa kanila; ako, hindi ko hahayaan 'yon."

Ikinumpas niya ang mga kamay at pumalibot sa kanya ang mga Lambda agent ng HQ para protektahan sila. May mga nakaambang baril din ang mga ito para bantaan sila.

"Erajin!" sigaw ni Brielle at akmang hahabol pa pero pinigilan na ito ni Mephist. "Arkin, nakuha na niya si Erajin, ano? Hahayaan na lang natin?!"

Umiling na lang si Mephist para sabihing huwag na nilang tangkain pa. "Gab, tinawag niya 'kong Pyro. Ibig sabihin, member pa rin ng Elites ang tingin niya sa 'kin ngayon."

"Ano naman?!"

"Sa mga panahong 'yon, wala pa siyang ibang kinakampihan kundi si Crimson lang. Huwag mong pilitin dahil kaya siyang kontrolin ni Daniel para labanan tayo. Wala tayong laban sa kanya."

"Aaargh!" Nasipa ni Brielle ang mahabang upuan sa kaliwang gilid niya. Napasabunot na lang siya sa sarili habang isa ring dismayado sa nangyari. "So, we almost killed ourselves for that? Huh?"

"Gabril, kilala mo si Crimson," malungkot na sinabi ni Razele na panay ang punas sa noo niyang tagaktak ang pawis at naghalo sa ilang patak ng dugo.

"I hate this! I fucking hate this!" pagwawala ni Brielle at panay ang pabalik-balik sa kinatatayuan.

"Razele," pagtawag ng boses ng lalaki at napatingin sila roon.

Napahugot ng hininga sina Razele at Mephist habang naglalakad ito papalapit.

"Alam mo, kasalanan mo 'to e!" sigaw ni Brielle at akmang susugurin ang Fuhrer pero mabilis siyang hinarang ni Xerez at tinutukan siya ng baril sa noo.

"Walang gagalaw sa Fuhrer," banta pa ni Xerez na walang kahit anong mababasa sa mga mata niya.

"Huh!" Napasinghap agad si Brielle sabay pamaywang. "Poprotektahan mo ang Fuhrer, pero hindi si Jin. Yeah! Right." Sarcastic pa siyang ngumiti at tumango. Sinulyapan niya ang Fuhrer at matalim itong tiningnan. "Siguro nga, wala kang pakialam sa asawa mo. Selfish as you are, Shadow. Bakit nga ba 'ko magtataka."

"Xerez," pagtawag ng Fuhrer.

"Yes, milord."

"Dalhin mo silang tatlo. Gusto ko silang makausap," seryosong sinabi ng Fuhrer na ikinagulat ng tatlo.

"Saglit! Anong—Shadow!"

Hindi na sila nakalaban pa nang posasan agad sila ng mga Guardian na kasama ng Fuhrer.

------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top