18: The Hunted

Sakay ng isang silver Porsche Cayenne sina Erajin at Mephist at tinatahak ang daan papunta sa isang restaurant kung saan daw sila magkikita-kita nina Brielle.

Tahimik lang si Erajin habang nakatanaw sa bintana. Nakikiramdam naman si Mephist, balisa kasi kanina pa ang katabi magmula nang umalis sila sa Hamza. Hindi niya alam kung tatanungin na ba o hindi pa.

Kaya nga kinailangan pa muna nilang makarating sa William's, ang restaurant kung saan naabutan nila sina Brielle at Razele na nagmemeryenda ng blueberry cheesecake.

"O? Bakit nandito pa 'yan?" pambungad na pambungad ni Brielle nang tabihan siya ng balisang si Erajin doon sa malambot na couch. "Uy, Jin, what happened?"

Nagusot lang ang mukha ni Erajin at ipinatong ang mga braso sa mesa saka isinubsob doon ang mukha.

"Arkin?" tanong ni Brielle kay Mephist na umupo naman sa tabi ni Razele. "News?"

"Gusto ko ring malaman kung ano'ng nangyari," sabi na lang ni Mephist sabay halukipkip at tingin kay Erajin na parang batang nagmumukmok sa harapan niya.

"Nagkita sila?" usisa ni Brielle.

"Yes, at kasama niya yung sinasabi n'yong pekeng Erajin. At kuhang-kuha niya ang mukha ni Jin in every angle."

"I knew it!" bulalas ni Brielle at naibagsak ang kamao sa mesa. "Malamang na pakana 'to ng mga kasama nila r'on."

"Nandoon si Xerez," dagdag ni Mephist. "Mukhang may alam siya."

"Ang reason ng pagpapatapon kay Jin ay dahil threat siya sa Fuhrer," pagsingit sa usapan ni Razele. "Tingin mo ba, Guardians ang gumawa nito para protektahan si Shadow?"

"Posible," sagot ni Mephist. "Hindi rin naman siya maghihinalang wala ang asawa niya sa Citadel kasi may kasama siyang kamukha ng asawa niya. At alam n'yo ang dahilan kung bakit hindi siya nagtataka?"

"Please tell me, it's not memory loss," aburidong sinabi ni Brielle.

Matipid na ngiti lang ang isinagot ni Mephist para sabihing iyon nga ang sagot.

"Ugh! Fuck that," inis na naibulong ni Brielle at nakasimangot nang tingnan si Erajin na parang batang nagtatampo habang nakatitig sa mesa. "Jin, ano'ng sinabi niya?"

"Kinukuha niya yung singsing ko," malungkot na sinabi ni Erajin.

"Singsing mo?" Tiningnan agad ni Brielle ang kaliwang kamay ni Erajin na nakapaling sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay nito para makita iyong maigi. "My gosh, Jin, e kahit ibenta niya 'to, wala siyang makukuha ritong pera! May damage pa!"

"Pero ang tanong, bakit niya gustong makuha kung wala naman palang halaga?" tanong ni Razele.

"O baka naman kasi 'yan talaga yung wedding ring ni Jin at nakalimutang alisin ng mga taga-Citadel," sagot ni Mephist. "Higit sa ating lahat, siya ang expert sa mga jewelry, di ba? So how come na pag-iinteresan niya 'yang singsing ni Jin kung talagang walang value."

Saglit silang natahimik. Tiningnan lang si Erajin na nakayukyok pa rin ang mukha sa mga braso roon sa mesa.

"Hindi ba nakakaramdam si Shadow na may mali sa asawa niya?" inis na tanong ni Brielle.

"Actually, Gab, kung ikaw ang nakakita sa babaeng 'yon, baka maniwala ka ring 'yon si RYJO," ani Mephist. "Even the looks of her eyes and the attitude, kuhang-kuha. She even shot a Leveler without a second thought."

"Malamang na may nangyari sa Citadel para masabi nilang threat si Jin sa Fuhrer," katwiran ni Brielle. "Three months ago nang i-declare nila na nagbago na ang heirarchy. Ang tagal na ng three months."

Ibinalik nilang lahat ang tingin kay Erajin. "Jin, hanggang ngayon ba, wala ka pa ring matandaan?"

Umiling naman si Erajin sa tanong para sabihing wala.

"Arkin," pagtawag ni Razele. "Mapapalabas mo ba yung mga alter niya?"

"Ay, oo nga! Baka sakaling alam nila!" dagdag ni Brielle.

"Uhm, sige," pagtango ni Mephist.

"Jin, seat properly," utos ni Brielle at pinaupo nang maayos ang katabi.

Sumunod naman ito at umayos ng upo. "Ano'ng gagawin n'yo?"

"Jin, sleep," mahinang sinabi ni Mephist at pinatunog ang mga daliri.

SNAP!

Biglang kumunot ang noo ni Erajin at takang-takang nakatingin kay Mephist. "What are you doing?"

SNAP!

SNAP!

"May . . . dapat bang mangyari?" tanong pa niya sa kanila.

"What the hell did they do to you?" gulat na tanong ni Mephist habang nakatingin sa mga mata ni Erajin.

Maging sina Razele at Brielle ay nagulat din. Dapat sa mga sandaling iyon ay nakatulog na si Erajin pero walang nangyari.

"Di kaya may ginawa sila sa kanya kaya hindi na nagpapakita yung mga alter niya?" takang tanong ni Brielle. "Even your hypnosis didn't work."

Bzzt! Bzzt!

Kanya-kanya silang tingin sa mga phone nila.

"It's mine," sabi ni Brielle at tiningnan ang phone. "It's Markus," sabi niya sa kanila at sinagot ang tumatawag. "Hello, honey. How's life?"

"I received a news. Nasa Hamza raw ang Slayer."

Mabilis na ni-louspeaker ni Brielle ang phone. "Markus, we have Erajin."

"Yeah, that's why I called you. Ano'ng gagawin ni Jin sa Hamza?"

"Apparently, she's here with us."

"Nasa Hamza kayo? Pinapasok kayo diyan?"

"Nasa William's kami, actually."

"Ha? Pero ang sabi nandoon siya ngayon. Like . . . the talk is ongoing real time."

"Baka 'yon yung impostor niya."

"Uh . . . what?"

"We'll explain later. Pumunta ka na lang sa Grand Wyatt," paalala ni Brielle. "Hinahabol din kasi kami ng mga tao ni Crimson.

"Ha? But Daniel called me three hours ago, hihintayin niya raw tayong lahat sa Grand Wyatt. Sabi niya, may meeting ang Elites ngayon since Jin is around."

"Oh shit," napamura na lang si Brielle at napanganga.

Napahilamos ng bandang bibig si Mephist dahil sa narinig.

"Jesada, this is Razele," paningit na agad ng lalaki. "Where are you?"

"Raz? Kasama ka nila? For real?" gulat pang tanong sa kabilang linya.

"Jes, Crimson is hunting us. Gusto niyang mabawi si Erajin. Tumakas lang kami sa HQ three days ago."

"HA?! Wait, wait, I can't follow. Crimson can't hunt you and Jin kasi kasama niya ang Fuhrer. That's impossible."

"Markus, pinatapon si Jin sa labas at nagbayad ang Citadel ng babaeng magpapanggap na siya. Now, Daniel is after us to get the real Erajin. We need your help to bring her back to Citadel," paliwanag ni Brielle sa asawa.

"Oh. Wow."

Pare-pareho silang natahimik. Nag-aabang ng salita sa isa't isa.

"Uhm . . . Is this confirmed?" Nauna nang umimik si Markus sa kabilang linya. "I'm in a two-hour drive from William's. But I think, mas maganda kung magkikita-kita na lang tayo sa church ng St. Francis sa West Boulevard. You don't want to start a war inside Asylum's domain. If Crimson is hunting you, you're good as dead."

"You bet," sabi na lang ni Brielle.

"See you in an hour," sabi ni Markus at pinatay na ang linya.

"We need to go," sabi agad ni Razele. "Nasa area na si Crimson. Hindi 'to magandang balita."

Sabay-sabay nilang tiningnan si Erajin na takang-taka lang na nakatingin sa kanila. Parang naghahanap ng sagot pero hindi naman nagtatanong.

"We'll protect you, Jin, don't worry," sabi na lang ni Brielle at niyakap sa gilid ang kaibigan habang hinahagod ang balikat nito. "Come on."

Nakalabas na sila ng restaurant at papunta na sa parking lot nito para sumakay sa kotse ni Razele.

"Real talk, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng takot kay Daniel," sabi pa ni Brielle habang naglalakad papunta sa sasakyan sa harapan ng restaurant.

"He has all means to show how scary he is," sabi pa ni Mephist. "We're talking about Erajin. Alam naman nating papatay siya ng kahit sino para kay Milady."

"Kailangan na nating bilisan," paalala ni Razele at saka niya kinuha ang key fob sa bulsa.

BEEP! BEEP!

BOOOGGSSSHHH!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari pagkatapos tumunog ng kotse ni Razele dahilan para tumalsik ang tatlo dahil sa lakas ng impact niyon.

Lumipad si Brielle sa glass window ng restaurant.

Si Mephist naman, tumama sa hood ng isang nakaparadang itim na Everest.

Si Razele ay tumilapon sa harap ng pintuan ng kainan.

Samantalang nanatiling nakatayo roon si Erajin at ang tanging nagawa na lang ay takpan ng magkabilang braso niya ang mukha sa apoy at sa mainit na hanging gawa ng pagsabog ng kotse ni Razele.

TIIIINNGG . . .

Iyon lang ang tanging naririnig ni Erajin sa mga oras na iyon.

Unti-unti siyang dumilat at parang dinala ng pagsabog ang kaluluwa niya sa panibagong dimensyon.

Nakita niya ang sariling nasa isang madilim na pasilyong iniilawan ng apoy na gawa ng isang pagsabog. Basang-basa siya dahil sa tubig na galing sa fire sprinkler.

Nasa harap niya ang isang lalaking walang buhay ang mga mata at duguan ang mga kamay.

"Is that all you've got, kid," sabi ng lalaking iyon.

"Yoo-Ji," pagtawag ng isang babaeng nakasuot ng maskara. "We're done here."

"Save yourself next time, nae ttal."

"A . . . beo . . . ji . . ."

At para bang nilamon ng apoy ang dalawang imaheng iyon. Kuminang ang mga mata niya sa apoy na gawa ng pagsabog.

"Jin!"

Napaluhod na lang siya habang nakatulala sa sumasayaw na alab sa harapan.

"Jin, naririnig mo ba 'ko?!"

Parang gusto niyang sundan ang apoy kaya pilit niya iyong inabot.

"JIN!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top