17: The President
Ikapitong taon na buhat nang gawing persona non grata si Shadow sa Hamza at sa kahit anong branch ng Assassin's Asylum. Ang sabi nga ng lahat, kung pinatay na ni RYJO si Shadow matapos nitong nakawin ang Brain, bakit pa niya kailangang gawing persona non grata?
Kaya noong nakaraang taon, matapos itong mahuli ng mga agent ng HQ sa Annual Elimination, doon nila nalaman kung bakit ito naging persona non grata.
Lahat ay kagustuhan ng President. Dahil kung may taong mas nakaiintindi kay Shadow, malamang na ang President na iyon. At kung magiging persona non grata nga naman si Shadow sa sarili nitong association, wala na itong dahilan para maging agent pa.
Kaya napakalaki ng utang na loob ni Josef kay RYJO at sa President magmula noon.
Nasa meeting room ng Hamza ang President na nakaupo sa kabisera, si Josef sa kanan niya, at si Armida sa tabi nito.
"You should be in this seat and not me," napakahinahong paalala ng President kay Josef.
"Kayo pa rin ang president ng Asylum, kayo ang karapat-dapat umupo diyan," sagot ng lalaki.
"Son, you're the Fuhrer. You should use your power and authority against me."
"Uncle, you know I can't do that. I owe you my life no matter what. And besides, it's just a seat. Why argue with a simple chair?" sabi ni Josef sabay sandal sa upuan niya at ngiti.
Natawa nang mahina ang President sa sinabi niya. "You've changed a lot, son. I'm proud of what you've become. I'm sure your father would be proud of you as well."
Doon na tuluyang naglaho ang ngiti ni Josef.
"Uncle, my father is dead. Nandito ako para sabihin kay Mama ang nangyari."
Nawala ang masayang aura ng President sa narinig. "Since when?"
Nagbuntonghininga si Josef bago sumagot. "Last week lang."
Tumango ang President at inilapag ang magkabilang siko niya sa mesa. "I'm sorry about that. Nasa New Zealand ngayon si Anjanette, pagdating na pagdating niya, sasabihin ko ang nangyari."
"Thanks, Uncle." Isang simpleng ngiti ang ibinigay niya sa President. "Anyway, I'm asking you a huge favor to take her to Citadel kaya personal na akong pumunta rito. Three days ko lang hihiramin si Mama, Uncle. Hindi rin kasi siya puwedeng magtagal sa Citadel. May agreement pa rin kasi between me and my grandfather. Hindi ko siya puwedeng makausap."
"I understand. Ako na ang magdadala sa kanya roon." Tumango naman ang President at tiningnan si Armida na pansin niyang kanina pa tahimik at nakatingin lang sa mesa. "Madame Zordick."
Kapansin-pansin ang pagiging malamig ni Josef sa asawa. Kung umakto nga siya magmula nang makadaupang-palad niya ang babaeng nagpakilalang si Erajin na asawa raw niya, hindi niya masabi kung bakit at paano pero hindi na niya ito makita kung paano niya ito nakikita noon.
"May problema ka ba?" tanong ni Josef sa tonong parang pilit na pilit pa.
"Wala," seryoso ring tugon nito.
Pinagmasdan ng President ang Fuhrer at may napansin ditong mali. Kung umakto kasi ito, parang hindi asawa ang katabi.
"Madame Zordick, can I talk to the Fuhrer privately? Family matter."
Matipid na nginitian ni Josef ang asawa at saglit na hinagod ang buhok nito. Sumulyap siya kay Xerez na naroon lang sa may pintuan ng conference room nakabantay.
Bilib talaga siya sa bilis ng pick up ng mga Guardian. Para bang konektado ang mga utak nila at isang tingin pa lang, alam na alam na nila ang gagawin. Hindi pa mga masalita.
Sinundan lang nila ito ng tingin nang lumabas, at makalipas ang ilang segundo at isang malalim na buntonghininga agad ang nagawa ni Josef saka malungkot na tumingin sa malaking mesa.
"Is there something bothering you, son?" tanong pa ng President kahit pa halatang-halata namang may bumabagabag sa stepson niya.
"Uncle, bakit n'yo hinayaang umalis yung babaeng nagpakilalang Erajin kanina rito sa Hamza?" pang-uusisa ni Josef habang nakatitig lang sa mesa at pabalagbag nang nakaupo sa upuan niya.
Matipid na namang ngiti sa President. "Dahil alam kong wala na siyang gagawin dito."
"Pero alam nating dalawa kung sino ba talaga si Erajin Hill-Miller, Uncle."
"Rynel, hindi ito tungkol sa kung siya ba si Erajin Hill-Miller o hindi. Ang tanong ko ay kung may gagawin pa ba siya rito o wala na. Kung tapos na ang pakay niya, makakaalis na siya."
Napakamot tuloy ng ulo roon si Josef dahil sinusunod pa rin pala ng President ang ganoong policy. Kaya kapag naroon talaga ito, kahit pa espiya ang nasa loob ng Hamza, mabilis na nakakatakas.
"Rynel, I raised you like my own firstborn," dugtong ng President. "Ever since you were a kid, alam ko kung may bumabagabag sa 'yo o wala. Kahit isa kang Zach, mas kilala pa kita kaysa sa mga kapatid mo. What is it?"
Nagbuntonghininga na naman nang pagkalalim-lalim si Josef at napahimas ng noo. "Uncle, do you love my mother?"
Natawa nang mahina ang President. "More than the world could imagine."
"Kahit na medyo witch-y siya?"
"Hahaha!" Lalong natawa ang President sa tanong na iyon. "Son, your mother is a Malavega. She's worst than a witch."
"And you accepted it?"
Mukhang nakaramdam na ang President sa kung ano ba ang gumugulo sa isipan ng inaanak niya.
"Is this about your wife?"
Hindi nakaimik si Josef. Isa na namang buntonghininga sa kanya.
"Is this about your wife . . . or about that lady I sent home earlier?"
Biglang nagusot ang mukha ni Josef at napaurong sa mesa. Ipinatong niya roon ang magkasalikop na mga kamay at nag-isip na naman nang malalim.
"Dinala siya rito ni Mephist," panimula ni Josef. "I don't know what was his plan, pero sinabi niyang kausapin ko ang babaeng 'yon."
"And like what she'd said, nakapag-usap naman daw kayo."
Tumango naman si Josef. "Sinabi niyang asawa ko siya."
Isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa mga labi ng President. "Naguguluhan ka ba?"
Isa na namang buntonghininga at bumalik sa pagkakasandal si Josef sa upuan. "Kasama ko si Armida, Uncle. Kasama namin sa iisang interrogation room. At dinala siya ni Mephist. Bakit ko sila pagkakatiwalaan?"
"What happened?"
"Pareho silang walang alaala ni Armida. Pero nasa kanya yung singsing ng asawa ko."
"Tingin mo ba, kinuha niya iyon?"
"Uncle, imposible e," nalilitong sinabi ni Josef at doon lang napatingin sa President na matamang nakikinig sa kanya. "Ang layo nitong area sa Citadel. How come na makukuha niya 'yon?And to think na nawala ang singsing on a random day, like . . . after her treatment? I haven't seen her for ten straight days. No chance to visit her dahil sinasabi nilang she was doing some test."
Napaangat ng mukha ang President na parang may naririnig na magandang istorya.
"Maliban sa singsing, may iba pa bang dahilan para mabagabag ka?" tanong pa ng President.
Isa na namang buntonghininga kay Josef at napahimas na naman ng noo. Lalo tuloy napapangiti ang President kahit na stressed na stressed na si Josef sa mga sandaling iyon.
"I love my wife. I even promised to be with her for the rest of our lives."
"Uhm-hmm, and I know, you're sincere with your words, son. You're not the type who would promise such things for flings."
"Kaso, Uncle, hindi ko alam kung bakit simula n'ong nakita ko yung babaeng 'yon, parang gumulo ang lahat." Itinuro niya ang pinto. "My wife is waiting outside. I promised to her with all my heart na siya lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. At walang kahit sinong babaeng papalit sa kanya." Itinuro naman niya ang harapan. "And there's that lady saying she's my wife bugging my head of what's true and what's not. Bakit niya kailangang magsinungaling na siya ang asawa ko samantalang harap-harapan na nga niyang nakikitang kasama ko si Armida?"
Napatango na lang ang President na parang naiintindihan na niya ang pinoproblema ni Josef.
"Son, if you really love your wife, you don't need another option because she is the only choice. There's no between."
"I know, Uncle . . . I know."
"Wala ako sa posisyon para magsalita tungkol sa trabaho at sa kalakaran sa Citadel. Kahit na ano pa ang mangyari, Superior na kita magmula nang italaga ka. Magagamit ang mga salita ko laban sa akin oras na may banggitin akong mali. Subalit papayuhan na lang kita bilang dating superior mo at bilang isang ama."
Doon lang siya muling tiningnan ni Josef na parang sawang-sawa nang ma-stress sa buhay nito.
"Trained ka para hindi agad maakit sa kahit sinong babae. At alam kong alam mo 'yan. Kaya kapag wala kang tiwala rito . . ." Itinuro niya ang mga mata. "Maniwala ka rito . . ." Itinuro niya ang dibdib. "Dahil maloloko ng mundo ang mga mata mo, pero hindi kahit kailan ang pakiramdam mo." Tumayo na siya at tinapik ang balikat ni Josef.
"Pakaisipin mo rin kung sino ba sa paligid mo ang nagsasabi ng totoo. Dahil kung hindi mo napupuna, binabagabag ka dahil may nararamdaman ka roon sa isa. Tanungin mo ang sarili mo bilang si Shadow kung bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit mo 'yon naramdaman sa kanya."
---------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top