14: RYJO and The Slayer

 Hamza—ang branch ng Assassin's Asylum na naka-locate sa isang malaking private land na katabi lang ng baybaying-dagat. Isa itong malaking dome na may 20 floors above the ground at 3 floors below the ground.

Alas-tres ng hapon nang makarating sina Erajin at Mephist sa Hamza.

Hindi na kagulat-gulat para kay Mephist ang makitang nakaayos ang mga Leveler at halatang may inaantabayanan. Nakahilera ang mga frontliner sa labas pa lang ng dome. Si Erajin naman, nailang dahil pakiramdam niya ay kakatayin na siya anumang oras base sa itsura ng mga Leveler na halos lamunin siya ng tingin.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Mephist habang sinusundan siya ni Erajin. Nillibot lang nito ng tingin ang loob ng Hamza pagpasok nila. Kinokompara niya ang loob ng Hamza sa HQ.

Ang HQ, mukhang simpleng kompanya ang ayos ng building. Kahit ang ayos ng mga taong nandoon, kahit kaunti man, lahat ay nakauniporme pa rin.

Dito sa Hamza, mukha siyang pinapasok sa loob ng isang abandonado at haunted coliseum sa sobrang dark ng atmosphere. Hindi naman madilim pero alam niyang ang ambience sa loob ay napakadilim talaga. Parang malaking horror dome ang buong lugar dahil sa pointed designs and structures sa mga haligi nito. Ang talim tumingin ng mga taong nakakasalubong nila. Halos lahat ay nakasuot ng mga damit na madidilim, kung hindi man itim, na parang may mga pinaglalamayan.

Nagtatayuan ang mga balahibo ni Erajin habang nilalakad nila ni Mephist ang papunta sa gitna ng coliseum na iyon. Habang tumatagal, palamig nang palamig ang lugar. Mataas naman ang kinalulugaran ng air-conditioning system pero talagang kakaiba ang lamig.

"Squad Bravo, Leiman." Sinalubong sila ng isang lalaking tumitindig ng anim na talampakan, nasa early-30s niya, nakasuot ng maroon long-sleeved shirt na masyadong masikip para sa katawan, at black trousers. Mahaba ang buhok nito na naka-ponytail. Moreno at kitang-kita ang ganda ng katawan sa suot.

"Squad Tango, Mephistopheles," pakilala ni Mephist.

"Wala pa ang President at ang Fuhrer," ani Leiman, naigilid saglit ang paningin para pagmasdan ang babaeng kasama ni Mephist. "Pero pinasasabi na niyang dumiretso ka sa conference room." Noong una ay balewala lang sa kanya ang babaeng panay ang libot ng tingin sa paligid, pero naibalik niya rin ang tingin niya rito nang makilala kung sino iyon. "Mephistopheles."

"Bakit?"

"Ang Slayer ba ang kasama mo?"

"Uhm-hmm."

Biglang balik ng tingin ni Leiman kay Mephist. Walang kahit anong detalyeng ipinararating ang tingin nito. "Marami akong gustong itanong pero mabuting magkusa ka na lang sa pagpapaliwanag sa President. Gagawan ko na lang ito ng incident report."

"Leiman," pagtawag ni Mephist bago tuluyang umalis.

"Bakit?"

"Pakisabi sa Fuhrer na may taong kakausap sa kanya. Ipabubukas ko ang IR11. This is urgent case."

Naglakad na lang patungong elevator si Mephist at sumunod naman sa kanya si Erajin na parang batang kumapit sa braso ng lalaki para hindi mawala.

"Arkin, parang nakakatakot naman dito," bulong ni Erajin nang lingunin ang pinanggalingan.

"Jin, 'wag mong ipakitang natatakot ka, hmm?" paalala ng lalaki at hinagod ang buhok ng babae. "Kasi mas nakakatakot ka sa mga 'yan."

Ipinaharap na lang niya ito sa elevator para hindi na makatagpo pa ng tingin ng ibang agent at sugurin sila.

Napanguso na lang si Erajin at inabangan ang pagbukas ng elevator na masyadong detalyado ang pagkakaukit kompara sa mga normal na elevator. May mga salitang naka-engrave doong Arabic character na sinubukang basahin ni Erajin at himalang naintindihan niya. Hamza ang ilan sa naintindihan niya na ang ibig sabihin ay devoted. Nakaukit doon ang ilang sa mga batas ng Hamza at nakabasa siya ng tatlo.

"Jin?"

"Ha?"

Hindi niya napansing bumukas na ang elevator. Pagpasok nila, doon lang niya napansing gawa sa salamin ang haligi niyon kaya kitang-kita nila ang buong dome habang umaakyat.

Patungo sila sa fifth floor. Ilang segundo lang at naroon na sila.

Sumilip pa si Erajin sa may railings ng fifth floor. "Whoah." Doon lang niya nakita ang kabuuan ng marmol na sahig ng dome. Nakaukit doon ang malaking Arabic character na nangangahulugan ng salitang Hamza. Kulay pula iyon na may outline na itim at ang kabuuan ay puti na bilang background. Akala niya ay simpleng disenyo lang iyon ng sahig kanina. Mas nakapagpabilib pa sa kanya ay ang semi-opaque ceiling ng dome kung saan tumatagos ang liwanag ng panghapong araw at iniilawan ang malaking simbolo sa sahig.

"Jin, tara na," pag-aya na naman ni Mephist at tumango na lang ang babae saka sumunod.

Tumungo ang dalawa sa isang silid sa fifth floor at doon naghintay.




IR11—ang 11th available interrogation room ng fifth floor. Isa sa pinakamadalas gamiting silid ni Mephistopheles para sa interrogation. Isa iyong simpleng silid, may sukat na limang metro kuwadrado, kulay cream ang pintura ng interior, may isang metal table sa gitna, isang white fluorescent light sa taas ng mesa bilang ilaw, may apat na single chair, at isa lang ang pinto bilang entrance at exit.

Magkatabi lang sina Mephist at Erajin.

"Arkin, kilala mo ba ang asawa ko?" usisa ng babae habang nakapangalumbaba sa mesa.

"Actually, stepson siya ng kakambal ng mother ko," kaswal na sagot ni Mephist habang naka-dekuwatro lang at nakapatong ang kaliwang kamay sa sandalan ng upuan ni Jin at ang kanan naman ay nakapatong sa mesa.

"Wow, magkakilala nga kayo," sagot ni Erajin. "Close ba kayo?"

Natawa nang mahina si Mephist. "Close?" Napatingin siya sa itaas para mag-isip ng isasagot. "Close enough to kill each other every time we meet." Ibinalik niya ang tingin kay Erajin. "But we're civilized, so we don't need to punch each other every time we crossed our paths."

"Pero hindi siya mabait . . . ?" dismayadong tanong ni Erajin.

"Without prejudice, Jin, he was a selfish man. Kahit pa i-analyse mo ang personality niya, hindi ka niya pag-aaksayahan ng oras kung wala kang halaga sa kanya. As much as possible, he would get rid of you in any ways he sees fit."

Kung dismayado na si Erajin sa kuwento ni Brielle, mas lalo siyang nadismaya sa sinabi ni Mephist.

"Ibig sabihin . . . ayaw niya sa 'kin kaya ako nandito?" malungkot na tanong ni Erajin.

Matipid ang naging ngiti ni Mephist at hinagod na naman ang buhok ni Erajin na parang pinatatahan ito. "Jin, I hate your husband, but he saved us from an upcoming all-out war declared by you. Wala kaming idea sa nangyari sa Citadel, but I know, hindi ka niya hahayaang mawala sa tabi niya." Tinapik pa niya ang babae sa balikat. "Cheer up. We'll talk to him later."




**********


Kung may isang bagay ang hindi inaasahan ng mga Leveler magmula nang ianunsiyo ng Citadel na walang tinanggap na all-out war ang Fuhrer, iyon na marahil ang paglalapag ng announcement na bumaba na ang dating Fuhrer sa puwesto at pinalitan na ito ng bagong mamumuno sa pinakamataas na posisyong hindi nila alam kung paano ba pinipili ng Citadel. At ang kagulat-gulat sa lahat ay kung sino ang ipinalit dito.

Alas-tres pasado na nang makarating ang Fuhrer sa Hamza.

Nakaabang na agad ang mga Leveler sa harapan ng malaking entrance ng Hamza para salubungin siya.

20 years na ang nakakalipas noong huling bumisita ang Fuhrer sa branch na iyon ng Asylum—si Adolf Zach pa ang namumuno, at buhay pa ang unang Xerez na humawak sa posisyon.

Isa na sa protocol ang pagsalubong sa pinakamataas na namumuno sa kanila kaya wala silang magagawa kundi sumunod.

Huminto ang limousine sa harap mismo ng entrance. Kasunod sa paghinto ang labinlimang itim na Mercedes Benz sa likuran nito.

Bumaba agad si Xerez at isa pang Guardian para pagbuksan ang Fuhrer. Sumunod naman nilang pinagbuksan ang sa asawa nitong hindi naman talaga kasama sa memo pero nagbago ang protocol sa huling minuto.

Kahit alam na nila ay nagulat pa rin ang mga Leveler nang lumabas na ang Fuhrer. Higit pa nang sumunod ang asawa nito sa limousine. Seryosong-seryoso ang mukha ng dalawa habang naglalakad papasok sa loob ng Hamza at sinusundan ng mga Guardian.

Lahat ng mata ay nakasunod sa kanilang dalawa. Naguguluhan ang mga Leveler.

Maliban sa nakikita nila ang bukod-tanging agent na matagal nang persona non grata sa Hamza at buong Assassin's Asylum, nakikita rin nila ang babaeng kasama nito.

Sinalubong agad ang Fuhrer nang isang Leveler.

"Squad Bravo, Leiman."

Napangisi ang Fuhrer sa pagsalubong sa kanya ng morenong lalaki.

Lumapit si Xerez para siya na ang kumausap sa Leveler pero nagtaas na agad ng kamay ang Fuhrer para pigilan ang Guardian.

"Xerez, ako na'ng bahala rito," sabi agad ng Fuhrer bago pa makapagsalita si Xerez.

Tatanggi sana ang Guardian pero naisip nito na mas mabuting sumunod na lang. Yumuko na lang siya at umatras papunta sa likuran ng Superior.

"Long time no see, Lei," pagbati ng Fuhrer kay Leiman.

Nakangiti lang ang lalaki na parang natutuwa sa lalaking kaharap. "As much as I want to greet you how I used to before, you know I can't." Sinulyapan niya ang mga Guardian sa paligid. "Welcome to Hamza, Mr. Zach." Yumukod na lang si Leiman para magbigay-galang. Tumayo rin siya agad pagkatapos at akmang babatiin ang babaeng naka-red gown sa tabi ng Fuhrer nang matigilan.

"Yes?" mataray pang tanong ng babae.

"Slayer?" takang tanong pa ni Leiman rito.

"She's not the Slayer anymore," sabi pa ng Fuhrer. "Wala na siya sa trabaho. Hindi na rin siya Ranker para magulat ka pa sa presensya niya rito sa Hamza."

Halata ang pagtataka sa mukha ni Leiman nang balikan ang Fuhrer. "Uhm . . . Mr. Zach, tingin ko may mas nakagugulat pa sa katotohanang nandito ang Slayer sa Hamza."

"Uhm! Like what?" naiintriga ring tanong ng Fuhrer.

Naglahad ng palad si Leiman patungo sa elevator. "Nasa IR11 si Mephistopheles."

"So?"

"Kasama niya si RYJO. At gusto niya kayong makausap."

"SINO?"

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top