11: Morning Demons

"Anong—Ano'ng ginawa mo sa 'kin?" galit na sigaw ng ng lalaki kay Erajin habang para itong pusang hindi maihi sa kinatatayuan.

"Wow! Wow, ha!" Itinuro niya ang sarili. "Ako? Ako pa talaga ang tinanong mo? Hiyang-hiya naman ako sa pagiging lalaki mo, brad!" sarcastic na sagot ni Erajin.

Ibinato sa kanya ng lalaki ang mga damit niyang nakakalat sa sahig. Pinanood lang niya ito dahil talagang unan lang ang ipinantakip nito sa katawan.

"Paano ka nakapasok dito sa kuwarto ko, ha?!" sigaw na naman sa kanya ng lalaki.

"Ah, malamang dumaan ako sa pinto, di ba?" sarcastic niyang sagot habang pinupulot ang binabatong damit sa kanya ng lalaki.

"Huh!" Hindi naman makapaniwala ang lalaki sa sinagot niya. "Talagang nagawa mo pang mamilosopo, ha!"

"Puwede bang tumalikod ka para makapagbihis ako!" reklamo ni Erajin.

"Fine!" Ito na ang humatak ng kumot at tumalikod na nga. Napatingin ito sa banyo ng kuwarto. "May banyo naman, a! Bakit hindi ka doon magbihis?!"

"Stop shouting! I'm freaking out!" sigaw ni Erajin dahil kahit ang pagsusuot ng bra, nakalimutan na rin niya yata kung paano.

Inisip agad ni Erajin kung may nangyari ba kagabi sa kanila nitong lalaking wala nang ibang ginawa kundi sigawan siya.

Pinakiramdaman niya ang katawan . . .

May nararamdaman siyang may makirot nang kaunti sa ibaba.

"Fuck," napamura na lang siya dahil kompirmado. Meron nga.

"Ano?! Matagal pa ba 'yan?" reklamo na naman ng lalaki.

"SHUT UP! Kasalanan mo 'to!"

"Ah! At ako pa ang may kasalanan? How dare you!"

"I said shut up!" Nagpa-panic na siya dahil parang maze na ang dress niya dahil ayaw maayos "Ano ba! Bumaligtad ka na!" sigaw niya sa kaawa-awang dress.

At sa wakas, after so many million years, umayos na rin ang bra at naisuot na niya nang maayos.

Hintay naman nang hintay ang lalaking nakatalikod dahil magbibihis lang, sobrang tagal pa.

BAG!

BAG!

BAG!

"Josef!"

Magkasabay na nanlaki ang mga mata nilang dalawa dahil doon sa kumakalampag sa pinto.

"Oh shit!" sigaw ng lalaki.

Mabilis na tinalon na ng lalaki ang kama papunta kay Erajin.

"Saglit, ano ba!"

Bigla siyang niyakap ng lalaki at itinulak siya pababa sa sahig. Magkasabay silang nagpagulong papunta sa ilalim ng kama hanggang sa makita na lang niya ang sariling pinandidilatan ang lalaking iyon na nakapaibabaw sa kanya at dinadaganan niya ang mga braso.

"Anong—" Hindi na naituloy ni Erajin ang sinasabi dahil pinutol agad siya nito.

"Ssh!"

Binigyan lang siya nito ng masamang tingin na may pagbabanta. Gumanti naman siya ng pandidilat din.

Nakaangat ang kaunting parte ng bed sheet gawa ng pagtalon nito sa kanya kaya kahit paano'y may liwanag na pumapasok sa ilalim ng kama.

"Josef, nasaan ka na?!"

"Milady, sinabi na ni Lord Ricardo na bawal siyang abalahin sa loob nitong unit niya."

"Ah! Asawa niya 'ko! May karapatan akong abalahin siya! Josef!"

"Ugh!" Napariin ang pagpikit ng lalaki at inis na nakagat ang mga labi. Pagkatapos ay nakatanggap na naman siya rito ng masamang tingin na parang sinisisi pa siya kung bakit sila umabot sa ganoong punto.

Tiningnan niya ito na parang nagpapaliwanag na "Wala akong kasalanan! Kasalanan mo!"

Kumunot ang noo nito at ginantihan siya ng tingin na nagsasabing "Ang kapal ng mukha mo, kuwarto ko 'to!"

"Josef! Pinagtataguan ba niya 'ko?!" tili ng babae sa labas.

"Milady, maghintay na lang po tayo sa lobby."

"No!"

Napagilid sila ng tingin sa kanan at nakita roon ang isang nakakalat na panty.

Pareho na namang nanlaki ang mga mata nila. Mabilis niyang hinatak ang braso niya paalis sa pagkakayakap ng lalaki at inabot iyon para makuha. Pasalamat na lang dahil isang abutan lang ng kamay niya ang layo niyon.

"Whooh! Muntik na." Napahinga nang maingay si Erajin na ikinalaki ng mata nilang dalawa.

"Ano 'yon?" tanong ng babae sa labas.

"Fu—" Hindi maigalaw ng lalaki ang mga kamay nitong dinadaganan niya kaya wala na itong ibang nagawa kundi ang hinalikan siya para lang matahimik na siya sa buhay niya bago pa sila mahuli.

Nanlaki ang mga mata ni Erajin sa ginawa sa kanya nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at parang kinuha ng lalaking iyon ang kaluluwa niya at dinala sa ibang dimensyon.

Sa isang iglap, parang napunta siya sa katawan ng ibang tao na nasa ibang lugar.

Nakikita niya ang paligid: maliwanag at maraming tao ang sinusundan siya ng tingin.

Naririnig niya ang tunog ng kampana habang hinahatid siya ng isang may-edad na lalaki sa dambana.

Nakasuot siya ng wedding gown at may hawak na bulaklak. Ngunit pansin niya ang nakaposas na mga kamay.

Biglang bumilis ang mga pangyayari at nakita niya ang sariling nasa harap ng isang pari kaya tiningnan niya ang katabi. Ang lalaking humahalik sa kanya ngayon, pero tulala lang ito habang nagsasalita ang pari sa harapan nila.

"Hagh—!" Biglang naglaho ang lahat dahil parang may humatak sa kaluluwa niya at nagbalik na siya sa tunay niyang katawan.

"Xerez," isa na namang boses ng lalaki sa malayo. "Alas-otso na. May meeting si Lord Ricardo sa lobby ngayon."

Saglit na tumahimik.

"Milady?" boses na naman ng mas mature na lalaki.

"Mga buwisit," inis na sinabi ng babae.

Ilang saglit pa, nakarinig na sila ng sunod-sunod na yabag ng paa papaalis. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig na sila ng pagsara ng pinto.

"Oh God," buntonghininga ng lalaki at iginulong na naman siya nito paalis sa ilalim ng kama.

Napapikit-pikit na lang si Erajin dahil pakiramdam niya, ilang minutong inalisan siya ng hininga dahil sa naganap.

Nanatili lang na nakalapat ang likod niya sa carpeted na sahig habang kuyom-kuyom ang panty na hawak.

"Kung ako sa 'yo, tatayo na 'ko," utos sa kanya ng lalaking iyon.

Napalunok na lang siya at dahan-dahan pang tumayo. Dahan-dahan din niyang sinulyapan ang lalaking tinatakpan ulit ng kumot ang ibabang parte ng katawan nito.

"Uhm . . ." Napalunok na naman siya at napaayos ng blonde na buhok. "Sorry."

Hindi siya inimik ng lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya na parang sinusukat siya ng tingin.

"A-aalis na 'ko," sabi na lang niya, nahihiya pa.

"Saglit," pagpigil nito sa kanya.

"Ha?" Sinalubong niya ang tingin nito. "Ikaw yung nakabunggo ko kahapon sa lobby, di ba?"

Napaisip naman si Erajin doon. Bigla niyang naalala yung aroganteng bumalya sa kanya. "Ah! Ikaw yung—" Itinuro pa niya ito. Napatango-tango na lang siya. "Ikaw pala 'yon."

Napansin niya ang tingin nitong parang pinagdududahan siya. "Ano'ng pangalan mo?"

Napalunok ulit siya bago sumagot. "Erajin."

Automatic ang taas ng kilay nito. "Erajin? Erajin what?"

"Hill-Miller . . ."

Tinitigan siya ng lalaki na puno ng gulat. "No. No!" Umiling-iling pa ito. "You're lying. Tell me the truth, sino kang talaga?!"

Napalunok na lang siya at tumango. "Kailangan ko nang bumalik sa unit namin." Nagmamadali siyang naglakad palabas ng kuwarto.

"Wait!" paghabol nito sa kanya pero hindi siya nag-abala pang huminto. Gusto na lang niyang umalis doon dahil napakalaking kamalian talaga ng nangyari.

Wala na nga siyang matandaan sa kung sino siya, tapos magkakaroon pa ng ganoong pangyayari na kahit isang detalye ng nagdaang gabi kasama ang lalaking iyon, hindi rin niya matandaan.

Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo niya.





Samantala . . .



Nabalisa si Josef habang kuyom-kuyom ang kumot na nakatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Napaupo na lang siya sa kama habang iniisip ang mga nangyari.

Kung hindi lang dahil sa buhok at sa mga nunal sa mukha, masasabi niyang malaki ang pagkakahawig ng babaeng nagpakilalang Erajin Hill-Miller na iyon sa asawa niya.

Pero imposibleng mangyari iyon dahil hayun nga ang asawa niya't nag-eskandalo ka-aga-aga.

Bigla siyang napaisip.

"Si Armida?"

"Lord Ricardo," pagtawag sa pinto at eksaktong pumasok si Xerez na biglang yumuko pagkakita sa kanya sa kama. "Magandang umaga, milord."

"Xerez, ano'ng ginagawa rito ni Armida?" tanong niya agad sa Guardian.

"Lord Ricardo, humihingi na ako ng paumanhin sa kapabayaan ng mga Guardian ni Lady Evari. Nasa infirmary ngayon ang tatlumpung Guardian na nagtangkang pigilan siya sa pagsunod dito."

"Oh shit . . ." Napahugot ng hininga si Josef sabay sapo sa noo dahil sa narinig. "Nasa ibaba na ba siya?"

Yumukod pa si Xerez. "Yes, milord." Sinulyapan ni Xerez ang mesa ng Fuhrer sa kaliwang bahagi ng silid. Hindi pa naililigpit ang mga pinagkainan nito. Nagitla siya nang makita ang ilang pinagbalatan ng brownies doon.

"Lord Ricardo, ipagpaumanhin ninyo ang aking itatanong," nag-aalala niyang panimula.

"Ano 'yon?"

"Nakapatong sa mesang iyan"—itinuro niya ang makalat na mesa—"ang sample ng drogang iniimbestigahan namin ngayon."

"Oo, nabasa ko nga kahapon," sagot ni Josef sabay tango. "Nakita ko sa medicine box."

"Ha?" Kahit si Xerez ay nagulat sa sinabi ng Fuhrer. "P-Pero, milord . . . may nakita ba kayong brownies sa mesa?"

"Yes."

Mabilis na yumuko si Xerez at hindi na lang nagsalita. Napapikit siya habang nakayuko. Napakalaking pagkakamali ng nangyari. Pag-angat niya ng tingin para sulyapan ang Fuhrer, nakatayo na ito at inaayos ang pagkakabalot ng kumot sa katawan.

"Lord Ricardo, ipagpaumanhin po ninyo . . ."

"Ano na namang ipagpapaumanhin ko?" inis nang tanong ni Josef.

"Milord, ang dami ninyong kalmot sa likod."

"HA?!" Mabilis na naghanap ng salamin si Josef. Tinungo niya ang dresser na nasa gilid ng kama at sinilip ang likod.

"OH MY GOD!" bulalas niya habang kinakapa ang likod na ang dami ngang kalmot. Binalingan niya agad si Xerez na pagtama ng mga tingin nila ay nag-iwas agad ng tingin at biglang yumuko na naman.

"Milord, ipapayo kong huwag muna ninyong hayaang makita iyan ni Lady Evari."

"OF COURSE, I WOULDN'T LET HER SEE THIS! GUSTO MO BA 'KONG MAMATAY?" galit na galit niyang sigaw at sinilip na naman sa salamin ang mga pulang guhit sa likuran niya. "Oh my fucking goodness! Ugh! Diyos ko! Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko?!"

Hindi na alam ni Josef kung may ilalala pa ba ang araw niya. Hindi pa man nabubuo ang umaga niya, sirang-sira na agad sa loob lang ng ilang sandali.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top