10: One-Night Stand

At kahit na gustong numakaw ng pahinga ni Josef ay hindi niya nagawa dahil pagtapak na pagtapak pa lang niya sa loob ng unit niya ay hinatiran na agad siya ni Xerez ng mga memorandum para mabasa. Ang sabi naman nito, kahit hindi muna basahin at magpahinga muna. Pero kung iipunin lang niya iyon at ipagpapaliban, mas lalong tatambak lang ang trabaho niyang tambak-tambak na nga.

Pitong memo lang iyon. Bagong lapag lang galing sa Hamza at sa HQ na pinakamalapit na association branches sa area.

Pirmado ang isa ni Leonard Thompson. Ang nakalagay ay abiso para sa nakatakdang pagdalaw ng Fuhrer sa Hamza sa makalawa.

Ang isa ay tungkol sa inilapag na truce na mula sa Order of the Superiors, abiso na on-hold ang operation ng MA: HQ. At ang lahat ng transactions, missions, agent-to-agent agreement na galing doon ay pansamantala munang ipatitigil until further notice.

Ang isa ay tungkol sa nakatakdang pagbiyahe ni Leonard Thompson patungong Citadel para sa isang summon na pirmado ni Cas. Noong nakaraang buwan pa iyon pero epektibo lang ang pagpapadala ng memo sa araw ng pagkamatay ni Joseph Zach.

Ang isa ay tungkol sa pansamantalang pagsasara ng HQ na epetibo lang eksakto ng araw na paglapag niya sa bansang iyon. Ang dahilan ay pagiging MIA at AWOL ng OIC ng Main Sector na si Yleazar Vargas, Code: Razele, at kawalan ng executives. Nakalagay rin doon na ang huling acting president na ipinalit ay pinatay rin ni RYJO habang nagaganap ang live termination at wala pang nahahanap na kapalit. Pirmado iyon ng isa sa executive ng MA: Central branch na nakapangalan kay Daniel Findel.

"Crimson . . ."

Bigla tuloy siyang napaisip kung paano na niya pupuntahan ang HQ at sino ang kakausapin kung sarado na ito sa mga oras na iyon? Kailangan pa naman niyang habulin ang 30-day period na palugit dito bago pa man tuluyang ipasara ang HQ.

Inabot na siya ng dapit-hapon kababasa ng mga memo. Sa bawat memo kasi, may mga nakadikit pang mga report kung paano at saan napulot ang paglalapag ng memo para lang maintindihan niya ang dahilan ng pagpirma ng mga executive roon.

Wala siyang butler, at wala rin naman siyang balak tangayin si Seamus doon. Sina Xerez ay nasa ibabang floor at doon nananatili.

May sariling protocol ang Grand Wyatt na hindi maaaring salingin ng mga Guardian dahil labag sa Criminel Credo ang pagtaliwas sa independent policy ng condominium. Hindi tuloy makapagbantay sa floor na iyon ang mga Guardian dahil okupado na ng mga kilalang tao ang mga unit sa buong floor kung nasaan ang Fuhrer. Lalo pa't unit na ni Shadow ang 1209 noon pang kinse anyos pa lang ito.

Alas-siete pasado nang dalhan siya ng hapunan ng room service. Abala pa rin siya sa pagbabasa habang nakatanaw sa over-looking skyview ng unit niya. Naroon siya sa tapat ng floor-to-ceiling doorway ng balcony, prenteng nakaupo sa gray couch, at binabasa ang isang incident report na related tungkol sa pagbababa ng on-hold memorandum ng HQ na pirmado ng Superior na si Armida Evari Zordick. Malaki ang inilugi ng HQ dahil sa nangyari sa hindi natulyo na all-out war. Nawalan ng tiwala ang ibang kliyente sa mga agent ng HQ at umiwas na kumuha roon ng tao dahil nga nasa blocklist na ng Citadel ang branch gawa ni RYJO.

"Mr. Zach, your dinner is ready," sabi ng mga naghahanda sa mesa niya.

"Thank you," pasalamat niya at saglit na ibinaba ang binabasa para tunguhin na hapunan.

Kompleto ang nakahanda roon. Appetizer, steak as main dish, may mushroom soup, at may creme brulee saka brownies sa dessert. May nakahanda ring tubig sa goblet at lemon juice.

Napansin din niya ang isang maliit na medicine box sa gitna ng mesa na may note, katabi niyon ang dalawang brownies.

"Lord Ricardo, may dalawang sample dito ng tinutukoy sa area na party drug. Mabilis itong kumalat sa area. May event sa katapat na bar, nagbibigay sila ng samplings. Paiimbestigahan namin kung sino ang nasa likod ng distribution para makausap ng Citadel. -Xerez"

Binuksan niya ang medicine box at nakita ang dalawang puting tableta.

"Natutulog pa ba 'tong si Xerez?" tanong niya sa sarili dahil kung marami na siyang trabaho sa pananaw niya, parang triple pa yata ang trabaho ng Centurion niya. Inilapag na niya ang note at nagsimula na siyang kumain ng hapunan.





***



Hindi na bago sa mga agent ang mga modus ng mga pusher kapag may drug distribution na magaganap. At gaya nga ng sinabi ni Razele, sikat ang bar sa harap ng Grand Wyatt bilang trial destination ng mga drug syndicate kapag may ire-release silang bagong uri ng droga.

At sa gabing iyon, nasa anyong brownies ang bagong release nilang party drug na mas malakas ang tama kompara sa regular ecstasy. Isang piraso pa lang nito ay kaya nang pagwalain ang isang tao at gawin itong sobrang saya. Delikado na kapag lumagpas sa tatlo ang nakain.

Labindalawa ang brownies na laman ng box, at sa kasalukuyan, apat na lang ang natitira kalalamon ni Erajin.

Nasa elevator siya nang makaramdam na siya ng sobrang init. Pinipilit niyang ubusin ang pangwalong brownies na kinakain niya kahit na parang iluluwa na niya iyon anumang oras.

"Hehehe, bakit ang cute-cute mong brownie?" natatawa niyang tanong sa kinakain. "Kakainin na kita, Brownieeee!" At buong-buo niya iyong isinubo at muntik pang isuka.

Tawa siya nang tawa nang mahina kahit wala namang nakakatawa. Hindi na tuwid ang mga linya ng elevator sa paningin niya. Nailaglag niya bigla ang box dahil sa pagkahilo. Napakapit tuloy siya sa dingding ng elevator para lang hindi matumba.

"Hahaha! Go home, elevatuuur! You drunk, elevatuuur!" Kahit ang pagtumba niya, tinawanan niya. Kulay dilaw na ang paligid niya at parang may 9.9 magnitude earthquake sa kinatatayuan.

TING!

Bumukas na ang elevator kasabay ng pagpasok ng dalawang babae.

Pagewang-gewang pa siyang naglakad sa elevator palabas. Natatawa siyang tumingin ulit dito habang masama ang tingin sa kanya ng mga kapapasok lang.

"Ba-bye, Elevaaaator! Muwah!" Nag-flying kiss pa siya rito at saka sabog na nilakad ang pasilyong parang gumagalaw sa pakiramdam niya.

"Ineeet!" reklamo niya. "Buksan n'yo yung air-con! Binabayaran kayo rito . . . mga walang kuwenta!"

Hinubad na niya ang suot na blazer na pinahiram ni Brielle sa kanya habang pinipilit na hanapin ang kuwarto nila. Gegewang-gewang siya habang binabagtas ang hallway ng floor kung saan siya lumabas.

"1207 . . . 1606 . . . 1708 . . . Ah, hehehe eto . . . hehehe."

Humarap siya sa kabilang pinto at yumuko pa para magbigay-galang na halos magpang-abot na ang noo niya at tuhod. "Papasok na po ako sa kuwarto namin!" At tatawa-tawa niyang pinihit ang doorknob.

"Razeeeele!" basag ang boses na pagtawag niya sa kasama. "Buksan mo nga yung air-coooon! Ang init-init naaa!"

Mabilis niyang hinubad ang suot na green halter-top dress na pahiram lang din din ni Brielle at ibinato na lang sa kung saan.

"Razeeele! Yoohoo!"

Pati ang suot niyang bra, halos punitin na lang niya sa katawan dahil hirap siyang i-unhook.

"Razeeeeele! Natutulog ka na namaaan?!" Panay ang tili niya habang pati ang natitirang underwear ay hinubad na rin. "Yung air-coooon!"

Sa katunayan ay malakas na ang air-conditioning system sa loob ng kuwarto pero pawis na pawis siya.

"Raz—Ah! Razeeeele!" Halos magkanda-dapa-dapa na siya para lang tunguhin ang banyo. Nakikita niya ang malabong pinto sa dulo. Parang lumalapit ito tapos biglang lalayo kada hakbang niya.

"Razeeeeele!" Ilang saglit pa ay nahawakan na niya ang doorknob at bigla itong bumukas dahil hindi naman pala talaga nakasara.

Dinig ang pag-agos ng tubig mula sa loob.

"Razeeele! Ssshhh!" pabulong na siya kung magtawag habang nakatutok ang hintuturo sa bibig.

Nakaaaninag siya ng imahen ng tao sa isang maliit na kuwarto sa loob ng banyo.

"Razeeeeele . . ." pabulong na pagtawag niya na naman. "Huli ka! Hahaha!" Ang lakas pa ng tawa niya nang gulatin ang lalaki sa banyo. Nang matitigan niya ito, ang labo ng rehistro nito sa paningin niya. Nginitian lang niya ito nang sobrang lapad. "Razele, bakit gumuwapo ka lalo?" Nakangisi niyang tanong dito at lalo pang lumapit para titigan ito sa malapitan. Ni hindi niya naramdaman na nababasa na ang katawan niya ng tubig gawa ng shower.

"Ah!" Napatili siya nang bigla siyang hatakin ng lalaki at itinulak sa tiled wall ng shower room. "Hahaha! Ang hard." Natawa pa siyang lalo at ipinalibot ang mga braso niya sa may batok nito. Napapikit-pikit na lang siya habang patuloy na umaagos sa katawan niya ang tubig. "You smell go—uhm."

Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang bigla siya nitong siniil ng halik.

Nagtatalo ang init ng kamay nitong gumagapang sa likod niya pababa sa may balakang.

Napatingala na lang siya nang gumapang ang halik nito pababa sa leeg niya. Sumabay ang init niyon sa pagdaloy ng tubig na nagmumula sa itaas nila.

"Armida . . ."

"Uhm . . ."

"I missed you . . ."

Natawa siya nang mahina habang kinikilos din niya ang kamay niya pasabunot sa basang buhok ng lalaki. "I missed you too . . ."

Naglakbay na naman ang mga kamay ng lalaki pababa sa hita niya at bahagya itong itinaas. Napakibot na lang siya nang may maramdamang pumasok mula sa ibaba.

Muling nagtapat ang mga mukha nila at pareho silang nakangiti sa isa't isa.

"I love you . . ." bulong ng lalaki sa tapat mismo ng mga labi niya.

Nakagat niya ang labi at natawa na naman nang mahina. "I love you too . . ."

At muli niya itong siniil ng halik habang nagdudumiin sa kanya ito sa dingding ng shower.






Kinaumagahan . . .



"Armida . . ."

"Uhm . . ."

"I love you . . ."

"Shut up, I'm sleeping." Basag pa ang boses ni Erajin nang magising dahil doon sa yumayakap sa kanya.

"What do you want for breakfast . . ."

Nagtaka naman si Erajin dahil may kung sinong nagtatanong sa paligid. "Huh?"

Bumangon na siya at tiningnan ang tiyan niya. Kinusot pa niya ang mata niya para makita kung tama ba ang nakikita.

"Tss . . . kamay lang pala," bulong niya sa sarili habang nagkakamot ng leeg. "Kamay la—"

"Holy sh—!"

Bigla siyang nabuhayan doon sa sumigaw kaya napatingin agad siya sa kaliwang gilid.

"Aaaahh!" Napatili rin siya at napatalon din paalis sa kama dahil nakita niya ang isang lalaking nagmamadaling maghanap ng pantakip sa katawan nito habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

"Si-si-sino ka?!" sigaw sa kanya ng lalaki.

Hinatak agad ni Erajin ang kumot para itakip sa katawan niya. "Ikaw, SINO KA?! Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto namin?!" pagbabalik niya ng tanong.

"Kuwarto NAMIN? Excuse me, KUWARTO KO 'TO!" Highlight na highlight ang salita ng lalaki para i-emphasize na kanya ang kuwartong iyon.

"Anong kuwarto mo? Excuse me rin! Kuwar—" Tiningnan agad ni Erajin ang paligid.

Napakagawa ng silid na iyon. Black, white, gray, silver, and gold lang ang kulay na nakikilala ng mata niya roon. Maganda ang skyview sa overlooking sa may balcony. Ang ganda pa naman ng sikat ng araw sa umagang iyon. Kulay itim ang kumot na ipinantatakip niya sa katawan niya. Itim din ang unan na ipinantatakip ng matipunong lalaking sinisigawan siya sa ibabang bahagi ng katawan nito.

At ang pinakamahalagang detalye sa lahat . . .

Hindi iyon ang tinutuluyan nilang kuwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top