Epilogue: Everything Goes On

"The best thing the universe ever gave us is that we'll all be forgotten."
Krystal Sutherland,
Our Chemical Hearts
✦❘༻༺❘✦

Makalipas ang isang taon, sa parehong buhay na mayroon siya kasama ang kanyang Lolo Dad at kapatid na si Simon, kumuha si Harika ng isang vocational course at pinasok ang mundo ng pagiging isang coffee artist o barista. Gusto niyang abalahin ang sarili at i-distract sa mga bagay na makapagpapaalala sa kanya ng masalimuot na pangyayari noong nakaraang taong pinagdaanan niya. Masaya ang puso niya, lalo na't ang mga taong nakapaligid na sa kanya ay panatag ang loob niyang kasa-kasama. She hasn't spoken to Melanie, her aunt, Slayter, or her closest friend, Lizbeth, yet. Nakakapagkita pa naman sila ni Waki, ngunit hindi na ganoon kadalas tulad ng dati. Venus and Genesis enjoy their own married life in Bellmoral. Jed returned to Fawnbrook after leaving everything in order three weeks prior. Ngayong wala na siyang gaanong iniisip na bagay tuwing gabi, natutunan na niyang pahalagahan ang bawat oras na kapiling ang dating congressman dahil sa nanghihina na nitong pangangatawan sa araw-araw na lumilipas. Hangga't maaaring nariyan siya para dito, nariyan lang siya sa tabi nito.

Constancio has drafted his final will and testament. The genuine one resulted from his words and was carried through by means of legal procedures. Nagulat si Harika nang malamang sa kanya lang lahat mapupunta ang mga ari-arian at kayamanan ng kanyang Lolo Dad. Walang naging hinanakit si Simon sa naging desisyon ng matanda. Harika is deserving of everything she has. Masaya ang lahat para sa kanya. Ang ibang mga hindi ay nasa kulungan na. It's literally not the ending they wanted, but it's exactly what Harika wanted—at least she got everything they were dying to get. At hinding-hindi niya hahayaang mapunta lamang iyon sa mga kamay ng masasama. Hindi lang naman yaman ang nakikita niya nang maipangalan ang mga iyon sa kanya, kung hindi ang halaga na galing sa dugo't pawis ng dating congressman na dapat ay ingatan.

Sa loob ng mansiyon, naibalik na ang dating siglang muntikan nang maglaho. Harika demanded that her Lolo Dad should rehire everyone who has been a part of their estate since then. Pangungunahan ni Alice ang magiging proseso nang muling pagtanggap nila sa mga trabahanteng tinanggal ng tiyahin niya.

"Kailan mo balak magtayo ng sarili mong coffee shop?" tanong ni Simon habang nilalanghap ang kapeng itinimpla ni Harika para dito. Kasalukuyan silang nasa patio ng mansiyon kung saan doon pansamantalang pina-practice niya ang pagiging coffee artist kasama ang mga makinang ginagamit niya.

Napakibit-balikat si Harika. "Hindi ko pa alam. Maybe someday..." Kumorte ang labi niya ng malapad na ngiti. "Susulitin ko pa siguro muna ang mga taong kasama ko kayong dalawa ni Lolo Dad. I could open my own coffee shop at any time, but my heart told me not to do so just yet." Saka pinagmasdan niya ang kapatid na hawak ang tasa ng kape. "Ikaw, kuya, kumusta na kayo ni Melissa? I can't wait to finally meet her," tila kinikilig na saad ni Harika sa kapatid.

"You will meet her soon. Busy pa siya sa trabaho niya sa Chrisford. Palagi nga kitang kinukuwento sa kanya at excited na siyang makita at makilala ka," ani Simon, saka tinikman ang kapeng ginawa ni Harika. Napataas ito ng kilay dahil nasarapan ito sa timpla at init niyon.

Noong sumapit ang hapon, ipinagtimpla naman niya ng kape ang headmaid at ang kanyang personal driver. Masustansiyang tsaa ang ginawa niya para sa dating congressman na kasalukuyang nagpapahinga sa kuwarto nito kasama ang personal nurse nitong si Allan. Halos dalawang linggo na rin nilang pinaghahandaan ang pagdating ng kaarawan nito. Harika chose not to send out invitations because she wanted the old man to remember his birthday as privately and simply as possible. Palagi na lang din kasing nakahiga ang dating congressman at kaligtasan na ang isinasaalang-alang nila kung mag-iimbita pa sila ng napakaraming mga bisita upang batiin ito at kamayan. All that is due to the fact that he was ill and prone to health issues.

Kinagabihan ay sinilip ni Harika ang matanda sa kuwarto nito nang matapos silang maghapunan na hindi ito kasalo. Nadatnan niya roon si Allan habang inaasikaso ito. She stepped in and smiled at his personal nurse before he left. Lumapit si Harika sa dating congressman, hinigit ang silya at umupo sa tabi saka hinawakan ang kamay nito. She smiled at him when she noticed he was still awake.

"Kumusta ka, Lolo Dad? I missed the moments when we used to spend so much time in your study. Na-miss ko 'yong kuwentuhan natin habang nagtatawanan tayo kasama si kuya. Sa totoo lang, gustung-gusto kitang puntahan palagi rito sa kuwarto mo, however, your doctor advised you to take more time to rest than usual. Mas kailangan mo raw 'yon, kaya sa mga oras na ito, susulitin kong kausapin at kumustahin ka." Hindi maiwasan ni Harika na mag-umpisang maging emosyonal sa tabi nito habang nakikita itong nanghihinang nakahiga sa kama nito.

He attempted to wink as he gazed at her. "Come see me whenever you like, my princess. Kung kinakailangan kong lisanin ang kuwartong ito at magpunta sa study kasama ka, gagawin ko." Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. "I'm so sorry if sometimes I can't. I hate that I am sick, which ruins our time together. Tumatanda na siguro talaga ako, pero hindi iyon magiging dahilan para hindi kita pagbigyan." Constancio's aging voice gave off a weary sound.

Harika blinked, trying to dry her tears. "It's alright, Lolo Dad; we can spend every waking hour anywhere. Ang importante, komportable ka. Ayaw na ayaw kong nakikita kang nahihirapan, kasi sa tuwing napapansin ko ang lagay ng katawan mo ngayon kumpara sa dati ay nalulungkot ako."

He took laborious breaths. "Do not be. Pansamantala lang ito, gagaling din agad ako, 'tapos gagawin na natin ang mga bagay na gusto mo kasama ako," pagtitiyak nito. "Get your list ready. When my doctor finally requires me to leave this room, we will do every single one of them. Sa ngayon, magpapalakas muna ako para magawa natin ang lahat ng iyon. You know me well, and I can live for a thousand years, so don't be afraid or worry about me too much," he joked, just to make Harika's chest heave and make her less wary of him.

Ngumisi siya rito. Inilig niya ang kanyang pisngi sa likod ng kamay nito. Kahit ano pang pagbibiro nito, hindi na maiaalis ni Harika na mag-alala at maging malungkot. Her Lolo Dad was faking optimism when, in reality, she doesn't believe his body will recover well. Pinahihina na ito ng sakit nito, dulot na rin ng katandaan, nagkakaroon na ng iba pang komplikasyon ang iniindang karamdaman nito.

Tinabihan lang ni Harika ang kanyang Lolo Dad sa kuwarto nito at hinihintay ang pagbalik si Allan upang palitan siya. Nakaidlip siya habang hawak pa rin ang kamay nito. Nagising na lang siya nang kalabitin ng matanda ang ulo niya.

Bumangon siya. "Yes, Lolo Dad? May kailangan kayo?"

Pinagmasdan siya nito na pinaglalabanan ang antok sa pupungay-pungay na mga mata nito. "Sa tingin mo ba masama akong tao?"

A random question was asked. Nagising ang diwa ni Harika nang tanungin siya nito ng ganoong bagay. She confidently wagged her head. "H-hindi, Lolo Dad,"she answered, and her eyes formed a worried look. "Maiintindihan kong masama ka sa iba, pero hindi sa mga mata ko dahil alam kong nagiging masama ka upang protektahan ako sa mga taong pinagbabalakan akong saktan at ipahamak..."

His lips curved into a contented smile. He was overjoyed to have her around. Tumahimik na ito matapos no'n.

Harika scheduled her time with him, and they oftentimes spend it together every afternoon. Minsan siya lang, minsan silang dalawa ni Simon ang kasama nito. They were so positive that he would soon get better, dahil nakikita nila ang improvements at resulta ng lab tests nito at kung paano ito makisalamuha sa kanila. Umaasa silang magiging maayos din ito, gagaling, babalik sa dati at mas matagal pa nilang makakasama.

Constancio loves to nap, but that late afternoon... It was the longest nap he could ever have, and he never wakes up. Hindi na ito umabot sa mismong kaarawan nito na halos ilang linggo na lang ay ipagdidiwang na nila. Lahat ng trabahante sa loob ng estate ay ikinalulungkot ang pagpanaw ng dating congressman. Napabalita na rin sa telebisyon ang tungkol dito at bumuhos ang pakikiramay ng mga taong sumusuporta rito at nagmamahal ng buong puso dahil sa serbisyo nito sa taumbayan. Aside from them, Harika was the saddest of them all. She hoped for his betterment, yet life happens. Masakit para sa kanya ang pagkawala nito, iba ang kirot ng dibdib niyang halos ang buong pagmamahal ng puso niya ay nakalaan para dito. Mabuti na lang at nariyan ang kapatid niya upang damayan siya sa kanyang pagdadalamhati.

Sa pagdaan ng mga linggo matapos ang hindi inaasahang pangyayaring pagpanaw ni Constancio, napapaisip-isip si Harika. May lungkot pa rin sa kanya, pero mas nangibabaw na ang kapanatagan ng loob niyang hindi na kailangan pang maghirap ng kanyang Lolo Dad na indahin ang sakit nito. Ayaw nitong nalulungkot siya, kaya sinubukan niyang pawiin ang lungkot na iyon at maging masaya na lang sa ikatatahimik ng utak niya.

Months after months, a decision came across Harika's mind. It surprised people around her when she told them that she would live her life alone. She didn't mean to leave everyone, but what struck her was her realizing the sense of purpose and independence, for herself and for her peace of mind. Nakasuporta lang ang mga taong malapit sa kanya sa naging desisyon niya.

Isang malungkot na pagpapaalam ang ginawa niya sa lahat nang dumating ang araw na itinakda niya para sa sarili. Harika transferred everything her Lolo Dad left her to Simon, except the mansion. Alam niyang mas mapangangalagaan nito ang lahat ng iiwanan niya, mas payayabungin pa nito ang kompanyang maipapangalan dito. Tiwala si Harika sa desisyong iyon at sinisiguro ni Simon na wala siyang dapat na ipag-alala sa mga ito dahil gagawin ng kapatid niya ang lahat upang mapanatili ang lahat ng yaman at pag-aari nila sa kung paano niya ito ipinagkatiwala.

Pinagmamasdang maigi ni Harika ang kanyang kuwarto sa huling pagkakataon, ang bawat sulok nito at mga alaala sa mga gamit na hindi na niya madadala. May lungkot man sa kanyang mga mata, ngunit buo na ang loob niyang lisanin ang lahat kaya hindi niya magawang maiyak kaiisip dito. Kung ano mang buhay ang naghihintay sa naging desisyon niya, haharapin niya iyon ng walang takot kahit na mag-isa.

"Are you leaving, Harika? Manang Alice told me that you are, and it shows since they are unhappy with your decision. I just dropped by to see you, sakto namang aalis ka na."

Nilingon niya si Venus na nakatayo sa nakaawang na pinto ng kuwarto niya. Tumayo siya at pinuntahan ito. She gently took her hand and smiled tightly at her. "What you heard from them was true. Aalis na 'ko rito sa mansiyon para mamuhay mag-isa. Kung saan..." tumitingin siya sa mga mata nito saka umiling, "hindi ko pa alam."

Nagsalubong ang kilay ni Venus. "Bakit? Why so suddenly? May problema ba?"

"After Lolo Dad died, months passed, and I decided to try to live on my own, without anything or anyone. Maybe it's just me challenging myself with what life brings." She shrugged it out. "You, how are things going? Nakausap mo na ba ang mommy mo?"

Lumungkot ang mukha ni Venus. Pumilig ang ulo niya upang tumingin sa iba. "Isang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatanggap ng kahit na sinong bisita. I tried everything I could to talk to her or see her state at the prison, at least, but she never showed herself to anyone, not even to me..." Agad nitong pinunasan ang luhang nagbabadyang malaglag sa mga mata nito.

Yakap na lang ang ibinigay ni Harika sa pinsan. She doesn't want to add any further commentary. Ayaw niyang palungkutin lalo si Venus lalo pa't pinuntahan siya nito nang maayos kanina, hindi niya intensyong paiyakin ito nang banggitin ang tungkol sa ina nitong si Lymareva.

Bago pa tuluyang makalimutan ni Harika, agad siyang nagtungo sa drawer table niya at dinapot ang kanyang tiara doon. Isinuot niya iyon kay Venus at malapad na ngumiti sa harap nito. "I was right. It looked better on you than it did on me." Tinapik na lang niya ang balikat nito upang palakasin ang loob nito at nagpahiwatig na magiging maayos din ang lahat.

Pagdating sa foyer ng mansiyon, sinalubong siya ng headmaid at ni Simon na bakas ang panglaw sa desisyon niyang paglisan.

"Kuya, ikaw na ang bahala sa lahat. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo kahit busy ka sa trabaho o sa kahit na anong bagay. Maraming salamat dahil nariyan ka, na tinupad pa rin ang hiling ko noon na magkaroon ng kapatid. Pasensya na kung kailangan kong umalis at iwan ka, kayo, siguro ganoon talaga mangyayari." She gave his brother a bear hug and a cheek kiss. "If we ever happen to meet again, I can't wait to see you with your own beautiful family..."

Harika avoided the words that would make her weep. Aalis siyang panatag na ang loob. Masaya na ang lagay ng puso niya sa ginawang desisyon. Kailangan na niya iyong panindigan.

Nang nasa loob na siya ng sasakyan habang ipinagmamaneho siya ni Manong Liro ay nababanaag ni Harika ang lungkot sa mukha ng matanda na tahimik lang na nakatingin sa daan. Noong parehong wala ang dating congressman at ang mga paningin niya, hindi nawala ang matandang driver na ito upang tulungan, asikasuhin at pagsilbihan siya simula pa noon. Sa kahit na kanino, kay Manong Liro siya may malaking utang na loob dahil kailanman ay hindi siya nito pinabayaan. Kulang pa ang pasasalamat sa sakripisyong ginawa nito sa kanya at sa pamilya nila.

Bago nila tunguhin ang terminal ng mga bus kung saan sasakay si Harika papunta sa Chrisford, nag-request muna siya sa matanda na daanan ang local jail kung saan kasalukuyang nakakulong si Melanie. She wished to speak with her, tell her stories, and wave farewell. Ang kaso, noong nagpunta sila ay nagpapahinga raw ito sa clinic ng presinto dahil may sakit si Melanie at hindi pa nito mahaharap ang kahit na sinong bisita nito. Wala nang nagawa si Harika kung hindi lisanin ang lugar upang magpatuloy sila sa byahe hanggang sa makarating sa terminal.

Provincial bus ang sasakyan niya, naghihintay sa kanya mahabang biyahe. Nang makababa siya ng kotse ay sumulyap siya kay Manong Liro habang bitbit nito ang mga bagahe niya.

"Ma'am, mag-iingat ho kayo," emosyonal nitong paalam, hindi makatitig sa kanya ng diretso.

Nakatungo lang ang matanda. Bago sila tuluyang maghiwalay, isang papeles ang dinukot ni Harika sa kanyang bag na dala. Iyon ay isang mahalagang dokumento, ang titulo ng mansiyon na ipinangalan niya sa matandang driver.

"Sa araw na ito, manong, kayo na ang nagmamay-ari ng mansiyon. Tanggapin ninyo ito bilang kabayaran sa lahat ng sakripisyo't napakagandang serbisyong ipinagkaloob ninyo sa pamilya namin."

Noong una ay ayaw pang tanggapin iyon ng matanda, ngunit kalaunan ay wala na itong nagawa.

"Maraming salamat sa 'yo, Manong Liro, sa lahat-lahat. Ito na siguro ang huling beses na ipagmamaneho mo ako." May bigat sa dibdib niya habang binibigkas ang mga salitang iyon. "Hinding-hindi ko ho kayo malilimutan..."

Walong oras ang byahe ang inaguwanta ni Harika. Ilang beses siyang nakatulog sa pagitan ng mga oras na iyon. Gabi nang umalis ang bus na sakay niya, madaling araw nang makarating ng Chrisford saka pa siya sasakay ng tren para sa panibagong dalawang oras na byahe.

Harika couldn't help the smile spreading over her face as she stared at the photo of the house next to the cliff. Nakikita pa lamang niya ang litrato ay nararamdaman na niya kung gaano kapayapa ang manirahan sa lugar na iyon. Constancio purchased it as a gift for Helen and gave it to Harika as a fresh start before passing away.

She was awake when the sunlight overtook the moon. Mabilis na nawala ang makapal na hamog nang makarating siya sa dalawang palapag na para bang vacation house sa tabi ng bangin. Malawak ang area bago ang mismong bahay. She sees everything as she turned around. May mga puno, halaman sa paligid at magandang tanawin naman ng kabundukan ang nasa likod ng idyllic home na titirhan niya. The simplicity of existence surrounds her, and blissfulness was the precise feeling she had previously manifested.

Pinasok niya ang loob niyon at may mga gamit na roon. Hindi tulad ng mga gamit sa mansiyon na mamahalin at kumpleto, pero kung sisimulan na niyang sanayin ang sariling maging kuntento kung ano lang ang mayroon sa harap niya, tiyak na makaka-survive siyang mag-isa. She believes she is alright with the remainder of it. She would be okay, after all; if not, the slight pain in her heart would lessen and eventually go away. Ibang-iba man ang itutuloy niyang buhay sa nakagisnan, basta't malayo sa bangungot na pinagdaanan ay malugod niyang tatanggapin at uumpisahan.

As the days passed, she was left to her own devices without having to justify anything to anyone. She occasionally had homesickness, but she managed to get through it.

Mabilis na lumipas ang panahon noong binalak niyang mamuhay mag-isa. Para bang ipinikit niya lang ang kanyang mga mata ay taon na agad ang dumaan simula nang magpasya siyang maging independent sa kanyang buhay.

Sa paglipas ng taong iyon ay ginawa niyang coffee shop ang idyllic home na tinitirhan niya, kakaunti lang ang nagiging customer niya noong una, ngunit kalaunan ay nagkakaroon na siya ng regular customers dahil hindi lang ang sarap na kapeng tinitimpla niya ang binabalik-balikan ng mga ito, kung 'di pati na ang napakagandang view na makikita sa tabi ng bangin.

She employed a server to assist her with her expanding shop. Hinding-hindi siya nagsasawa sa ginagawa niya kahit paulit-ulit na lang araw-araw. Ang importante sa kanya ay nagawa niyang makilala ang sarili sa mga panahong mag-isa siya at gumawa ng paraan sa panahong kailangan na niya. Napakarami niyang natutunan tungkol sa mga bagay-bagay at sa buhay na pinili niya. Kung nakikita lang siguro ni Constancio at Helen si Harika na masaya na, tiyak magiging proud ang mga ito sa kanya.

Walang kahit na sino ang nakaaalam kung nasaan siya, maging ang kuya niya o sino mang taong nasa mansiyon o kakilala niya. Kaya laking gulat niya nang nagpakita sa shop niya si Waki isang umaga. When he appeared at the other side of the counter, she was completely taken aback. Nawala siya sa focus noong muli silang magkita. Walang gaanong customer noong nagpunta ito kaya naman ay sinaluhan niya muna itong magkape sa tabi ng bangin noong umagang iyon.

"This place is so beautiful, Harika," Waki said to begin. They both turned away from the scene in front of them until he suddenly wrenched his head around to face her. "Years have passed since you left. I find it sad that you didn't bid me goodbye for the last time or make an appearance before leaving."

Nananatiling tahimik si Harika. She won't deny that she truly missed spending time with Waki. Ang boses at presensya nito ay ganoon pa rin kung paano niya iyon nararamdaman noon.

"How have you been? Since I last saw you, you have become stronger, more self-reliant, and more lovely."

Maliit na ngumiti si Harika. "I'm doing well and leading the life I had envisioned for myself before I left everyone in the mansion. Masayang-masaya akong maranasan 'yong buhay na gusto ko para sa sarili ko na nangyayari na sa akin ngayon," kuwento niya. Magaan na ang loob niya kay Waki at kahit na kanino. Perhaps the time and the work she enjoys have helped her forgive and forget.

"Even if you didn't tell it, it shows in you," he beamed. "I never thought I would've seen you here today. Akala ko iba ang nag-ma-manage nitong shop mo dahil sikat na ito sa mga tao, madalas kong makita ito na inirerekomenda sa ilang social media sites. I don't know what to feel, but I am so proud of you, of how well you do and how you have become," Waki mentioned every good word to her, 'cause that was what it shows for him.

May minutong katahimikan ang pumagitna sa kanila. Tunay na napakaganda ng panahon noong umagang iyon.

"Ikaw, Waki, kumusta ka? With the exception of your good physique, you continued to look the same to me. Nag-asawa ka na ba?" Harika asked. She is now socially developed enough to bring it with him without feeling uneasy about doing so.

Ngumisi si Waki. "...and straightforward," he added the greater things she said about her earlier. "To answer your question, I honestly don't have anyone at the moment. Masyadong busy sa trabaho, siguro darating din 'yon, ang taong nakalaan talaga para sa akin." And then he laughed it out. Bumaling muli ito ng tingin sa kanya. "You? Are you seeing anyone?" ibinalik nito ang tanong.

Agad na umiling si Harika. "Busy rin siguro ako katulad mo, sa pagpapatakbo nitong negosyong sinimulan ko taon na ang nakalilipas." They were both speaking in a casual tone. "Siguro nga tama ka, dadating din 'yon, sa tamang panahon, kung sino man ang nakalaan."

Their conversation goes further that morning as the great clouds roll over the hills. Walang bahid ng awkwardness ang pag-uusap nila, tila ba silang dalawa ay matagal nang magkaibigan na muling nagkita makalipas ang ilang taon. Lumipas na ang nakalipas, oras na ang gumawa ng paraan upang kalimutan na nila ang nangyari sa kanila noon at mag-move on na.

"Harika, excuse me, puwede ba kitang hiramin saglit?" anang server na katuwang niya roon. Sumingit it sa kanila. Lumapit ito sa kanya at bumulong, "Dumadami na kasi 'yong customers natin."

Tumayo si Harika at lumingon siya kay Waki. "Saglit lang, ha. Asikasuhin ko lang 'yong bagong dating na customers. Babalikan kita agad."

"Uhm... There's no need," he interrupted her. "Ayoko nang istorbohin pa ang trabaho mo. I came here just to give you this." Iniabot ni Waki ang maliit na sobre na naglalaman ng liham. "That's a letter from my mom. Matagal nang nasa akin 'yan, ngayon lang ako nagkaroon ng time at lakas ng loob na puntahan ka rito at ibigay sa 'yo 'yan."

Bumaba ang tingin ni Harika sa sobre. Tinanggap niya iyon at mabagal na naglakad pabalik sa loob.

"Harika, wait, uh..."

Humintong muli si Harika at binalingan itong muli ng tingin. "Yes?"

Waki swallows and clears his throat. "If you try to find and fall in love with someone in the future, try it again with me, na wala nang pagpapanggap. Wala nang magpapanggap na bulag, magiging totoo at seryoso na para sa 'yo, para sa atin... para sa isa't isa," he finally said it with his whole heart and full strength after holding it for so long.

Labas ang mga ipin na napangiti si Harika sa sinabi nito. She glanced at him in the same way she had before. She then went to the counter to take orders from the customers.

Hindi siya nagkompirma ng sagot, pero sa ngiti niyang iyon na ipinakita kay Waki, umaasa itong may pagkakataon pang muling magbukas ang puso ni Harika para dito. Kung kailan, hindi nito alam, pero maghihintay si Waki, hanggang sa muling sumapit ang araw na iyon.

Nang sumapit ang gabi hanggang sa magsara sila, hindi pa rin malimutan ni Harika ang pagdating ni Waki, pagbisita at pangungumusta sa kanya. Doon lang din siya nagkaroon ng pagkakataong basahin ang sulat na ibinigay nito na galing kay Melanie. Binuksan niya iyon at binasa, kahit na hindi kahabaan ang nakapaloob sa sulat, naramdaman naman niya ang sincerity sa paghingi ni Melanie ng tawad sa kanya, kay Helen at sa pamilya nila. Tinanggap na nito ang kapalaran sa kulungan at malugod nitong pagdudusahan ang mga nagawang kasalanan sa kanila.

Naluha lang siya sa binasa at pinigilang maging emosyonal dahil ayaw ni Harika na masira ang gabi niya. Buong araw siyang masaya at magaan ang loob, hindi niya hahayaang maglaho ang pakiramdam na iyon.

Ilang minuto na ang nakalilipas matapos magpaalam sa kanya ang kasama niyang server, at sa kalagitnaan ng pagpapatong ni Harika ng mga bangko sa ibabaw ng mesa ay napansin niya ang isang itim na kahon mula sa kabila. Natigilan siya nang makita ang isang puting paper crane sa tabi nito. Mabilis niyang dinampot iyon at binasa ang nilalaman ng papel na ibong iyon.

Good luck in your future endeavors. This will be the last paper crane you'll ever receive from me.

I love you, my sweet angel.

—mr0214

Luminga-linga siya sa paligid. Wala siyang presensyang naramdaman ng kahit na sino kung nasaan siya. Nang ibaling niya ang tingin muli sa kahon ay hindi na siya nagdalawang-isip na buksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang full headpiece, ang maskara ng lobo na suot-suot ng misteryosong lalaking nagpapakita sa kanya simula noon pa. His fatherly presence lingers on it. Harika felt it—the way her eyes watered, imagining him saying goodbye to her for good. Hindi man niya nakilala ang taong ito, malaki rin ang naging parte ng mga tulong nito upang maitama ang lahat sa kanila. He transformed into the light in the lamp when she was in the labyrinth.

Napahawak siya sa kanyang dibdib matapos matanggap iyon. Huminga siya nang malalim at mataimtim na napapikit.

If someone asked if she was okay, she might say yes, probably; but if there's a little no, she will be eventually. Her life may not be the same anymore, but one thing's for sure: everything goes on...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top