8: An Insulting Visit
The hour-long consultation with Dr. Yetter was followed by Waki driving Harika in her unit. Despite still being in recovery from the horrible accident and her loss, she appeared wonderful and healthier since. Hindi rin nakatulong sa kanya noong araw na nagtungo siya sa funeral ng congressman, lalo na noong oras na nakasagutan niya ang kanyang tiyahin na si Lymareva patungkol sa mga padalos-dalos nitong desisyon. Wala ring gaanong bisita si Harika na dumadalaw o nangungumusta sa kanya sa telepono. She had the impression that she had vanished into obscurity... forgotten by everyone.
"What did Dr. Yetter said? Nagkaroon na ba ng improvement ang mga paningin mo?" as soon as they entered the unit, Waki asked her.
Kinapa-kapa ni Harika ang paligid hanggang sa naupo siya sa malambot na couch. "He assured me that everything is fine. He's confident that I will soon restore my vision. I'm eager to see everyone, especially you... I want to personally thank you for everything."
Nagtungo si Waki sa windowed balcony at hinawi ang makapal na kurtina upang pumasok ang liwanag ng araw sa loob ng unit. He fixed his gaze on Harika, who was seated comfortably and staring straight at him. Agad na kumunot ang noo nito nang makitang nakatingin si Harika sa kanya nang ganoong kadiretso.
"Harika?"
"Yes?"
Waki asked her, perplexed, "Do you see me?"
Harika arched an eyebrow. "Waki, what are you talking about? Of course not."
"It seems like it. It feels like you're looking at me for real."
"Do I? I don't know," Harika muttered, shaking her head. "You mean I'm looking directly at you right now?"
Waki swallowed with furrowed brows.
She gently commented, "That's weird," while averting her gaze to other direction.
Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa pag-upo. Waki attempted to wave his hands in front of her face, asking, "Are you sure you still can't see anything?" but Harika didn't bat an eye or even blink.
"Yes, Waki. Bakit? Mukha na ba akong nakakakita?"
Umiling ito. "That's not what I meant, iba lang yong tingin mo sa akin kanina." Napasinghap siya. "I am sorry, I was probably just thinking of something else." Miski si Waki ay gusto na muling makakita si Harika kaya ay kung anu-ano na ang naiisip nito para sa kaibigan. He shook the thought away and went to the kitchen. "Anyway, I'll prepare your food. Anong oras pala darating si Chelsea?"
Napangiti si Harika nang banggitin nito ang tungkol sa pagbisita ni Chelsea. "She'll more likely arrive late this afternoon. May dadaanan pa siya bago tuluyang magpunta rito. She's on her way to the subway station to pick up Georgia and Mary."
"I thought Chelsea was visiting you alone? May kasama pala siya?"
Tumango si Harika. "Yes. In middle school, Chelsea and I were classmates. Mary and Georgia were my schoolmates. Hindi ko gaanong close ang dalawa, pero magkakakilala kami."
"How about Lizbeth? Mayroon pa ba kayong communication?" muling tanong nito at nag-aayos ng pagkain para sa kanya.
"Wala na akong naging balita kay Lizbeth pagkatapos ng graduation namin noong college. I don't know where she is now." Tila lumungkot si Harika nang maalala ang pinakamalapit niyang kaibigan noon.
Ilang saglit lang ay naihanda na ni Waki ang mga pagkain para sa kanya, ngunit tumayo siya at kinapa ang paligid upang makarating sa kanyang higaan. She seems tired in Waki's eyes.
"Harika, hindi ka na muna ba kakain?"
"Magpapahinga na lang muna ako, Waki. Salamat sa paghahanda ng pagkain," matamlay na tugon niya.
Pinagmasdan siya nito nang may pag-aalala sa mukha. He's aware that Harika's acting fine but, in fact, she was not.
"Please light my favorite scented candle before you go," she requested and laid down the bed.
Nakatagilid ang higa niyang nakaharap sa bintana at tila lumungkot bigla. These days, she frequently experiencing abrupt emotional outbursts. Kaya't mas lalong gustong pagtuunan siya ng pansin ni Waki, subalit minsan ay gusto namang mapag-isa ni Harika kaya't hindi siya nito maalagaan nang husto.
He lit Harika's favorite scented candle and clung his jacket on his arm. "I'm heading out and get some rest. Please call if you need anything."
Hindi na nagawang magpaalam pabalik ni Harika at malalim na lang siyang huminga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang makatulog. Palaging na lang nag-iiba ang mood niya sa tuwing may maaalala siyang masasayang nakaraan, tulad ngcongressman pati na ang mga taong malalapit sa kanya. Ganoon na lang ang naidudulot sa kanyang kalungkutan, lalo pa't ngayo'y wala rin siyang nakikita.
Kahit pa pilitin niyang maging okay, hindi pa rin iyon tatalab kung ang nakikita niya lang ay wala.
"Lolo dad, what is that?" Itinuro ni Harika ang isang nakatuping papel na hugis ibon.
"Ito ba? This is a paper crane." Dinampot ni Constancio Levantine ang papel na ibon na iyon mula sa office desk nito at iniabot sa apo.
"Sino po ang nagbigay sa inyo ng paper crane na ito?" usisang tanong niya.
Constancio shrugged. "I'm not sure. Someone must have left it on my table."
Mayamaya'y dumating ang isang humahangos na lalaki. He bursted through the office door.
"Dad... I really apologize for everything. I never intend to leave you and abandon my family. Natakot lang talaga ako, dad," pagmamakaawa nito.
Napatingin si Harika sa lalaking bigla na lamang pumasok sa loob ng opisina. Natakot siya nang lumapit ito sa kanyang Lolo Dad at lumuhod sa harap nito.
"Cris, get out of my office! Matagal na kitang itinakwil bilang anak ko. Don't force me calling security to haul you out."
Pinagkiskis ng lalaking nag-ngangalang Cris ang mga palad nito at patuloy na nagmamakaawa, "Dad, please forgive me. Inaamin ko, naging mahina ang loob at naduwag ako noong mga oras na iyon kaya't nagawa kong iwan kayo pati na ang pamilya ko. I will never ever do that again!"
Itinuro ni Constancio ang pintuan ng kanyang opisina. "Get out! Now!" mariin nitong singhal.
"Dad, I'm begging you!" He's begging to his feet.
Kunot ang noo ni Harika, walang ideya sa mga nangyayari at naaawa sa lalaking patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanyang Lolo Dad. Her grandfather won't accept anything from him, not even the forgiveness he begs for, despite the fact that he appears sincere in his deeds.
Sa patuloy na paghangos ay lumingon nang tingin ang lalaking ito sa kinauupuan ni Harika.
"Dad, this is her now?"
Mas lalong naging emosyonal ang lalaking ito nang makita si Harika. Though Constancio forbade it, he approached her carefully.
"Cris, don't you dare touch her," he commanded the man attempting to touch young Harika.
Ilang saglit pa ay dumating na ang security mula sa labas na kanina pa ito hinahabol at dinampot ang lalaking gumagawa ng iskandalo sa loob ng opisina ni Constancio.
Harika asked him, "Lolo dad, who is he and why does he want to touch me?" with intrigue.
"Harika, honey, he's just a nobody. Come on over, I'll send you home so you can rest. Huwag mo nang isipin ang lalaking iyon."
Tumahimik na lang siya nang buhatin siya ng kanyang Lolo Dad mula sa kinauupuan at ipahatid sa mansion upang makapagpahinga na.
Nagising si Harika mula sa pagkakaidlip dahil sa dalawang magkasunod na doorbell na umalingawngaw sa loob ng unit niya. Waki's missed calls went unnoticed because she had already put her phone in silent mode. She approached the unit door with her wandering hands. Ang kanyang mga kamay ang nagsisilbing paningin niya ngayon.
Kung hindi siya nagkakamali ay si Chelsea na ang nasa labas—ang inaasahan niyang bisita. She felt delighted, so she flung open the door while grinning broadly.
"Harika?"
"Chelsea? You're finally here!"
Nakangiti si Harika kaharap ang tatlong babae sa tapat ng unit niya, ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin hindi mismo sa mga ito dahil hindi niya tunay na nakikita ang mga hitsura nito.
Pinagmamasdan lang siya ni Mary at Georgia na tila naiilang.
"Come on in." Inanyayahan niya ang mga ito sa loob nang hindi mawala ang saya sa kanyang mga labi, saka niya isinarado ang pinto.
"I brought some flowers and fruits for you. Kumusta ka na?" pagbati ni Chelsea sa kanya. "Georgia, what are you doing? Halika nga rito," mahinang saway nito nang agad na magtungo si Georgia sa kusina at walang permisong binuksan ang refrigerator.
"Kukuha lang ako ng isang basong malamig na tubig. Kanina pa ako nauuhaw," anito.
"Oo nga, Chelsea." Palinga-linga si Mary, naglabas ng sigarilyo at pinasak sa mga labi nito saka sinindihan.
"Mary, don't smoke here. Mahiya naman kayo," pabulong na awat ni Chelsea.
"Chill out, Chelsea. She'll never know if I am smoking or not," bastos na tugon nito.
Nakahinto lang si Harika, bahagyang nakayuko at malinaw na naririnig ang mga usapan sa paligid.
"Wala lang akong paningin, Mary, pero naaamoy at nararamdaman ko pa rin kung ano ang mga nasa paligid ko," Harika warned the girls politely not to get offended.
Georgia scoffed. "Makes sense."
Inalalayan ni Chelsea na makaupo si Harika mula sa dining area, samantalang sina Georgia at Mary ay panay ang libot sa buong unit. Kung anu-ano ang mga bagay na pinakikialaman ng mga ito.
"How are you, Harika?" muling pagkumusta ni Chelsea at naupo sa tabi niya.
Naubo lang nang kaunti si Harika nang maamoy ang usok ng sigarilyo. Her nose and throat irritated so fast since she wasn't used to breathing air that contained nicotine. Hindi na niya inintindi ang pag-uugali ng mga ito—sa mga ikinilos ng dalawa ay tila insulto iyon para sa kanya. Nakuha na lang niya itong balewalain.
"I'm doing well, Chelsea. Ikaw kumusta ka?"
"I'm doing great as well. Mayroon din akong negosyong flower shop sa Bellmoral and I brought you our bestseller flower bouquet."
Tumayo si Chelsea at kinuha ang flower bouquet na ipinatong niya sa mesa kanina.
"Giving her a bouquet serves no purpose, Chelsea. Kahit ano pang ganda ng mga bulaklak na 'yan, hindi pa rin niya lubusang ma-a-appreciate dahil hindi naman niya nakikita 'yan," hirit ni Georgia habang nagbukas na ng soda can na galing mula sa refrigerator ng unit ni Harika.
"I appreciate everything you brought for me today, Chelsea, so it's okay. Mabuti ka pa nga at nag-abala pa para sa akin. What a truly friend to cherish," patutsada niya dahil pakiramdam niya, mula sa tatlong bisita niya ngayon ay si Chelsea lang ang tunay na may pakialam sa kanya.
Georgia and Mary exchanged irritated looks. At nagbulungan pa ang mga ito.
Kinumpas ni Chelsea ang kamay nito sa dalawa upang lumapit dito. "Girls, I told you to behave. Respect Harika, please," bulong nito sa mga kaibigan.
Harika didn't say anything. Hindi niya nagugustuhan ang dalawang dumagdag na bisita. Nagtitimpi lang siya, ngunit sa loob niya'y gusto na niyang paalisin na ang mga ito.
Nang sawayin ni Chelsea ang dalawa ay mas naging tahimik na ang mga ito habang patuloy lang ang usapan nila.
"Kumusta pala ang bakasyon mo, Chelsea? Nakita ko sa social media posts mo last month na nagbakasyon ka sa Springrose Beach Resort dito sa Windercoln. Masaya ba roon?" tanong niya rito.
"Yes, Harika. You'll love to go there. Paraisong-paraiso ang buong beach resort na iyon. If you're going to be okay soon, I'll welcome you to join me there. Nagpaplano rin kasi akong bumalik at magbakasyon ulit doon."
Harika could picture how lovely the resort was. Kahit pa iniisip niya pa lang ang ganda ng beach resort na iyon ay tila nag-e-enjoy na siya.
Nagtungo si Mary sa living area ng unit at naging interesado sa napansing bagay roon. "Harika? You have a vinyl player? Wow! Can we play one?"
Napangiti siya. "Mahilig akong makinig ng iba't ibang instrumental sounds. Go ahead and try it."
Mary was not a fan of any of Harika's record collections' genres. There are only instrumentals and vintage records. Ang gusto nito ay rock music na taliwas sa gustong genre ni Harika.
"Wala ka na bang ibang vinyl bukod sa mga boring na instrumental sounds na 'to? Sige, gagamitin ko na lang itong speaker mo."
Wala pang pahintulot si Harika para kay Mary upang gamitin ang mga speaker sa unit niya ay agad na nagpatiuna ito. Then Mary began to play an unbearably loud rock song with reverb and crashing bass instruments. The beats at maximum volume blow their hearts and made them an ear ache, dahilan upang mapapikit si Harika at marindi sa lakas ng tugtuging iyon. Nanakit ang ulo niya, kumirot ang sentido dahil sa sobrang lakas ng tugtog na nanggagaling sa speaker. It affects the first layer of her ear. Napaluhod siya sa carpeted floor, sapu-sapo ang mga tainga at halos mawalan ng pandinig dahil doon. It triggered her so strongly, especially when the beat sounded like crystals—like shattered glass. She remembered that night, when the chandelier toppled on her, the pressure from the audience... that caused her to lose her vision. It drew her into that scene, and her body became numb.
Natumba siya at nawalan ng malay.
"Harika? What happened?"
"Mary, stop it! Georgia, help me! Call an ambulance!"
Nataranta si Mary sa naging reaksyon ni Harika sa pagpupumilit nito sa mga bagay kahit na walang pahintulot ng may-ari. Masyado silang nakampante at naging ganoon na lang kakomportable sa unit ni Harika dahil hindi naman sila nito nakikita.
Now they've learned their lesson.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top