45: The Classic Gala Night

SAVE HERmr0214.

Ano'ng ibig sabihin niyon sa papel na nanggaling sa loob ng rubik's cube na ilang taon nang naka-display sa desk ni Waki at hindi pa rin mabuo-buo? Naging malaking palaisipan para sa kanya iyon.

Ilang araw nang kumikiliti sa sulok ng isipan niya ang tungkol doon at sa tuwing sasagi sa isip ay nadadamay pa pati si Harika na ilang araw nang nawawala. He lacked any information that would have allowed him to find her, not even a single clue. He felt ineffective for not making any attempt to find her. Ang sabi ng kanyang inang si Melanie ay ginagawa na ng mga pulis ang trabaho ng mga ito kabilang na ang mga tauhan ni Lymareva, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya pa rin magawang mapanantag. Right now, all he can do is wait and continue to feel useless. Natawagan na rin niya si Lizbeth at nagbaka-sakali, ngunit wala rin itong alam dahilan upang mag-alala nang malamang nawawala ang kaibigan. Manong Liro was keeping him up to date in every manner conceivable. Ito ang huling taong kasama ni Harika nang tumakbo ito palayo at inaako maigi ng matanda na ito ang may kasalanan at responsibilidad nito ang nag-iisang Levantine na noon pa pinagsisilbihan. Para sa kanya, walang ibang dapat sisihin kung hindi siya—siya mismo na nagpasimuno ng dinner date sa Bellmoral. Ngayong nakaupo lang siya sa couch sa loob ng kanyang kuwarto, hindi na maalis sa utak niyang wala siyang magawa upang mahanap ang girlfriend. And every time Harika appeared in his mind, he was simply there doing nothing which it was killing him.

Planong umidlip ni Waki nang sumapit ang tanghali, subalit nanatiling dilat ang kanyang mga mata habang kanina pa pinagmamasdan ang mamahaling suit na pinatahi ng ina niya sa kakilala nitong sikat na tailor sa Chrisford na susuotin niya para sa Classic Gala Night—isang engrandeng fundraising event na dadaluhan ng mga bigating tao at personalidad. Wala siyang ganang dumalo, dahil wala rin naman si Harika upang maging gala date at para ano pa't hindi naman siya ang pangunahing panauhin kung hindi ang ina niyang si Melanie lang sa pamilya nila, imbitado lang siya upang samahan ito. He didn't seem to be contributing anything significant to the occasion, based only on how he was feeling when Harika ran away.

Waki walked downstairs. Hindi niya maatim ang magtagal sa kanyang kuwarto habang inaalala si Harika na minsan na niyang nakatabi sa kamang higaan niya. Sa sala, natigilan siya, bakante ang mahabang couch at biglang umukilkil ito sa isip niya, isang alaalang katabi niyang naroroon ito habang nagpapalipas sila ng oras noon. Hindi na niya sinubukang magtungo sa garden kahit pa gusto niyang huminga, mag-isip at lumanghap ng sariwang hangin, mas maaalala niya lang ito roon. He truly did miss her. Harika was with him everywhere he goes. Ang mga pinagsamahan nila, palagi na lang nasa kung saan na pinaaalalahanan siya.

Naabutan siya ni Melanie na nakatayo lang roon at nakatulala.

"You obviously missed her a lot, I know. We all did." Malungkot itong nagtungo sa kanya. Her hand lightly brushed his arm, and he could feel her warm touch. "Tapatin mo nga ako, anak, may pinag-awayan ba kayo ni Harika? Hindi siya basta-basta lalayo o tatakas kung hindi siya ganoong nasaktan. Kung nagdadamdam siya, maaaring ikubli niya pero kung talagang nasaktan siya, hindi 'yon magdadalawang isip na tumakbo at magpakalayo-layo gaya ng nangyari..."

Waki gradually turned his gaze away from his mother as he realized how him and Harika had these little time together. Sigurado naman siya sa sariling wala silang napag-awayang ganoong katindi. Wala siyang maalala, kung hindi ang masasayang bagay na kapuwa nila binubuo pa lang.

"Kung nag-away kayo, mukhang iyon ang dahilan ni Harika kung bakit siya tumakas, tumakbo at lumayo. Sa tingin ko naman ay wala, iyon ang nakikita ko sa 'yo, sa inyo noon." Hearing all of it from his mother making him sigh. He never considered anything within the perimeter; he only imagined Harika fleeing for her own reasons, or worse, being kidnapped. Ayaw na niyang mapunta roon ang isipan niya, mas lalo lang siya nitong babaliwin.

"Have you ever considered Stella? You set a dinner date, nagkita ba kayo before the date?"

Natigilan si Waki. His mother's assumptions expanded and making sense. Kung nagkita man sila ni Stella bago ang date, imposible namang iyon ang dahilan ni Harika. Wala itong mga paningin, paano mangyayari iyon? Ngayon, mas lalo nang naguluhan si Waki, hindi na niya alam kung ano ba ang paniniwalaang tunay na dahilan.

Sumapit ang hapon hanggang gabi, nakaidlip si Waki, maikling napanaginipan si Harika, isang simpleng sandali kawangis ng maiikling oras na mayroon sila sa mansiyon. Nagising siyang masaya, pero may lungkot ang nangungulila niyang puso para dito. Suminghap siya, umaasang makatutulong iyon sa kanya. Then his mind went to the Classic Gala Night. Waki pamper himself up. When he attends large celebrations, he takes longer shower time, cleanly shaves his face, and spritzes his favorite perfume. He looked fantastic in his suit, and it was only natural that women would start swooning over him once they saw his charm on it. Before leaving his room, he gave the mirror one more look to ensure his satisfaction. He used pomade to make his hair shine, and he also smelled wonderful. Bumaba siya at pinainit na ang kotse, hinintay niya si Melanie na ilang minuto lang din ay lumabas na suot ang napakagandang puting evening gown. Kung nakakalakad ito, mas perfect ang magagawa nitong presentation sa suot-suot—na pasok sa temang classic para sa event.

Hawak-hawak ni Waki ang maliit na card habang pinagmamasdan ito. Invitation iyon para sa Classic Gala Night. Sakto lang siguro ang oras nang umalis sila. Si Waki ang nagmaneho, nasa backseat si Melanie kasama ang helper na si Maya. Maaga sila ng sampung minuto nang makarating sa mismong event place na ginanap sa isang malaking hall na pinupuno ng mga panauhing nasa pormal na kasuotan. May nakawayan si Waki na ilang kakilala, ngunit si Melanie ang nilalapitan at kinumusta ng bawat taong makasalubong upang makadaupang-palad nila.

Engrande ang lahat nang mapasok nila ang loob ng hall. Kapansin-pansin ang maningning at naglalakihang aranya sa mataas na kisame. One of the great nights indeed. The event exuded the audiences' expectations already, from the upscale decor, classical music hovering around and a refined menu. Mga bagong mukha ang mga nakikita ni Waki kaya pakiramdam niya ay naroroon lang talaga siya para sa ina.

"Nice to see you again, Melanie. How are you?" Isang babaeng nasa late fifty's ang lumapit sa kanyang ina. Luminga-linga ito. "Where's Eva?"

They converse and catch up. Sa pagkakarinig niya sa dalawa ay si Lymareva ang nag-host ng fundraising event, bukod doon ay nagkumustahan lang ang mga ito.

Habang lumalalim ang gabi, mas dumadami pa ang mga tao. The auction had pushed the event by half an hour because of some issues. Usap-usapan na tiara ang gagamitin para sa bidding, na kabilang sa look book ng mga item, subalit pinalitan agad iyon ng antique circlet. Kaya naman ay nagpakunsuelo ang organizer ng isang magandang musical performance na nanggagaling sa orchestra sa dulo ng hall. Mas maraming babaeng attendees, kapansin-pansin iyon dahil halos puti o light colors ang dress o gown na suot ng mga ito. Lahat ng mga lalaki, itim na suit lang mostly ang makikita sa event.

Nagtungo si Waki sa counter upang mag-request ng drink. He desired to moisten his dry throat with something cool and sweet. As he took his time beside the counter bar, he felt uneasy about women watching him from a distance. Kahit na sino ay mapapatingin o mapapalingon sa tindig at dating ni Waki. Iyon ang hindi niya na-consider dahil nag-focus lang siya para um-attend at hindi pagpiyestahan ng tingin.

Nang lumipas ang sandali, sa grupo ng mga taong nakatayo, sa bandang dulo malayo sa kinatatayuan ni Waki, napansin niya ang pamilyar na kulay ng buhok ng isang babae. He can't see her due of the crowd. He crouched to have a good look at this woman. Her deep brown hair color, looking back appearance, and mannerisms reminded him of Harika which he closely thinks she looked like her. Nagmadali siyang maglakad upang lapitan ito. He rushed right to a crowd of people and making his route to her became so hard. Sinisipat niya ito upang hindi mawala sa kanyang paningin, ngunit bigla itong naglakad papalayo. Hinahabol-habol niya ito hanggang sa mapansin niyang pumasok ito sa backdoor ng lugar. Sinundan niya ito roon, lumabas siya at wala na siyang natagpuang kahit na sino roon kung hindi madilim na paligid. When he returned, Stella was waving at him with a sweet smile on her lips. Napapikit na lamang siya at napailing.

Lumapit ito sa kanya nang may masayang ngiti sa mga labi.

"Hi!"

"What are you doing here?" he asked in muted tone, but firm enough to say he doesn't want her near him. Naglakad si Waki at nilampasan lang ito.

"Imbitado ako sa event na 'to, Waki. Don't ever make everything about you," Stella retorted with a sneer. Sinundan siya nito.

Natigilan si Waki at nilingon ito. "Do not follow me. Wala si Harika rito, wala kang guguluhin, hindi ka makagagawa ng eksena upang sirain siya o itong event." Nagpanggap siya na hindi kilala ito saka naglakad papalayo—

"Nakita ko siya noong gabing 'yon..."

Parang may kung anong nagpintig sa tainga ni Waki. Sa lahat ng tao, si Stella pa ang magbibigay sa kanya nang ganoong pag-asa upang mahanap si Harika? He returned to her, half-interested. He casts her an intent look. "Do not make fun out of it. Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo—"

"Me neither," Stella cut him off, "I really did see her that night. I don't make stuff up just to get you to talk to me. Natatandaan ko pa 'yong mga oras na sinabi mong nababaliw na ako at nagiging desperada dahil sa 'yo. Natatandaan ko rin habang nagmamaneho ako pauwi, 'yong oras na nakita ko si Harika na nakahandusay sa sahig at walang malay habang maraming taong nakikiusyoso sa paligid niya." She's looking him in the eyes to make him believe she's telling the truth. "Bumaba ako ng kotse ko at pinuntahan siya. I'd be willing to assist her and send her to the hospital, but this one guy carried her and drove off—I do not know where. Kitang-kita ko sa mukha ng lalaki na hindi ito nag-hesitate na buhatin si Harika, na para bang kilalang-kilala niya ito. I remained standing there in a state of half-shock as he drove off. Dahil naawa ako kay Harika at ayokong iwan siya doon nang ganoon, and the guilt runs through me..."

Iyon ang unang pagkakataong hinayaan niya si Stella na magsalita. Inintindi niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. With those eyes fixed on his, she seemed to be being quite sincere.

Habang mabilis na kumakabog ang dibdib ni Waki, nagsimula siyang ma-curious sa lalaking ito. "I wish it wasn't Slayter who took her." May takot at pangamba sa mga mata niya habang hinihintay ang sagot ni Stella. The conversation between them was controlled but distinct in the crowd. Para kay Waki ay silang dalawa lang ang naroroon sa pagitan ng usapang kasali si Harika pati na ang kapakanan nito.

Umiling si Stella. "I knew Slayter, and he wasn't that man..."

Hindi alam ni Waki kung makakahinga ba siya nang maluwag sa nalaman dito o dumadag pa iyon sa bigat ng dibdib na dinadala niya.

"D-do you know him? Naaalala mo ba ang mukha niya?" His tone of voice was urgent; he wanted to know everything. "Ang sasakyan niya? Natandaan mo ba ang klase o ang plate number sa likod?"

"Everything at the time had me disoriented. Matapos mo akong pagsalitaan nang kung anu-ano. You labeled me desperate and insane, and now you expect me to remember everything so perfectly? Malamang marami rin akong iniisip noong mga oras na 'yon, mostly ikaw ang laman ng isip ko habang dinadama ang sakit." Stella went straight to what happened between them before she saw Harika faint on the ground. "If I recall well, I saw him on your father's death anniversary. Kung may naaalala kang lalaking nakasama ni Harika noong gabing 'yon, malamang siya na 'yong lalaking nagsakay sa kanya sa kotse nito."

Nawala ang agam-agam ni Waki kay Slayter, subalit hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa kanya dahil hindi pa siya nakasisigurong ligtas si Harika sa kamay ng lalaking ito. Bukod doon ay wala na siyang ibang taong maalala kung sino ba ang pinatutungkulan ni Stella. Did Van Doren attend his father's death anniversary? Hindi niya maalala.

Matapos ang impormasyong iyon na nakalap mula kay Stella, samut-saring mga bagay ang mas nagpagulo lalo sa isip ni Waki. His feet walked faster outside the venue of the event. Nobody else was around when he stood on the large, dark lawn. Gusto niyang mag-isa, mag-isip at manigarilyo sa tuwing nag-o-overthink siya, kaso wala siyang dalang sigarilyo. Malas.

Sa parehong sandali ay kinutuban siya bigla, kung sakali mang tinulungan ng lalaking ito si Harika, saan naman nito dinala ang girlfriend niya? Kung sa ospital nito diniretso si Harika, noong gabi ring iyon ay makikita na nila ito. Isang malaking tanong na ang pumupukpok sa ulo niya. Nag-iisip na siya ng masasamang mga bagay na maaaring gawin nito kay Harika. He closed his eyes and made an effort to recall all that had occurred on the anniversary of his father's death. He's attempting to remember whatever he can from this man. Iyon ba 'yong lalaking kausap ni Harika sa tabi ng pool noong mga oras na 'yon? He thought off, unsure.

Bumalik si Waki sa loob ng hall para sa panimula ng event. Nakatayo na si Lymareva sa podium para sa introductory speech habang pinagmamasdan ito ng lahat ng attendees at pinakikinggan ang pasasalamat nito. Before the auction began, a well-known lounge singer performed two songs following her address. Bago ilabas ang antique circlet na kapapalit lang, although the auctioneers were expecting a tiara, they got to bid on the substitute. Mala-bubuyog ang usap-usapan dahil sa unannounced replacement, may isang babaeng organizer ang nagpaliwanag kung bakit napalitan ang object up for bidding. Gayunpaman, nagpatuloy pa rin ang event kahit pa wala ang nasabing tiara na ito.

Magkakasama sina Waki, Melanie katabi ang helper nila habang nagpapaligsahan ang mga bidder para sa antique circlet na nasa taas ng stage at nakapatong sa pulang cushion. And then a lovely woman walked onto the stage as the lights on the bidders dimmed. The emcee on the podium paused, staggered. Nobody anticipated Harika would reveal herself in that moment, standing out in her stunning mourning gown and sparkling tiara in her head.

Nagulat ang lahat, napanganga ang ilan sa gandang tinataglay ni Harika lalong-lalo na sa nanghahalinang suot nito. Waki was astonished, speechless, and stoned off his feet. Gusto niyang tumakbo upang puntahan ito at mahagkan, ngunit hindi niya magawa. His longing gaze remained fixed on her despite the fact that she was wearing such a stunning clothing. Ang mga mata ng lahat ay literal na nakay Harika.

May lalaking nag-alalay rito, si Manong Liro iyon habang papatungo sa podium at tila may ihahayag na salita para sa mga bidder at manonood o sa lahat ng taong hindi inaasahan ang pagsulpot niya.

Napalunok si Waki. He had never seen Harika to be both sophisticated and seductive. Wala talaga siyang masabi, natitigalgal siya.

Melanie was sitting on his side in her wheelchair, noticing his reaction, unsmiling.

✦❘༻༺❘✦

"With a variety of activities and competitions planned, our event promises to be a fun-filled and thrilling experience for everybody. Magandang gabi sa inyong lahat, I'm Harika Levantine!" She blindly waved at the audience with a little smile curved on her lips. "Hindi ko man kayo nakikita, pero ramdam ko ang pakikiisa ninyo at pinasasalamatan ang bawat isa sa inyong mga dumalo..."

Matigas ang mukha ni Venus habang pinagmamasdan si Harika na nagsasalita sa podium at nasa gilid ang matandang driver nito. Gusto niyang tumakbo papunta sa kanyang pinsan at sampalin ito dahil hindi naman parte si Harika ng gabing iyon. Lalo pang nakuha ang kanyang inis nang makita ang kumikinang na tiara sa ulo nito. She's mad. Inside, she's simmering with rage.

Both of them are looking at Harika as Lymareva joins her on her side. "What's happening? Ano'ng ginagawa ni Harika sa stage?" walang ideyang tanong nito. Kapuwa sila walang alam sa mga nangyayari.

Umikot ang mga mata ni Venus saka inis lumingon sa ina at bumuntonghininga. "Mom, nasaan ba kasi kayo? Hindi n'yo ba kontrolado itong event at kung bakit may ibang taong sumisingit sa Gala Night na 'to? The security should have been double-checked! She hasn't even been invited, but she still has a chance to swoop in and ruin the evening! Take a look at her! Dammit!" Napapapikit at napapailing na lamang siya sa pagkasura.

"I had no idea she was going to come here. Nakikipag-usap lang ako sa mga panauhing pandangal sa labas ng hall during the auction and when I returned, I saw Harika having her speech," she explained to her daughter, her hands starting to tremble.

"Hindi lang iyon ang problema, mom. The item that was meant to be making a bid right now was in her head. Matagal kong itinago ang tiara na 'yon at ang sabi mo ikaw na ang bahala roon. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit nakapatong sa ulo niya ang bagay na 'yon? Nakakainis!" Napapadyak na lamang si Venus.

Tinitigan ni Lymareva ng masama ang anak. "Pinagagalitan mo ba ako? Parehas lang tayong naisahan ni Harika rito, don't scold me as if you're my mom and everything's my fault! Hindi porket naiinis ka ay ganyan mo na ako pagsalitaan." Pinauunawa nito kay Venus ang tumataas na tono ng boses niya.

Her eyes were lowered to the ground. Nadala lang siya ng galit kaya ganoon na lang kung ituring ang ina. Natahimik si Venus nang mapagtanto.

"Go to the backstage and pull Harika away from here. Kuhanin mo sa kanya ang tiara na iyon. Naiintindihan mo?"

Wala nang nagawa si Venus kung hindi tumango at sundin ang utos ng ina. Sa galit niya ay mabibigat ang mga takong na tumama sa carpeted floor patungo sa backstage kung saan niya hihintayin si Harika. May nadatnan siyang mga organizers doon at ilang security para sa iba pang items na kasali sa bidding.

Balewala na ang napakagandang make up at evening gown na suot ni Venus dahil bakas na bakas na sa mukha niya ang pagkayamot. Since Harika stormed the event and ruined her night, she no longer feels lovely in her gown. Naroroon na lamang siya upang pagsabihan ito at bawiin ang tiara na nakasuot sa ulo nito.

Nang matapos si Harika sa maikling pasasalamat at ilang bagay na itinama niya para sa event na iyon, nagtungo na ito pabalik sa backstage kung saan naghihintay si Venus na nakahalukipkip at kinikimkim ang galit. Dumating din si Waki at agad itong sinalubong habang pinanonood itong nakakapit sa braso ng matandang driver.

"Harika... Where have you been? I'm really concerned about you." Niyapos ni Waki si Harika, mahigpit, masaya at nag-aalala. Kitang-kita ni Venus ang dalawa dahilan upang irapan niya ang mga ito. She grimaced. Halatang-halata sa mukha niya ang pagka-alibadbad.

Harika did not embrace him back. She drew her hand back as soon as Waki took it. Venus held onto her watchful gaze tightly. Nagtaka na lang bigla si Waki sa pakikitungo ni Harika, subalit hindi iyon naging rason upang magbago ang tingin nito.

Naglakad papalapit sa mga ito si Venus. "Harika, puwede ba tayong mag-usap?" sabad niya sa gilid. Dumiretso ang tingin niya kay Waki at Manong Liro. "Nang tayong dalawa lang sana," pagpaparinig niya.

Umiling ang matanda. "Pasensya na ho, ma'am, hindi ko ho maaaring iwan si Ma'am Harika," the old man refused.

Venus arched a brow and smirked. Gusto niyang masolo si Harika. Kausapin at pagsabihan ito.

Harika tapped Manong Liro on the arm. "I'll be fine, manong. Hintayin n'yo na lang ako sa parking area. Makalipas ang labinlimang minuto, tawagan ninyo ako para sunduin dito."

"Masusunod ho, ma'am."

Isang utos lang ni Harika ay sumunod agad ang matanda. Samantalang si Waki na naroroon din sa pagitan nila ay hindi man lang nabigyan ng pagkakataong makausap si Harika, nababalewala ito.

"Iwan mo na muna kami, Waki," matamlay nitong bigkas.

Nanatiling nakatayo lang doon si Waki, ayaw niyang iwan ang girlfriend. Venus gave him a side glance. "Hindi mo ba siya narinig, Waki?" mataray na sabi nito.

Wala nang nagawa ito at sundin na lang din ang sinabi ni Harika. He wanted her to feel safe, but Harika didn't want his protection right now. Leave her, that's what she wants.

✦❘༻༺❘✦

Nagpatuloy ang pagpapanggap ni Harika. Napakaraming tao ang nagulantang sa paglantad niya matapos ang halos isang linggong pagkawala, lalong-lalo na sa mga taong malapit sa kanya na lumayo na ang loob niya sa mga ito dahil sa harap-harapang panloloko sa kanya. If they wanted her out of the frame, she would paint another sky for them to look at, and then she would make it rain.

Naiwan silang dalawa ni Venus sa backstage habang nagpapatuloy ang auction. Hinila siya nito at nag-usap sila sa gilid. Kanina pa siya pinaniningkitan nito sa galit at pagkasuya sa ginawa niya. Isang direksyon lang ang mga tingin niya, ngunit malinaw niyang nakikita ang reaksyon ng mukha nito.

A few nearby people who were busy for the event were within her peripherals. Nakatayo sila sa gilid at hindi nila naaabala ang mga ito.

"What were you thinking?" labas sa ilong na tanong ni Venus sa kanya, pinandidilatan siya.

Harika saw how her cousin's hand form a fist. Kahit na hindi gumagalaw ang mga mata niya, malaki pa rin ang sakop niyon.

"I did what I do every year," she responded calmly. "We have been having this traditional gala since we were young, Venus. Si Lolo Dad ang palaging nagho-host ng ganitong kalaking event kada taon upang matulungan ang mga nangangailangan at hindi para sa pansariling kapakanan lang." Huminga si Harika. "Mali ba ang ginawa ko? Dapat ba ikaw ang may speech ngayong taon imbes na ako? I'm sorry; I didn't mean to steal your spot. Pagbigyan mo naman ako paminsan-minsan, hindi 'yong lagi na lang ikaw ang may kinukuha sa aking kung anu-ano." She then purposely pressed the tiara in her head that was losing grip on her hair as an example.

As Venus grew irate, Harika saw how her face cracked in rage. "No one is stealing anything from you. Baka ikaw lang ang naniniwala sa mga pinagsasasabi mo." Nanggigigil na ito, ngunit pinipigilan lang ni Venus na laksan ang boses dahil sa mga tao sa paligid nila.

Harika's mouth let forth a gentle laugh. "Ikaw lang naman at ang napakagaling mong ina ang dapat akusahan sa lahat, lalo na sa mga nangyayari at nawawala sa akin. Tulad na lang nitong tiara sa ulo ko na matagal nang nawawala sa akin, nasa iyo lang pala. Ide-deny mong hindi mo ninakaw? Kung hindi pala pagnanakaw ang tawag mo roon, bakit mo naman itinago?" May pang-aasar na maririnig sa tono ni Harika.

Masyado nang natatamaan si Venus sa mga sinasabi niya. Para na itong puputok sa pagkikimkim ng galit. Hindi ito makasabad.

"Oh, bakit hindi ka makasagot? Pasensya na, ah, hindi ko kasi makita ang reaskyon ng mukha mo. Nagagalit ka na ba o guilty na?" patuloy ni Harika sa pang-iinis dito. Dahan-dahan niyang tinapik ito. "Huwag kang mag-alala, hahayaan at palalampasin ko na ang ginawa mo, tutal nasa akin na ulit ang tiara na pag-aari ko, hindi na kita kakasuhan, pero asahan mong pagpapatung-patungin ko ang mga kasalanan n'yo sa akin bago ko ibalik ang lahat ng iyon sa inyo..."

Venus angrily wiped away her tears. Hindi na niya napigilang maiyak sa harap nito.

Harika continues, "Hindi ka naman ganyan sa akin dati. If I'm being completely honest, I did what I was told and treated you like sister dahil nag-iisang anak lang ako kaya hindi naging mahirap sa akin na ibigay ang pagmamahal ng isang kapatid sa 'yo. Once your mother realized that Lolo Dad treated me better than she did, she began brainwashing you. Nilason niya ang utak mo at ginawang kompetisyon ang lahat sa pagitan nating dalawa. I know you never hated me; you started to develop that feeling toward me because it naturally succumbed to your heart. Dahil kinasanayan mo na. Naalala mo noon, ikaw ang madalas magpahiram ng mga mamahaling manyika mo sa akin kahit na ipinagdadamot ko sa 'yo ang ilang bagay na mayroon ako?" Napapailing na lamang si Harika habang nadadala na sa kanyang emosyon. "Sa ating dalawa, natatandaan kong ako ang may ugaling hindi maganda... ikaw, totoo ka lang." Her eyes pricked with tears at that line.

Venus held back a sob that rose from her throat. "Why are you telling me this? Sa tingin mo ba mababago ng lahat ng mga sinasabi mo ang pakikitungo ko sa 'yo? Huwag mong palubagin ang loob ko. Matagal na akong galit, nagseselos at naiinggit sa 'yo; sa admiration ng mga tao, sa affection ni Lolo Dad at sa lalaking matagal ko nang gusto na ikaw pa rin ang gusto. Kinaiinggitan kita kasi napakasimple mo lang na nakukuha ang mga gusto mo, samantalang ako, kailangan kong mag-double effort para sa lahat ng iyon, minsan sumasablay pa," she revealed all she'd been keeping hidden ever since to Harika. "Hating you is all I could do to urge myself to do better. Ang magalit sa 'yo at kainisan ka ang dahilan para magsumikap ako at malampasan ka, pero ni minsan hindi ko hiniling na mabulag ka o magkasakit o may mangyari sa 'yong masama dahil pinsan pa rin kita... kahit na madalas mo akong hindi ituring bilang isa."

Napapikit si Harika, tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Her trembling lips made her feel soft for her. What Venus admitted to her has touched her heart. Everything she heard and knew from her were the sincerest words she had ever gotten from her.

Dala-dala ni Harika ang malambot na puso sa pag-uusap nila ni Venus habang nasa byahe. She had no idea that she still had a little kindness inside of her. When Harika discovered about Venus and her relationship with her, she began to classify her as not her cousin. Samantalang si Venus ay pinsan pa rin ang turing sa kanya kahit pa madalas silang mag-away at hindi magkaintindihan.

Naghihintay si Simon sa condo unit na pansamantalang tinutuluyan ni Harika nang dumating siya. Kinumusta siya nito at tinanong ang mga bagay na nangyari sa event.

"Every step was successful. They continued to think I was blind."

Umupo at tumabi siya kay Simon saka humingang malalim. Binasa nito ang mukha niya. "It seems not at all. Umiyak ka ba? Ano ang tunay na nangyari?"

Shrugging her feelings away, Harika shook her head. "These tears in my eyes were just a little part of my plan. Hindi porket umiyak ako ay hindi na ako nagtagumpay kanina."

"Kaya mo pa bang magpanggap habang nakikita mo ang mga panloloko nila? Sigurado ka ba sa mga pinaplano mo?"

Tumango siya at wala nang balak iatras kung ano ang nasa isip niya. "Babalik ako ng mansiyon saka ko sila iisa-isahin. And then I'll make them realize." Bumuwelo siya bago nagpatuloy, "I will be feeding them everything they need to fully believe in me. Madaling magpanggap na walang mga paningin, pero kung magbubulag-bulagan ka lang, hindi 'yon sapat para mapaniwala mo sila."

Sumang-ayon si Simon sa kanya. "Pagkatapos nito, ano na ang susunod mong gagawin?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top