44: A Note in the Cube

Isang empleyado ang nakapansing tulala si Waki sa harap ng kanyang computer ng pumasok ito sa opisina niya. He came back to his senses when the employee asked about his signature with the documents in his hands. Ilang araw na siyang pagod at kulang sa tulog. Madalas din ang atensyon niya ay wala sa trabaho kaiisip kay Harika. He had no idea why she had run away since that night. May nagawa ba siyang mali? Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano upang mas maapektuhan pa siya lalo. Napagbigay-alam na rin nila sa kapulisan ang tungkol sa pagkawala nito at umaaksyon na ang mga pulis upang mahanap ang girlfriend niya. On the other side of him, he was also worried about her because she had been missing during the time that Slayter had been out of jail. His time and attention were being wasted 'cause he has so many what-if scenarios running through his head. Priority niya rin si Harika, gusto niyang lumiban sa trabaho ngunit saan na lang niya ito hahanapin? Saan niya kaya ito matatagpuan kung sakaling ibuhos niya ang lahat ng kanyang oras para dito? Tiyak mag-aaksaya lang siya ng panahon.

Waki left his office early than usual. He got home ahead of time went straight to his room. Magpapahinga ba siya o gagawa ng paraan? Naguguluhan ang kanyang isipan. At habang nagpapalit siya ng damit ay nadaanan niya ang mga kahon ng paper cranes na pinagkaabalahan niya noon. Matagal na niyang natapos iyon. He made a thousand of them, but he still hasn't expressed a wish. Kung mayroon na siyang hiling, tutuparin kaya iyon?

In front of his computer, he sat in his swivel chair. He reclined and sluggishly closed his eyes. Namasahe niya ang kanyang mga sintido saka huminga nang malalim. Nasaan ka ba Harika? Ilang beses na niyang itinatanong 'yan sa isip at sa sarili. He never expected her to flee from Manong Liro in such a way. Bulag si Harika, napakaimposibleng mangyari ang bagay na iyon, unless she regained her vision in that time frame. Kung saka-sakali, ano ang dahilan nito? Hindi pa rin alam ni Waki kung ano ang pinanggagalingan ni Harika o ang tumatakbo sa isip nito. It could have been him or something else he didn't know about.

"W-waki, anak..."

Melanie went inside his room in her wheelchair with the assistance of the house helper, Maya. She looked so worried staring at him. "Do not overstress yourself. We'll be seeing Harika sooner. Ginagawa na ng mga pulis ang trabaho nila upang mahanap siya. I've heard Lymareva hired people to find her as well. Hindi ko mapipigilan ang pag-aalala mo sa kanya, maging ako ay nangangamba rin, but she'd be fine." He felt her tap him once.

Lumingon si Waki sa kanyang ina. He grasped her palm and gave it a light squeeze. He bowed his head and said, "I hope she's okay."

Melanie's lips curved into a hopeful smile. "She will be."

Saka nila napag-usapan ang Classic Gala Night na magaganap sa paparating na weekend. Waki was aware of it, but it didn't matter to him because his mind was on Harika. Nabanggit na ni Melanie na nagpapasukat na ito ng appropriate gown na susuotin para sa event. Kung naroroon sana si Harika kasama niya, tiyak siya na ang pinaka-excited sa lahat.

Ilang saglit lang ay iniwan na siya nito upang mapag-isa at makapag-isip. Waki was still sitting in his chair, staring at his desk, and pondering the possibility that he might be the cause of Harika's continued disappearance. Kung hindi niya inanyayahan ito ng date, malamang ay nananahimik lang ito sa loob ng mansiyon. Hindi rin ba siya nag-iisip kung kailan delikado ay saka niya ito hinayaang mag-dinner date sila sa Bellmoral kung saan ay maaaring magtagpo sina Harika at Slayter? Paano kung may ginawa itong masama sa girlfriend niya? Tiyak hindi niya mapapatawad ang sarili.

Tumigil ang kanyang tingin sa mesa nang makita niya ang rubik's cube doon na hindi pa rin nabubuo. He hasn't solved the cube since the day it was sent to him by an anonymous sender; even as of that moment, he was just staring at it. Dinampot niya iyon at pinaikot-ikot sa mga daliri. He shuffled it upside down, like his mind was scrambling with restless thoughts. Nababalot na rin siya ng pagkalito at takot habang naaasar sa pag-rotate-rotate ng cube na iyon.

His jaw tightened. He was agitated as he repeatedly reshuffling the object. Kailan niya ba mabubuo iyon? Gusto na niyang buuin iyon, ngunit paano? Wala siyang magawang paraan gaya na lang kung paano niya mahahanap ang nawawala niyang girlfriend. Ilang araw na ang nakalipas, ngayon pa ba siya uupo na lang at walang gagawin? Labas sa ilong ang kanyang gigil sa rubik's cube na hawak-hawak... at sa sobrang inis ay naibato niya iyon sahig dahilan upang tumalsik ang iba't ibang parte niyon. May hingal sa kanyang bawat paghinga kasabay ng galit at natatangis na mga ipin. He groaned and sighed in exhaustion. Nasapo niya ang kanyang noo saka naihimas ang buhok paitaas. Bakas na bakas ang pagiging problemado sa mukha niya. He rubbed the back of his head impatiently. Tumayo siya at nilapitan ang kalas-kalas na rubik's cube sa sahig. Nang isa-isa niyang pulutin ang mga piraso niyon ay napansin niyang mas marami ang kulay pula kumpara sa ibang kulay. Malamang ay hindi niya mabubuo iyon kung hindi eksato ang bawat kulay. Sa gitnang bahagi ngnasirang cube ay may maliit na papel siyang napansin. Hindi niya alam kung ano iyon at nang kanyang usisain, may mga salitang nakapaloob doon; SAVE HERmr0214.

✦❘༻༺❘✦

It has been a week. In a vacation home with Simon and Greta, Harika somehow found tranquility in the air she breathed and its sorroundings she could stare at. Ganoon na lang kabilis lumapit ang loob niya kay Simon dahil madalas silang nagkaka-usap at sa tuwing napupunta ang usapan nila sa mansiyon at sa mga taong napaliligiran siya. Tila ba lahat ng hinaing niya ay pinaglalaanan ni Simon ng oras upang pakinggan ang mga iyon. He let herself be heard—the real ache coming her heart.

That morning, she made the decision to go and leave the place. Ayaw na siyang pigilan ni Simon o bilugin ang ulo niyang bumalik na sa lugar kung saan ay dapat naroroon siya, ngunit sa kanyang pagbabalik, handa na ba siya sa mga posibilidad na maaaring mangyari? Has she planned things yet? Mukhang babalik lang siya upang magpakita sa mga ito at pawang walang plano kung sakali.

Mula sa malaking bintana ng kuwarto kung saan nakatanaw si Harika sa labas, narinig niya ang mahihinang mga yabag na nanggagaling sa likuran niya. "Greta prepared everything you'll need habang nasa byahe ka." Simon paused and stood behind her. "Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita? Kahit sa pinakamalapit na subway sa Bellmoral patungong Windercoln kung nag-aalala kang may makakita sa akin kasama ka."

Harika let out a gentle breath. She turned to face Simon, who had a small grin on his lips. "Malaki na ang naitulong mo sa akin simula nang araw na napunta ako rito. You and Greta treated me not as a visitor, but as one of the member of this home. Simon, I think you've done enough for me. Ayoko nang abalahin ka pa at dagdagan ang mga bagay na hindi ko pa masusuklian sa ngayon." Sapat na ang lingap na natanggap niya rito, ayaw niyang matabunan pa iyon. "Kapuwa rin naman nating alam na noon pa ay nakakakita na ako, I can take care of myself and I will still pretending... to make them oblivious that I know they're just mocking me in front of my face. Kabisado ko na sila at kabisado ko na rin ang mga bagay na maaaring mangyari kapag muli na akong nagpakita sa kanila."

A satisfied smile spread across Simon's lips. "Bringing yourself back to the mansion will not be the same, Harika. Syempre, masaya sila at naibsan ang pag-aalala sa pagbabalik mo, pero isipin mo rin ang mga katanungang tatakbo sa mga ulo nila kung saan ka nagpunta at nanggaling kapag nakita ka na nila. Tumakbo ka palayo sa personal driver na naghatid sa 'yo rito sa Bellmoral, ang alam nila, bulag ka, paano ka nila paniniwalaan niyan kung mananatili pa rin ang pagpapanggap mo?" Bakas ang concern sa mukha ni Simon.

Harika looked at him square in the eyes. "Tumakbo ako palayo dahil may dahilan ako. Nawala ako sa paningin nila ng ilang araw, natitiyak kong marami ang nangyari sa mansiyon habang wala ako, pero isa lang ang dapat kong gawin, ang magpatuloy sa pagpapanggap," saka siya bumuwelo, "umalis akong bulag, babalik akong bulag..." umigtig ang mga panga niya. The conviction was just enough in those words.

Wala nang nagawa si Simon. He just cannot influence her decision. Buong-buo na ang isip ni Harika at kailangan na lang nitong sang-ayunan ang mga balak niya. Kung may iba pa siyang plano na hindi nabanggit kay Simon, kakanyahin na lang niya ang mga iyon.

Isang maliit na bag ang inihanda nito para sa kanya nang makalabas. Mula sa front lawn, kaharap si Simon ay iniabutan siya nito ng maliit na card. "You may call me whenever you needed me. Kung may maitutulong man ako sa binabalak mo, hayaan mo sana akong tulungan ka kahit na sa mga maliliit na bagay lang." Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi nito habang tinatapik-tapik ang balikat niya.

Harika bowed and thanked him for everything he'd done for her. Utang na loob niya ang pagtulong nito. Babawi siya, hindi man ngayon, siguro sa susunod.

After that, she stepped inside the nearby, waiting cab. As the vehicle accelerated away, Greta waved to her, smiling. Habang nasa byahe ay nagsimulang gumulo ang payapang isipan ni Harika kanina. She began staring outside the window, and her worried thoughts was filled with reluctance. Kung ano man ang plano niya sa pagbabalik sa mansiyon, dapat lang na hindi iyon masira gaya nang kung paano niya itinatayo ang kastilyong nasira sa kanyang isipan. Paano kung totoo ang sinabi ni Simon at pagsuspetsahan siya? She should reconsider her reasons for fleeing that time. Kung kastiguhin niya kaya ang matandang driver? Pinangangambahan niya pa rin dahil si Simon lang ang nakakaalam na hindi siya bulag, ipaaalam niya rin ba iyon sa matanda kahit na pinagkakatiwalaan niya ito nang lubos?

Her thoughts suddenly filled with Simon's voice, as if a flashback tone had been mumbling next to her.

"Sigurado ka bang ni minsan ay hindi ka pumalya sa pagpapanggap mo? Paano kung may nakakaalam na iba bukod sa akin at sinasakyan lang ang ginagawa mo?"

Maingat na maingat si Harika sa lahat ng bagay at sa kahit na anong aspeto ng kanyang pagpapanggap. Sigurado rin siya sa sarili niyang wala pang nakahuli sa kanya o nakakitang hindi siya bulag, dahil sa lahat ng pagkakataon, umaakto siyang walang nakikita kahit pa siya lang mag-isa. Sinanay na niya ang kanyang sarili miski malaki ang posibilidad na mabuko siya nang kahit na sinong tao sa paligid niya. Nagkikimkim lang siya ng galit, ngayong magbabalik na siya, ipagpapatuloy niyang itago ang lahat sa kabila ng pangwawalanghiya sa kanya at sa Lolo Dad niya. Yaman lang din naman ang pumapagitan sa kanilang lahat at kung bakit patuloy siyang niloloko ng mga ito, aba'y dapat mas alisto na siya at galingan ang pag-akto. Kung tuso sila, dapat mas maging tuso siya.

Nang makarating sila sa sentro ng Bellmoral, patungong subway station, sumagi sa kanya ang nabanggit ni Simon noon, "There's something you should know about him..."

Sa mga bagay na napansin niya kay Waki habang kasama ito, tiyak na niyang tama si Simon sa mga hinala nito. Kung narinig na niya rito ang katagang iyon noon, alam na niya sa kanyang sariling may something nga talaga kay Waki na tinatago-tago niya lang upang maiwasang paghinalaan. Pati ba ang pagmamahal niya rito ay pinagpapanggapan niya rin lang?

Nang dukutin niya ang kanyang telepono sa maliit na bag ay wala na itong baterya. She never intended to recharge her phone after the day she vanished from their view; instead, she left it dead to avoid calls and make it more difficult for them to find her.

Suminghap siya. Malalim. Humuhugot siya ng lakas ng loob. Sa pinakamalapit na convenience store, muli niyang binuhay ang kanyang telepono. Sa unang porsyento nito, katakut-takot na texts ang natanggap niya. Most of these messages came from Waki, whom she disregarded and blocked all of their phone numbers from appearing in her contacts. Itinira niya lang si Manong Liro, na agad niyang tinawagan nang sumapat na ang baterya ng kanyang telepono upang matawagan ito. She informed him she was well, safe, and still in Bellmoral. Ang gustong mangyari ni Harika na hindi muna ipaalam ang pagtawag niya rito sa iba at iyon ay tungkol lang sa pagitan nilang dalawa. Hindi naging mahirap kausap ang matanda, bakas man sa boses nito ang pag-aalala ay wala itong sinayang na oras, kumilos agad at pinuntahan siya.

"Manong Liro, bumalik na ho ang mga paningin ko," amin niya rito nang muli silang magkita, "at huwag na kayong mag-alala pa sa akin dahil maayos lang ako. Pasensya na sa nangyari noong nakaraan, wala akong intensyong masama sa pagtakbo ko palayo sa inyo..." pinagmamasdan ni Harika ang matanda habang kaharap ito mula sa mesang nakapagitan sa kanila sa loob ng convenience store.

He maintained the slight smile that was on his lips. He didn't seem surprised at all. "Matagal ko na hong alam na nakakakita na kayo, Ma'am."

She did not breathe out. She went cold. Sa kanilang dalawa, si Harika ang nasurpresa. Ito ang madalas niyang makasama lalo na kapag lalabas siya o may appointment kay Dr. Yetter. Alam na pala nito. Matagal na. Hindi ba siya naging maingat?

"M-matagal na, Manong?" pagkompirma niya na tinanguan lang ng matanda. "P-paano?" Hindi maipinta ang mukha niyang nakakunot.

Nagkuwento ito. Napansin na nito noon pa ang pagpapanggap niya, lalo na sa tuwing nag-oobserba ito sa kanya. Nangako ang matanda sa Lolo Dad niya na babantayan nito si Harika kung sakaling may mangyari dito. Ginagawa lang ng matandang driver ang trabaho at bilin dito ng congressman. Kahit na sino, si Harika lang ang makatatanggap ng loyalty nito gaya kung paano ito pinagkakatiwalaan ni Constancio.

"Huwag ho kayong mag-alala, ma'am, wala naman ho akong pinagsabihan na kahit na sino." Pinagmamasdan siya ng matanda at masaya itong tapos na siya sa pagpapanggap niya.

Natatakot tuloy bigla si Harika dahil alam na rin pala ni Manong Liro ang tungkol sa pag-aakto niyang bulag. "Hindi na malabong alam na rin nila, Manong. Since napansin n'yong nagpapanggap lang ako, malamang ay nahalata na rin nila... sinasakyan na lang siguro nila ako gaya ng ginagawa ninyo." She's now doubting the situation she was in. Hindi pa rin naging sapat ang dobleng ingat na ginawa niya.

Umiling ang matanda. Confident ito sa pagpilig ng ulo nito. "Wala silang alam, ma'am. Malaki ang pananalig kong wala silang nalalaman tungkol sa mga paningin n'yo. Hindi ko lang kayo maipagtanggol sa kanila minsan dahil ayaw kong manghimasok sa isyu ng pamilya ninyo. Kung nangangamba kayong alam ko na, hindi ko ho magagawang sirain ang tiwala ninyo sa akin. Kayong dalawa lang ho ng congressman ang lubos kong pinagsisilbihan ng tunay. Kakampi n'yo ho ako, ma'am..."

Sa paliwanag ng matandang kaharap, unti-unting napapanatag ang loob ni Harika na secured siya rito. Ni minsan ay wala itong ibang naging intensyong masama sa kanya. Manong Liro's loyalty to the Levantines has been evident over the years. Wala itong gagawing bagay na ikasisira ng pamilya.

Harika held his hand. "Maraming salamat, Manong." Sumilay ang malapad na ngiti sa mukha ng matanda. "Hindi naman nawala ang tiwala ko sa inyo simula pa lang. Alam kong ginagawa n'yo lang ang trabaho ninyo at malaki ang pasasalamat kong kami lang ni Lolo Dad ang lubos n'yong pinagsisilbihan nang ganito."

The old driver bowed to her for the pact. "Kahit na ano'ng mangyari, sa inyo lang ho ang katapatan ko. Marami na rin ho akong nalalamang mga sikretong nagkukubli sa loob ng mansiyon at sa tingin ko naman ho ma'am ay alam na ninyo ang lahat ng iyon."

He's right. Manong Liro assured her that he was on her side. She sensed his devotion to his family, and their covenant had no mention of betrayal. Kung gayong nasa kampo na niya ang matanda, mas makakakilos siya nang mas maluwag dahil hindi lang naman ang mata ng mga ito ang mapakikinabangan niya, pati ang pandinig na makakapagbigay sa kanya ng napakaraming impormasyon.

Nabanggit din ng matanda ang tungkol sa napakalaking fundraising event na magaganap this weekend. Gusto na niyang bumalik ng mansiyon ngunit mukhang hindi pa maganda ang timing niya kung sakali.

Harika was preparing something in her mind. She cannot have a terrible day or accidentally wake up on the wrong side of the bed. Every time, she must execute flawlessly. Magbabalik siyang pareho kung paano nila siya huling nakita. Magpapatuloy bilang isang bulag habang sa kabilang banda ay nakikita niya kung paano siya tinatraydor ng mga ito nang harap-harapan.

"Hanapan ninyo muna ako ng magandang condo unit upang makapagpalipas ng ilang araw bago ang fundraising event," utos niya sa matanda. Tumigas ang kanyang mukha. "Sa Classic Gala Night na ako mismo lalantad."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top