43: So Dark and Lonely
Stella was pushed by Waki away from the kiss. She take a back with surprised face. She purposefully did it.
"What the hell is wrong with you?!" Masamang tinitigan ito ni Waki.
Stella started crying in front of him. Tila ba bigla itong nahiya sa ginawa nito.
"Why did you do that?" Hindi pa rin makapaniwala si Waki. He let out a quick, enraged breath to the side. "I allowed you to see me here because you wanted to discuss a serious matter. Stella, why do you seem so desperate?" His voice sounds gravelly when he was upset.
She emotionally wiped away her tears and gazed beseechingly at Waki. "I don't care if you describe myself as desperate at all! Hindi mo pa ba nararamdaman kung saan ako nanggagaling, Waki? I love you! I've always loved you since then. Ikaw lang itong hindi napapansin ang admiration at pagtingin ko sa 'yo. Dahil ba kanino kaya hindi mo magawang mahalin ako pabalik? Dahil ba sa bulag na 'yon?"
His gaze widened as he looked at her. His inward wrath is growing. "Stella, stop calling her that! Don't say anything unpleasant about her. Labas siya rito at sa kahangalang ginawa mo. Hindi kita mahal... kahit noon pa at hindi kita magagawang magustuhan dahil d'yan sa ugali mo!"
Stella's lips were pursed as she scoffed. "Hindi ako naniniwalang kahit ni katiting ay hindi ka rin nagkagusto sa akin, Waki. That's impossible!" She attempted to hold his hand, but Waki forbade her from even leaving a trace of her fingertips on him. "Kahit kailan ba hindi mo nagustuhan 'yong ginawa natin dati? That's love! Actually, what we did before went beyond simple love!" she explained the situation well enough for him to understand what she meant.
Napailing-iling si Waki rito. "Baliw ka na..." mahinang bulong niya ngunit sapat na upang marinig iyon ni Stella. "Umalis ka na. Get out of my sight! Huwag ka nang magpapakita sa akin. Ayoko nang makita ka pa."
Pinagtatabuhay na ito ni Waki, ngunit hindi iyon sapat, hindi natinag si Stella nang dahil lang doon. Paanong bulyaw pa ba ang gusto nito upang matablan ito kahit kaunti?
"Ano'ng nangyayari sa 'yo, Waki? Hindi ka naman ganyan sa kanya dati. Simula nang mawalan siya ng mga paningin, pinakitunguhan mo na siya nang ganyan. Masyado mo nang inilayo ang loob mo sa akin. Yes, I know you liked her, but not as much as you do now. Bakit? Ano'ng dahilan mo?"
"Dahil kailangan niya ako..."
She chuckled sarcastically as she shook her head. "Hindi, Waki. Hindi ka niya kailangan dahil pinilit mo lang ang sarili mong kailanganin ka niya."
His lips tightened. His jaw clenched. "Sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya, ako ang nararapat upang agapayin siya. Harika and I have known each other since we were young. I can protect her. I can help her feel less alone... that I was available for her when she needed me!" Waki exclaimed it to her face. "Kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat. I have my reasons for being there for her, for being with her."
Stella maintained a direct eye contact with him. She sneered, "Awa at pagmamahal lang ba ang rason mo kung bakit ka nariyan para sa kanya? Hindi mo ba pinangarap na maambunan ng yamang makukuha niya?" Her questions were like arrows shooting him in the chest one after the other. "The congressman is no longer alive. Was your love a part of your dark schemes?" Hindi nagpapatalo si Stella. May nalalaman pa ba itong mga bagay at suspetsa para kay Waki?
"Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi mo. Sinasayang mo lang ang oras ko..."
Waki tried to go, but Stella grabbed his hand and pulled him into an embrace. "Don't leave me, Waki!" She sounded far too desperate. "We could be secretly in love. Hindi naman nakakakita si Harika kaya hindi niya malalaman kung may namamagitan sa ating dalawa. Matagal na akong may gusto sa 'yo, alam mo 'yon, at kahit na sa paanong set up ay tatanggapin ko huwag mo lang akong iwan, huwag ka lang lumayo sa akin." Humigpit ang yakap nito sa kanya.
Waki groaned and cocked his head back slightly. "Baliw ka na talaga..." he commented. He let go of her hug behind his back. "Stop it! Huwag mo nang dagdagan pa kung paano mo ako iniinsulto ngayon. Just leave. Huwag mo nang hintaying magalit pa ako sa 'yo nang husto..."
"What about what happened to us years ago? Ganoon na lang 'yon?"
"Stella, stop bringing it up again. What we did a decade ago was a mistake, and you had every opportunity to seize it, didn't you?" She was held captive by the gaze in his commanding eyes. "Huwag ka nang manggulo. Huwag mo na akong guluhin. And if you try to hurt Harika, you won't like what will come out of my mouth about you and Slayter placing her in danger years ago..."
Stella remained still. She swallowed, wondering what Waki would say about it. What else does he know?
Naiwan ito roon na tumutulo ang luha sa mga mata. Pinagmamasdan niya si Waki na naglakad papalayo at pumasok sa isang restaurant. Kung mayroon man itong pang-blackmail kay Waki, may baon din siya para dito.
Padaskol na umupo si Waki sa reserved seat kung saan niya hinihintay si Harika. Napahinga siya nang malalim nang ituon ang mga siko sa ibabaw ng mesa. He's thinking far too much. In an effort to at least somewhat calm his worries and rage over Stella, he massaged his temples. He waited there for the following minutes until his pocket phone started to ring.
Tinatawagan siya ng matandang driver. Mukhang malapit nang dumating si Harika.
"Hello, Sir Waki..."
Pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito saka nanlamig ang buong katawan niya nang kung ano'ng kanyang narinig mula rito.
"What? Tumakbo ho siya palayo sa inyo? Paanong—"
Hindi niya magawang paniwalaan ang sinasabi ng matanda. Napakaimposibleng tumakbo si Harika nang mabilis palayo rito. Wala itong mga paningin, paano mangyayari ang bagay na iyon?
"Nasaan ka ngayon, Manong? Hintayin mo ako, pupuntahan kita riyan..."
Sumalubong sa pag-alis niya ang server na may dalang mga masasarap na putahe. Iyon ang in-order niya para sa dinner date nilang dalawa, ngunit sa labis-labis na pag-aalala para sa kanyang girlfriend, kinalimutan na niya ang kaganapan sa paligid kaiisip kung saan kaya nagpunta si Harika.
✦❘༻༺❘✦
Halos kalahating oras na ang nakalipas nang magising si Harika noong umagang iyon simula nang mawalan siya ng malay sa daan. Pinagmamasdan niya ang kuwartong hindi pamilyar sa kanya. The bed was too soft and springy for her preference. May kakaibang amoy ang loob ng kuwarto na tila nanggagaling sa isang humidifier. The entire space seemed to be clean, simple, and comfortable. May malaking bintana rin siyang nakikita na matatanaw ang bughaw na langit sa labas at ilang mga puno. Her eyes can see everything but it didn't convert happiness to her. Dahil saksing-saksi ng mga mata niya ang paghahalikan nina Waki at Stella. Iyon agad ang sumagi sa kanya ilang minuto nang magkamalay siya. Now that her vision was brighter and clearer, why did she still feel so dark and lonely?
Napalingon siya mula sa pinto nang makarinig siya nang mahihinang footsteps mula sa labas. The door was gradually yanked halfway open. Sumilip ang isang babaeng nakasuot ng maid's gown.
"G-gising ka na pala," anito, malapad na ngumiti sa kanya. She then appeared, holding a tray of food.
"S-sino ho kayo? Nasaan ako?" Wala siyang ideya sa kanyang paligid, sa mga nangyayari. Sa lahat-lahat. Maging ang babaeng pumasok ay hindi niya kilala, hindi niya mamukhaan at kailanman ay hindi pa sila nagkikita maliban na lang noong mga sandaling iyon.
She approached her with caution and prepare her breakfast in bed. "Ako si Greta, katiwala ako ng maliit na vacation house na ito," nagpakilala ito sa kanya saka sinalinan siya nito ng mainit na gatas at pinagpalamanan ng mantikilya sa tinapay. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinahon usisa nito.
Pinanonood lang ni Harika ang babaeng ito kung paano siya pagsilbihan noong umagang iyon. She seemed nice. Wala siyang maramdamang kakaiba rito upang pag-isipan niya ng masama.
"I'm good," she answered, curving a tight smile across her lips.
Pagkatapos ay maamo itong tumingin sa kanya. "Nawalan ka ng malay sa daan. Mabuti at nakita ka ng lalaking may-ari ng tahanang ito. Tinulungan ka niya at dinala rito." Mahinahon ang pagkukuwento nito sa kanya. "Kung gusto mong kumain mag-isa, iiwan na muna kita. Mayroong maliit na bell d'yan sa side table, patunugin mo na lang kung may kailangan ka." Tumayo ito at agad na tumalikod sa kanya.
"S-sandali lang," awat niya kay Greta na nagsimula nang maglakad palabas. Huminto ito at lumingon sa kanya. "Gusto ko siyang makilala... 'yong lalaking may-ari nitong bahay, 'yong tumulong sa akin noong nawalan ako ng malay."
Tipid itong tumango sa kanya. "Sige, bababa ako at tatatawagin ko siya."
Lumipat ang mga mata ni Harika sa masasarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. Kahit na natatakam siya ay pinanatili niya lang ang sarili na hindi lantakan ang mga iyon.
"Maayos na ba ang lagay mo?"
She hadn't heard anything until a man entered the room. He walked too quietly. At laking gulat niya nang makilala ito.
"S-simon?"
Her senses were heightened when she caught a glimpse of him in just a sando and pants. He's a good looking man in early 30s with a lean physique. Nothing felt real. Parte pa rin ba iyon ng panaginip niya?
Nagtungo papalapit sa kanya si Simon. Nagpanggap ito. Iyon ang unang beses na nagkita sila. Kilala na niya agad ito? Weird.
"Binantayan kita magdamag. Nag-aalala ako baka kung napaano ka na. I'm not sure if I need to take you to the hospital, but I immediately recognize your condition. Nawalan ka ng malay sa daan. Ano ba'ng nangyari sa 'yo?"
Simon took a chair from the side and placed it beside Harika's bed, who was still puzzled as to what was going on.
Problemado siyang napailing. Naalala niya sina Waki at Stella kaya naman may kung anong kumirot sa dibdib niya. "Pagod lang siguro ako," alibi niya. She then got curious about him. "B-bakit mo ako tinulungan?"
Ngumiti ito at tahimik na humalukipkip. "Hindi 'yan ang inaasahan kong sagot mula sa 'yo. Ang buong akala ko ay pasasalamatan mo ako dahil sa ginawa ko, mali pala ako..." he sat properly. "Tinulungan kita dahil kailangan mo ang tulong ko. Simple as that."
Harika averted her gaze, hesitantly lowering her head. "M-maraming salamat," she finally said.
May napansin si Simon kay Harika kaya naman ay biglang nagtaka ito na nagsalubong ang kilay. "Nakakakita ka na?" He acted surprised.
Lumingon si Harika pabalik dito. "Y-yes... I can finally see you in person," she replied flatly.
Simon tilted his head. "And? Iyan ang reaksyon mo nang makita ako? It looks like you have seen me before. Hindi ka ba curious sa hitsura ko? Nakilala mo agad ako dahil lang sa boses ko?"
Harika's focus was immediately drawn to the food. She was a little aware of how Simon kept looking at her, as if she were in an interrogation room with him. "Ano ba'ng akala mo sa sarili mo, artista? Dapat bang masurpresa ako ngayong nakikita na kita?"
Simon laughed, a little embarrassed. "That's not what I mean. Nagtataka lang ako. Kahit kailan ba hindi naging misteryoso ang boses ko sa 'yo nang nagkausap tayo noong wala ka pang nakikita? Pakiramdam ko tuloy sa reaskyon mo kanina, parang hindi talaga ito ang unang beses na nakita mo ako. As if there was no longer any surprise in seeing me. Nabulag ka ba talaga?"
Lumingon si Harika kay Simon, tumitig nang matalim. "Ano ang ibig mong sabihin? Na nagpapanggap lang akong bulag?"
Dumikuwatro si Simon. "I'm not sure. Uhm." He tapped his chin with his index. "I'm just assuming it based on your reactions and how quickly you recognized me. Mali siguro ako." His words contain a hint of tease. Pinatutungkulan ba niya ang pagkabulag ni Harika?
She gently moved the food-filled bed table away from her. She slipped from the bed.
"Iuwi mo na ako."
"Hindi ka ba kakain muna?" Simon rose from his seat. "Sayang naman itong mga pagkaing ipinahain ko para sa 'yo."
Umiling si Harika. "Hindi kita gano'n kakilala. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, baka balak mo pala akong lasunin. Maraming salamat na lang kung nag-abala ka para sa akin."
Simon took the bread and ate it. "Try it! Masarap," he said after a big bite. "Kumain ka na muna. Please." Kinain nito ang tinapay na iyon upang hindi na maghinala si Harika kung may lason ang inihain sa kanya o wala.
She gave him a quick glance. Although Harika didn't trust Simon that much, his charm convinced her to eat the food that morning. She stayed in bed, ate the breakfast prepared for her, and the conversation continued. Kahit gusto na ring umuwi ni Harika noong umagang iyon at magpahatid na rito, ngunit sa tuwing kanyang maaalala kung paano nawasak ang puso niya sa nasaksihan, parang gusto na muna niyang mawala sa mga paningin nila ng ilan pang mga oras o araw. Mga araw o linggo.
✦❘༻༺❘✦
Harika's first, racing thought: Simon was well aware of her pretensions.
She stayed with him for an extra day and followed by another one. Nagustuhan naman niya ang vacation house kung saan malayo iyon sa mga taong ayaw na muna niyang makita—lalong-lalo na si Waki. Simon had a lot of stories to tell her which she put her little trust in him. Mabait din ang katiwala nitong si Greta na walang humpay sa paglilinis at pag-aasikaso sa kanila. The time passed by so quickly that Harika failed to notice that she had been there for three consecutive days. She and Simon have discussed her vision in greater depth after lunch in the dining area. It was Harika's most surprising things when she'd realized what Simon spilled about it; that he had known all along that she was just acting blind, and she couldn't believe it. How could that be possible?
There was no need for her to confess because he had already pointed it out. "Alam mong nagpapanggap lang akong bulag? Kailan pa?" Harika gave him a hesitant look. She could feel the beat of her own heart pounding in her chest.
Simon confidently nodded. "Yes. If I remember it correctly, I last saw you at the gas station's grocery market, habang nagpapa-gas iyong bunsong anak ni Mrs. Ishida sa labas, malaya kang nakakapili ng kung anu-anong mga bagay sa loob na parang walang kahit na anong inaalalang may makakakita sa 'yo. Pinagmamasdan kita mula sa labas at nang pumasok ako, instantaneously, you changed back to being blind. Kung hindi kita nabisto noong araw na 'yon, I will commend you for acting so greatly. Kahit noong death anniversary ni Mr. Joseph Ishida, noong una tayong nagkakilala, napaniwala mo talaga akong bulag ka," he spoke in detail, sharing everything he knew. "Did the accident that occurred to you months ago actually cause you to lose your vision, or have you been making that up ever since?"
Hindi alam ni Harika kung bakit inilalahad niya kay Simon ang tungkol sa mga paningin niya. Para saan pa't itago niya iyon? Kumbaga sa chess, checkmate na siya, talo na, buking na at ganoon siya ikinulong ni Simon sa isang hawla, wala na ring maidudulot kung magdadalihan pa siya. He made a comment about the man wearing a wolf mask, hinting that she would give up some of her pretentiousness in exchange for some of his information. Wala na rin siyang magawa, bisto na siya.
"I truly lost my sight after the chandelier crash, but I regained it three days later," she replied, looking down at her nails. "Kailangan mo bang malaman ang lahat? Iisa-isahin ko pa ba sa 'yo ang ginawa kong pagpapanggap?"
Simon chuckled. "Of course not. I'm just curious." He leaned his back on the chair. "Ano ang naisipan mo at bakit ka nagpanggap?"
Lumungkot bigla si Harika. Bumigat ang dibdib niya. She has been duped from the beginning. "I started pretending when they staged my Lolo Dad's funeral," she mentioned her reason. "Iyon ang kauna-unahang pagkakataon kung bakit ko kailangang ituloy ang pagpapanggap ko... upang malaman kung ano ba talagang klase ng mga tao ang nakapaligid sa akin."
Pinagmamasdan lang siya ni Simon habang nagkukuwento. Pinakikinggan ang mga sinasabi niya, inuunawa kung saan siya nanggagaling.
"And I was right, they are just there free loading, seizing my irrelevancy and planning to take me out of the picture; I was left alone, I was ignored, and their traitor eyes, smirks, and rolling eyes were all directed in my face. Gusto kong magalit, pero hindi ko binitawan ang pagganap ko bilang isang bulag. When I first learn about their traitorous behavior toward me, I am speechless, gusto ko na silang balikan at ipagtanggol ang sarili ko, subalit kung ibubuko ko agad ang pagpapanggap ko... mag-iiba ang sitwasyon, mas mahihirapan akong basahin sila isa-isa kung sino talaga ang tunay na nagmamalasakit sa akin, kung sino talaga ang nariyan para sa akin." She blinked away the tears that were starting to form in her eyes. "And one of the reasons they didn't stop following me and pretending to care is because of the money I'm accumulating. For them, I am the prize. Isa akong nanghihinang usa para sa kanila, anomang oras, maaari silang maging gutom na tigreng bigla na lang akong tatangkain sagpangin..." She took a deep breath in while swallowing a lump in her throat.
When Simon noticed Harika's crying, he pulled a handkerchief from his pocket. Despite the emotional pain she is experiencing, her lips did not manage to quiver, it just tightened in temper. Inabuso ng mga taong ito habang siya ay mahina, habang siya ay madaling lusubin at saktan.
"If they fabricated the congressman's funeral, where do you think he is now? Did you think he might still be alive?" Mas naging curious si Simon. His gaze did not leave Harika in her vulnerable state.
She sniffled and sobbed quietly. Nakayuko siya, lumalabi at nalulungkot nang sobra. "I don't know." Umiiling ang kanyang ulo. "My hope had died the day they told me he was dead. Even though if I'm believing he was just there, alive, and lurking by my side like a shadow, I couldn't find any sign of him anywhere... I just don't feel him anymore. Matanda na ang Lolo Dad ko, he's sick, and he's dealing with medical problems that are making him weaker day by day. Kung buhay pa siya, ako na ang pinakamasaya dahil makakasama ko pa siya, subalit wala na sa loob ko ang bagay na 'yon. Ayoko na lang lokohin ang sarili ko at tanggapin na lang ang sinapit niya."
The look on Harika's face and the tone of her voice conveyed hopelessness. Tinanggal na niya ang posibilidad na 'yon.
"Ni minsan ba hindi ka natakot dahil nasa isa kang lugar kung saan napaliligiran ka ng mga taong gusto kang saktan?"
Agad na umiling si Harika. "Hindi ko kailangang matakot sa kanila..."
As the moment progresses, inilihis na ni Simon ang kanilang pag-uusap sa ibang bagay. Tungkol kay Waki, sa bunsong anak ng mga Ishida. Naging tahimik lang si Harika nang ito na ang mabanggit. Nag-iba ang timpla niya. Pumakla at tumigas ang kanyang mukha. Noong unang gabi niya sa vacation house ay napag-usapan na nila ang tungkol doon. Naiinis pa rin siya sa tuwing dadapo iyon sa isipan niya.
"Matagal mo nang nakikita si Waki. Halos araw-araw kayong magkasama. Magkatabing natutulog sa iisang kuwarto at nagpupunta sa kung saan-saan. Alam mo nang nagsisinungaling siya sa 'yo, pinagsasamantalahan ang kapansanan mo. Bakit noong nakita mong naghahalikan silang dalawa noong babaeng kakilala niya ay nagawa mo pa ring magselos? Hindi kaya mahal mo talaga siya kahit harap-harapan ka na niyang niloloko?"
The moment Simon blurted it all out, Harika found it difficult to breathe. He's right; Waki was lying on her and using her blindness as a trump card. Harika thought she could trust him, but he double-crossed her. Alam na niyang niloloko siya nito, bakit nagagawa pa niyang masaktan? Baka nga mahal niya ito? Ngunit sa paanong paraan? Hindi niya alam.
Harika refrained from answering questions about Waki. Pinagmumukha lang niyang tanga ang sarili kung ipagtatanggol niya ang harap-harapang panloloko nito. So, she remained silent, annoyed at herself.
Kinagabihan, mag-isang nagpapalipas ng oras si Harika sa terrace, sa bukanang bahagi ng vacation house na tinutuluyan niya pansamantala. Kapayapaan ang hanap niya noong mga sandaling iyon kung saan nakukuha naman niya sa lugar na iyon.
"Harika, gusto mo bang gawan kita ng mainit na gatas para makatulog ka na?"
Napalingon siya. Dumating si Greta at pinuntahan siya. She gave her a friendly smile and a head nod. "Maraming salamat," aniya.
Masarap ang gatas na itinitimpla sa kanya ni Greta, madali siya antukin pagkatapos uminom lalo na sa tuwing aalukin siya kapag gabi. Mas hinahanap-hanap na niya ang lasa at tamis ng gatas kumpara sa tsaang madalas niyang inumin sa umaga sa mansiyon.
Nang bumalik si Greta sa loob, ilang minuto lang ang nakalipas ay si Simon naman ang lumabas at nagtungo sa kanya.
"All I remember about that night was that he saved you," he uttered at random as he sat down next to her. Napalingon siya rito. "I've never seen his face or heard his voice. Tinulungan niya ako noong araw na kailangang-kailangan ko ng tulong pinansyal dahil sa mga magulang kong may sakit. I don't even know what his name is or what he likes; he remains mysteriously unknown to me as you do. Bukod tanging ang mga papel na ibon lang na ibinibigay niya sa akin sa tuwing may gusto siyang sabihin, ipakita o iparating. He's living in his own home, which I had no idea where it was. Pinatira niya ako sa isang apartment noon, susulpot na lang kung kailan niya gusto..."
Pinagmamasdan siya ni Harika. Her ears were only lent to Simon. Iyon na ang tamang oras upang ibahagi nito ang mga nalalaman sa lalaking naging parte at misteryo ng buhay ni Harika habang lumalaki. Kung gusto man niyang makilala ng husto ang taong ito, mukhang mahihirapan pa rin niyang malaman ang pagkakakilanlan nito dahil ayon sa mga sinabi ni Simon, tila wala rin itong gaanong nalalaman dito.
"And when unfolding these paper cranes, he always includes codes, letters, or patterns. Sa napakaraming papel na ibon na natanggap ko mula sa kanya, mga salitang anagram, hearts, cube at mga numerong; 8, 5, 12, 5 at 14 lang mga pinakanatatandaan ko. Madalas kasi ang mga paper crane na nanggagaling sa kanya ay blangkong papel lang mismo at walang nakapaloob na kung ano," nagpatuloy si Simon sa pagbabahagi nito ng karanasan mula sa lalaking may maskara ng lobo. "Saka ang maliit na locket na nakasabit sa kanyang leeg at makikita ang litrato mo noong maliit ka pa at ang litrato ng isang babaeng hindi ko kilala," dagdag niya.
Harika was still listening while staring at a lamppost near the vacation house's entrance. Tila mas gumulo at naging palaisipan ang lahat nang maglahad si Simon ng mga bagay tungkol sa taong ito.
"Ano bang klaseng tao siya? Spy? Saka bakit siya nag-iiwan ng codes, ano'ng tingin niya sa atin? Detective? Hindi ko siya maintindihan..." napailing-iling na lang si Harika, ngunit may sumagi bigla sa isipan niya. "May nabanggit kang iniligtas ako ng taong ito? Alam mong nagpunta ito sa retirement party ni Lolo Dad?" Her curiosity grew. Nakatitig lang siya kay Simon, gusto niyang malaman ang isasagot nito.
His gaze was drawn away from her. Tumango ito. "Y-yes, because I was there too..."
Natigilan si Harika. She felt shivers down her spine. Hindi siya makapaniwala. Salubong ang kilay at malalim na suminghap. "You were there too? Bakit? Ano ang plano ninyo?"
When Simon responded to her, there was a brief pause, "He certainly has, but I don't have any. He sent me a letter inviting me to attend and observe the congressman's retirement party. Iyon lang ang ginawa ko, dumalo at pinagmasdan ang paligid."
"Did you know what he had in mind? Siya ba ang nag-set up ng aksidente? Siya ba ang dahilan upang sirain ang selebrasyon; planuhing saktan at patayin ako?" sunud-sunod na tanong ni Harika, hindi nawawala ang kilay niyang kanina pa nakasalubong sa mga nalalaman.
Pumilig ang ulo ni Simon. "Wala akong alam sa kanya at mga pinaplano niya. Sa tingin mo ba magagawa ka niyang iligtas kung siya rin ang may pakana ng aksidenteng iyon? Even if it was staged, but why did he put his life in danger for you? Gaano ka ba kaimportante sa kanya at kailangan niyang ibuwis ang sariling buhay para sa 'yo?" Simon's words slowed her down and made her nervous, almost frantic with worry. "Hindi mo rin ba naiisip minsan na kaya niya ginawa ang bagay na iyon upang iligtas ka niya sa mga taong mas may masasamang plano para sa 'yo?"
Mariing napakapit si Harika sa ilalim na bahagi ng kanyang damit. Why didn't he approach her and reveal his true identity if this man did it on purpose because he has reasons for doing so? Bakit kailangang palaging palaisipan ang pagkakakilanlan nito?
Her heart was racing incorporated with a little fear. "Kung tulad ko, madalas din siyang magpakita sa iyo, nasaan na siya ngayon? I'm ready whenever he shows up. Gusto ko siyang makilala at mahawakan."
Simon gave his head a slow shake. "I doubt it. He exists, but only as a figment of your imagination. He's untouchable and quick. He resembles a shadow. We both want to get to know him—the real him, which I haven't seen his existence in a while. Matapos ka niyang iligtas noong gabing 'yon, iyon na rin ang huling beses na nakita ko siya. He left the manor injured that evening and vanished like he always does; he hasn't been seen or heard from since."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top