41: Starless Night Sky
"I miss you, I love you... my precious lotus flower."
Paulit-ulit na pini-playback ni Harika ang maikling voice message na iyon galing kay Waki. Ang kanyang mga labi ay nakakurba ng masayang ngiti, indikasyong hindi niya pinagsasawaan ang boses nito.
Weeks dragged on when Harika and Waki finally did what they had repeatedly been on the verge of doing but fate had decided against. Noong nasimulan nila, hindi lang iyon ang unang beses na ginawa nila ang bagay na iyon... naulit ng isa pa. Naging dalawa. Tatlo. Ang dating kilig na nararamdaman nila ay nahaluan pa nang pananabik sa isa't isa. They were no longer adolescents with raging hormones; they were adults, and there was nothing wrong with that—they are both single as well.
Nagpaalam si Waki sa kanya two days ago. He's traveling to Chrisford with a business associate. Bigla niyang naalala si Stella na gustung-gusto itong makatrabaho sa isang negosyo, Waki, though, provided her some reassurance that he would be traveling with his dad's friend and not Stella. Kilala din ni Melanie ang taong ito, kaya wala siyang dapat ipag-alala rito kung may agam-agam man siyang nadarama.
Sumapit ang hapon noong araw na iyon, naisipan ni Harika na magpahangin sa pool side ng mansyon. Makulimlim ang kalangitan nang madatnan siya roon ni Alice na mag-isa. Hindi naman nito napansing malungkot siya, pero may katiting na pag-aalala itong nakita sa kanya.
"Harika..."
Lumapit ito, ibinaba ang dalang kahon sa mesa at hinimas ang balikat niya. "Mag-isa ka na naman." Naupo ito sa katabing silya malapit doon. "May gusto ka bang kainin? Ipaghahain kita ng sweet corn soup na madalas n'yong kainin ni Venus tuwing hapon noon. Saglit, ipahahanda ko lang ang kusina—"
"Busog pa ako, Nana." Maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Harika. "Simula nang mawalan ako ng paningin, mas naging malaking bagay na sa akin ang payapang hapong mag-isa," dagdag niya.
Bakas ang unti-unting lumalalim na pag-aalala sa mukha ng matandang pinagmamasdan siya. Naaawa ito sa alaga nito. Simula nang mawala ito sa mansyon at hindi makasama si Harika ng ilang buwan, kapansin-pansin ang malaking pagbabago na siyang madalas mahalata nito sa kanya. She was delighted that her Nana returned to the mansion, but not as joyful as they were back in the day. Magkasabay kasi ang pagkawala ng kanyang paningin at ang pinakamamahal niyang congressman, kaya kahit ano'ng sayang mayroon ang paligid niya... hindi pa rin maiaalis kung minsan ang lungkot sa sulok ng kanyang puso't isipan.
"Kumusta na ho ang kapatid ninyo sa probinsya?" tanong ni Harika, angat ang sulok na labing ngumiti. "Ilang taon na kayong naninilbihan sa mga Levantine, alam kong kulang pa ang ilang buwang bakasyon upang matumbasan ang sakripisyong ginawa ninyo para maging maayos ang buong estate. Maraming salamat sa inyong paglilingkod, Nana."
Alice gently stroked the back of her hand while holding it. "Napamahal na ako sa inyo, Harika. Halos matumbasan na ng pagmamahal ang trabaho ko sa inyong mga Levantine. Sa loob ng tatlumpung taon, itinuring ko na kayong sariling pamilya ko. Marami mang nangyari sa pagitan ng mga taong iyon, ngunit nanatili pa rin akong naririto, babalik at babalik para sa inyo..." unbearable nostalgia could be seen in Alice's eyes as she watched her. Tunay at nanggagaling sa loob nito ang mga lumalabas na salita sa bibig.
Humigpit ang kapit ni Harika sa kamay nito. Alice sat with her and she immediately lend her shoulder to her, to lean on. "I appreciate everything you've done for this family, especially for me, Nana. Kaya sa lahat, ikaw ang pinakapaborito ko kahit na kung minsan ay hindi tayo nagkakaunawaan sa ibang bagay. Alam kong ang kabutihan ko lang ang inaalala mo."
Napapangiti ang matanda. "Ayaw kitang paghigpitan noong magkagalit kayo ng congressman dahil sa nobyo mong si Slayter. Pero nang makita ko siyang kasama ka, alam ko na kung bakit gustung-gusto niyang pagbawalan ka at umiwas sa lalaking 'yon. Gulo at sa maling landas siya patungo... kung hindi pa nangyari ang gabing kinatatakutan naming lahat, malamang ay naisama ka na niya sa mala-bangungot na daang iyon."
Natatandaan pa nito. Naaalala rin kaya nito ang tungkol sa lalaking may maskara ng lobo?
May kung anong tumusok sa dibdib ni Harika nang maalala na naman kung gaano kasalimuot ang nangyari sa kanya. "Mabuti na lang at may nagligtas sa akin noong gabing iyon, Nana. I wanted to personally thank him for rescuing me in every crucial moments." Umayos siya ng upo. "Nana, naaalala n'yo pa ba ang taong iyon? 'Yong lalaking palaging nakasuot ng maskara?"
Napaisip si Alice sa tabi niya at nang naukilkil ang pamilyar na maskara nito sa sulok ng isipan ay nabalot ang matanda ng pangamba. "N-naaalala ko siya," tugon nito, "Hindi ka ba natatakot sa kanya? Madalas siyang magpakita sa 'yo na palagi mong naikukuwento, suot ang mamahaling business suit at pinagmamasdan ka mula sa malayo. Maging ako ay nangangamba sa tuwing ikukuwento mo ang lalaking 'yon."
Noong una, parehas ang nararamdaman ni Harika kung paano ilarawan ni Alice ang takot at pag-aalala sa tuwing magpapakita ang lalaking ito, ngunit habang tumatagal, tila ba nagpapahiwatig ito nang kung ano sa kanya. Hanggang sa mas lumalim na ang kuryosidad niya sa taong ito. Ano ba'ng ibig sabihin ng mga papel na ibong madalas nitong iwan sa kanya?
"Headmaid Alice, ipinatatawag ho kayo ni Ma'am Venus... may bisita siyang inaasahan at gusto niyang naroroon kayo kasama sila."
Napalingon si Alice at napahinto si Harika. Pinutol ng tagapagsilbing dumating ang humahabang usapan sa pagitan nila. Noong una ay ayaw pang iwan muna ng matanda ang alaga nito, ngunit inunawa ni Harika ang sitwasyon at ayaw ipagdamot ang matanda. Baka nga ay kailangan ito ni Venus dahil sa paparating na mga bisita.
"Aasikasuhin ko lang ang mga bisita. Babalikan agad kita..." she felt a gentle tap off her head.
Napasinghap si Harika nang muli siyang maiwang mag-isa. Kinapa ang kahon sa mesa na binabanggit ni Alice bago dumating ang tagapagsilbi.
"Ang kahong nasa harap mo ay naglalaman ng isang daan at mahigit na sulat, Harika. Para sa 'yo ang lahat ng iyan, galing sa isang sender na walang pagkakakilanlan at kumpletong address ng mansyon ang paulit-ulit na pinadadalhan niya. Ako ang tumatanggap ng mga 'yan isang o dalawang beses kada tatlong buwan, naipon nang naipon dahil ayaw ng congressman na ibigay ko sa 'yo ang bawat liham na natatanggap ko mula sa kanya. Ayokong itago sa 'yo ang hindi pa nabubuksang mga liham na 'yan dahil karapatan mong malaman kung ano ang nakasaad sa bawat pahina ng sulat. Ngayong wala na ang congressman, wala na akong karapatang ipagdamot pa sa 'yo ang mga iyan..."
Hinimas ni Harika ang kahon bago niya iyon buksan. Iginapang niya papaloob ang kanyang mga kamay at naramdaman agad ng kanyang mga daliri ang bawat piraso ng sobreng magkakatabi doon. Tama ang sinabi ng kanyang Nana Alice, napakarami ng mga liham na iyon, ngunit ano ang dahilan ng congressman at bakit ayaw nitong mabasa niya ang liham na isang bagsakan niyang natanggap ngayon? At kung para sa kanya nga ang lahat ng iyon, sino naman ang taong palaging nagpapadala sa kanya ng mga sulat?
✦❘༻༺❘✦
Naghihintay si Harika sa foyer ng kanilang mansyon, sa tapat ng nakabukas na double door. Nakaupo siya sa wishbone chair sa tabi ng mahabang istante kung saan nakapatong ang mga mamahaling flower vases. She's tapping her blind stick on the marbled floor while waiting for her friend, Lizbeth. Tumawag ito sa kanya kagabi at may importante raw na sasabihin. Umaga ang oras na napagkasunduan nila, ngunit malapit nang magtanghalian ay wala pa rin ito.
And then she heard faster steps coming in her direction. Hingal na hingal si Lizbeth na nagtungo sa kanya. "Harika, I'm really sorry! Sobrang traffic kanina bago ako nakarating dito. Mayroon kasing inaayos na kalsada sa rutang dinaanan ko 'tapos ay hindi pa kita matawagan dahil naiwan ko ang cell phone ko bago bumyahe. Pasensya ka na talaga!"
All she did was hold her friend's hand. "Ano ka ba, okay lang 'yon, Lizbeth. Ang importante ay nakarating ka. Wala naman akong gaanong ginagawa ngayon kaya walang kaso sa akin kung maghintay ako sa pagdating mo."
Lizbeth smiled looking at her. Hindi na sila nagtanghalian dahil kapuwa naman sila busog at nagtungo na agad sa kuwarto ni Harika.
"Harika, if you could just see how fidgety I am, you wouldn't believe what I'm about to tell you." Lizbeth study her first. "Mukhang wala ka pa talagang alam dahil maliwanag pa ang ngiti riyan sa mukha mo," aniya, pilit na pinakakalma ang nanginginig na mga kamay. "Ayoko munang sabihin sa iyo noong tumawag ako kagabi. Baka maapektuhan ang pagtulog mo at gusto ko talagang ibalita ito sa 'yo ng personal."
Harika's small smile disappeared. "Masamang balita ba 'yang sasabihin mo at parang pinuputol mo na ang masayang umaga ko?"
"Uh, y-yeah, kinda..." Lizbeth hesitated.
Kahit alam nito na hindi siya nakikita ni Harika ay hindi nito magawang makatingin sa mukha nito. Nababalisa na natatarantang hindi maintindihan ang reaksyon ng kanyang kaibigan.
Halos mapaso si Lizbeth nang dumampi ang kamay ni Harika sa likod ng kamay nito. "Kumalma ka muna. Pagkatapos, magsimula ka kung handa ka nang sabihin ang gusto mong sabihin," mahinahong saad ni Harika, tinitimpla ang hindi mapakaling kaibigan.
"Ano kasi— si Slayter... ilang araw nang pinaghahanap ng mga pulis," balita nito sa kanya, hindi mawari kung sa paanong paraan ito babanggitin
Sa pagitan ng mga segundong nagdaan, nanlamig ang buong katawan ni Harika. Pakiramdam niya ay naubos ang dugo sa kabuoan niya. Hindi siya makapagsalita. Panandalian siyang nabingi at walang ibang naririnig bukod sa pabilis nang pabilis na tibok ng kanyang puso. Even her breathing stopped the moment a bad news have unfolded.
Isang direksyon lang ang hindi gumagalaw niyang mga mata. Para siyang natulala at hindi alam kung paano bang reaksyon ang dapat niyang gawin sa narinig.
Ang banayad na haplos ng palad ni Lizbeth sa kanyang likuran ang nakapagpabalik kahit papaano ng kanyang diwa.
Harika's eyes were tearing up hot. "T-totoo ba ang balitang 'yan, Lizbeth? A-ano raw ang nangyari... p-paano—"
"May nangyaring pagsabog sa local jail kung nasaan siya nakakulong, mahigit sampung bilanggo ang nakatakas, walo na ang natagpuan ng mga pulis at naibalik sa kulungan. Sa kasamaang palad, hindi kabilang sa walong 'yon si Slayter na hindi na matukoy kung nasaan." Bakas na bakas sa mukha ni Lizbeth ang sobrang pangambang nadarama habang binabanggit ang masamang balitang iyon kay Harika. "I didn't come here and cause you to panic. Nag-aalala lang ako sa 'yo, sa kapakanan mo. Hindi kita tinatakot o kung ano." Lumingon ito sa kanya nang may labis-labis na pag-aalala. "Harika, si Slayter ang taong ito, na malaki ang galit sa yumaong congressman at alam mong ikaw ang sentro ng kanyang paghihiganti..."
✦❘༻༺❘✦
Ilang araw ang nakalipas matapos mabanggit ni Lizbeth kay Harika ang tungkol kay Slayter, nababalot pa rin siya ng agam-agam. She believed she's safe inside the estate since there were so many security guards around her, risking their lives for her as part of their duties. It's something Lymareva had recently confirmed. Noong nalaman niya ang tungkol dito, ilang gabi na naman siyang pinag-isip. Kung hindi siya nito malalapitan, siguro'y wala siyang dapat ipag-alala at iyon na lang ang dapat na isipin niya.
She didn't tell anyone about it, yet. Even Waki. Gaya nang dati, kung paano siya tahimik na nabubuhay sa mansyon ay ibinalik niya sa dati ang lahat. Kung may epekto man sa kanya ang tungkol sa nalaman, hindi na maaaring mahalata ng iba ang epektong iyon sa kanya. Malalim siyang huminga, saka nagpanggap na maayos ang lahat.
Habang nakikinig si Harika sa kanyang walkman ay narinig niya ang boses ng isang tagapagsilbing pinukaw ang kanyang atensyon. She yanked off her earphones, which had been jammed in her ears listening for an hour.
"Ma'am, may bisita ho kayo kanina. Matagal na naghintay sa labas ng mansyon," banggit nito.
Kinilabutan si Harika. Isa tao lang ang pumasok sa isipan niya. Si Slayter. Siya nga ba?
Patagong kumuyom ang kanyang kamay sa gilid. "S-sino raw at ano ang kailangan niya?"
"Hindi ko ho kilala, Ma'am. Kinausap ho siya ni Ma'am Venus sa tapat ng gate kanina at napag-alaman kong hindi na ito tumuloy matapos ang maikling pag-uusap nila sa labas."
She keeps wondering a lot. Hindi pa siya sigurado kung si Slayter ba talaga ang kausap ni Venus, pero bakit hindi nakarating sa kanya ang pagkakakilanlan ng bumisitang ito?
Kinabukasan, sa verandah ng mansyon, sa lugar na hindi niya gaanong napupuntahan ay napagdesisyonan ni Harika na roon magpalipas ng umaga. Mas mahangin doon kumpara sa pool side kung saan madalas siya. Ang sikat ng araw ay ramdam kaysa sa garden. She felt very different after spending some time on the verandah.
"Bumisita si Van Doren kahapon at hinahanap ka. I was meant to let him in, ang kaso noong ipatawag kita sa helper ang sabi ay natutulog ka raw sa kuwarto mo, kaya pinabalik ko na lang siya sa ibang araw..."
It's Venus. Her voice was one that she recognizes instantly. She has a limited-edition bag dangling from her arms and wearing a tight black dress. Pula ang lipstick na nakapahid sa labi nito at light make up na parang a-attend sa isang commercial interview.
"Ano raw ang sadya niya?" Hindi sana magsasalita si Harika, kaso curious siya kung bakit.
Bahagyang naglakad si Venus patungo sa kanya. "I don't know," she shrugged. "He mentioned seeing you in a brochure. Baka gusto ka lang niyang makita at makausap."
Harika moved her body to her side, where Venus was standing close by. "Paano niya pa ako makakausap kung hinarang mo na ang pagkakataon naming mag-usap?"
Venus' face took on a side-eye, brow-furrowed look. "I did what I had to do, cuzz. Saka tama ba namang paghintayin ang bisita? And you're still sleeping from that time. Kung gusto mo sa susunod ipabubulabog kita sa mga helper." She sighed deeply as she rolled her eyes. "Ang dating ay parang kasalanan ko pa."
Hindi na umimik si Harika. Mas lalo lang nasisira ang umaga niya kausap ang pinsang kailanman ay hindi niya binalak makausap kahit pa sa iisang bubong lang sila naninirahan.
Maglalakad na sana paalis si Venus nang may makalimutan. "Oh, by the way, Mommy and I decided to take a trip." And took a glance on her. "Kaya huwag kang magpapapasok nang kung sinu-sino rito sa mansyon, baka mamaya may makapasok na taong nagiging dahilan kung bakit ilang gabi ka nang hindi makatulog nang maayos sa pag-aalala. Sige ka, baka pag balik namin, wala ka na..." Venus taunted her by laughing softly. She was certain Slayter was somewhere near or far. Dapat ba siyang matakot?
Piniling mapag-isa ni Harika buong araw hanggang sa sumapit ang gabi. Napahimas siya sa kanyang braso nang sandaling humaplos ang malamig na hangin sa kanyang balat mula sa balcony na kinatatayuan niya. Matatanaw sa harap ang malawak na courtyard. Slayter remained on her mind. Pinangangambahan pa rin niya ang pagtakas nito sa bilangguan. Kung mahuli ito ng mga pulis at maibalik sa kulungan ay makahihinga siya nang maluwag, kung hindi naman, kailangang doble ang gawin niyang pag-iingat.
Katatapos lang tumawag ni Waki sa kanya kani-kanina bago siya mag-shower. Isang araw pa bago muli silang magkita dahil nananatili pa rin ito sa Chrisford.
Harika later closed her eyes and savored the quiet feeling she was experiencing. Pilit niyang inaalis ang mga bagay sa kanyang isipan na nagdudulot ng kalituhan at pag-aalala. Bukas man o hindi ang kanyang mga mata, isang madilim na paligid pa rin ang kanyang nakikita. The night wasn't quite through for her to lay down in bed and get some rest. Bagkus ay pinagana na lang niya ang kanyang mga natitirang senses, pinalawak ang imahisnasyon kung saan ay hindi na alintana ang mga paningin niyang sarado sa itim.
Looking up, she tried to picture a night sky devoid of stars. Parehas lang din naman ang dilim na nakikita ng kanyang mga mata sa walang bituing kalangitan. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagkakataong iyon, pareho ang dilim at gabi sa mga paningin niya.
Harika stood there motionless for an entire hour. She hasn't become tired after standing for so long. However, it was still a part of her nightly meditation, clearing her mind of everything that had been making her feel restless and anxious. Subalit sa sulok ng kanyang isipan ay sumagi bigla si Van Doren. Naalala niya kung paano siya nito ituring noon, napakabait na tao at lumalabas ang kakisigan sa bawat pag-ngiti. Nagtataka lang siya kung ano ba talaga ang sadya nito at gusto siyang bisitahin at makausap?
"Hindi ka pa ba magpapahinga? Malamig ngayong gabi, baka sipunin ka..."
She turned her back. "Nagpapaantok lang ako, Nana." She took her stick and walked inside.
Alice drew the heavy curtain back and shut the balcony window. "Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa lalaking 'yon?"
Kung si Slayter ang tinutukoy nito, malamang ay kung minsanang sumasagi pa rin iyon sa isip ni Harika.
"Huwag n'yo na siyang banggitin, Nana. Ayoko nang maalala siya o ang pangalan niya."
Yumakap ang matanda sa kanya. "Hindi mo kailangang matakot, Harika. Nandito kami... marami kaming proprotekta sa 'yo." Alice provided her with the necessary attention and security. "Humiga ka na. Sasamahan kitang matulog dito sa kuwarto mo."
Her lips formed a lovely smile that was gratifying. It was just what she needed. Through her eyes, a very black sight depicted the starless night sky. At least there's someone who looks after her while she sleeps.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top