38: Vivid Little Sparks
"What— why didn't you call me right away after you broke the congressman's urn? How are you doing? Were you hurt?"
Harika curved a smile across her face hearing his voice and his excessive worry. "I'm fine, Waki." Kinikilig siya sa reaksyon nito sa kabilang linya ng telepono. "It's just that I don't want to interfere with anything you're doing. Nasa Bellmoral ka para sa isang business trip, ayokong abalahin ang bawat oras mo sa trabaho. Isa pa, naging maayos na naman na ang lahat. Huwag ka nang mag-alala," she assured him that everything was fine now.
"Mabuti kung ganoon." Narinig niya ang mababaw na pagsinghap nito. "Did your aunt knew about it?" And then Harika said an affirmative response to it. He continued, "How did she react?"
She chuckled because she knew Waki was curious about it and wanted to make sure she was okay. "Waki, I told you everything is fine now. Napag-usapan na namin ni auntie ang tungkol sa nangyari. Aunt Lymareva and I resolved it properly. And before I broke his replacement urn, Lolo Dad's ashes were secure and kept in a different urn. Ito na nga ba ang inaasahan kong magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang tungkol sa nangyari. I should've waited for you here. Baka mamaya maapektuhan na ang work mo sa pag-aalala sa akin."
"Of course, I'll be very concerned. Whatever happens in this world, you can be sure I'll always care for you... lalo pa't kasama mo ang mag-inang Sullivan. Kaya sa tuwing sasagi ka sa isip ko na kasama mo silang naninirahan sa iisang mansyon... hindi ako mapakali." Narinig niya rin ang pag-amin ni Waki sa parehong sandali. "I've been in Bellmoral for four days now... even though we haven't been together for even a week, I was desperately wanted to see you. Miss na miss na kita, Harika."
By that, it warms her cheeks. "I missed you more." There were butterflies starting to flutter in her stomach. "Kailan ba ang uwi mo?" She hasn't stopped grinning since he called.
"Tomorrow," he replied. "I'm also planning something."
She became more excited. The fluttering sensation heightened the effects. "What is it, and don't get my hopes up! Kapag 'yan naantala na naman dahil sa ibang bagay magtatampo na talaga ako," aniya na parang bata saka niya binawi, "Just kidding."
They traded laughter on the phone. It was so obvious. They genuinely missed each other.
"Just a quick getaway... you and me."
Alam naman ni Harika na tutuparin ito ni Waki. Kung may humadlang mang mas importante sa pinangakong getaway nito, walang kaso iyon sa kanya. She's mature enough to understand it.
She ate her lunch outside on the patio. Maganda ang gising niya kanina, idagdag pa na nakausap niya si Waki at ang pag-uwi nito kinabukasan. She was giddy about their weekend getaway. Gusto na niyang mag-prepare at hindi niya alam kung makakatulog pa siya mamayang gabi kaiisip dito.
"Ma'am Harika mayroon ho akong nakitang litrato ninyo sa kuwarto ni Ma'am Venus. Dali-dali ko ho kayong hinanap matapos niya hong ipalinis ang kuwarto niya."
Lumapit sa kanya ang isang tagapagsilbi na tumapos ng tahimik niyang pagmumuni-muni sa mahanging covered patio na napaliligiran ng mga halaman at bulaklak.
Kumunot ang kanyang noo. "Huh, litrato? Ano'ng nasa litrato?"
Marahang hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at ipinahawak sa kanya ang binabanggit nitong larawan. "Kayo po ang nasa litrato noong maliit pa kayo. Nakasuot ho kayo ng matingkad na dilaw na bestida kasama n'yo ho ang yumaong congressman na nakasuot ng business suit. Bata pa lang ho kayo, litaw na litaw na ang ganda ninyo, ma'am..."
Panay ang papuri ng tagapagsilbing naglarawan sa kanya kung ano ang nasa litrato. Bagamat hindi niya gaanong naaalala ang tungkol doon, hindi pa rin ito naging hadlang upang gumuhit ang sayang ipinaabot sa kanya ng litratong iyon.
"Bakit ho nasa kuwarto ni Ma'am Venus ang litratong 'yan, ma'am?" usisa nito saka hinayaan na sa mga kamay ni Harika mamalagi ang larawan.
Her thoughts were quickly jolted by a memory. She exhaled a short breath. "Eight years ago, Venus and I exchanged rooms. May ilang mga bagay lang siguro akong hindi na naialis sa kuwarto niya tulad na lamang ng cabinet na hiningi ni auntie sa akin para gamitin niya. Noong inilipat ako ni Lolo Dad sa kuwarto ko na ngayon, mas naging komportable na ako at naiwasan na ang mga masasamang panaginip na laging nangyayari sa akin sa kuwarto ko noon. Noong una ay hindi ako naniniwala, but somehow it works. Siguro kailangan ko lang na mag-iba ng environment at lugar sa dati ko nang nakasanayan," kuwento niya rito na blangkong nakaharap sa ibang direksyon.
"Hindi lang ho 'yan ma'am ang nakita ko." Iniabot nito sa kanya ang maliit na paper crane. "Kasama ng litratong 'yan ang isang papel na ibon." Agad naman niyang na-recognize iyon nang madampian ito ng mga daliri niya.
Ang kaninang payapang tanghaling mayroon siya ay napalitan ng kuryosidad, tila ba may kumiliti sa sulok ng kanyang isipan dahilan upang dahan-dahan siyang mapatayo sa kanyang kinauupuan. Gusto niya pang malaman kung anu-ano ang mga bagay na kasama ng litrato at papel na ibon sa mga kamay niya.
"Nariyan ba si Venus?" She jerked her head towards the maid, but not directly at her.
"Kaaalis lang ho niya ma'am kani-kanina. Hindi na ho siya nagtanghalian dito dahil sa pagmamadali."
"Take me to her room."
Umalalay agad sa kanya ang tagapagsilbing ito. "Masusunod ho, ma'am."
Nang makarating sila sa kuwarto ni Venus, sa ikalawang palapag ng mansyon, itinuro agad ng tagapagsilbing kasama niya kung saan nito natagpuan ang litrato at papel na ibon na ipinagbigay alam nito.
Ang ikatlong drawer ng cabinet na binanggit niya ang naging lalagyan ng mga bagay na hawak niya. It has a lock that was fortunately left open. The maid pulled it wider. Sa loob niyon ay may mga bagay na magpapaalala sa kanya ng lahat. Isang maliit na cardboard box na naglalaman pa ng ilang papel na ibon, ilang mga litratong magkasama silang dalawa ni Venus, ang nawawala niyang tiara noon... at ang huling bagay na makikita pa roon ay siyang magiging dahilan upang kilabutan siya nang matindi; isang cellphone. At nang hawak niya iyon, sigurado siya sa sarili niyang ang kanyang Lolo Dad ang nagmamay-ari niyon. Isang malaking tanong ang umukit sa kanya, bakit naroroon ang telepono ng congressman? Kung totoo ang hinuha niya, bakit nakita niya ito sa kuwarto ni Venus at hindi sa tiyahin niya?
Sinubukan niyang ikuyom ang nanginginig niyang mga kamay. "I'm taking all of these, and before we go, make sure you lock this drawer."
Kahit na maraming tanong ang gustong ibato sa kanya ng tagapagsilbing wala ring ideya sa nangyayari, wala na itong nagawa kung hindi sundin siya.
"Hindi niya dapat malamang nanggaling ako rito, manang. Kung maghinala man siya o paghinalaan ka niya, lumapit ka lang sa akin at ako ang bahala sa iyo." Siniguro niya ang kapakanan nito. "Ihatid mo ako sa kuwarto ko. Magpapahinga na ako."
"Masusunod ho, ma'am..."
✦❘༻༺❘✦
Kinabukasan, dumating si Waki sa mansyon ng mga Levantine. Maaga ito sa oras na inaasahan ni Harika. Nagkita sila sa garden area, sa loob ng gazebo kung saan nagpahain siya ng snacks para may makain sila habang nag-uusap. He moved closer to her and gently cupped the back of her hand. Magkatabi ang kanilang mga silya na nakaharap sa malapad na mesa. May bulaklak din sa gitnang bahagi niyon at inumin. Para silang nasa picnic.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta mamaya?" She cocked her head, leaning it toward Waki's shoulder.
"I cannot tell you yet. Plano kong sabihin kapag naroroon na tayo, saka ko ilalarawan sa 'yo ang lahat."
Gumuhit agad ang ngiti sa mga labi ni Harika. Bakit ba pinapataas pa nito ang anticipation niya?
Waki gave her a head-kiss. "Ikaw. Kumusta ka na? Kumusta na ang mga paningin mo?"
May bahagi kay Harika ang biglang nalungkot. Suminghap siya. "Ako, maayos. Itong paningin ko?" nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam."
They paused for a split second.
"Ako naman sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko sa gabi, kapayapaan ang naidudulot sa akin ng dilim. Napapawi ang pagod ko sa buong maghapon," kuwento nito.
Harika sat up straight. "Yes, there is peace in the dark; however, if it lasted too long... it became terrifying."
He casts a quick glance to her side. He watched the stillness of her irises in one direction. May pumitik sa puso nito habang pinanonood si Harika na pawang unti-unti nang natatanggap ang naging kapalaran. Naaawa ito, hindi nito maikubli ang tungkol sa bagay na 'yon.
"I know it must have been so difficult for you to deal with the situation you're in." He wrapped his arms around her to reassure her. "And you can always rely on me. Hanggang sa araw na bumalik na ang mga paningin mo... o kahit na nakabalik na ang mga paningin mo."
His embrace of her was held back. Bahagyang napapikit ang kanyang mga mata. "Positibo pa rin naman ako sa mga posibilidad, Waki. And even if that day never comes, I will always be grateful that you stand by my side and support me, despite how moody and selfish I can be at times. Ngayon ko na na-realize na may mga nade-develop pa lang negative characteristics kapag nawalan ng paningin ang isang tao. Every time I go through a depressive episode, I become stubborn and irritable. 'Tapos kung minsan umaasal pa akong hindi na kino-consider ang mararamdaman ng ibang tao. Wala nang pakialam sa mundo. Ang hirap din kasing alisin ang frustration sa katawan ko noong araw na mabulag ako, kinaiinisan ko na ang lahat at kung bakit ako pinarurusahan nang ganito." Emotions started welling up her chest.
She felt light taps on her shoulder. Kahit na sa ganoong paraan ay mapagaan ni Waki ang loob niya.
"Naiintindihan ko. Kahit na sinong tao ay mararamdaman kung ano ang mga nararamdaman mo ngayon. Walang kahit na sino ang gustong mawalan sila ng mga paningin o pandinig o pakiramdam. Normal lang sa isang tao ang magalit, dahil mayroon silang dahilan para maramdaman ito. Harika, bumalik man ang mga paningin mo o hindi, lagi mong iisiping nandito ako, handang umalalay sa 'yo at sa mga posibilidad na 'yon... you will undoubtedly be able to see the world again as long as you don't lose the ability of optimism in you, the good outlook on life, and the protection of your peace of mind."
Even in times of vulnerability, they still have their backs. Hangga't nariyan si Waki, walang dapat ipag-alala si Harika.
Hapon na sila nang umalis. Buong byahe ay palagay ang loob ni Harika dahil si Waki ang kasama niya. Gabi na sila nang nakarating sa isang beachfront rest house.
"Sayang, hindi na natin naabutan ang sunset," nanghihinayang na saad ni Waki habang ibinababa ang mga gamit nilang dala.
"May bukas pa naman," sabat ni Harika habang pinupunto-punto ang blind stick sa sahig. "Kaya magpahinga na tayo, marami ka pang bagay na ilalarawan sa akin bukas kapag nag-ikot tayo sa lugar na 'to."
Nagtungo sa kanya si Waki. Bumunggo si Harika sa kanya. Kapuwa sila humingi ng paumanhin sa isa't isa at nagtawanan.
"Bukas ang sunset. Mamaya ang stargazing. Let's eat dinner first, and then we'll head to the view deck."
Walang gaanong tao noong nagpunta sila sa canteen ng beach resort. Medyo late na rin kasi noong oras na kumain silang dalawa. Ang ibang mga bakasyonistang kasama nila ay nasa loob na ng mga villa. Others flocked to the sands around a huge bonfire that had been lit an hour ago.
Naglakad-lakad lang sila nang kaunti sa tabi ng pampang bago umakyat ng view deck. Suwerte nila at walang tao roon. Wala ring ilaw ang paligid, tanging ang gabing walang ulap na kalangitan lang ang bubungad doon.
Their arms were on the wooden railings as they stood there. Malakas ang pagaspas ng hangin, ngunit tama lang ang lamig na iyon para sa mga suot nila. Harika was unbothered about the breeze in her hair.
"Do you like it here?" asked Waki, gazing at her while his hands never leaving her side to support her.
Her thoughts ignited into vivid little sparks. "I will never not love this weather. Ganitong-ganito ang gusto kong gabi sa harap ng dagat," aniyang sinusulit ang preskong hangin sa kanyang bawat paghinga. "It's as if I'm standing on the balcony in my room, but with the sound of the waves."
Waki agreed, smiling and nodding. In order for her to fully understand what his eyes were seeing—a stunning diamond sky—he began to describe everything as best he could. He finds it easy to convey his vision through words.
"It's an astonishingly clear night sky, Harika, with a wide-angle view of the starry sky and moonlight reflections on the midnight sea..."
Waki described every aspect of it, not just what his eyes could see but also how it was masked by the sounds and feelings of everything else around them. Natutuwa si Harika sa tuwing magbibigay ito ng bagong salita upang idetalye at mas maintindihan pa niya ang paglalarawan nito.
"Ano pa'ng gusto mong malaman na hindi ko pa nababanggit?"
She began to laugh merrily. "You've described enough." Nagtakip siya ng kamay sa bibig upang itago niya ang kanyang pag-ngisi-ngisi.
"Are you making fun of me?"
Umiling si Harika. "No, I'm not." She stopped laughing softly by pressing her own lips together. "Nakapunta na kasi ako sa lugar na ito last year, kasama ko si Lolo Dad at nagbakasyon na kami rito para i-celebrate ang birthday niya."
"How come you didn't tell me? Sana naghanap pa tayo ng ibang lugar na hindi mo pa napupuntahan."
Narinig niya ang mahinang buntonghininga ni Waki. "Ayokong sabihin sa 'yo. Kahit na nakapunta na ako rito, hinayaan pa rin kitang ilarawan sa akin ang lahat... dahil iba ang naidudulot sa akin ng napakaganda mong boses. Pakiramdam ko, ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako rito dahil sa 'yo."
Isang malaking yakap patagilid ang bumalot kay Harika matapos niyang sabihin iyon. Bahagya siyang napapikit dahil gustung-gusto niya ang init at higpit ng yakap na 'yon. Ang tulad ng mga sandaling iyon ay kanais-nais para kay Waki, kung paano ito papurihan lalo pa't kay Harika nanggaling ang mga salitang iyon.
She turned to face him and accepted his embrace. "Hindi ako magsasawang pakinggan ang boses mo, Waki. Isa 'yan sa mga mayroon ka na pinakanagustuhan ko."
Waki unwrapped from her embrace. He took hold of her chin and raised it slowly. "At hindi ako mapapagod ilarawan ang lahat ng bagay sa 'yo..." He then kissed her on the lips.
Napaliyad nang kaunti si Harika nang salubungin niya ang madiing pagtama ng labi ni Waki sa kanya hanggang sa napaayos siya nang tayo habang umaalalay ito na hindi binibitiwan ang kanyang mga labi.
They lost sight of the breathtaking nighttime scenery as they stood on the view deck. They're simply having an illicit relationship in front of it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top