36: The Art in Ashes

The congressman received a kiss goodnight from Harika in the study. When she walked back to her bedroom, she heard a hushed cry inside Venus' room. In a week, her cousin's turning sixteen and she wanted a glamorous birthday party which Harika has done months ago.

"Yes, mom, I know we cannot imitate Harika's fairytale themed party, and since you are aware of how much fairytales influenced my childhood, you understand why I don't want to recreate her idea... but mom, that's what I want! That's the same thing I've had in mind for my birthday!" Venus insisted. "Paano kung hindi nila magustuhan ang party ko kung hindi iyon ang tema na gusto ko? For sure they won't like me anymore..."

Natigilan si Harika. Dinig na dinig niya ang hinaing ng kanyang pinsan mula sa loob ng kuwartong kinaroroonan nito.

"Venus, honey, look at me, fairytales are only for the kids. You're not turning seven or eight next week... you're celebrating sweet sixteen. Ano ba ang pinoproblema mo? Napakaraming konseptong nababagay sa 'yo, sa party mo, at kung bakit kailangan mong ulitin ang konseptong nagawa na ni Harika? Hindi ka ba nag-iisip? Ayaw mong gayahin ang motif ng magaling mong pinsan 'tapos pinipilit mong fairytale din ang mangyari sa party mo? That's not how it works if you wanted to outdo her party—"

"But that's who I am, mommy. I know that's what they wanted—that I am a stunning princess, as everyone knows."

"Who said being yourself would make people want you? No one. All you have to do is be the version of yourself that they like."

Humina ang usapan ng mag-ina at tila nagkakasundo na sa iisang bagay. Hanggang sa tumuloy ang usapan ng mga ito na sakop muli nang pandinig ni Harika.

"Ayoko sa beach resort mag-celebrate, mommy, in the manor is where I wanted it to be held. Although I haven't precisely counted them, I believe there are more than one hundred guests."

"I don't think the manor will be available next week because of Helen's death anniversary. Pero gagawin ko ang lahat para mapapayag si Dad na magamit natin ang manor para sa birthday mo, pero hindi ako nakasisiguro..."

"What? Hindi na nga fairytale ang magiging theme ng party ko, hindi pa rin pala puwede ang lugar kung saan ko gustong idaos ang birthday ko?"

"Of course it will be accessible the following week... only for you, my love. But first, something needs to be done to make it possible. How can you do it?" A brief moment. Venus waited. "Impress me by crying and begging in front of the congressman. Make an effort to convince him to change his mind."

As soon as Harika heard Lymareva by eavesdropping outside her cousin's room, she couldn't stop thinking about their conversation until she was in bed. Para sa mag-ina, si Harika ang matalik na kakompitensya ng anak nito; sa congressman, sa mga tao... sa lahat ng bagay.

✦❘༻༺❘✦

When Harika was very little, her knowledge about her mother was as tiny as she could remember. Although she was aware of her maternal side when she appeared in her vague dream as a loving and caring woman.

Helen lost her life at a young in a car crash off a cliff accident. She died a week later when she turned twenty two . Iyon lang ang tanging alam ni Harika tungkol sa ina nito na binanggit sa kanya. It was tragic to think about, but she had hoped to know everything far beyond the knowledge she had with her. Minsan na siyang naging curious kung anong klaseng tao ba ito sa iba noong nabubuhay pa ito. Minsan na rin niyang naitanong ito sa kanyang Lolo Dad, na parating namang ilag at iniiwasang pag-usapan ang nangyari dito.

People around Harika said she has all of Helen's features, which was why she reminded them of her mother. Tanda niya pa ang kuwento ng kanyang Nana Alice noon, na tumingin lang daw siya sa salamin at makikita na niya ang kanyang ina sa sariling repleksyon niya. For her, the lack of anything that would serve as a nostalgic reminder of her mother or at the very least something they could share with her was very unfortunate. They hid it away from her. Helen's things were kept somewhere she didn't know. Ano ba'ng dahilan kung bakit pilit na itinatago ng mga taong nasa paligid niya ang pagkatao ng kanyang ina kung gayong siya naman ang pinaka may karapatan sa lahat na malaman ang tungkol sa pagkatao nito? Hindi niya maintindihan. Ang painting lang ng mukha nito ang tanging bagay na mayroon siyang naaalala niya. According to her Lolo Dad, the painting in question was created using a mixture of paint and her mother's ash. It was the only thing she had to cling to. Time flies, but her curiosity in her mother doesn't change.

✦❘༻༺❘✦

Harika hasn't had the opportunity to commemorate the deceased congressman since the day she returned to their estate. Ni hindi niya pa muling nahimas ang bangang kinalalagakan nito, ni hindi niya pa rin napupuntahan ang study kung saan madalas itong magbasa ng libro noong nabubuhay pa ito. Hindi niya mawari kung bakit tila ba nakapirmi lang siya at hindi magawa ang gusto. Isa na sa dahilan kung bakit siya ganoon ay dahil sa mag-inang nagpapasikip ng mansyon sa tuwing nakakasalamuha niya ang mga ito.

As far as she recalls, did the congressman have his forty days after death? She hasn't remember any. She has no recollection of the funeralgoers who attended the commemoration. Nagkaroon nga ba talaga ng seremonya para dito noong wala pa siya sa mansyon?

She then contacted Manong Liro's number to meet him in person and to answer certain questions. While waiting for him to come from another city, she asked the maids first to bring her to the altar, where her Lolo Dad's expensive urn sat. Nang makarating at matapos magtulos ng mga tagapagsilbi ng kandila, hinayaan na muna ng mga ito si Harika himas-himas ang banga ng congressman.

"Hi, Lolo Dad..." panimula niya, nanginginig ang ilalim na labi. Something in her chest starts to feel heavy. "I missed you so much. Nami-miss ko ang lahat ng bagay sa 'yo... on how you call me princess, how your hugs always make me feel secure, and how you give me the finest kisses in my cheek. How you imparted your knowledge and reminders in me as I grew older. I've always been willing to learn from you and earn what I need. Hindi ko lang lubos maisip na sa mga sandaling ito, na itong bangang kinalalagakan mo na lang ngayon ang mapagsasabihan ko ng mga bagay kapag mabigat ang dibdib ko at gusto kitang kausapin... nakalulungkot lang dahil hinding-hindi mo na magagawang sumagot pabalik sa akin upang pagaanin ang loob ko," while speaking to the urn, Harika voice shuddered. Her sobs revealed how intensely she longs for him. Na hanggang sa mga alaala na lang nila niya mapanghahawakan ang lahat.

Her hand touches the urn on the stand's rough, golden carving. Her sightless eyes want to glimpse every inch of it. Naaamoy rin niya ang kandilang nakasindi sa tabi nito. The pleasant memories they shared made her tear up which it emotionally attacking her.

"Simula nang mawala ka, Lolo Dad, napakarami nang mga bagay ang nagbago. Sa buhay ko, sa mansyong ito, sa mga taong nakakakilala sa 'yo... sa atin bilang mga Levantine. I am truly sorry if I am unable to uphold what you have been guarding and concealing over the past few decades. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang ginagawa mo para sa pamilyang ito. I should've gotten involved in all of this back when you were there... when you're still living. Nang sa gayon ay hindi ako nahihirapan nang ganito, pati na ang pakisamahan ang mga taong nalilito ako kung sino ang totoo."

Ngayon naiintindihan na niya. The congressman once told her about the things that were unavoidable, na inihahanda na siya nito sa mga posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap. Harika, though, found it hard to think that it would happen so soon. Oras ang naging kalaban niya, subalit hindi ito ang magiging dahilan upang hindi na niya magampanan kung ano ang dapat niyang ipaglaban. She now had to exert all of her energy to straighten that curvature and take the right path by making a twofold effort in this direction.

Walang naidaos na seremonya nang sumapit ang ikaapatnapung araw ng kamatayan ng congressman sa mansyon. Kinompirma iyon ni Manong Liro sa kanya. Kaya binuo ni Harika ang kanyang loob na sa ika-isang daang araw ng kamatayan nito ay gagamitin niya ang abo nito upang ihalo sa paggawa ng isang malaking painting. The art in ashes. Memory in a creative manner. Tulad na lamang ng ginawa sa abo ng kanyang ina. Pagkatapos ay pagtatabihin niya ang mga ito mula sa study ng mansyong madalas ang mga ito. At kapag nanumbalik na ang kanyang mga paningin, makikita na niya kung gaano ito kaganda at kahalaga para sa kanya.

Kung hindi sana nagpadalos-dalos ng desisyon ang kanyang tiyahin sa cremation ng congressman, mas pipiliin ni Harika na magpagawa at ilibing ito sa isang napakagandang museleo.

She spent more than an hour at the altar. Iba ang nadudulot sa pakiramdam niya ang pagdampi ng kanyang mga daliri sa banga nito. Kinakausap niya rin ito gaya kung paano siya magsumbong, magreklamo at magbahagi ng masasayang bagay sa kanyang Lolo Dad noon. Ang kaibahan lang, wala na siyang ni isang sagot na makukuha mula rito... at walang kaso iyon sa kanya. She felt the same way while she was chatting to him and just envisioning herself having a conversation with a sleeping man. Ganoon na lang niya itinuring iyon.

Before leaving the altar, she wanted to hold the congressman's urn in her arms, experience his love, and have her heart filled with peace. Gusto niyang mawala kahit ni isang katiting ng bigat sa dibdib niya bago siya magpaalam dito. She therefore made an effort to grab it from the stand with her two hands while holding it tightly, but she was unprepared for how heavy it was. Kaya naman ay dumulas ito sa higpit ng mga kapit niya, nalaglag at nabasag sa sahig. Her heart stopped the moment it shattered on the floor. Malakas ang nilikha niyong ingay upang mabulabog ang mga tagapagsilbi 'di kalayuan.

Parang umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay niyelo siya nang sandaling mabitiwan niya iyon. "Lolo Dad... I'm so sorry..." she cried as she apologized. Hindi niya sinasadya ang nangyari.

Her hands were strewn across the floor when the urn bang knocked her off her feet. Naramdamanan niya ang mga pira-pirasong basag na banga sa sahig at hindi na niya ininda ang matatalas na parte niyon na nasusugatan siya.

"I just want to hug you... I didn't mean to crash your urn..." her tongue twisting.

Lumuluha ang kanyang mga mata. Nagtatambol ang puso niya sa kaba. Aksidente ang nangyari, pero aakuin niya ang kasalanang iyon. Hindi siya nag-iingat. Pagkakamali niya iyon.

She made an effort to gather up all the pieces that were scattered on the floor. If she decided to fix it and recreate the urn in its original form, it was truly miraculous, yet not even in her wildest dreams would that happen. Basag na basag iyon, ang ibang parte ay napino... mahihirapan na siyang buuin ulit iyon sa dati nitong hugis.

"Ma'am Harika!" tawag sa kanya ng unang tagapagsilbing dumating. "Ayos lang ho ba kayo?" Dali-dali itong nagtungo sa likuran niya. Nag-aalala itong pinigilan ang mga kamay niyang patuloy na nahihiwa sa bubog na nagkalat sa sahig. "Ako na ho ang bahala rito, nasusugatan na ang mga kamay ninyo."

Patuloy ang agos ng luha sa kanyang mga mata. A tremor of unease was visible in her hands groping the floor.

Sa labas na bahagi ng altar, mababanaag ang nag-aalalang mukha ng ibang tagapagsilbing nakikiusyoso sa nangyari. They never hated Harika, dahil nakasundo na niya ang ilan dito simula nang pakitunguhan niya ang mga ito nang mabuti.

"What's going on here?"

Dumating si Lymareva. Ang pinsan niyang si Venus ay nasa gilid nito.

"Harika! What the hell did you do!" singhal nito sa kanya dahilan upang mas idiin siya sa nagawa niya, sa kapabayaang nangyari.

"Take Harika away from the sharp objects littered on the floor. Ibalik n'yo na siya sa kuwarto niya," utos ni Lymareva sa mga tagapagsilbing naroroon. Her voice was soft yet convincing for them to obey.

"Auntie, I'm so sorry... I just wanted to hold him in my arms and then it slipped. It was my fault," bagsak ang mga balikat na pag-amin niya rito.

Seryoso lang itong tinititigan siya. Hindi ito umimik. Pinag-iisipan ang nagiging timpla ng sitwasyon.

"Harika, this is so disrespectful—"

Lymareva raised a hand to Venus and silenced her for blaming Harika. She was in command of the situation.

Harika was only given a little window of time to process what she had done. Sa loob ng bedroom niya, matapos gamutin ang kanyang mga sugat ng tagapagsilbing nagdala sa kanyang higaan ay iniwan na muna siya nito. Hindi niya alam kung paanong paliwanag ang sasabihin niya sa kanyang tiyahin. Ang isip niya ay hindi kailanman sumagi kung gaano kamahal ang bangang iyon, hindi natumbasan ng milyones na halaga niyon ang konsensyang binabagabag siya dahil abo ng congressman ang nilalaman niyon.

After a few seconds, she came to a realization that felt like an instant bubble popped in her head where her apparent fault had become a frown. Noong oras na dumampi ang kanyang mga kamay sa sahig, bukod sa pira-pirasong bubog na nakapa niya ay muli niyang binalikan ang mga sandaling iyon.

She didn't notice any of the congressman's ash on the ground, or was she just worrying too much about her carelessness?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top