33: Preoccupied Midnights
Kapansin-pansin ang paglungkot ng mga helper noong araw na umalis si Harika sa mansiyon ng mga Ishida. Her presence is still felt by them, particularly by Waki. It kept him up at night thinking about it. Naging malaking epekto sa kanya hindi lang iyong araw na umalis ito, maging ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para kay Waki. Hindi siya sanay na wala ito at hindi nakikita. Harika was the pie's missing piece.
What went wrong? Why did Harika make such a hasty decision? Totoo naman ang sinagot niya rito na walang namamagitan sa kanila ni Stella. Wala. Until she arrived, just as Harika was about to leave their home. So, paano niya ngayon iyon ipaliliwanag? Kahit pa yata pakiusapan niya ito ay magiging walang silbi na iyon dahil sarado na ang utak nito na may namamagitan nga sa kanila kahit wala.
Kahit si Melanie ay hindi na rin pinalampas iyong gabing nagkatagpo-tagpo sila sa foyer ng mansyon.
"What did I tell you? Nakikipagkita ka pa rin pala sa babaeng 'yon?" nagtitimping reaksyon ni Melanie nang puntahan ito ni Waki sa kuwarto nito.
"Mom, siya lang ang nagpupumilit na maging ka-business partner ako. She wants me to sign with her even though I already declined. Kukulitin niya raw ako hanggang sa pumayag ako," paliwanag ni Waki. Naaasar siyang napakamot sa ulo.
"Because you gave her the opportunity! Kung hindi ka lang nakipagkita sa babaeng 'yon last time, kung sinamahan mo na lang si Harika rito sa mansyon... 'di sana hindi sumama ang loob niya sa 'yo. Harika disliked Stella, and you knew that, Waki. Kilala mo si Harika at ang ugali niya, hindi siya maldita o palaaway, but if she begins to loathe you... no matter what, she would detest you."
What her mother was telling Waki was obvious to him. Kung gayong kilala nga niya ang ugali ni Harika, why did he still allow that to happen?
He assisted her mother in getting into the recliner. She shifted her gaze to Waki, slowly shaking her head.
Hindi makatingin si Waki sa ina. "A-ano nang gagawin ko, mom?"
"Apologize to her."
All he did was cast his gaze back toward his mother. "I did nothing wrong. Misunderstanding lang ang nangyari—"
"Just say sorry, Waki," Melanie cut him off. "Kung ayaw mong magtagal ang sama ng loob niya sa 'yo, you must do something to bring her back with you. Simply treat her better." Sumasang-ayon siya sa sinasabi nito. "Ipaalala mo sa kanya ang mga masasayang bagay na mayroon kayo noon, at kung may malalaman pa siya tungkol sa nakaraan, iwasan mong mabanggit ang nangyari noong party na 'yon... kung ayaw mong kamuhian ka niya nang todo."
✦❘༻༺❘✦
Since the day Harika lost her sight, her eyes never gets tired seeking light.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang umalis siya sa puder ng mga Ishida. Mas malaking pagbabago ang sumalubong sa kanya sa mansiyong kinalakihan niya. Ang mga bagay na nakasanayan niya roon ay tila nag-iba at ang sayang nakukuha niya sa mga taong nakapaligid sa kanya ay naglaho. Mas naging maiinitin na ang kanyang ulo. Kahit maliit na bagay lang na noo'y napagpapasensyahan niya, ngayon ay kinagagalitan na niya agad.
Lymareva and Venus welcomed her return. They were too suspicious, obvious and overrated. Walang paliwanag siyang natanggap sa mga ito, lalo na ang dami ng mga taong sumalubong sa pagdating niya. Halos gabi-gabi niyang iniisip ang mga iyon. Naalala niya rin ang pag-uusap nila noon ni Genesis dahil sa nagpakilalang sina Attorney Guzman at Mr. Montgomery na isang consultant. Hindi kaya'y inaayos na ni Lymareva ang lahat ng mga ari-ariang paghahati-hatian nila? At ang paliwanag sa kanya ni Manong Liro nang hindi mabanggit ng kanyang tiyahin ang tungkol sa pagsipot ng pulis; patuloy raw ang pagbibigay ni Lymareva ng statement tungkol sa nangyaring aksidente na kinasangkutan din niya. Patuloy pa rin pala ang imbestigasyon at misteryo ng pinaghihinalaan nilang lalaking nakasuot ng maskara ng lobo. Tatlong buwan na halos at malaking pagtataka ni Harika kung bakit hindi siya ang hingan ng statement gayong siya ang pinakanapinsala sa lahat.
Maaga siyang gumising para mag-almusal. Isang helper ang umagapay sa kanya patungo sa malawak na dining area ng mansyon hanggang sa siya'y makaupo.
Sa mahabang lamesa ay nakahain na sa kanya ang samut-saring pagkain at iba't ibang klaseng inumin at walang ideya ang mga tagapagsilbi sa mansyon kung ano ang gusto niya... subalit natitiyak ng mga ito na sa dami ng mga putaheng nasa hapag, may isa o dalawa siguro doon ay gusto niya para sa umagang iyon.
"Sinu-sino sa inyo ang mga bagong tanggap?" Harika asked, unsmiling.
Kinakabahan na nagkakatinginan ang mga tagapagsilbi. "H-halos lahat ho kami ay bago lang dito, ma'am..." lakas-loob na tugon ng isa habang ang iba ay pantay-pantay na nakatayo sa gilid. All of them were in half-bowed. Kung may paningin lang si Harika at nakikita ang mga ito, maninibago siya sa bagong disenyo ng off-white na kulay ng uniporme ng mga ito.
"Pangatlong araw ko na sa mansyong ito, kahit isang simpleng pagbati ay wala pa akong naririnig mula sa inyo? Utos ba 'yan nang taong tumanggap sa inyo? Ang limitahan kayong batiin ako?" ma-awtoridad na saad ni Harika. On the table, her hands come across the tea cup.
"Pasenya na ho kayo, ma'am..." at sabay-sabay na bumati ang mga tagapagsilbi ng magandang umaga para kay Harika.
By using a soft, commanding voice, she forced them to do that.
"Fill my tea cup with sweet tea," utos niya habang ang mga mata'y sa isang banda lang nakatingin.
The helpers exchanged glances as if they hadn't heard her. Hindi kabisado ng mga ito si Harika kaya ganoon na lamang kung kapain nila ang ugali ng among pinagsisilbihan.
Naiinip siya kasama ang mga ito. "May kausap ba ako? I said I want a sweet tea on my tea cup!" she demanded.
May mahinang bulungan siyang narinig sa mga helper sa gilid. Walang sinuman ang nagsalin sa kanya ng matamis na tsaang gusto niya.
"Uhm... ma'am, matabang na tsaa lang ho ang nasa teapot ngayon. Dadagdagan na lang ho ng asukal para—"
"Just do it!" Napapapikit na lamang siya kasabay ng mahihinang buntong-hininga, nagtitimping magalit.
Naaaligagang nagsalin ng tsaa ang isa sa mga ito at naglagay ng dalawang sugar cube sa tasa.
Ayaw niyang magalit at tinitiis niya lang ang mga tagapagsilbi sa paligid niya dahil mga bagong tanggap ang mga ito. Mahirap bang tandaan ang mga gusto niya at kung bakit ay hindi pa rin nakukuha ng mga ito ang lahat ng iyon?
"I want egg on my plate," she said, almost losing her temper.
Hinainan ng isa pang helper ang plato niya ng bagong lutong itlog. Tahimik ang lahat at naghihintay sa mga iuutos pa ni Harika.
And when she touched it with her fork, she exaggeratedly played with it, convinced that it was not the egg she used to eat.
"Scrambled egg?!"
Parang hindi na niya kayang magtimpi. Lalo nang nag-init ang kanyang ulo at hinampas ang platong iyon dahilan para magkalat ang itlog na naroroon. "I am not eating this. Wala bang ni isa sa inyo ang natira dito at nakakakilala sa akin na over easy ang gusto kong luto ng itlog?" She tilted her head on her side. "Wala?!"
Labas sa ilong ang kanyang malalalim na paghinga. Ang lahat ng helper na nakatingin sa kanya ay natatakot at nangangamba. She had managed to keep her cool for the past three days, ngayon ay hindi na niya kinaya pang tiisin ang lahat.
"Ma'am... ipagluluto na lang ulit ho namin kayo—"
"Nawalan na ako nang gana! All of you! Leave me alone!" bunghalit niya sa mga tagapagsilbi na naroroon kasama niya.
Gaya nang kagustuhan niya ay iniwan siya ng mga ito. Wala ang kanyang tiyahin at pinsang si Venus noong umagang iyon sa mansyon, kaya naman ay siya na lang mag-isa ang natira. Her breathing started to tremble. Naluluha ang kanyang mga mata. Mabigat ang loob niya. She hadn't spoken so loudly to anyone within reach in a while. Napagtitimpian niya pa ang mga ganoong sitwasyon noon. Dulot na rin siguro nang nangyari sa mansiyon ng mga Ishida, kay Waki at ang surpresang pagdating ni Stella ay ganoon na lamang ang naging epekto sa kanya. Hindi niya masabing selos ang nadarama niya, ngunit sigurado ang galit niya dahil sa paglilihim nito tungkol kay Stella.
Nagkulong siya sa kanyang kuwarto. Tulad ng dati niyang ginagawa kapag galit siya o masama ang loob. Nalulungkot siya tuwing mag-isa, subalit pinagtatabuyan naman niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. She has to admit that being with Waki makes her feel less lonely, but things were not the same anymore, and she needs to remember that. She doesn't want to lose him over these petty things; if Stella was involved, maybe it would have grown significantly. Kapansin-pansing nag-iiba ang timbre niya lalo 'pag ito na ang pinag-uusapan.
Lizbeth came to see her that evening as she was getting ready to sleep in her favorite white nightdress. Mas naging masaya siya sa pagkikita nila ng dating kaibigan. They had already discussed it over the phone, so they were done asking one another how the other was doing lately. Buong akala ni Harika ay sa makalawa pa ito magpapakita. Lizbeth, however, pleasantly surprised her a visit and going straight to her room.
She gave her a hug and said, "I brought you something." She handed her an old vinyl record.
Harika took it, smiling. "Kilala mo ang gusto kong genre, Lizbeth. The rock records I own were in the attic collecting dust." Ngayong nakakapiling na niya ang presensya ng kaibigan, gusto naman niyang makita kung ano na ang ipinagbago ng hitsura nito.
Lizbeth told her excitedly, "You're going to love the sound of the vinyl you're holding."
Harika took out the disc from its cover. Tinulungan siya ni Lizbeth na ilagay iyon sa vinyl player upang kapuwa nila mapakinggan ang musikang laman niyon. She held her friend's hand as she awaited the music to begin.
Their anticipating ears start to fill with an oozing sound as it plays. Their attention is drawn to the tone's richness, which also conveys a sense of calm. Harika found it very comforting to listen to. She thought back to that mellow summer evening as her ears ate up the sound: the man she was with, the secure hold of his arms around his waist, her palm resting gently against his chest, the aroma of his minty breath as she turned legal age... All of the memories come flooding back to her mind as if they were only yesterday. At ang lalaking umuukilkil sa kanyang isipan noong mga sandaling iyon habang nakapikit ang kanyang mga mata at dinadama ang musika... walang iba kung hindi si Waki. On the eve of turning 18, he served as her unofficial last dance.
Harika opened up her eyes. "S-saan mo nakuha ang vinyl na 'to?" she asked nostalgically.
"Sino muna ang naaalala mo habang tumutugtog ang musikang 'to?" Kinikilig na sinagot nito si Harika ng isa pang tanong.
The smile on Harika's face disappeared. Kinapa niya ang player at itinaas ang tone arm nito upang ihinto ang tugtog. "Ayoko siyang pag-usapan," aniyang matigas ang ekspresyon ng mukha.
Hindi pa niya nababanggit sa kaibigan ang nangyari noong nakaraan sa kanilang dalawa ni Waki.
"Nag-away ba kayo? Kaya ba naririto ka na sa mansyon ninyo at umalis sa kanila?" usisa nito.
Ayaw magkuwento ni Harika dahil maaalala lang niya nang lubusan kung bakit niya nilisan ang mansyon ng mga Ishida.
"Isang bagay lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan bigla-bigla. Noon pa man kilala na kita..." Lizbeth caressed her back. "Dahil ba kay Stella?" mahina nitong banggit.
Harika admitted to bowing to her friend. Kapuwa sila naupo sa kama upang pag-usapan iyon.
Kumunot ang noo ni Lizbeth. "What? Nagseselos ka pa rin sa babaeng 'yon?"
"Hindi ako nagseselos, Lizbeth. Ayoko lang iyong ginawa sa akin ni Waki na paglihiman ako."
"Pinaglilihiman kang may something pa sa kanilang dalawa?" paniniguro nito.
She gave her a headshake. "He didn't tell me about how I was involved in that deepfake video; instead, he kept it to himself," Harika gasped before continuing, "sa inyong dalawa pa ni Manong Liro ko malalaman ang lahat. 'Tapos nangyari pa 'yong tungkol kay Stella, kaya nabuo ang loob kong umalis na sa kanila," paliwanag niya sa kaibigan.
"Baka naman kasi ayaw ka lang niyang mag-isip nang kung anu-ano kapag nalaman mo ang tungkol sa video na kinasangkutan mo. Baka nag-aalala lang 'yong tao sa 'yo at pinoprotektahan lang niya 'yong peace of mind na gusto mo."
She's still not convinced. "Kahit ilihim niya 'yon sa akin, masasaktan pa rin naman ako kapag nalaman ko ang tungkol sa video na 'yon, 'di ba? Pinatutunayan niya lang na hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. He could explain everything to me and comfort me, just like what you did when you helped me in taking down this video from the internet. Wala naman akong pakialam kung pagpiyestahan nila ako online. Ang akin lang, dala-dala ko ang pangalang Levantine kahit saan. 'Di bale sana kung ako lang, pero nadadamay rin dito 'yong respetadong pangalan ni Lolo Dad na matagal niyang pinangalagaan..."
Naiintindihan ni Lizbeth ang pinanggagalingan niya. "Ano nang plano mo ngayon?"
Napatungo si Harika, umiiling. "I actually don't know. Simula nang mabulag ako, napakalaking pagbabago na ang nangyari sa buhay at paligid ko, as if people were trying to like me solely because I was related to someone they admired. Ngayong wala na si Lolo Dad, parang nawala na rin ako sa kanila."
A bottle of wine was placed in between them as they carry on their conversation. Tamang-tama lang ang pagdating ni Lizbeth para kahit papaano'y ma-comfort siya nito lalo na sa pag-iisip niya ng samut-saring mga bagay na pinagugulo ang isipan niya. The subtle wine that was flowing through her system washed away all the worries that had kept her awake at night. How long will she be plagued by these preoccupied midnights? Gusto na lang niyang aliwin ang kanyang sarili kahit na sa gabi lang na 'yon.
Wala pang alas dose ng hating gabi ay nagpasya nang magpaalam ni Lizbeth kay Harika, kahit pa inaalok na niya ang kaibigang doon na magpalipas ng gabi sa mansiyon. When she had some time for herself, she took the wine glass in one hand, search for her blind stick and walk out onto the balcony of her room.
Huminga siya mula roon. Napapikit at nilasap ang malamig na simoy ng hangin noong gabing iyon. Her nightdress flowing by the breeze. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa handrail saka dahan-dahang inalon ang kanyang baywang kasabay ng banayad na pagaspas ng hanging tumatama sa kanyang balat.
She was visualizing herself with Waki. Tumutugtog ang musikang napakinggan niya kanina sa kanyang utak. Her last dance was with him. He was her very first kiss. He was the one she adored more than anyone else in their school. Iyon ang sandaling si Waki lang ang laman ng kanyang isip, wala siyang galit na nadarama rito, nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin kaya pakiramdam niya ay kagalit-galit ang ginawa nito.
Nagpatuloy lang ang mga eksena na tumatakbo kanyang isip. Lalo na noong lumalangoy silang dalawa sa pool ng kanilang mansyon. Si Waki ang nagbigay ng motibo noong nagkabit ang mga hintuturo nila na parang kadenang pinagdugtong sila. Marahan at maligamgam ang tubig ng pool habang hinahatak siya nito papunta sa bisig nito at nakatingin sila sa bawat isa. Walang nagsasalita sa kanila, ang mga titigan nila sa isa't isa ay ang naging dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagkabog ng kanilang mga dibdib dulot nang pagbilis nang pagtibok ng kanilang mga puso.
Harika drank the remaining wine in her glass until she unintentionally poured it out and ran down to her neck and chest. Natatawa siyang nabasa ng wine.
"Harika..."
Her name was echoed as it rolled in the wind and passed by her. Mahinang boses iyon ni Waki na para bang tinatawag siya nito mula sa malayo. He seemed to be whispering in her ear right next to her, right beside her.
Matapos niyang pakinggan ang pagtawag nito sa pangalan niya, isang tagapagsilbi ang pumasok sa kanyang kuwarto at nagtungo sa kanya.
"Ma'am Harika... uh, kasi ano ho..."
Sinalubungan niya ito ng kunot na noo. "What? What's your problem?"
"Nasa labas ho ng gate iyong bunsong anak ni Mrs. Ishida. Nagwalala ho, lasing na lasing at gustung-gusto kayong makita."
Natigilan siya. Tama ba ang narinig niya sa tagapagsilbing dumating?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top