32: Everything's A Blur
Bago tuluyang mabulag noon si Harika, naging sensitibo muna ang kanyang mga paningin sa maliliwanag na bagay. She was informed by the doctors that although the incident did not result in a concussion, her eyesight was still sensitive to light. Walang head injury ang nangyari sa kanya at kung hindi photophobia, malamang ay photic retinopathy ang naging sanhi ng nasilaw niyang mga mata na naging sensitibo sa mga ilaw. Pananakit ng mga mata at ulo ang madalas na sintomas nito, which she had experienced as well.
Pinaniniwalaan din ng mga propesyonal na sumuri sa kanya na hindi magtatagal ang mga paningin niyang walang nakikita, subalit magpahanggang-ngayon ay tila wala pa ring nagiging pagbabago rito. They explained her that the effects of the accident were normally reversible, lasting for a month, not more than a year. She only had a mild case, and after the first few days of exposure, her vision should be changing. Paborito niyang gumuhit noon ng mga makikinang na aranya sa matataas na kisame, ngunit wala siyang ideya na ito pala ang magbibigay sa kanya ng problema sa paningin.
Tatlong araw bago niya marinig ang pag-uusap ni Melanie at Lymareva sa telepono tungkol sa kumakalat niyang deepfake video, alam na niya na pinagpipiyestahan siya online. She was so far ahead of them, and they had no idea of it. She was grateful to her friend, Lizbeth, for handling everything and keeping her informed in a situation like this.
How did they get in touch? Via Manong Liro. Tumawag si Lizbeth sa matandang driver ni Harika, concerned ito at gustong tulungan ang kaibigan dahil wala siyang kaalam-alam sa naturang video. Mabuti na lang at computer graduate ito, kaya naman ay nagawan agad nito ng paraan ang lahat at maitama ang mga dapat itama. Isa lang ang hindi pa nito mapuksa-puksa, kung sino ang nagpakalat ng mismong video, because after everything was obliterated, the uploader swept everything under the rug... and left no crumbs—not even its own identity.
Harika didn't have time for them. Pinagpapasalamat na rin niyang hindi siya nakakakita upang maiwasang masilip at damdamin na siya ang laman at pinag-usapan sa internet nitong mga nakalipas na araw. Hindi lang naging masama ang loob niya, nabuo rin sa kanya ang ideyang dapat ay hindi siya magtiwala nang lubos sa mga taong nakapaligid sa kanya. Whether it was a stranger or someone she truly trusted. Minsan na siyang naloko ng isang taong pinagkatiwalaan niya nang sobra, gusto niya bang maulit pa iyon sa kanya?
Harika hasn't left her room in several days. Gusto lang niyang magkulong at mapag-isa. Nalilito siya at kung bakit ganoon na lamang ang bigat ng dibdib na mayroon siya. Maghapon lang na nakapasak ang earphones sa kanyang mga tainga upang makinig na lang habang pinapatay ang napakabagal na oras sa mansyon ng mga Ishida.
After a brief moment, she heard a gentle knock on the door. Kasunod ng mahinang langitngit ay ang pagbukas nito. And then Waki went in.
"The helpers informed me that you haven't left this room in a while. Masama ba ang pakiramdam mo?"
Kahit nakapasak ang earphones sa mga tainga niya, narinig niya ang malagong na boses nito. Agad niyang hinaklit ang bagay sa tainga niya, bahagyang nilingon at sinundan ang boses nito.
He sat beside her on the bed. His gaze was fixed on her.
Tahimik lang si Harika. Hindi kumikibo. Walang bakas ng saya nang tumabi ito sa kanya.
"May gusto ka ba? Lalabas ako at bibilhan kita. Anything." Waki pressed his palm against the back of her hand.
Binawi agad ni Harika ang kamay niya.
Waki furrowed deep. "What's the matter?"
Harika's teeth were clenched. "How come you didn't tell me?" aniya, na tila ba matagal na niyang kinikimkim ang tanong na iyon.
"Tell what?" he replied, confused.
"About everything."
Inisip ni Waki kung ano man itong pinatutungkulan ni Harika. Ano ba ang dapat na sabihin nito sa kanya?
"Ikaw ang lagi kong nakakasama, 'tapos sa iba ko pa malalaman ang nangyayari online?" matigas ang mukhang sabi niya, dinadamdam pa rin ang tungkol sa kumalat niyang pekeng video.
When Waki realized it, his speech became muddled and difficult to utter.
"For the entire time I've been with you, pinaglilihiman mo pa pala ako?" she said, raising her voice.
"H-harika..."
She made an effort to stifle her tears as they began to form. Nasasaktan siya. Si Waki ang kasa-kasama niya, ang nagsisilbing kanyang mga paningin, ang taong sumubok na ibalik ang sayang mayroon sila noon... subalit bakit tila ay hindi pa rin ito sapat? She didn't want him to feel like he was under her thumb. Maliit na bagay lang ang gusto niyang mangyari, hindi pa nito magawa. It wasn't even a request, so why didn't it come to him naturally?
"Susunduin ako ni Manong Liro before dinner. Aalis na 'ko rito," walang ekspresyon ang mukha niyang saad dito. She never told him she was going; she only wanted him to know when she was about to.
Waki bowed down and placed his palm on his head. "What made you decide? Dahil lang ba roon kaya ka aalis?"
Iyon ang ugali ni Harika na pinakaaayaw nito. Kapag nagalit, nainis o pakiramdam niya ay nagawan siya ng pagkakamali... nagpapadalos-dalos siya ng desisyon at iiwas na lang.
She bit her bottom lip and suppressed her emotions, but her eyes still produced tears that swiftly filled her lower lids. "Isa lang 'yan sa dalawang rason ko kung bakit ako aalis. I don't wanna talk about the other one."
Dalawang maleta at isang malaking bag ang nasa gilid ng kama, noong sandaling malaman ni Waki na aalis na siya, doon nito iyon napansin.
"You're so unfair..." mahanging bulong ni Waki, napatungo ito at problemadong iginapang ang mga daliri sa buhok nito paitaas. He even massaged his temples.
Harika was aware of it. "Unfair? I never treated you unfairly."
"Never before, but right now, you're doing it."
"Ang umalis at iwan ka? Unfair 'yon para sa 'yo?"
Their verbal sparring grows more heated. They were surrounded by the same tension.
"Because you didn't provide me a specific explanation for why you're doing this! Ang bilis-bilis mong magdesisyon na para bang buo na agad ang loob mong umalis sa mansyon na ito! Be reasonable, Harika..." he shouted in her face. Nagagalit na si Waki dahil sa lahat na lang ng pagkakataon tulad ng mga sandaling mayroon sila ngayon. Aalis siya dahil lang doon? T'was unacceptable for him.
She slid off the bed, crouched down, and sobbed as she touched everything on the floor. Hinahanap niya ang ipinaimpake niyang mga gamit. Naiirita siya. Ayaw niyang marinig ang boses nito na para bang maliit siyang batang pinagsasabihan.
Lumapit sa kanya si Waki, hinawakan ang mga kamay niya upang pigilan, but Harika tried to pry his hands away.
Her phone was in the drawer, which she pulled off of the side table. She wanted to call Manong Liro with her shaky hands to pick her up.
"I want you here, Harika! And if you wish to leave, I don't mind! Just give me a goddamn reason!" His right hand balled into fist.
Dinig na dinig na ang mga sigaw ni Waki sa labas ng guest room kung nasaan silang dalawa. Outside, the helpers were terrified after hearing everything.
Nagpatuloy lang si Harika sa pagkapa at pag-dial kay Manong Liro habang pumapatak ang mga luha sa screen ng cell phone.
Galit ang namutawi kay Waki dahil para bang gusto na lang niyang takasan ang lahat. He took her phone out of her hands. "Ano bang problema mo at bakit ka nagkakaganyan?!" he roared.
Nanghihina si Harika at pilit na hinahawakan ang mga braso ni Waki upang kuhanin pabalik ang kanyang telepono.
"Give me my phone! Give it back to me!"
Napuno na si Waki sa kanya. He threw it against the wall and cussed softly. Harika averted her gaze where she heard it.
She faced him again, indirectly. "Bakit mo ginawa 'yon, Waki?" She tried to slap him but her palm landed on his neck. "I hate you! I hate you!" Saka niya pinaghahampas ang dibdib nito.
"What have you discovered? Alam kong mayroon kang nalaman kaya ka nagkakaganyan. Just tell me!"
Napagod si Harika kahahampas kay Waki. "You're such liar!" The firmness in her voice pointed him like a gun. "Akala mo ba hindi ko malalaman na nagkita kayong dalawa ni Stella sa Bellmoral? Ang sabi mo walang namamagitan sa inyong dalawa?"
Natigilan si Waki. He was taken aback. Yes, Harika knows about it.
"Gusto mong malaman kung bakit kami nagkita?" To put an end to her malicious thoughts, he asked taking a chance to explain what actually happened.
Harika shook her head. "No. Keep it to yourself! Mas binuo mo lang lalo ang loob kong umalis di—"
"I rejected her," he interrupted her. "Gusto niya akong maging business partner sa pinaplano niyang apparel store. Nang magkita kami at malaman ang tungkol doon, I just cut and run," paliwanag nito.
The anger was still in Harika's chest, yet subsided in tiniest.
"So, si Stella pala ang dahilan?"
"Oo! Si Stella at ang paglilihim mo sa akin kung ano nang nangyayari sa paligid ko ang dahilan!" singhal niya, hindi magawang humupa ang galit niya.
"I did it for your own good!" Waki tried to calm his nerves down, "naiintindihan ko na ngayon ang pinanggagalingan mo. If my words didn't convince you otherwise, tatawagan ko na si Manong Liro para sunduin ka."
Tahimik lang si Harika, humihikbi at ang tirang mga luha sa mata ay nananatiling naroroon.
"Hahayaan na kita. But please kindly return to your existing unit or purchase a new, cozy home. Mas mapapalagay ang loob ko kung hindi ka muna babalik sa Levantine Estate kasama ang mga Sullivan."
"I've made the decision to move back in with them and live in our mansion from now on," she answered keeping her stoic face.
"Please Harika..."
"You cannot change my mind."
He groaned. "Why is it so hard for me to keep you away from them?"
"Hindi mo na ako kakailanganing alalahanin, Waki. Let me be. If they still dislike me or treat me in the same manner as before... wala na akong magagawa. Ang mahalaga, nasa lugar ako kung saan ako nararapat."
Masama pa rin ang loob ni Harika despite everything Waki explained her. Pati na ang mga helper na gumabay at nag-asikaso sa kanya ay hindi niya nakalimutang pasalamatan. Isang tao lang ang hindi niya nakausap habang papaalis siya sa mansyon ng mga Ishida, si Melanie, na malungkot noong araw na nabanggit niya ang desisyong paglisan sa puder nila.
Ayaw ni Harika na akayin siya ni Waki patungong foyer ng mansiyon. Nag-text na ang matandang driver na nasa driveway na ito. Ang mga helper ay malungkot habang tangan ang mga maleta at gamit niya. She's hurting as well for leaving. She didn't want to go with a heavy heart, but leaving them was what her heart wants. She wanted to cry but kept her tears at bay. Nakadistansiya lang si Waki habang pinagmamasdan siyang naglalakad na pinupunto-punto ang blind stick sa tiled floor. Kahit magmakaawa ito sa kanya, magmamatigas lang siya lalo pa't buong-buo na ang desisyon na umalis.
"S-sir Waki... na-narito ho si Ma'am Stella. Hinahanap ho kayo," anang helper na humihingal papasok.
Stella entered a double door that had been left open. She's wearing a galaxy print business suit and in a neat ponytailed hair.
Natigilan si Harika nang banggitin iyon ng isa sa mga helper na nauutal. Lumalalim ang paghinga niya at nadagdagan ang dinadala niyang galit kasabay ng mas bumibigat niyang damdamin. Sobrang tahimik ng lugar kung saan sila nagkatagpo-tagpo. There was nothing but silence. Nobody was brave enough to make any noise.
Hindi makapaniwala si Waki. Stella was welcome to pay him a visit at any time, but that very moment was not the best time for her to do so.
Melanie was on the other side, rolling her wheelchair and joining them all in the foyer. Kasabay ng pagdating ni Stella ay ang pagpasok naman ni Manong Liro sa tabi nito.
"Ma'am Harika, halika na ho..." anang matanda, nilapitan siya at isinangkalan ang braso nito na hawakan niya.
Gusto pa sanang magsalita ni Harika. She's not done with Waki, especially since Stella was visiting him at the same time they were arguing about her earlier where she left in a huff. Totoo ang bintang niyang sinungaling si Waki at pinatototohanan lang nito ang nabanggit niya kanina rito—na may namamagitan nga sa mga ito.
Galit ang namumutawi sa kanya. Gusto niyang sumigaw, isa-isahin silang sigawan, yet she struggled to speak a word. She was on the verge of losing her cool. Kung hindi pa siya maglalakad paalis, tiyak ay sasabog siya roon. She didn't want to throw tantrums and burst curses to them just beause she was so mad. Mali man iyon, ngunit malapit na niyang gawin.
Her heart felt as though it were being physically compressed. She silently walked away the mansion and entered the vehicle while not letting a sob rise in her throat. Buong byahe siyang masama ang loob hanggang sa nakarating na sila sa mansyong pag-aari na niya mismo... doon, sasalubong sa kanilang pagdating ang mga mukhang kailanman ay hindi naging pamilyar sa kanya.
Kausap ni Lymareva ang isang attorney, katabi ang isang consultant at pulis. May kaanak ang mga itong dumating na hindi niya kilala. Sa kabilang banda, si Venus naman ay may dokumentong pinipirmahan. Halos lahat ng tagapagsilbi ay tila bagong tanggap. Her return to their mansion makes her appear to be the foreign than anyone inside.
"M-manong... ano'ng nangyayari dito? Bakit maingay ang loob ng mansyon?" nagtataka niyang tanong.
Marami ang nagsasalita, wala siyang maintindihan at hindi niya alam kung sino ang pakikinggan. Mahigpit ang kapit niya sa braso ng matanda. She's disoriented in her surroundings, as if everything's a blur. Wala na nga siyang ideya, wala pa siyang nakikita para magka-ideya.
Pati ang matanda sa tabi niya ay nalilito sa mga bagong mukha ng taong nadatnan. "Kung nakikita n'yo lang ho ma'am kung sinu-sino ang naririto... hindi n'yo ho magugustuhan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top