30: A Moment to Ponder
Pagkatapos ng kanyang huling klase sa research synthesis ay agad na umuwi si Harika sa kanilang mansyon na nag-aalalang nagtungo sa master's bedroom kung nasaan naroroon ang congressman na nawalan ng malay.
Harika burst through the door looking for her Lolo Dad, and when she found him resting in bed, her worried expression didn't even fade.
"What happened? Is he okay?"
Tumabi siya rito at ginagap ang kamay. Mapapansin ang mga aparato sa paligid ng congressman, mayroong transparent nasal cannula sa ilong at IV sa ugat ng kamay. Ang mga doktor na sumusuri dito ay dumistansya sa pagdating niya. Bumaling nang tingin sa kanya ang isa sa mga ito. "The congressman passed out three hours ago during the first portion of his address to the people—"
"Again? How could that be possible..."
"Probably because of his age. Kung gaano sinasagad ng congressman noon ang katawan sa pagod at kakulangan sa tulog, sa edad niya ngayon, prone na siya sa ganitong mga pangyayari," paliwanag nito. "Gusto na naming ipaalam sa inyo ang nangyari, however the headmaid held off telling you until your last class."
Malungkot na napalingon siya sa headmaid na tinutukoy ng doktor at nakita niya itong nag-aalala sa kanya at sa sinapit ng congressman.
"Dahil ayaw kitang mag-alala, Harika," anang matanda.
Naluluha ang mga mata niya. "You should have called me, Nana Alice!" Her shaking hands continued to tense. "Huwag mong hintaying lagot na ang hininga niya bago mo pa ako tawagan. And you know these medical professionals here ought to have known better. Enough of avoiding me to worry about, dahil sa mga pagkakataong tulad nito, mag-aalala pa rin ako!" Harika didn't realized her voice was in high pitch. Dala na rin siguro ng emosyong nararamdaman niya noong mga sandaling iyon.
Nanataling nakayukod ang headmaid na napagsabihan niya. Nalulungkot lang din ito at nangangamba sa mga nangyari.
Tatlong dekada na si Headmaid Alice sa puder ng mga Levantine. Wala pa si Harika, ito na ang masugid na katiwala ng congressman at nang buong Levantine Estate. Magaling itong magpalakad sa mga tauhan at nagagawa nang maayos ang responsibilad na iniatas dito. Kaya ay nananatiling composed at controlled ang buong estate dahil sa ma-awtoridad nitong pamamalakad, ngunit pagdating sa apo ng congressman... nawawala ang superiority nito.
Broca Aphasia ang huling diagnosis kay Constancio Levantine noong nakaraang buwan dahil sa natamo nitong head injury nang minsang mahimatay ito at bumagsak sa sahig. Ang sakit na iyon ay isang language disorder epekto ng pinsala sa maliit na bahagi ng utak dulot ng stroke o head injury na nagkokontrol sa language expression at comprehension ng isang tao. Kapansin-pansin na ito sa nagpapahingang congressman nitong mga nagdaang araw dahil sa kulang na pagsusulat nito ng mga detalye at pagpirma sa ilang mahahalagang papeles. Hindi pa man naaapektuhan nang buo ang problema nito sa pagsasalita, ngunit kitang-kita na ito sa ilang sitwasyong tulad ng pagkautal, pagkabulol at kulang-kulang na mga salita sa mga sinasabi na tila ba mayroon na itong nakasanayang speech mannerisms.
Ipinaliwanag ng mga doktor ang sanhi kung bakit nawalan ng malay ang congressman, dahil nga iyon sa stress at kakulangan ng tulog at sa sunud-sunod na trabaho, pati na ang mga preparasyong ginagawa nito. Other than that, rest is what he's needing.
Sumapit ang gabi, pinagmamasdan ni Harika ang paboritong hat ng kanyang Lolo Dad sa side table at habang naghihintay siya na magkamalay ito, naisipan niya munang magtungo sa kanyang kuwarto upang magbihis mula sa suot niyang uniporme. Pagkatapos ay dumiretso siya ng kusina saka uminom ng isang basong tubig. Pagbalik niya sa master's bedroom ng congressman ay nakasalubong niya sa sala ang headmaid.
"Kumain ka na ba?" mahinahong tanong nito.
Harika worriedly spun in her direction. She observed that the headmaid's face was worn out and looked sleepless. Kanina pa rin ito labas-masok sa kuwarto kung nasaan ang congressman upang asikasuhin ito at palaging nariyan kung kakailanganin.
"Busog pa ako, Nana Alice," tugon niya saka bahagyang nilapitan ito at ginagap ang kamay. "I'm sorry. I didn't mean to raise my voice. Alam n'yo naman hong natakot lang ako at nag-aalala kay Lolo Dad."
Ngumiti ang matandang headmaid sa kanya saka hinalikan siya sa noo. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad, Harika. Tama ka, kasalanan kong hindi ka tinawagan agad upang ipaalam ang nangyaring ito kay Congressman Levantine. Pero naiintindihan mo naman ang intensyon ko, hindi ba?" Sumang-ayon si Harika sa sinabi nito. "Ikaw lang din ang inaalala ko."
Yumakap si Harika rito at patuloy pa ring humihingi ng pasensya sa pagtaas ng boses niya kanina. Wala rin siyang intensyong mambastos o pagalitan ito. Dulot ng halo-halong emosyon, hindi na niya napagtantong may natataasan na pala siya ng boses. Ganoon lang talaga siguro siya, iba na ang usapan pagdating sa kanyang Lolo Dad.
Hindi magagawang matulog ni Harika nang mag-isa dahil sa nangyari sa congressman, kaya'y naisipan niyang sa katabing couch na lang—kung nasaan nagpapahinga ang kanyang Lolo Dad— siya magpalipas ng gabi. Inaantok na nakatingin siya sa kisame, subalit ang utak niya ay diretso pa ring iniisip ang kalagayan ng matandang binabantayan niya. Hindi na bumabata ang kanyang Lolo Dad, hindi niya lang ito napapansin nitong mga nagdaang taon dahil sa kalakasan nito... pero hindi ito habangbuhay na malakas at dapat alam niya ang mga posibilidad na tulad niyon ay maaaring mangyari. These were the things she has to consider hapenning and a moment to ponder.
Kinabukasan ay nagising siya at nanatiling tulog pa rin ang congressman. He's quietly resting in a dreamless sleep. Ipinaghanda siya ng headmaid ng breakfast at ang paborito niyang matamis na tsaa. Inililis ni Harika ang makakapal na kurtina mula sa malaking bintana ng master's bedroom at pumasok agad ang sinag ng araw mula sa labas. Napansin niya ang repleksyon ng sinag mula sa salamin na nakapaglikha ng tila bahagharing kulay. She recalled what her Lolo Dad had said about rainbows appearing after the rain. Dahil para dito, ang samut-saring mga kulay sa bahaghari ay nakapagbibigay dito ng kagaanan ng loob at ganda sa mga paningin, but for her, rainbows have a special meaning; they stand for inclusivity, love, hope, and promises. She then made an attempt to create a rainbow-filled interior by sticking suncatchers to the large window against the sun. Matapos niyon ay agad na naglaro ang iba't ibang uri ng kulay sa loob, at kung magising na at masilayan agad iyon ng congressman pagmulat ng mga mata... matutulungan agad ito na gumanda ang mood mula sa magdamag na pagpapahinga.
Maging ang headmaid na muling pumasok ay napangiti sa nasaksihang mga kulay sa loob ng master's bedroom. Kahit ano talaga ay gagawin ni Harika para sa kanyang Lolo Dad, maliit man ngunit may kahulugang naipahihiwatig.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" tahimik na tanong nitong naupo sa tabi niya.
Lumipat ang tingin ni Harika sa congressman. "Magigising na kaya siya ngayon, Nana Alice?"
Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi nito. "Isang daang porsiyento, magigising na siya ngayong araw. Kailangan mong pumasok ngayon. Kapag nagising na ang congressman, ipaaalam ko agad sa 'yo."
Sa mga sandaling iyon, sinigurado na ng headmaid na malalaman agad niya kapag nagkamalay na ang congressman. Gagawin nito ang lahat upang hindi na siya mag-alala at ibalik na ang atensyon ng buo sa kanyang pag-aaral. Wala na siyang dapat pang isipin at alalahanin... hangga't nariyan ito.
✦❘༻༺❘✦
Habang hawak-hawak ang kanyang blind stick ay sinubukan ni Harika na lumipat mula sa malambot na kama sa kuwarto ni Waki. Hinihintay niyang matapos ito sa paliligo dahil napagdesisyonan nilang dalawa na mag-dinner night out sa isang bagong bukas na diner sa Bellmoral na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Katatapos lang din niyang magbihis ng mamahaling bestidang mayroon siya at nagsuot ng ilang accessories sa katawan. Ayaw niyang maghintay sa sala kaya ay ipinanhik siya ng helper sa taas at sa kuwarto na lamang ni Waki maghintay.
Dinig na dinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. When she thought of Waki dripping wet in the shower, she couldn't help but smile. Her eyes were blind, so she made up a scene in her head based on what she was hearing around.
"What? Venus got all the invites? Paano nangyari 'yon?"
Pumihit ang ulo ni Harika sa kabilang direksyon nang marinig ang boses na nagmula sa labas ng kuwarto. Naiwan niyang bukas ang pinto noong pumasok siya, kaya ganoon na lang kalakas ang dating ng boses na ito sa kanya. She tried to stay still... she even held her breath.
"Why are you saying this to me, Eva? Alam ba ni Harika na si Venus na ang nakakakuha ng invitations at endorsements na dapat ay sa kanya?" Then a brief moment. "You must call and tell her!"
Nagsimula nang lumakas ang kabog ng dibdib ni Harika sa mga naririnig. Venus got all the invites? Kaya pala wala nang nagpaparamdam sa kanya. She also has current partnerships with some of these company brands, which always put her first. Why didn't they inform her that they were changing or removing her? Dahil ba bulag na siya, 'yon lang ba iyon?
Nananatili lang niyang pinakikinggan ang boses mula sa labas na may kausap sa telepono. She couldn't hear the voice from the other line, sa pag-uusap na iyon ay isang side lang ng boses ang napakikinggan niya.
"Controversy? Ano'ng pinagsasabi mo, Eva? Harika has nothing to do with that! Ilang buwan na siyang naririto sa puder ko, it was so impossible! Kung may nagtatangkang siraan siya, kayo lang ang maaaring sumira sa kanya!"
Harika's grip on the stick she was clutching started to slip. Walang ingay itong naidulot dahil sa carpeted floor ito bumagsak. Her eyes stung and produced hot tears. Anong kontrobersya kaya ang kinasangkutan niya? For the past three months, she spent every waking hour in the Ishida mansion, and with Waki most of the time. Kung ano man ito, tiyak na gusto lang siyang siraan o protektahan.
"Deepfake video? What are you talking about? Somebody made a deepfake to ruin Harika's reputation? Sino? Sino naman ang gagawa noon?"
Tumulo ang luha sa mga mata ni Harika. She had previously heard about deepfake. It was a replacement for an existing image or video file. That was a trend previously, but everyone thinks it wasn't because someone made it look so authentic that practically no one suspected it was fake.
"Harika is your niece, Eva! Don't subject her to this. Just be concerned about her for once! Do not allow this deepfake video circulate on the internet. Hindi ka ba naaawa sa kanya?"
She quickly wiped her tears away before another streamed down her cheek. A lump had formed in her throat, making it difficult for her to breathe.
"It went viral already..."
Isang mahinang boses na nanggaling sa telepono ang kanyang narinig.
"Dahil hinayaan mo! Hindi mo kailangang gumanti sa kanya, Eva. Helen is dead! Hindi pa ba sapat iyon para sa 'yo?"
Mas lalong kumirot ang puso niya nang maulinigan ang pangalan ng ina. Ang dibdib niya'y parang sasabog sa sobrang kaba, pangamba at pag-aalala. Her lips began to twitch as she struggled to keep from crying out loud.
Sinubukan niyang tumayo at maglakad patungo sa bukas na pinto nang halos naubos ang lakas. Kasabay naman niyon ay ang pagpasok ni Melanie na katatapos lang makipag-usap sa katawagan nito kani-kanilang lamang.
"H-harika... w-what are you doing here?"
Namilog ang mga mata nito nang madatnan siya sa loob ng kuwarto ni Waki. Napalunok itong hindi makapaniwala.
Pinanatili niya ang kanyang mukha sa walang ekspresyon nitong hulma dahil sa mga narinig. "Tita Melanie, kailan ka pa nakaakyat dito sa kuwarto ni Waki nang walang kasama?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top