29: The Flowing Water

Harika stopped getting invites and endorsements the day she lost her sight, which was especially noticeable since her Lolo Dad was still by her side. The people who had always stood with her turned into vaporized air bubbles. She experienced a significant adjustment in her life that was both comprehensible and difficult for her to cope.

Noong nabubuhay pa ang congressman, walang naging galaw sa buhay niyang magarbo at pinag-uusapan. Katanyagan at iniingatang pangalan at pamilya ang bumabaybay sa kanila. Harika was not protesting about her upbringing; she could do and live a relatively normal life, but she was scared of any sudden, drastic change. People often claim that because life is unpredictable and what life she has now was not part of her plan, but maybe part of somebody else's.

Ang maingay na tunog ng kanyang telepono noon, ang notifications niya sa kanyang social media accounts, maging ang mga pagbati sa iba't ibang grupo at tagasuporta... ang lahat ay naglaho, parang mga paningin niyang dilim na lang ang nakikita. May mga bumibisita sa kanya minsan at nagpapaabot ng pakikiramay at kanyang paggaling, subalit hindi niya maikukubling ibang-iba na ang mga ito sa kung paano siya dati pakisalamuhaan ng mga ito.

Harika couldn't please everybody. Ang mga tagasuporta niya ay maliit lang na parte sa kanyang buhay. Katatagan ang pinanghahawakan niya ngayon at ang pagiging positibo niya sa lahat ng bagay na magiging maayos din ang lahat—na babalik din ang nawala niyang mga paningin.

Tatlong araw na ang lumipas noong nagkita sila ni Genesis at sabay na nananghalian sa isang lakeside steakhouse. May ilan pa rin sa mga pinag-usapan nila ay nakapagbigay sa kanya ng kalituhan. Lalo na noong nakapa niya ang nakasuot na singsing sa daliri nito. Pinagsisinungalingan ba siya nito o nahihiya lang itong aminin sa kanyang engaged o kasal na ito?

Three days prior, Waki knew of their meeting. Naging busy lang ito nitong mga nagdaang araw kaya't hindi nito mabanggit kay Harika ang naging pagdalaw ni Genesis. Kahit pa pangungumusta lang ang sabihin ni Harika kung bakit sila nagkita ay tatanungin pa rin nito.

"Here's our railcard, hawakan mo." Iniabot ni Waki ang maliit na card kay Harika na nakakapit ang mga kamay sa braso nito.

"Bakit hindi mo na lang ginamit ang kotse mo? Mahihirapan ka pang alalayan ako. Isa pa hindi naman tayo madalas mag-commute, pati na noon. Sigurado ka ba?"

"Do you remember our very first train ride to school? Para tayong sardinas sa loob ng tren and we never knew it would be so fun riding with commuters. Worth the hassle," he laughed it out.

Harika agreed, "Oo, masaya... noon. Pero sa sitwasyon natin ngayon, I just realized that you're having difficult time have me around you." She lowered her head. "Katulad nang nangyari kanina, I had to use bathroom and you must come to where I am. Kahit pa sabihin mong responsibilidad mo ako ngayon, hindi ko pa rin magawang hindi mahiya sa effort at sakripisyo mo sa akin para lang sa araw na ito."

He looked at her. "Ayan ka na naman. Hindi ba't nag-usap na tayo kagabi tungkol dito? Why are you suddenly reconsidering something you previously thought was a wonderful idea?" He sighed in gentle way. "Kung iniisip mo ako, itigil mo na, dahil kahit pa mahirapan ako, basta ikaw... walang kaso."

She grinned in appreciation. Waki then patted her head while swiping their railcards to enter as he's squeezing her hand between his right arm and side chest.

Riding an afternoon train wasn't easy and they were aware of it. Siksikan, punuan. The narrow spaces were only there so they could breathe. Waki made no effort to wrap his arms around Harika in order to shield her from the other passengers. Sa posisyon nilang dalawa, kulang na lang ay yakapin na nito si Harika patalikod.

He projected a muted whisper in her ear, "Kumapit ka, ha."

Nang umandar na ang tren ay napakapit si Harika sa braso ni Waki. They were both pushed in front of the wide window. Kaya habang tumatakbo ang tren, hindi nagkulang si Waki na ilarawan sa kanya ang mga nakikita sa labas. Ang residential area, ang sikat ng araw noong hapong iyon, ang nagtataasang mga gusali at kabundukan habang binabaybay ng tren na lulan nila ang kahabaan ng Windercoln.

They first came to their school when they were in middle grade. Nanumbalik kay Harika ang ilang mga alaalang nabuo niya sa eskwelahang iyon. At si Waki naman ay hindi nagkulang sa kanya na ipaalala ang mga tagpuang madalas nilang kinaroroonan upang mas maunawaan at manumbalik kay Harika ang mga paligid nang lubos. Maraming ipinagbago ang eskwelahang pinaggalingan nila. Maraming estruktura ang nadagdag at may ilan namang lugar na nawala na at napalitan na ng panibagong gusali. Iyon talaga ang patunay na walang nagiging permanente sa mundo, lahat nagbabago, lahat kailangang magbago at baguhin.

Harika was almost unknown throughout their first hour at the academy. Maging ang mga guro at board members nila noon ay hindi na sila matandaan nang magawi sila sa isang conference hall, not until they mentioned her popular name, Levantine, which the congressman generously donated a massive amount of help to the school. Hindi pa sila maaalala ng mga ito kung hindi nila binanggit ang apelyido niya, ang nagawa at donasyong naipamahagi ng kanyang Lolo Dad.

Habang naglalakad sila sa hallway palabas ng campus ay nakita ni Waki ang lalaking naging dahilan kung bakit naunsyameng pormal na ligawan nito si Harika, si Van Doren, na kasalukuyang naglalakad at tinutumbok ang faculty room. He's in a school tracksuit and gym shoes as if he was a PE teacher or a school coach.

Napahinto saglit si Waki dahilan upang huminto rin sa paglalakad si Harika.

"Waki, what's the matter? Hindi pa ba tayo aalis?"

Nang makapasok na si Van Doren sa loob ng faculty room na hindi sila napansin, saka muling napatingin si Waki kay Harika habang dala pa rin nito sa alaala ang nakaraan. Ang tungkol kay Van Doren at sa kanilang dalawa ni Stella. Ang party na iyon. Ang nangyaring gusto nitong kalimutan ngunit hindi nito magawa.

Waki tightened the grip on Harika's hand. "May gusto ka pa bang puntahan?"

Nang ituloy nila ang paglalakad, muling sumulyap ng lingon si Waki sa faculty room na tinunguhan ni Van Doren. He made sure Van Doren didn't see them together. At ngayon, alam na nito kung saan ito nagtatrabaho. Waki shook the thought out of his head as they were leaving the school gate. Kalakip din noong mga oras na iyon ay napadaan sila sa tindahan ng accessories sa labas ng eskwelahan. He bought her a bracelet and keychains. Hindi madalas si Harika na mamili noon sa labas ng kanilang eskwelahan—dahil hatid-sundo siya at kailangang umuwi agad—kaya pakiramdam niya ay nanumbalik talaga siya sa pagiging estudyante nang bilhan siya ni Waki ng mga ito.

Kapa-kapa niya ang bracelet sa kanyang palapulsuhan habang nadidinig niya ang pag-alog ng keychain na nakasabit sa sling bag niyang dala. Kahit pa hindi niya ito magawang makita, dulot ng kanyang pandama at pandinig, nagagawa pa rin niyang iukit ang larawan ng mga iyon sa kanyang isipan. For a sweet taste and to moisten their mouths, they also purchased strawberry smoothies within the area.

Matapos nang maikling paglalakad ay tinumbok nila ang maliit na talahiban 'di kalayuan sa mga kalsadang nadaanan nila.

"Do you remember the shortcut we were once walked to? Noong araw na hinihintay ka ni Manong Liro sa terminal ng mga bus dahil sinubukan nating maligo sa maliit na sapa?"

Harika rubbed her brow and tried to recall it. "Noong hapon na dumaan tayo sa hanging bridge na madalas ding puntahan ng mga estudyante?"

Napangiti si Waki. "Naalala mo pa pala."

"Bakit, pupuntahan ba natin ang tulay na 'yon?"

"We're actually here."

Sabay silang humakbang sa tulay at bahagya iyong umalon dulot ng mabibigat nilang mga paa at hangin mula sa gitna. Nadama agad ni Harika ang pakiramdam na iyon nang magpatuloy sila sa paglalakad. Walang tao noong mga oras na tumawid sila. Waki had an unexpected romantic feeling, while walking with her as the gentle bridge wave.

Nanatili sila sa gitna. Kapuwa sila naupo at kumapit sa makakapal na kable habang inilaylay at ibinabad sa ere ang kanilang mga paa.

Harika's body and spirit were enveloped in a tranquil sense. Lalo na ang isipan niyang nagiging malikhain sa kapaligiran.

"Do you hear the flowing water?" asked Waki, eyes on her.

Tumango siya. "Yes. I'm hearing it above here." Saka siya sumimsim ng smoothie niyang dala. "Kung may dala lang sana tayong damit, nakaligo sana ulit tayo," aniya.

"Masyado nang late para maligo. Ilalarawan ko na lang sa 'yo ang papalubog na araw mula rito. Sa susunod agahan natin ang pagpunta para makaligo tayo," he assured.

There were silence and stillness sorround between them as Waki looked at the setting sun and Harika listened to the water rushing beneath the bridge. Magkaiba man sila ng point of view, magkaparehas naman silang nasa iisang sandali.

Harika ran her fingers to the back of his hand as she leaned the side of her head on his shoulder and breathed in a serene way around him.

Waki smiled as he wrapped his arm 'round her shoulder.

"Harika..."

"Hm?"

"Para sa 'yo, ano ang pinakamasamang ugali ng tao ang hindi mo kayang patawarin?" Waki asked a random question.

Harika came to a brief halt. Her hand was clenched in his. "Since then, betrayal has been the worst sin I've ever faced. Minsan na akong naloko. Minsan nang nasira ang tiwalang ibinigay ko sa isang tao nang buong-buo. If I'm ever betrayed again, especially by someone I know, siguro iyon 'yong pagkakasalang hindi ko kayang patawarin."

Seryoso ang mga titig ni Waki sa kanya. He asked a question, and she just responded. Harika has had enough of Slayter and the traumatic experience he has left her with. Kaya ganoon na lang ang naging sagot niya, dahil mayroong pangyayaring naranasan niyang ayaw na niyang maulit.

"Alam mo Waki, kahit pa napakagaan ng mga sandaling mayroon tayo ngayon, hindi ko pa rin magawang maging masaya nang lubusan. I still feel so incomplete," she admitted, what her heart feels that very moment.

"Why though? May bumabagabag na naman ba sa 'yo? Tungkol na naman ba ito sa pagkawala ng Lolo Dad mo?"

Umiling si Harika. "What was bothering me now were my eyes, which could only see nothing." Huminga siya nang malalim. "Magkasama nga tayong dalawa pero hindi naman kita nakikita. Palagi ba akong makikinig at makikiramdam na lang? Palagi na lang ba akong ganito?"

Pinagmasdan siya ni Waki, may maliit na pag-aalala sa mga mata.

"Kaya kong dayain ang sarili kong makita ang mga bagay sa paligid ko gaya nang kung paano mo ilarawan sa akin ang lahat. Ang hindi ko kayang dayain ay ang makita ang mga mata mong sinasabi ang totoo." Nag-angat si Harika ng ulo at itinapat ito kay Waki. "Gustung-gusto ko nang makita ka ulit, Waki. Ilang buwan pa lang simula nang mawalan ako ng paningin, pero pakiramdam ko ang dami nang ipinagbago ng hitsura mo at ang tagal-tagal ko nang walang nakikita. Minsan naiinis lang din ako, kahit na sa panaginip lang ay hindi pa kita makita."

Waki's mouth remained silent. He has a lot to say, but his mind just told him to give her a warm hug... which somehow gave her a sense of relief.

They took a cab home. Nagpatuloy ang pagiging malapit nila sa isa't isa mula sa backseat ng kotse. Isang bagay lang ang gusto ni Harika habang kasama si Waki buong araw, ang makita ito—kahit pa sa isang kisapmata lang. Yes, the way he spoke to her made her feel things, and he made an effort to look after her. Time's being spent wisely. Memories from then and now drew them back together.

Inalalayan siya ni Waki na maupo sa kama nang makauwi sila ng mansiyon. He kissed her head. "Magpahinga ka na," sambit nito.

Hindi inalis ni Harika ang kamay niyang mahigpit pa ring nakakapit sa kamay nito. "Salamat sa araw na 'to, Waki. I had a great time with you. Sana hindi ito ang huling beses na mangyayari ito sa ating dalawa. Kahit bulag ako, nararamdaman ko pa rin ang effort mo para sa akin at napaka-thankful ko dahil sa lahat ay ikaw ang nagtitiyaga sa akin nang ganito." She smiled with a happy heart.

He delicately cupped her face in his hands and leaned on her closer. "Making unforgettable memories with you has become my favorite thing to do." And then he kissed her cheeks. "Kahit minsan busy ako sa trabaho, hindi puwedeng hindi ko bigyan ng oras ang isang katulad mo. Hindi ka na iba sa akin, Harika. Dati pa, ikaw na talaga..." he took her hand in his and directed it to his chest, right in the middle of his beating heart.

Yumakap si Harika sa tiyan ni Waki na nakatayo sa harapan niya. He raked his fingers through her hair.

At the end of the day, it won't be the place, the money, or the possessions... it was the time you spent with the person you were with.

Bago pa tuluyang iwan ni Waki si Harika upang makapagpahinga na, napansin nito ang pagkalansing ng wind chime mula sa bintana nang bahagyang pumasok ang katamtamang lakas ng hangin. It was visible because of the thin curtain waving inside.

"Kailan ka pa naglagay ng wind chime sa may bintana? Did mom brought it for you?"

Harika shook her head. "It was from Genesis."

Waki agreed with his nodding head. "Binigay niya ba 'yan noong araw na nagkita kayo?"

Nakangiting sumang-ayon si Harika. "Yes. I had no idea Genesis believed in such things as you do. He claims that a wind chime can provide positivity and act as a luck magnet. The similarity between his wind chime and your paper cranes..."

Bahagyang nilapitan ni Waki ang wind chime na iyon. It has a small light inside that blinks like a firefly. Kumunot ang noo nito at nagtaka. A wind chime with a blinking light? Weird.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top