26: Skinny or Tainted

What Harika said poked his heart—in a sentimental way.

Napatingin si Waki sa kanya na may halong panghihinayang sa mga mata. "Sa tingin mo ba kung natuloy ang planong iyon, tunay ba talaga tayong magiging masaya? I would say everything happens for a reason. Dinala tayo rito ng pagkakataon dahil sa plano kong isama ka sa bakasyong ito. Would you believe that this plan may be the same as it was in the past?" Huminga ito nang malalim at nagtungo sa kinauupuan ni Harika. He chuckled nostalgically. "Ito pa rin siguro 'yong plano kong iyon para sayo."

He touched her hand. Nanatiling nakaharap si Harika sa fire pit habang dinadama ang init na tinataglay niyon. Ilang saglit lang ay pumihit ang ulo niya hindi direktang lumingon kay Waki. She widens her ears to hear what he has to say.

"And what we had right now was totally different from what I had planned. It was so much more," he confessed. "Noon, hindi pa ako marunong magmaneho para dalhin ka rito. Hindi ko pa rin alam kung paano ko pormal na liligawan ang isang Levantine na tulad mo. I was considering the congressman about it as well. I don't really have the courage as a man and tell you all I feel, but at that moment I knew I had sentiments for you that had grown over time. Ayoko nang maulit ang inudlot kong mga plano para sa 'yo noon... para sa ating dalawa." Humigpit ang kapit nito sa kamay niya.

Take the risk or lose the chance. This time, Waki could tell that he's still into her. Bata pa lang ito noon, alam na nitong mayroon nang puwesto si Harika sa puso nito, marami lang ang mga nangyari sa pagitan ng mga taon kung bakit hindi nito magawang umamin sa kanya at sa tingin naman nito ay alam din ni Harika ang pag-ibig na mayroon ito para sa kanya. They're just pretending they're both oblivious where in fact their actions to one another were really that obvious.

While Harika hopes to become real and dismiss the tainted love she has been holding onto for a while, Waki has ended their skinny love, whatever it takes.

Sa mga nakalipas na taon, hindi lang naman ang prom night na iyon ang unang beses na nagtagpo ang mga labi nila... nasundan pa iyon ng marami pang beses. Kaya't desidido talaga si Waki na ligawan siya, alang-alang na rin sa umuusbong nilang damdamin para sa isa't isa.

Waki moved nearer to her as he felt the warmth coming from the fire in front of them. "Inaamin kong may mga pagkakataong naduwag akong aminin sa 'yo ang tunay kong nararamdaman noon. I have a lot of what ifs when it comes on courting you. Paano kung hindi mo pala ako gusto? Paano kung si Van Doren pala talaga ang gusto mo at hindi ako?" He gave her a thoughtful glance before softly cradling her chin in his fingers. "But I know you knew I'd always has this thing for you, Harika..." he spoke breathlessly, but his words were comforting to her ears like a sound in a silent night

It's hard for her not to get excited and flushed hearing all these things from Waki. Tila ba ang mga inaamin nito sa kanya ay ang mga bagay na matagal na niyang gustong marinig dito noon pa man. And everything indicates that the current situation they're in was just so right for him to confess his long-held affection for her. All falling into place, whatever it takes and Waki has stopped caring anymore and has simply expressed the emotion that had been buried deep within of him for a very long time.

Harika clutched her arms and gently rubbed them after remaining exposed to the cold night outside the caravan for several more minutes. She got up from the chair. "Pumasok na tayo, nilalamig na ako," aniya.

Nakasunod lang si Waki habang alaalalay siyang papasok sa loob. When they entered, Harika sensed his concern for providing her with the most comfortable night she had ever wanted. Inasikaso siya nito, hiniling na sana ay hindi na matapos pa ang gabing iyon.

Nahiga siya sa kama, nanatiling nasa labas lang ng maliit na kuwarto si Waki habang sumasapit ang gabi. Kahit na maaari silang magtabi, mas pinili nitong sa sala na lang ng caravan magpalipas ng magdamag. Kahit man pilitin ni Harika na matulog na noong mga oras na iyon dahil sa pagod at kaunting pagkaantok, hindi niya magawang makatulog kahit pa pilitin niya. Waki's confessions were circling in her head, not letting her have some sleep. Nang dahil dito, tumayo siya, naglakad at dumantay sa door frame ng kuwarto.

"Hindi ka ba makatulog?" ani Waki nang mapansin siya, nakaupo ito mula sa maliit na kitchen counter.

Nakatingin si Harika sa isang banda, malayo kung nasaan si Waki. Tumango siya rito.

"Hindi ko rin kayang ubusin ang bote ng wine na ito ng isang upuan. Come here, drink with me," he said.

Kasunod niyon ay naramdaman ni Harika ang kamay nito saka siya iginiya patungo sa kitchen counter na kinalulugaran nito kanina. He pulled her a seat, took out another wine glass from the drawer and poured some for her.

"Bakit ka umiinom? Hindi ka rin ba makatulog?" tanong niya, saka lumagok ng wine.

"Madalas naman tayong magpuslit ng wine noon sa wine cellar ninyo at madalas din tayong mag-inom. Hinahanap-hanap lang siguro ng katawan ko ang wine na ito ngayon," paliwanag nito saka kinalahati ang wine sa baso nito.

Mabilis nilang nakalahati ang bote ng wine. Kapuwa nila gustung-gusto ang mainit na hagod niyon sa kanilang mga lalamunan pababa ng dibdib. Hindi lang ang pakiramdam na iyon ang nagustuhan nila, through their tossing wine glasses and conversations... it restores all they previously had. When they were in high school, particularly at events to which they were both invited where they would often chuckle over certain topics. Lalo pa iyong mga bagay na hindi nila malilimutan na itinatawa na lang nila ngayon. Harika felt heated as they finished the bottle of wine and gently tapped her cheeks to calm herself. Yumukod na ito sa counter habang nakahalumbaba si Waki na pinagmamasdan siya. All of their laughter died down, as the alcoholic wine made its way into their systems.

"Harika, tulog ka na ba?" pungay na ang mga matang tanong nito. "I'll carry you inside the room so you can continue sleeping."

Nang lapitan siya nito upang buhatin ay agad na ikinalang ni Harika ang kamay niya sa batok nito. She drew him in and pressed her lips exactly against his. Pikit ang mga mata niyang tinikman ang malalambot nitong mga labi. His lips were warm and tender. While Waki felt shivers descend his back, he could smell the sweet ropy fragrance of the wine both of them emptied. It was a kiss he just can't lose. She had a lovely gloss on her lips, which he tasted as he gently brushed them with his. Kung sa kalasingan lang, given na ang mangyayari sa dalawang adult na tulad nilang ganoon kalapit sa isa't isa, ngunit iba ang mga halik na pinagsasaluhan nila. It got more pronounced, sentimental, and loving as it continues... like it was the exact thing they both wished would happen in any day of that vacation.

He pulled her back to him while giving her a sensual kiss in his gentlest way. Harika continues to kiss him while placing her hands on his face. Ikinulong siya ni Waki sa mahahabang bisig nito na para bang ipinagdadamot na siya nito. Nagdidikit ang kanilang mga balat, nakadaragdag ng romansang pinaaanghang ang nag-iinit nilang halikan. A long, sweet kiss filled with desire. Ang mga puso nila, kapuwa nagtatambol, tila gustong kumawala sa kani-kanilang mga dibdib.

After a brief moment, Harika opened her eyes when she withdrew her lips away from his. Ang mga mata niya ay direktang nakatitig kay Waki. Hinawakan nito ang magkabila niyang mga balikat, pinagmamasdan ang ningning sa kanyang mga mata.

"I never imagined I would long for having your lips in mine. Hinalikan mo ba ako dahil gusto mo lang o dahil payag ka nang makipag-date sa akin?" anitong hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Hinihintay ni Waki ang sagot niya. However, Harika closed her eyes bowing her head low on his chest. She simply can't control how intensely her heart beats for him. She feels it in her soul, deep below, na tanging dito niya lang naramdaman.

He kissed her on the head and murmured, "So, that would be a 'yes,' I think." And then he hugged her tight.

✦❘༻༺❘✦

She was sixteen when Harika wore her first mint dress with a sweetheart neckline made of finest satin. Kapukaw-pukaw siya ng pansin sa lahat dahil sa taglay niyang ganda, karisma at kung paano niya dalhin ang dress na iyon. She continued to walk in an elegant manner. Prim and proper.

Noong araw na iyon, nasa kasal siya ni Leroy, ang stepbrother ng tiyahin niyang si Lymareva. Nakiusap itong sa mansyon ng mga Levantine gaganapin ang reception pagtapos manumpa sa simbahan. With her aunt's persuasiveness, the congressman agreed to it. Mas engrande tuloy ang naging reception sa mismong kasal.

Hindi rin nila inaasahan na dadami ang panauhin. Ang pribadong reception ay dinaluhan ng mga tao. Kumakaway si Harika sa mga panauhing pandangal habang nakakalang ang kamay niya sa bisig ng congressman. The reception took on a Levantine feel, as though it were Harika and Constancio's celebration. Dahil bukod sa bagong kasal at mga dumalo, sila na ang pinagkaguluhan ng mga tao.

Sa pagkakataong iyon, mas nakikilala lalo ni Harika kung gaano kalaki ang koneksyon at impluwensiya ng kanyang Lolo Dad, na kaya nitong gawing engrande ang okasyong pag-uusapan ng lahat. Kahit siguro wala siya roon sa tabi nito, wala pa ring magbabago... kagigiliwan pa rin ng mga tao ang congressman sa kahit na anong anggulo.

"Dad, I appreciate you for making this reception a memorable evening. Tiyak na ang pasasalamat ni Leroy at Jessa sa ginawa mong ito, Dad." Lumingon si Lymareva sa congressman, sa pagitan ng silk clothed table. "Kaya gustung-gusto ka ng mga tao, dahil napaka-extra mo."

Maliit na ngiti lang ang iginanti nito. "This is the very least I can do to repay his kindness, Eva. Maaasahan si Leroy, mabait na tao at minsan nang naging driver ni Harika noong nagkasakit si Liro. At kitang-kita namang nag-e-enjoy si Harika at Venus ngayong gabi." Pinagmamasdan nila ang magpinsan na magkahiwalay na nakikipag-usap sa mga tao.

"Dad, speaking of my daughter, when she enters her senior year, she wants to attend a prestigious university in Windercoln. She wants your full support," singit ni Lymareva, ikinambyo sa ibang topic ang usapan.

"She is free to go to any university, renowned or not. And she knows she always have my support," anang congressman, saka lumagok ng alak. "Kumusta na pala ang dalawa? Narinig ko kay Alice na nagbangayan na naman sila noong nakaraang wala ako sa mansyon. What happened?"

Lymareva sighed softly and rolled her eyes inwardly. "As usual, Dad, Harika started the fight. Nalaman kasi ni Venus sa mga kaibigan niya na nagpunta si Harika sa isang house party noong nakaraang buwan. And she's denying it real hard, ayaw niyang malaman mo ang tungkol doon kaya pinag-awayan nila. Don't worry, Dad, kinausap ko na si Venus. I can take care of her."

Inaasahan na ni Constancio ang mga bagay-bagay na tulad niyon. At age 16, Harika is still in her adolescence. Ang ayaw lang nito ay ang mapasama siya sa mata ng mga tao o pagdiskitahan ng kung sino, pero kung nasisiguro nito ang kaligtasan niya, he can let her live her teenage life.

Sa kabilang banda, matapos ang maikling pakikipag-usap ni Harika sa mga bisita ay nagtungo na siya sa marbled hall na walang gaanong bisita, naupo sa bakanteng upuan at nagpahinga. Naramdaman niya kasi ang pagsakit ng kanyang mga sakong dahil sa bagong heels na suot niya. She might take a break before returning to entertain the guests.

"Melanie, ilang beses ka nang naggawi rito sa mansyon ng mga Levantine, parang hindi mo pa rin nakukuhang masanay. Kolehiyo pa lang kayo ni Helen noon, madalas ka nang naririto at ipinaghahanda ko pa kayo ng minindal, bakit ay tila ba manghang-mangha ka pa rin," ani Alice habang napapansin nitong namamanghang inililibot ni Melanie ang mga mata sa paligid mula sa kanyang wheelchair.

"I've always admired this mansion's exterior appeal, interior layout, and opulent amenities, Miss Alice. Kilala mo naman ho ako, mababaw ang kaligayahan pagdating sa mga mamahaling bagay. Joseph also wanted a mansion similar to this. Nangarap ako at pinangakuan siyang magkakaroon din kami ng mansyong tulad nito balang araw. Up until a bad thing happened to him... Nonetheless, I'm sticking to my word. Palagi ko rin hong naiisip minsan, kung hindi ako naaksidente noon at nalumpo ngayon, tiyak makagagawa ako ng paraan para sa pangarap at pangakong iyon," nakangiti nitong kuwento sa matandang katiwala. "Kung hindi lang din nawala si Helen, 'di sana natupad na rin ang ilan sa mga plano namin."

Harika went to their plush kitchen to get a drink when she felt her throat getting dry.
May ilang housemaid ang naroroon na inasikaso siya bago nakatanggap ng tawag mula kay Waki.

"Harika..."

"Waki... I thought you were already here. Si Kuya Jed lang ba ang kasama ni Tita Melanie?"

He moaned into the other line, which she overheard. He stumbled, "Harika, help me first..."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Iniwan ni Harika ang mga housemaid na kasama niya sa kusina noong mga oras na iyon saka siya naghanap ng lugar na tahimik at sa pagkakataong iyon, mas malinaw na niyang naririnig si Waki.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo? Enough pranking me, Waki. Wala akong panahong makipagbiruan sa 'yo. Tita Melanie was worried, kaya pala hinahanap ka niya sa akin kanina—"

"Binugbog ako sa bar kanina..."

She frowned real hard. "What?!"

"I can't go home with battered face. Parker already ditched me. Hindi ko rin matawagan si Harvey. Ikaw na lang ang huling taong kilala kong matutulungan ako." Nauulinigan niya ang boses nitong hindi maayos dulot ng kalasingan.

"Waki, mas lalong hindi ka maaaring magpunta rito ng lasing na lasing at bugbog sarado. There's an event ongoing here, Tita Melanie and Kuya Jed were also here."

"Harika, I'm already in the front yard..."

"What? How did you get inside? May marshal at mga guwardiya sa gate. Did you just—"

"Yes. I took our sneaking route to get in," he said and whimpered.

"Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo," aniyang naiinis at maya't maya ang pag-iling.

"Kahit kailan hindi ako naging sakit ng ulo mo... ngayon lang," he answered giggling in a drunken tone.

Nasapo ni Harika ang kanyang noo saka wala nang nagawa kung hindi palihim na puntahan si Waki sa front yard ng mansiyon. When she got there, she avoided the driveway and wandered around, trying to figure out where he might be hiding among the plants. Nang makarinig siya ng sitsit sa lugar kung saan hindi gaanong natatamaan ng light post ay agad niyang sinundan ang boses.

Nakita niya itong hinihingal. He was dressed in a long-sleeved black shirt, black slacks, and black shoes, and if he had a coat, he could easily switch into a more formal ensemble. Tumambad din sa kanya ang pasa sa mukha nito at sugat sa gilid ng labi, gayunpaman, litaw pa rin ang kakisigan sa malalapad nitong pagngiti sa kanya.

Nanakit ang ulo ni Harika nang makita ito. "Seriously, Waki? Kailan ka pa naging basagulero?" Pailing-iling siyang nag-aalala rito.

"Ngayon lang," pabirong sagot nito. "Tangina kasi ni Jeremy, ang lakas manghamon ng away, dinamay pa ako."

"Alam ba ni Tita Melanie na nagpupunta ka sa bar? You're only seventeen, you're underage," aniya.

"Malalaman niya kung sasabihin mo. Of course you're not going to tell her. Magkakampi tayo, 'di ba? Kailangan ko lang talaga ng tulong mo ngayon."

Hindi naman pababayaan ni Harika si Waki sa ganoong kalagayan. Minsan lang ay naninibago siya rito, lalo na sa makulit nitong personalidad kapag nakainom. Humanap muna siya ng tiyempo bago niya ito dalhin sa loob ng mansyon nang hindi sila nakikita ng mga bisita.

Habang patagong naglalakad patungo sa backdoor ng mansiyon ay may napansin si Waki sa kanya. "Did I mention how stunning you looked tonight?" he complimented her avoiding a joke tone.

Harika just shushed him, "Bolero."

When they arrived at the mansion's back door, they both removed their shoes and heels in order to maintain their silence. They bolted upstairs. Nagtungo agad sila sa kuwarto ni Harika saka nito inilabas ang kit upang gamutin ang mga sugat na natamo nito. They sat down on the couch.

He moaned in pain when Harika cleaned the wound on the side of his lips. "Dahan-dahan naman," reklamo nito.

Madalas silang nagkakatinginan nang mata sa mata habang nililinis niya ang sugat nito. She also prepared an ice pack for the bruises.

"Ito na ang huling beses na tutulungan kitang bubog-sarado. If you call me up again and you're the same mess as you are now, expect me to ignore you."

Sumang-ayon si Waki sa mga sinasabi niya.

As she stood up, Harika placed the kit back on her desk. She spun around and said, "Feel free to use my bathroom, you stink!" and walked away.

"Wait up!"

Nilingon niya ito. "Ano na naman?" iritable niyang tugon.

Lumapit sa kanya ito at hinawakan ang kanyang kamay. "The smell clings to me, yes, but I don't want to wash it off yet, dahil hindi pa ako tapos uminom," anito, malapad na nakangiti sa kanya, "syempre, sasamahan mo akong mag-inom. Doon tayo sa wine cellar ninyo."

"Waki, there's still an event going on. People can't see us. Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang nasa hall ngayon?"

"No one will ever see us. Iwanan mo na 'yang heels mo, tatakbo tayo nang mabilis patungo sa wine cellar ng mansyong ito," he said with such enthusiasm. Wala nang nagawa si Harika kung hindi magpahila rito.

They were lucky, they got inside the cellar without anyone catching them.

"Waki, don't get too close on that area, the CCTV would catch you." Tinuro ni Harika ang kabilang istante ng mga wine. "Dito lang, saka sa may banda roon ang hindi hagip ng camera. We have to be very careful," she reminded him.

"Okay."

Waki started setting up a wine tasting after removing all the pricey wines from its shelf. Pinanonood lang siya ni Harika kung paano niya isa-isang pinagbubuksan iyon. She wasn't concerned about the wine spilling on the floor; she was concerned about Waki having difficulty opening each one and breaking them. Hindi niya mapigilang matawa habang pinagmamasdan niya ang kakulitan nito. She liked his little gestures that make her feel so excited.

"You're drunk and have the gall to drink these fine wines? Don't count on me to drag you out from this cellar. Kapag bumagsak ka riyan sa sobrang kalasingan, iiwanan talaga kita," pananakot niya.

"Sino bang may sabing lasing na 'ko. Yayain ba kita rito kung ayaw ko nang uminom? Of course not." Isinalansan na ni Waki ang limang wine glass na may iba't ibang klase. "Okay, sparkling first." Ipinasubok na nito kay Harika ang unang glass.

Bukod sa alcoholic wines, sparkling ang pinakagusto niya dahil sa tamis at purong taglay nito sa kanyang panlasa—lalo na kung malamig at maraming yelo. It wasn't like a juice, it was more than a juice.

They each take a sip from the next. Then dry white wine, followed by rosé. Napapangiwi na lang si Harika lalo na kapag hindi niya talaga nagugustuhan ang lasa. And lastly a medium-bodied red wine before they go to dessert.

Buong akala niya ay wine tasting lang ang mangyayari, nang tunggain ni Waki ang red wine habang nagsasasayaw, hindi mapigilan ni Harika ang humagalpak ng tawa habang pinanonood ito. She even spat her hips while laughing her ass off.

Nadala na lang din siya sa ginawa nito. She danced in her satin and drank the bottle too. Para silang mga batang nagsasayaw at nagse-celebrate ng party. Kahit dalawa lang sila sa wine cellar noong mga oras na iyon, pabor kay Harika kahit pa si Waki lang ang kasama niya. She's not complaining. She just enjoys the small moments she gets to spend with him rather than being with the guests she was with earlier.

As the wine coming through their entirety, Harika got clumsier and clumsier which leads to spill some to her chest down to her dress.

Harika acted shocked and giggled. "Oops! I stained my dress..." she bit her forefinger.

Waki comes to the rescue. As soon as he saw the wine on her skin, he quickly pulled his handkerchief out of his pocket. Napatingin ito sa dibdib niya bago muling ibinalik ang mga mata sa kanya. "Be extra careful next time," he said to make her bit her lower lip.

Malagkit itong nakatitig sa mga mata niya, nagpapahiwatig nang kung ano. Before the crickets sing between them, Waki immediately kissed her deeply. Halik na may diin, dahilan upang maisandal niya si Harika sa pader at muntik na nilang masagi ang katabing istante ng mga wine. He had her hands tied behind her back and then she kissed him back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top