25: 100 Pieces of Firewood
Lahat ng mga masasayang bagay na nangyari noong araw na iyon ay pawang magaang na pakiramdam para kay Harika upang patulugin agad siya nang makabalik sila ng inn. Pagod man, ngunit iba ang saya na isinisigaw ng kanyang damdamin. She hadn't felt that way in a while, and Waki, into whom she was continuously falling, was the one who brought it on.
Maaga siyang nagising. Halos magkasabay sila ni Waki na agad na nagtimpla ng kape at tsaa para sa kani-kanilang panlasa noong umagang iyon. She doesn't drink coffee, but she undoubtedly had one. Waki, on the other hand, can't go about his day without it.
Kasalukuyang magkatapat silang nakaupo sa silyang may maliit na mesang pumapagitan habang nasa tabi ng malaking bintana ng kusina.
"Nahiga ka lang kagabi ay nakatulog ka na agad, napagod ka ba sa mga pinuntahan natin?" tanong ni Waki habang hinahalo ang kape sa tasa.
She simply smiled and let out a gentle chuckle. "I had a really good time, Waki. The lovely places we visited and went to served as both an escape for me and an adventure with you..."
Pinagmamasdan lang siya nito kasabay ng ganda nang umagang iyon. And she doesn't have any idea of that.
"I'm really happy you're enjoying this vacation so far. By the way, I packed everything last night—including your things. Ihahanda ko na rin ang kotse mayamaya dahil may isang lugar pa tayong dapat puntahan bago tayo bumalik ng mansiyon."
As she nods and agrees, Harika put her hands around her tea cup to feel the heat, "talaga, saan pa tayo magpupunta?"
"We're heading to a caravan park and renting one to spend the rest of the days before the week ends. Mas malamig sa lugar na iyon, mas maganda, mas comforting at relaxing. Alam mo ba, dati, bago ang graduation natin noong college, gustung-gusto na kitang dalhin doon para pormal na ligawan... yet given the time and the situation, I suppose this could be the right moment, I guess?" Waki said in a casual way as he softly laugh it out, as though it weren't that big deal as it was before.
Harika paused for a second. Totoo bang narinig niya iyon mula kay Waki? Nagtangka na pala itong ligawan siya noon, siguro ay maraming beses na, ngunit bakit hindi nito iyon matuluy-tuloy? Ano ang mga humahadlang dito?
"Did you plan this vacation just to ask me out?" she laughed softly before taking a sip of her sweet tea. "Ang old school mo naman pala manligaw, pakiramdam ko tuloy ay nasa kolehiyo pa rin tayo."
Natigilan si Waki, tila sumeryoso ito. "If we could go back in time and I could ask you out again... would you date me?"
Hindi agad siya nakasagot. There are thorns that hindering her around that time such as the congressman himself, Melanie, Jed, her followers, her school friends, her Lolo Dad's connections, the popularity and affluent clans who have always supported their family... and of course, Stella. Kung pormal na siyang liligawan ni Waki at yayayain siyang makipag-date dito, ano na lang ang maiisip ng mga ito? Lalo pa't ang mga Ishida at Levantine ay halos pamilyang sanggang-dikit. Bago niya pa maisip ang lahat, nakikinita na niyang katakut-takot na ang isasaalang-alang niya para lang dito.
"Kahit sino namang babae ay sasagot ng 'oo' kapag dating sa 'yo. But you know me very well, Waki. Things are not as kind to me as they were when I was in my collegiate years. Laging may mga matang nakatingin, laging may nakasubaybay sa bawat galaw ko at palagi na lang may nakaabang upang sirain ako—"
"Dahil ba isa kang Levantine? Yeah, I know it and I understand your situation. Matagal na tayong magkakilala, dahil na rin sa mga pamilyang mayroon tayo. Minsan ay hindi lang ako mapalagay, nahihirapan akong gumawa ng paraan o humanap ng maganda tiyempo para sabihin ang isang bagay na matagal ko na dapat na ipinagtapat sayo. Harika—"
Waki's phone rang in his pocket. Sinagot nito ang tawag na iyon. Naudlot ang sasabihin nito. Gaano ba iyon kahalaga upang malaman pa ni Harika? Ikagugulat niya ba ito kung sakali?
✦❘༻༺❘✦
Nang sumapit ang alas nueve ng umaga ay nilisan na nina Waki at Harika ang inn na ilang araw nilang tinuluyan. Because of the inviting atmosphere the inn provided, they nearly stayed longer than necessary. At bago pa sila magtungo sa caravan park kung saan ang huling destinasyon nila bago matapos ang kanilang bakasyon, dumaan na muna sila sa isang gasoline station upang magkarga ng gasolina. They needed to fill up their gas tank because the trip to the caravan park will take more or less two hours.
Harika asked Waki if she might first visit and have a walk near the station's convenience store, and he agreed. Sinamahan siya nito na mamili muna ng kung anu-ano roon, mga pagkain, mangunguya o inumin bago sila sumabak sa mahabang byahe. Pagkatapos ay iniwan na muna siya nito sa isang vacant seat sa loob ng store habang inasikaso nito ang kotse nitong pinupunuan pa ng gasolina saka magbabayad.
"Harika?"
She stayed in her seat, as if she didn't hear a voice from a man who called her name. Nag-aalangan pa ito kung tama ang pagkakakilala nito sa kanya.
Nakiupo ito sa katapat niyang upuan. "I'm right, you're here, Harika Levantine." Nakangiting sambit ng lalaking tila gusto siyang kausapin.
Hindi niya alam kung kakausapin niya ba ito o hindi papansinin since hindi naman niya ito kilala at hinding-hindi nakikita.
"In case you were wondering and before you were misled about knowing me, I'm Simon Sebastian and now sitting across from you. Naalala mo? Iyong lalaking nakilala mo sa death anniversary ni Mr. Joseph Ishida..."
When he expressed himself, she immediately recalled the guy. Ito 'yong sumagip sa kanya noong muntik na siyang mahulog sa pool dahil sa pagkaaligaga. Bumalik sa kanya lahat, ang pamilyar na amoy, boses at presensya nito.
Simpleng ngumiti si Harika hindi direktang nakatingin dito. "Y-yeah, Simon Sebastian. As far as I could recall, you told me that you were related to Mrs. Aileen Cañete that day... if so, then yes, I remember you."
Matapos ang maikling kumustahan nila ay napatanong si Harika kung bakit naroroon si Simon noong mga oras na iyon, sinagot lamang siya nito na nagpapagasolina lang din ito nang magkatagpo sila. Simon entered the convenience store to grab something to drink. At lingid sa kaalaman ni Harika, walang ibang ibig sabihin ang muling pagkikita nila, lahat ay pawang nagkataon lang.
"Sino pala ang kasama mo? Iyong matandang driver na kasa-kasama mo noon?"
Her calm brows furrowed. "How did you know I had a driver?" Nagtaka saglit si Harika nang patungkulan nito si Manong Liro.
"Because he drove you when the time Mrs. Ishida told you so. 'Di ba't nabanggit mo rin sa akin noon na hindi ka komportable kapag maraming tao ang nakapaligid sa 'yo? That's when the time I was eyeing on you that occasion. Sorry, I shouldn't talk about it that much. Baka pag-isipan mo ako nang kung ano. Nag-aalala lang ako sa 'yo noong muntik ka nang mahulog sa pool. Iyon lang iyon," Simon explained.
There was no room for Harika to mull about what he just said. Lahat naman ng paliwanag nito ay akma base sa mga natatandaan niyang nangyari noong araw na iyon. Tama ang binanggit nito, inihatid siya ng matandang driver saglit sa isang parke upang magpahangin saka siya bumalik ng mansiyon upang handa nang makipag-usap kay Jed. She almost forgot all about it, because she felt fidgety around people and anxious as well when her aunt came to her and ruined her day... that's when everything for her became not so fun anymore. Na para bang gusto na lang niyang magkulong sa kuwarto noong mga oras na iyon at palipasin na lang ang magdamag.
"So, siya nga ang kasama mo?"
Harika has no reason not to respond; he has just stated his perspective. "No. Si Waki ang kasama ko, bunsong anak ng pamilyang Ishida."
Simon appeared to be trying to protect Harika from an extremely remote threat as he stared directly into her blind eyes. "W-waki? Do you mean Joaquin?"
Tumango siya rito. "He's outside. Hinihintay ko lang siyang balikan ako rito."
"Harika, mind if I ask, how much do you know about that guy?"
Her breathing comes to a halt. Ano bang klaseng tanong 'yon?
"Simon, what do you mean? Waki and I had been friends since we were little. Malapit na magkakilala ang bawat pamilya namin to the point where I've known him more than his closest friends."
"Do you really know him well?" sunod na tanong nito, sinisiguro siya.
She paused briefly, as if Simon's inquiries had been made to disparage her knowledge of Waki. Wala naman itong masamang intensyon sa mga tanong sa kanya, pero bakit parang iba yata ang dating nito sa kanya?
"There's something you should know about him..."
That's the last line Simon told her before he rose from his seat and left her. Tila bumigat ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Malalim siyang nag-isip at halos nawalan ng ganang napasandal sa kinauupuan niya. Kung ano man ang bagay na pinatutungkulan nito, ano iyon at bakit ang taong hindi pa niya lubos na kilala ang magsasabi sa kanya nito?
✦❘༻༺❘✦
When they arrived to the caravan park, Waki gave Harika a detailed account of everything. Mas magaan ang atmosphere na sumalubong sa kanya kumpara noong nasa gasoline station siya at nasa mahabang byahe. Tolerable din ang malamig na pagaspas ng hangin. Her body's standard has already been served at the height of her amusement to the surroundings. When she's in her optimistic frame of mind, she won't entertain what Simon had before said.
They knew they had to cherish every minute when they began walking on a large pavement. Waki rented a caravan to stay the night, medyo maliit lang ang nakuha nilang available, ngunit kumpleto naman sa mga kagamitan. May maliit na espasyo rin sa tapat nito at brick fire pit sa gitna na maaaring pagsindihan ng apoy at paglipasan ng oras.
Sa kanilang pagdating at ma-settle na ang lahat, mas lalong gumanda ang mood ni Harika nang marinig niya ang boses ng mga bata habang nagtatakbuhan ang mga ito 'di kalayuan. Para silang nasa isang maliit na village, kung saan ay minsan na niyang pinangarap na maranasan noong bata pa siya. Madalas kasi siyang nasa loob lang ng mansiyon o sa malaki niyang kuwarto o playroom na walang kalaro.
Pinaupo siya ni Waki sa front seat ng caravan habang natatabingan siya ng maliit na lona. Iniwan na muna siya nito pagkatapos ayusin ang scarf niya sa leeg at bumalik sa loob upang mag-ayos at magluto ng makakakain nila noong hapong iyon. It was ideal for Harika to spend some alone time while listening to the sounds of children playing nearby. Ang huni ng isang masayang batang mas pipiliin niya kumpara sa magarbong buhay na kinalakhan niya.
Sumapit ang gabi, mas lumamig pa ang panahon. Ang caravan park na pinuntahan nila ay nasa mataas na bahagi ng Windercoln kung kaya't ganoon na lang ang lamig sa parteng iyon. Kahit hindi umulan, parang madaling araw ang pakiramdam kahit gabi pa lang.
Nagdingas si Waki ng apoy sa fire pit sa labas. Harika wished to assist him in any way she could. He let her go to the rack of hundreds of pieces of firewood and gather whatever she wanted to burn. Inihain na ni Waki ang mainit na sabaw para sa kanila. He also prepares a seat for them near the pit. The warmth of the fire had already made their frigid night bearable.
"Plano mo ba talaga akong dalhin dito noon?" Harika inquired, breaking the silence between them. Ayaw naman niyang magdamag na papakinggan at lasapin lang nila ang init ng apoy sa kanilang harapan.
"Hindi na dapat ako nagdalawang-isip noon. I should've done it," he answered with a little regret blowing the bowl of hot soup.
Harika brought her open palms near the pit as if she's commanding the fire. "Bakit hindi mo ginawa? What made you think twice?"
He looked at her after a quick slurp on the noodle. Hindi nito alam kung paano sasagot.
"Dahil ba kay Stella?" kaswal lang na dugtong ni Harika dito.
Waki put his bowl to the side table. "You know there's nothing going on between me and Stella, it's just... something came up," alibi nito.
Harika cupped her face with her warm palms she got around the fire. "Dahil ba nalaman mong nagkita kami ni Van Doren noong araw na 'yon?"
Natigilan ito sa sinabi niya. Waki had no idea that Harika would remember the reason why he had abandoned his plans that special day. Nakatitig lang ito sa nakatagilid niyang mukha kaharap ang fire pit. Alam din niya ang naging dahilan nito kung bakit hindi nito itinuloy na pormal siyang ligawan noon. Kung hindi pala dahil sa congressman o sa kung sino man. Then why does it worry him so much when they can be together and date secretly if he cares about being discovered by the public? Kung malaman ng congressman ang tungkol sa kanila, they can easily deny it.
Habang lumilipas ang bawat minuto, mas lumalakas ang hanging nagdudulot ng lamig. Until they both waiting to hear what each other has to say.
"Kung itinuloy mo lang sana ang plano mo noong araw na 'yon, baka ngayon ay masaya na tayong dalawa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top