21: Staring at the Sun
Before going to bed, Harika has always engaged in giggles and sleep talks... even though she was half drunk that night, she was unable to forget what transpired in those minutes—especially the long kiss. Isa pang ikinaganda ng pakiramdam niya ay iyong pagkompirma at pag-amin sa kanya ni Waki noong high school prom nila at hindi na rin niya napigilang i-confess ang kanyang saloobin tungkol doon. They were aware of their mutual affections, but kept them buried when they were young. Ngayong napagtanto na nila ang mga bagay-bagay, isn't it time to acknowledge the mutual admiration they've had for a long time?
She recalled those times when they would sneak bottles and liquors into the wine cellar, organize wine tastings, and frequently project a football game onto the wall—they weren't fans of the sport; instead, they used the projector's light to create a glow against the nighttime sky. Malimit pa silang magtago noon ni Waki sa mga lugar ng mansyon na hindi gaanong napupuntahan ng mga bisita tuwing may naglalakihang okasyon o selebrasyon ang nangyayari. At kung wala sila sa roof deck, matatagpuan sila na nakaupo sa loft window ng mansyon. They engage in fruitful discussion about the future; including colleges, universities, school organizations and courses they might take. They simply have no idea what their futures hold after they reach their collegiate years.
Sa hapag habang nasa harap ni Harika ang breakfast na inihain sa kanya ng mga helper, hindi pa rin naglalaho ang kanyang mga ngiti. Napapansin na iyon ng mga taong nakapaligid sa kanya, maging si Melanie ay kahapon pa iyon natutunghayan sa kanyang mga labi.
"What's with the pretty smile, hija? Napapadalas na yata ang pagngiti-ngiti mo nitong nakalipas na araw. Do you have any positive news to share with me?" Melanie asked as she stirred her freshly made coffee.
She made a slight head bend towards Melanie's direction. Sinundan niya ang boses nito. "Maganda lang po ang gising ko, Tita." Matapos niyang sabihin iyon, naalala na naman niya ang malalambot na labi ni Waki na gumapos sa kanya noong gabing iyon.
The conversation about their collective moments, the wine, and the kiss were the true high points of that evening which hasn't been faded in her head. Kung nadagdagan pa iyon, malamang ay muli nang magigising ang puso niyang muntik nang nahulog kay Waki noon. She was unable to retrieve much moments, though, as her feelings for him were just beginning to recover.
Maagang nakauwi ng mansyon si Waki galing sa trabaho nang sumapit ang hapon. Nasabi na ng mga helper na nakauwi na ito at nagtungo agad sa attic ng mansyon at may kinuhang bagay. Nang magtungo ito sa garden kung saan siya matatagpuan ay tinabihan siya nito sa mahabang bench.
"Ito talaga ang pinakapaborito mong lugar dito sa amin, ano?"
Marahang hinaklit ni Harika ang earphones ng walkman sa kanyang tainga at lumingon hindi diretso kay Waki. "Ang kusina ninyo ang pinakapaborito ko, madalas lang akong magawi rito sa garden para magpahangin at magpalipas ng oras."
Waki softly giggled. "Sa kusina? Dahil maraming pagkain? Are you no longer cognizant of your body?" He knows she's a body conscious back then.
"Hindi pagkain ang dahilan ko kung bakit sa lahat ay ang kusina ninyo ang pinakapaborito ko," Harika continues while taking a breath, "dahil naroroon madalas ang mga helper na nakakausap at nakakapalitan ko ng mga kuwento. I don't need much rest in a room where I sometimes feel so lonely. Mas ipagpapaliban ko na lang ang pahingang iyon sa paligid ng mga taong nalilibang ako sa iba't ibang kuwento at karanasang mayroon sila. Ngayon ko lang din nadiskubre na hindi pala lahat ng tao ay katulad ko... katulad kong masuwerte, pero ngayon ay nahihirapang hanapin ang sarili. Natutuwa nga ako at nag-stay ako rito sa mansyon ninyo, kasama kayo. Naging balakid lang ang pagkawala nitong mga paningin ko upang hayaang pigilan ang sarili kong maging masaya muli. I've recently come to the realization that happiness is all about making the most of what you have and not about going through all the madness I lately bound into." She then smiled tightly. "Now, with or without my sight, I must still go where I feel the most alive."
✦❘༻༺❘✦
Nagdaan ang weekend ay nauulinigan ni Harika ang kapansin-pansing ingay na nagmumula sa malaking backyard area ng mansyon nang magawi sila sa labas kasama ng isang helper na sinamahan siyang maglakad-lakad.
Nahinto siya at pinakikinggang mabuti ang tila pagtatama ng mga bakal na para bang may kinukumpuni.
"Ma'am Harika, pumasok na ho tayo para maiayos ko na ang pampaligo ninyo," anang helper na umaalalay sa kanya.
Mabuti para kay Harika ang maglakad-lakad tuwing umaga dahil hindi lang siya nalilibang, kung hindi ay nagiging aktibo rin ang kanyang katawan na galing sa mahabang pahinga nitong mga nakalipas na linggo. It's a nice day for her to go for a stroll under the sun. Maulap nitong mga nagdaang araw, tama lang ang paglabas niya nang umagang iyon.
Bago pa magtanghalian ay hindi pa rin niya nakakasalamuha si Waki. Alam niyang wala itong pasok sa trabaho dahil bilang niya ang mga araw, 'tapos ay wala rin si Melanie na nagpaalam sa kanya nang magising siya na magtutungo itong Bellmoral upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay. Tanging siya lang at ilang mga helper ang naiwan sa mansyon.
Nagbabad siya ng ilang minuto sa bathtub na may maligamgam at mabangong tubig. When she eventually closes her eyes, the first thought that enters to her mind was Waki's kiss. Ano ba'ng mayroon sa halik na iyon at kung bakit ay bigla-bigla na lang pinanghihimasukan ang isipan niya?
"Ma'am Harika, hinihintay ho kayo ni Sir Waki sa living room at mayroon ho siyang inihandang surpresa para sa inyo."
Nagmadali siya sa sinabi ng helper. Nagpatulong na siya rito para lang makapagbihis na siya agad. When her hair was completely dry, she headed outside the room with her stick.
"Careful... Harika."
Sinalubong siya ni Waki ng alalay nang muntik-muntikan na siyang matisod sa pagmamadali. Saka na sila iniwan ng helper.
"I thought you went out. Hinihintay kita kanina sa kusina, ang akala ko ay sabay-sabay tayong magbe-breakfast kasama si Tita Melanie."
"Pasensya ka na at hindi na ako nakasabay sa 'yo. May inasikaso lang ako sa backyard kanina."
"Sa backyard? I've heard some hammering noise there earlier. Was it you?"
Waki held Harika's hand tenderly as they sat on the couch. "Yes. It was me. I assembled something to surprise you. Mayamaya lang ay dadalhin kita roon."
She smiled and feel so excited. "Surpresa? Ano na namang 'yang surpresa mo?"
"Later you will see... ay oo nga pala hindi mo makikita. Basta dadalhin kita roon pagkatapos nating mananghalian."
Sabay silang nagtawanan sa hinest mistake na nasabi ni Waki.
Pagkatapos nilang mananghalian ay dinala na siya ni Waki mula sa malawak na backyard area ng mansyon. Patagong napapangiti si Harika habang naka-angkla ang kamay niya sa braso nito.
They walked for a few meters until they were in front of his surprise.
"I assembled a trampoline earlier just so you know," he remarked as he looked at her over his shoulder. "Naalala mong ibinigay mo sa akin ang netted trampoline na ito noon? I brought it here nang lumipat kami. Halika, tutulungan kitang sumampa..."
As Waki's lifted her up, Harika took a large step off the trampoline.
"Ibinigay ko sa 'yo ang trampoline noon dahil nakikita ko sa 'yo na gustung-gusto mo ito. If you only knew that day, when we jumped on our trampoline together, it was my first and last time ever. I was quite nervous about leaping on it, but as you held my hand and we both jumped at the same time, I knew I was no longer afraid. Doon ko rin na-realize na mas may isasaya pa pala ang isang bagay kapag may kasama ka. When I was younger, I've always wished I had a sibling since sharing things felt so lovely... ang kaso, 'yong taong itinuturing kong kapatid noon ay hindi pa namin makuhang magkasundo," kuwento ni Harika habang inaalala ang nakaraang mayroon siya. "When we were kids, Venus was always my big sister; it wasn't until Lolo Dad shown his affection for me more than her. Hindi niya magawang maintindihan ang mga bagay na mas kailangan ko ng pagmamahal ng magulang na ibinibigay ni Lolo Dad sa akin kumpara sa kanya. She has aunt Lymareva and his dad who died years ago. Pero habang lumalaki kami, the maturity Lolo Dad instilled in me was something I apply to every situation.... until I lost my vision and everything in my life got more difficult even that maturity can't subside my frustrations and anguish."
Tumabi si Waki sa kanya nang makaupo sila at bahagyang umalog ang gitnang bahagi ng trampoline.
"I've always been Lolo Dad's little princess. I've always imagined that life would be simple and that I'd have all I desired. People have shown me so much support and admiration because I am a Levantine and others called me privileged because they're envy that they are not. I was reared in a nice, supportive grandfather and affluent environment... that became enough for me to not tolerate people who doesn't like me."
Nakikinig lang si Waki sa kanya hanggang sa nahiga na silang dalawa. Mahangin noong tanghaling iyon, litaw ang sinag ng araw sa kanila ngunit hindi kainitan ang sikat nito.
"Masuwerte pa rin ako dahil hindi ko man kasundo ang mag-inang Sullivan, ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal at suporta ng mag-iinang Ishida. Especially to you, Waki, you've always been there for me even during the time when I hated you the most..."
Harika had to laugh about it now, but Waki's so serious that he hated himself for keeping it to her that he was only framed. Kaya ganoon na lang nito pinigilan ang sariling pormal na ligawan si Harika noon, dahil sa ginawa nitong tiyak na ikamumuhi niya.
Habang nakahiga silang dalawa sa trampoline, nakaharap sila sa maliwanag na langit. Harika's eyes weren't dazzled by the sun, while Waki was hesitant to stare into the glare. Kaya naman ay kay Harika na lamang ito tumititig. He spreads his arms to be her pillow while taking the time they had.
Sa mga alaalang napag-uusapan nila, maingat pa rin si Waki na hindi mabanggit ang tungkol sa bagay na iyon. Hanggang sa nakaidlip na silang magkatabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top