20: Just Like A Dream

Kinumusta ni Jed si Harika matapos nitong makipag-usap sa mga bisitang nasa loob ng mansion. Binati siya nito, pinalakas ang loob at inabot ng halos isang oras ang kanilang huntahan upang alalahanin ang masasayang alaalang mayroon sila noon. Jed used to go to Harika and Waki's school to support the various school organizations they were involved in back then. Mas natutulungan lang nito si Harika sa ilang mga bagay dahil pareho silang miyembro ng school broadcasting noon kumpara kay Waki na nasa publication. Marami itong naibigay na advices at tips upang mapagsabay ang pag-aaral at ang responsibilidad bilang miyembro ng school broadcasting. Ang nagustuhan pa ni Harika sa ugaling mayroon ang kuya ni Waki ay iyong mabusisi ito sa mga bagay-bagay at metikuloso pagdating sa maliliit na detalye. Mas madalas din niyang makita ito sa study room ng kanilang mansyon kasama ang kanyang Lolo Dad kung saan ay naging tutor nito ang matanda sa ilang law and political subjects na mayroon ito sa kursong kinukuha nito noon. Kumpara kay Waki na kasing edad niya, mas naging close siya kay Jed at itinuring na rin niya itong kuya o nakatatandang kapatid. Ito rin siguro ang naging dahilan upang pagtakpan niya ang pakiramdam ng kakulangan at pagiging only child sa pamilya, dahil ang lahat ng tungkol sa kanyang ama at ina ay nalaman at nakilala na lang niya base sa mga kuwento ng congressman sa kanya habang lumalaki. At ang mga bagay na mayroon na lamang siya ay ang mga litrato at naiwang damit ng kanyang ina, and for her father, she has zero knowledge about him. Kaya noong araw na makagaanan niya ng loob si Jed Ishida, naituon na niya rito ang mga bagay na gusto niya para sa isang kapatid.

Hindi rin nawala sa kanilang pag-uusap ang tungkol sa kalagayan ng mga paningin niya. When she was answering him about the development of her vision, she kept her tight smile on. Ayaw ipakita ni Harika na halos mawalan na siya ng pag-asa noon dahil sa kanyang mga matang walang kasiguruhan kung makakakita pa. Dr. Yetter said that she will regain her vision sooner, but when will that be?

Nang maramdaman niya ang mainit na gagap ng kamay ni Jed ay saka siya nito pinangakuang tutulungan siya nito sa insidenteng nangyari noong Retirement Party. Jed is a junior investigator based in Fawnbrook who could help her in determining who was truly responsible prior to the incident. Sa kadahilanang hindi pa nito magawang matulungan at mahawakan ang kaso ni Harika marahil ay nakabinbin na rin ang kasong kabilang siya na hawak na ng iba... na magpahanggang-ngayon ay wala pa rin siyang balita o update man lang sa development ng insidenteng nangyari sa kanya halos buwan na ang nakalilipas.

"Ano na ang mga plano mo pag-alis mo dito sa mansyon?" tanong ni Jed nang mabanggit ni Harika ang planong paglisan niya sa pagdating ng linggong iyon.

"Babalik ako sa unit na tinutuluyan ko, kuya Jed. I don't know, I just wanna live on my own and not depend myself to anyone," tanging tugon niya.

Pinagmasdan siya ni Jed na halatang hindi kumbinsido sa naging sagot niya. "Wala kang kongkretong plano pag-alis mo rito at gusto mong mamuhay mag-isa... tama ba ang narinig ko?"

Harika bowed at him.

"How can you even do that? Harika, hindi ko pinanghihimasukan ang gusto mong mangyari, pero sa tingin ko hindi makabubuti sa 'yo ang pinaplano mo. Pag-alis mo rito at nakabalik ka na sa unit mo... ano na ang gagawin mo?" Natigilan siya sa mga sinabi nito. "Look, kung iniisip mong nagiging pabigat at naaabala mo na ang mga tao rito, naiintindihan kita... but right now you have to be practical and I have to be skeptical with your decisions. Matanda ka na at may isip, alam ko, pero hindi kumpleto ang five senses mo para mabuhay mag-isa at hindi dumipende sa ibang tao. I know it's difficult for you to think the life of people when you're with them, pero sa sitwasyon mo ngayon, kailangan mo talaga ng mga taong gagabay sa 'yo hanggang sa manumbalik na ang mga paningin mo. Hindi sa 'di ako sumasang-ayon sa kagustuhan mong mangyari, pero ang kaligtasan mo lang ang inaalala ko..."

Natahimik si Harika sa mga narinig niya mula kay Jed. Naiintindihan nito ang mga bagay na tumatakbo sa isipan niya, ngunit sa kabilang-banda ay may punto rin ang mga sinabi nito sa kanya. Tama ito, kanino ba siya didipende kung mag-isa na lang siya habang walang nakikita. Kanino siya tutungo at hihingi ng gabay? Sa mag-inang Sullivan? Now, she's having an internal conflict. She has reasons, but Jed has a point as well. Naguluhan siya bigla, kung bakit ay hindi niya alam.

"Pag-isipan mong mabuti ang desisyong gagawin mo, Harika. Anu't ano pa man 'yan, kung sa tingin mo ay iyan ang makabubuti sa 'yo at sa buhay na gusto mo... sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang masusunod."

Sumapit ang gabi ay maagang nagpahinga si Harika matapos siyang asikasuhin ng isa sa mga helper upang makaligo at mapreskuhan. Matapos din ang pag-uusap nila ni Jed, may mga bagay siyang napagtanto kung naging padalos-dalos ba siya sa kanyang mga nagiging desisyon. Hindi naman siya pinaaalis sa mansyon, wala namang nagrereklamo nang dahil sa kanya at kung bakit ganoon na lang siyang nagmamadaling lisanin ang puder ng mga Ishida.

Ang gabing ding iyon ay hindi niya aakalaing hindi siya makakatulog nang maayos. She is still awake while she considers what her aunt said about a trap she doesn't want to fall into. Melanie is unrelated to everything, she knows, especially about imploring her life to something benefiting her. Sa katunayan, tinutulungan pa nga siya nito sa mga pinagdaraanan niya. Yet the thought still left her wondering. Kaya kung mayroon mang isang taong hindi niya kailanman na pagkakatiwalaan ay ang tiyahin niyang halos wala nang pakialam sa kanya simula nang mawala ang congressman.

Sa paglipas pa ng mga oras noong hating-gabing iyon, kahit man ipikit niya ang kanyang mga mata, tila ba nagpapanggap lang siyang tulog kahit pa gising na gising ang kanyang diwa. Dahil sa mga sandaling bukas na bukas ang isipan niya sa mga bagay-bagay, hindi na rin nakalampas na sumagi ang partikular na taong hindi niya inaasahang magiging dahilan din upang hindi siya dapuan ng antok. Si Simon, ang lalaking nagtatalo kung napamilyar na ba siya rito noon o nabalingan niya lang ito sa taong inaasahan niya noong mga oras na iyon? At para sa kanya, hindi ito naging tunog misteryoso, magaan ang pakikitungo nito upang pag-isipan pa ito nang kung anu-ano sa una nilang pagkikita.

She felt like she was reuniting with an old friend, and she couldn't think of anything negative about him.

✦❘༻༺❘✦

Kinabukasan ay hindi na nakapagpaalam si Jed kay Harika na maagang umalis at bumalik sa probinsya ng Fawnbrook. Plano nitong magtagal pa sa mansion ng isa o dalawang araw, ngunit may importante itong aasikasuhin at iyon ay ang prayoridad nito.

Isang normal na araw ulit para kay Harika ang sumapit sa mansion ng mga Ishida. Tulad lang ng dati, aasikasuhin siya at maglalakad-lakad sa garden o makikipagkuwentuhan kay Melanie sa mga bagay na puwede nilang pagkaabalahan at pag-usapan. Noong sandaling kausap niya ito mula sa living area ng mansion, humimas sa isipan niya ang sinabi ng kanyang tiyahin. Melanie, however, remained the same to her, and Harika has no cause to view her in such a negative light. Baka ay nasabi lang iyon nito upang pag-isipan niya ng masama si Melanie dahil alam ng tiyahin niya na mas malapit ito kumpara dito.

"Tama, magaganda nga ang mga resort dito sa Windercoln, Ma'am Harika, pero kung ako ang mabibigyan ng pagkakataong magbakasyon, mas pipiliin ko ang simpleng bakasyon sa probinsya kasama ang pamilya ko..."

Napapangiti siya sa mga kuwento ng mga helper na kasama niya sa kusina noong tanghaling iyon matapos silang kumain. Madalas nang may kausap si Melanie sa telepono, kung hindi si Jed ay siguro ang mga kakilala nito mula sa Bellmoral.

"Kayo Ma'am Harika, saan ninyo gustong magbakasyon kapag bumalik na ang paningin n'yo?"

Napahalumbaba siya sa itinanong ng isa sa mga helper na nilingon siya.

"Lolo Dad, napakaganda po ng lugar na ito para pagbakasyunan..."

"Nagustuhan mo ba ang buong lugar? Hindi lang ang hacienda na ito ang ipakikita ko sa 'yo. There are numerous properties that you have yet to see. Last month, I purchased a beach house and we own a manor house as well. We haven't visited the expensive vacation home I gifted your mother when she was still alive. Ilan lang sa mga nabanggit ko ang ating pagmamay-ari at kalaunan ang lahat ng mga iyon ay magiging pag-aari mo na lang kapag nawala na ako."

"Lolo Dad, lahat ng iyon ay ibibigay n'yo lang sa akin? How about Venus? Kapag nalaman niya ang tungkol sa mga bagay na ito, tiyak magagalit iyon, lalo na si Aunt Lymareva..."

"Don't be concerned, Harika. I've set aside enough properties for them. Ang isipin mo ngayon ay ang sarili mo, dahil ikaw ang kasama ko at palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kaya ko ilalaan ang lahat ng ito sa 'yo, lalo na kapag dumating ang araw na nawala na ako."

"Nawala? Where are you going Lolo Dad? Iiwanan mo ba ako?"

"Just incase anything happens... I love you. At alam mo na kung ano ang mga dapat mong marinig mula sa akin."

Naalala bigla ni Harika ang mga nabanggit sa kanya ng yumaong congressman. Medyo nalungkot siya dahil bata pa lamang siya ay pinupunan na nito ang mga bagay na pagmamay-ari niya at dapat ay sa kanya lamang. When she reached seventeen, he also informed her all of the possible inheritable set of businesses she might get in line with her name. Hindi lang natatapos sa mga pag-aaring ito ang mapupunta sa kanya, pati na ang mga negosyo, pera sa bangko, mga hotel at condominium at mga makinarya nito. Kahit hindi man naging congressman ang kanyang Lolo Dad, likas pa rin sa yaman ang pamilyang Levantine na kinabibilangan niya.

Sumapit ang dapit-hapon nang magdesisyon nang bumalik si Harika sa guest room upang magpahinga matapos makinig ng mga tugtugin sa walkman. It's her late-afternoon ritual at Ishida's; listening to the classic music she used to enjoy at the open-wide balcony they had. Kung nadala lang sana niya ang vinyl player niya, tiyak ay magdamag siyang makikinig sa kuwarto hanggang siya'y makatulog.

Waki observed Harika cautiously making her way back to the guest room while pointing her stick at the ground. Kauuwi-uwi lang nito galing sa business meeting. May ibinili itong bagay para kay Harika. Hinayaan na muna nito na makapasok siya bago sundan at surpresahin.

"Matutulog ka na ba?" tanong ni Waki nang makapasok at madatnan nito si Harika na nakaupo sa kama habang inaayos ang mga unan.

"Waki... nakauwi ka na? 'Di ba mayamaya pa ang dating mo?"

"I left early after the meeting, 'tapos naalala kita kaya bumili ako ng wine," he said holding the bottle. "Gusto mo bang uminom?"

When Harika heard about the wine, she exhaled a quiet giggle. The instant Waki told her about it, she was genuinely thirsty for a drink.

He walked to her. "Naalala mo noon na nagpuslit tayo ng alak sa wine cellar ng mansyon ninyo?"

Napangisi siya rito. "Y-yeah... I still remember. 'Tapos umakyat pa nga tayo sa roof deck ng mansion para doon magtago at uminom. Mabuti na lang at nahila mo agad ako bago pa tayo mahuli ni Nanny Alice."

Waki looked at her. "Naaalala mo pa pala, ang akala ko nakalimutan mo na."

"Paanong hindi ko maaalala, sa ating dalawa ikaw ang unang nalasing noong gabing 'yon. Ako pa ang umalalay sa 'yo palabas ng mansyon. Tumawag pa ako ng taxi na maghahatid sa 'yo pauwi," kuwento niya rito.

Natatawa si Waki sa sarili nito. Parang ito yata ang wala nang maalala noong gabing iyon sa sobrang kalasingan. Napakamot tuloy ito ng ulo.

"Hindi ako nalasing, ah," kaila nito na dahilan upang magtawanan silang dalawa. "Since I bought one, we are now able to drink without having to smuggle it out," he laughed about it.

Lumapit si Waki kay Harika saka iniabot dito ang wine glass at sinalinan siya nito ng kaunti.

"Ano'ng naisipan mo at gusto mong uminom ngayon?" she asked. "May dapat ba tayong i-celebrate?" Nakatingin lang si Harika sa isang banda.

Naupo si Waki sa kama katabi niya. "Wala naman. Nauuhaw lang ako."

"Grabe ka naman pala mauhaw, wine pa ang gusto." Bumungisngis si Harika. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, ang lame pa rin ng mga reason mo."

Hindi sumang-ayon si Waki sa sinabi niya kaya napakunot ito ng noo. "Ayan ka na naman, pinupuntirya mo na naman ang mga dahilan ko," natatawa nitong tugon.

Ilang linggo nang naninirahan si Harika sa puder ng mga Ishida, at sa dinami-rami ng panahon na magkasama silang dalawa ni Waki ay hindi pa rin nauubos ang mga bagay na maaari nilang pag-usapan. The topic of their lovely childhood recollections come up in all of their chats. Na kahit madalas silang mag-away at magkagalit noon, doon at doon pa rin babagsak ang mga alaalang maari nilang balikan.

Hanggang sa nakalahati na nila ang bote ng wine at pumapasok na sa kanilang mga sistema ang alak ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang kuwentuhan na humaba na nang humaba.

"Noong highschool tayo, ano 'yong mga bagay na tumatak sa 'yo?" pagbabalik-tanaw ni Harika.

"Hmm..." Waki breathe as he thinks, "maybe our prom night."

"Bakit naman 'yong prom night natin? Hindi ba memorable sa 'yo iyong 3-day fieldtrip natin sa strawberry farm at sunflower field? 'Tapos nag-coast camping pa tayo, naalala mo?"

Sumimsim si Waki ng wine bago muling sumagot, "Pinakatumatak talaga sa'kin 'yong prom night natin. Remember when I asked you to be my prom date? Everyone was taken aback when you chose me over Slayter."

Natahimik si Harika sa mga alaalang binanggit nito. She gulped by the thought.

"Everybody was rooting for you and me... for us, pero mas pinili mo pa ring sumama at makipagrelasyon sa gagong 'yon!"

After that, as they drank to an old quarrel and misunderstandings, their tension increased.

"Bakit naman napunta ang usapan natin kay Slayter?" Harika asked him as her body became stiff and awkward around him.

"Dahil bulag ka noon na makita ang tunay na pagkatao at ugaling mayroon siya. I told you everything about him; he's nothing but trouble, but still you didn't listen to me because you wanted me to feel jealous..." Waki snarled with gritted teeth.

"Waki, lasing ka na."

Napapikit ito at sinubukang ikalma ang sarili. "I'm so sorry. I have no intention of going that far..." he then slid out the bed and stood up holding the bottle. "Magpahinga ka na. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. Siguro nga lasing na ko," he slurred not facing her.

Harika wandered her hand and lookfor Waki. Nang makapa niya ang kamay sa gilid nito, saka niya mariing hinawakan iyon. "You're right. I admit it." She exhaled. "Gusto kitang magselos noon kaya ako madalas sumama kay Slayter," amin niya.

Dahan-dahang lumingon si Waki kay Harika. Pinagmasdan nito ang expressionless niyang mukha at base sa conviction sa sinabi, Harika genuinely admitted it.

Muling umupo si Waki sa tabi niya habang ang emosyon nito ay kumakalma, kabaligtaran naman kung paano nagwawala ang puso nito sa pag-amin niya.

"Dahil ba kay Stella kaya mo pinipilit na sumama sa lalaking 'yon?" mahinahon nitong tanong.

Harika slowly bowed and agreed to him.

"You know there's nothing going on between us. Palagi kong sinasabi sa 'yo noon na hindi ko siya gusto, 'di ba?" paglilinaw ni Waki.

Natatawa na lang si Harika kung paano napunta ang usapan nila sa mga alaalang iyon. High school pa lamang sila noon kaya'y hindi pa ganoon kaseryoso ang mga puso't isipan nila pagdating sa tunay nitong nararamdaman. They simply know how to love without considering the possibilities.

"Kung hindi siya ang gusto mo noon, sino pala?" Harika is puzzled as to why she would ask him a question like that. Lasing na rin ba siya—

Waki responded by giving her a kiss on the lips while closing his eyes completely. He tasted her luscious lips and didn't expect Harika would kiss him back as he laid her down the bed.

Para naman kay Harika, hindi na siya gaanong nabigla sa halik na iyon. His kiss was somewhat expected, but one after a long anticipation. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang halik nito, na napagsaluhan na nila noong prom night nila. Perhaps it was Waki's unforgettable school experience since Harika played a significant role in it by being the big part of his first kiss.

Waki only wanted a perfect smack dab kiss, yet it develop to a crescendo... and everything in between them now feels just like a dream.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top