19: The Bright Side

Sa byahe pa lang pauwi, mababanaag na sa mukha ni Harika na wala siyang ganang makipag-usap kahit pa panay ang tanong ni Waki kung maayos lang siya at palinga-linga sa kanya na nag-aalala. Gusto man niyang maidlip ngunit ay mailap siyang dalawin ng antok. She felt a sudden shift in her mood when she told him she was leaving the Ishida's mansion soon, even if meeting Roman again at the lighting store he owns—with his daughter—and bring back memories wouldn't make her happy. She just felt the day is done.

Nang makabalik sila ng mansion ay halos gusto na lang niyang ihiga ang nararamdamang pagod. She's physically fine yet her mind was exhausted already which affects her wholeness. Hindi niya mawari kung saan niya huhugutin ang sigla dahil mayroon pang gugunitaing anibersaryo ng kamatayan ng ama ni Waki, 'tapos ay halos gusto na lang niyang itulog at ipahinga ang nalalabing oras ng araw na iyon.

Idiniretso siya ni Waki sa guest room kung saan mismo ang kuwartong tinutuluyan niya. Inalok din siya nito na magsabay na silang kumain, ngunit tinaggihan niya lamang ito. Ihiniga na lang ni Harika ang napagod na sarili. Mabilis na bumagsak ang kanyang lakas para sa araw na iyon at hindi niya alam kung bakit din siya nagkaganoon bigla. What was it all about? Dahil ba nalulungkot siyang nabanggit na niya rito na aalis na siya ng mansyon o dahil sa paulit-ulit na tawag na natatanggap ni Waki sa telepono nito na ikinaila pa nito sa kanya? Kung alin man doon, hindi niya alam.

Nakinig muna siya ng tugtugin sa walkman at pinanatag ang sarili sa malambot na kama hanggang sa nakaidlip. Nang muli siyang nagising ay narinig niya ang boses ni Waki.

"Nagising ba kita?" tanong nito sa malambot na boses. Nakaupo ito sa silya katabi ng kama habang pinagmamasdan siya.

She pushed herself up and sat, her back against the headrest. "Hindi naman." Agad siyang umiling bilang tugon dito.

"Kung inaantok ka pa, ituloy mo na lang muna ang pahinga mo. If you're not feeling talking or attending dad's commemoration, feel free to stay here. Padadalhan na lang kita ng pagkain sa mga helper, at kung may kailangan ka pa... nasa labas lang ako."

"Hindi mo na kailangang alalahanin ako, Waki. Maraming salamat sa concern mo, but I believe you ought to be outside entertaining the visitors. Mas kailangan ka roon kumpara dito sa tabi ko na palagi ka na lang inaabala."

She heard his muffled sigh. "Kung ikaw lang din naman, handa akong magpaabala," anito na nakangiti. "This is the least I can do to help you. Sana naman hayaan mo akong tulungan at pagmalasakitan ka. Hindi ko ginagawa ito dahil sa kawalan mo ng paningin o kinaaawaan kita... naririto ako para sa 'yo dahil gusto kong ipakita at iparamdam sa iyo na mahalaga ka," he added, "focus on the bright side, even if you don't see its light."

Waki refers to areas of positivity when he said about the bright side. When she was feeling low, his encouraging words could change her mood and cheer her up. Tulad noong mga oras na iyon, napakalaking tulong na iyon para kay Harika. Walang ibang ibig sabihin ang concern at pagmamalasakit na ipinakikita nito sa kanya, dahil noon pa man, ganito na ito kung ituring siya.

"Mayamaya lang ay dadating na si Kuya Jed, kung ayaw mong lumabas dito sa guest room, sasabihan ko siyang puntahan at kumustahin ka rito."

Mas lalong natuwa si Harika nang marinig niya ang pagdating ng kapatid ni Waki. She hasn't seen Jed in quite some time. Madalas niya rin itong makausap noon, kaya'y hindi na rin ito iba para sa kanya. He's similar to Waki, but more mature with his emphatic demeanor.

Nang sumapit na ang hapon ay halos mapuno nang mga kotse na nakaparada sa parking space malapit sa mansion ng mga Ishida. Ang mga pangunahing bisita ay nagdatingan na upang gunitain ang anibersaryo ng kamatayan ni Joseph Ishida. Harika was unable to distinguish between people, kung magpapakilala ang mga ito sa kanya tiyak ay maaalala niya kung sinu-sino ang mga ito. It would be much easier for her if Waki could also assist her in recognizing each guest.

When the evening arrived, Harika dressed appropriately for the occasion. She dresses in a classic silhouette and dark colors, with light make-up applied to her face. At kung makikita niya lang sana si Waki, mas lalo niyang maa-appreciate ang kakisigan nito. He's well-groomed, which makes him appear neat and appealing, and he's dressed in an alternative dark navy suit and tie. Kung saka-sakaling mapagmamasdan niya ito, baka magsimula na namang malito ang puso niya.

Nagpakilala ang ilang pangunahing panauhin kay Harika, nag-abot ito ng pag-alala sa yumaong haligi ng mga Ishida at pakikiramay na rin sa yumaong congressman. Ang ilang bisitang hindi siya napansin noong gabing iyon, si Waki na ang gumawa nang paraan upang magtagpu-tagpo si Harika at ang mga pamilyang dumalo. Gabaldon at Cañete lang ang mga panauhing nakilala niya marahil ang mga ito ay madalas niya ring marinig at makasama sa mga naglalakihang okasyon na napupuntahan niya kasama ang kanyang Lolo Dad. Ang ilan sa mga ipinakilala ni Waki sa kanya ay halos ngayon na lang din niya nakilala. Some of these guests recognized Harika not as herself, but as the congressman's granddaughter, who also goes by the name Levantine. Kung wala sa dalawa ang rason kung bakit siya nakikilala ng mga ito, tiyak ay hindi ganoon kalawak ang magiging ingay ng pangalan niya. Alam naman niya sa kanyang sarili ang bagay na iyon. She's a Levantine-born person, and as a result, she rose to renown.

"Harika, gusto mo ba ng maiinom?"

Tumango siya nang maramdaman niya ang mainit na paghinga ni Waki malapit sa ilalim ng kanyang leeg nang alukin siya nito malapit sa kanyang tainga. Marahil ay kaya nang tapalan ng ingay ng mga dumalo ang pag-uusap nila. Hindi man niya makita ang buong paligid na kinabibilangan niya, alam niya sa kanyang sarili na marami nang bisita ang naroroon base sa naririnig ng kanyang dalawang tainga.

Harika stiffened as she held her blind stick and sat next to the long table by the pool. Her lack of preparation for the event is apparent; all she knew was that she would be okay, but not until the noises made by the guests around her would make her uncomfortable.

Limang minuto na ang nakalipas nang iwanan siya ni Waki upang ikuha nang maiinom. Mas lalong nag-iba ang kanyang timpla nang marinig niya ang boses ng kanyang tiyahin kasama pa nito ang pinsan niyang si Venus. Isa pa ito na hindi niya napaghandaan, ang pagdating ng mag-inang Sullivan. She was aware that since they shared the same environment and space commonalities, she could not escape these individuals. All she wished for was for fate to spare her from them for a while. Ngunit hindi magiging madali ang hiling na iyon.

"Oh, Harika, you're still here at the Ishidas..."

Hindi niya gusto kung bakit naging pamilyar siya sa boses na iyon. Medyo naiinis siya sa tabas ng tono at kung paano pa nito sinabi ang mga salitang iyon.

"Nalulungkot ka bang mag-isa kaya nakuha mong magtagal kasama nila? How about this evening? Hindi ka ba sanay na maraming tao sa paligid mo pero hindi mo naman sila nakikita?" Lymareva continues to teased her.

Harika's jaw clenched while looking straight in one direction feeling pissed already. 'Tapos ay naririnig niya pa ang pagngisi ni Venus sa tabi nito.

"Anyway, bago pa humaba ang usapang ito ay hindi na kita kukumustahin o tatanungin ang kalagayan ng mga paningin mo, masyado pang mahaba ang gabi para pasaringan mo ako ng kung anu-ano. I simply wanted to let you know that everything was in my hands and under control. Kung iniisip mo ang yumaong congressman, nasa mansyon ang banga kung saan nakalagak ang kanyang abo at kung gusto mo siyang bisitahin, walang problema."

Nakatayo ang mag-inang Sullivan sa kanyang harapan na hindi niya alam na minamata na siya ng mga ito sa gitna ng maingay na paligid. Walang gaanong nakapapansin sa kanila marahil ay abala ang mga tao at nasa entablado na naliligiran ng makakapal na mga bulaklak sa harapan ang atensyon ng ilan para sa pag-alala kay Joseph Ishida.

Malalalim ang mga paghinga ni Harika. Noon pa man, alam niyang tuso ang tiyahin na mayroon siya. What Lymareva sees was what she gets, pero kung alam niyang nasa baluktot itong direksyon, gagawin niya ang lahat upang maituwid ang mga bagay na alam niyang tama.

Bago pa tuluyan siyang iwan ng mag-ina ay muling nagsalita si Lymareva, "And by the way, has Melanie told you about something you don't wanna know?" Pinagmamasdan siya nito. "Mukhang wala pa siyang nababanggit sa 'yo, ah." Ilang sandali pa ay lumapit ito sa kanya. "Kung ako sa 'yo, aalamin ko na kung ano ang dapat kong malaman sa kanya. Do it sooner... or cry about it later." She pursed her lips to tease Harika even more.

Hot tears formed in her eyes. Nagpipigil siya ng galit. Gusto niyang sagutin ito. Gusto niyang sumigaw sa mukha nito, ngunit hindi iyon ang tamang oras at okasyon upang mag-eskandalo. She's really not prepared for this. Kung alam lang sana niya, dapat ay nagpahinga na lang siya sa kuwartong halos ayaw niya nang lisanin kanina. Ngayong narinig na naman niya ang boses ng kanyang tiyahin at nakakalap pa ang kanyang mga tainga ng impormasyon... tiyak ay hindi siya patutulugin sa pag-iisip tungkol doon.

"Mom... hindi pa ba niya alam?"

Lymareva shushed her daughter and shook her head. "Go walk. May pag-uusapan pa tayo kasama ang mga Montecillo..."

Sa sobrang pagkainis ay sinubukan ni Harika na tumayo at lisanin ang pool side kung saan ginugunita ang anibersaryo ng kamatayan ng yumaong si Joseph Ishida. Wala siyang pakialam sa mga bagay o panauhing nakababangga niya. And before she lost out of control, all she wanted to do was get out of there.

Sa pagmamadali ay muntik na siyang mahulog sa pool at gumawa pa ng eksena. Mabuti na lang ay may braso na sumalo at umagapay sa kanya. Her nose quickly picks up the recognizable natural suit aroma. Matangkad ang taong ito, matikas at isa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan upang makilala ito, walang iba kung hindi ang misteryosong lalaking nakamaskara ng lobo. Totoo nga kayang ito ang lalaking nakaagapay sa kanya o hinahanap-hanap niya lang ito dahil sa sitwasyon niya ngayon?

"Everything's alright?" tanong nito sa mababang boses.

Harika immediately placed her fingertips on the man's face to examine it. Gusto niyang malaman kung totoo ang hinala niyang ito ang lalaking may maskara ng lobo, ngunit nang dumapo ang kanya mga daliri... wala itong suot na maskara. Kinakausap din siya nito. She never engaged in discussion with the man in a wolf mask, ever. At kung paano dinama ng kanyang mga daliri ang bawat hugis at parte ng mukha nito, tila iba iyon 'yong araw na dumampi ang mga daliri niya sa misteryosong taong iyon noon. He has a half-shaven beard and was essentially a different man, yet he strikes a youthful tone and adopts a young stance.

"I feel a little uncomfortable..." she replied hanging half of her weight on him.

Iginiya siya nito at inilayo sa pool side saka pinaupo sa vacant seat malapit sa kanila. "Is there anything I could help you?"

She immediately wiped a tear before it falls on the brink of her eyes. Umiling si Harika. "Okay lang ako. Hindi na lang siguro ako sanay sa okasyong tulad nito, na maraming taong nakapaligid at tinitingnan ako samantalang sila ay hindi ko makita."

Nang balikan ni Waki si Harika ay nakita nito na may kasama na siyang ibang lalaki. Tinabihan na ng lalaking ito si Harika habang nag-uusap ang dalawa. In his eyes, he never had seen this guy before. Sa lahat ng bisitang kinamayan nito kanina habang tumatanggap ng pag-alala para sa yumao nitong ama, itong lalaking katabi ni Harika ang bukod tanging hindi nito mamukhaan. Hindi naman ito magpupunta upang dumalo kung hindi kilala ng pamilya nila. He might be a friend or a coworker of his brother Jed, or he might be his mother's acquaintance, but he wasn't one of his.

After a small talk they had, this guy introduced himself to Harika.

"I'm Simon... Simon Sebastian."

Napakunot ng noo si Harika nang marinig niya ang buong pangalan nito. "Sebastian? I haven't heard your family name. Taga-Windercoln ka ba?"

"I'm primarily from the small town of Old Lucia in the Chrisford province. I just recently relocated here. Para mas malaman mo kung bakit naririto ako ngayon sa death anniversary ni Mr. Ishida, kasama ko ang mga Cañete na kilala rito sa Windercoln bilang exporter ng langis, malapit ko silang kamag-anak. Mrs. Aileen Cañete invited me to go with them so I could wind down and see the city. Pasensya ka na kung hindi pamilyar ang pangalan ko sa 'yo."

Natutuwa si Harika dahil sa kagaanan ng pakikisalamuha ng lalaking ito sa kanya. He's like an old friend to her. Nagsasabi nga ito ng totoo na nanggaling ito sa maliit na bayan sa Chrisford, dahil nang magpakilala siya bilang isang Levantine, hindi siya nito makilala. They both met like strangers.

"Harika, nariyan na si Kuya Jed. Hinihintay ka niya sa loob habang kasama ang ibang bisita. Halika, ihahatid na kita sa kanya." Sumingit si Waki sa pagitan ng dalawa.

Agad na nagpaalam si Harika kay Simon habang hindi man lang binigyan ni Waki ng ngiti o tingin ang lalaking ito at inalalayan na si Harika papasok ng mansyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top