18: Glowing Incandescent
Walang ideya si Harika na mananatili siya sa mansyon ng mga Ishida hanggang sa dumating ang araw ng death anniversary ng ama ni Waki na si Joseph Ishida—na malapit na kaibigan ng kanyang Lolo Dad.
Nagising siya, lumabas ng guest room at naririnig niyang abala ang mga tao sa buong mansyon na tila ba may malaking selebrasyon ang mangyayari upang gunitain ang araw na iyon. Nalaman na lang niya ang okasyon nang sabihin ng isa sa mga helper ang tungkol sa paghahandang ginagawa ng mga ito.
Waki and Melanie were busy. Harika also heard that Waki's brother Jed was traveling from Fawnbrook to their home to commemorate their father's anniversary of death. Naghahanda ang mga ito at natitiyak niyang maraming magiging bisita siyang makakasalamuha mayamaya lamang. She wasn't expecting such a hectic day. Buong akala ni Harika ay panibago at normal na araw lang iyon para sa kanya.
"You're awake... tamang-tama at aalis ako upang mag-grocery to buy some stuff. Gusto mo bang sumama?" Lumapit sa kanya si Waki at marahang ginagap ang kamay niya. Hindi niya maiwasang mapangiti nang salubungin nito.
She softly laugh. "Mahihirapan kang makapamili kung isasama mo pa ako. Imbes na naka-focus ka lang sa listahan ng mga bibilhin mo, tiyak na aalalahanin at babatayan mo pa ako. It would be best if you go alone. Okay lang ako rito," tanggi niya.
"Palagi mo na lang iniisip na mahihirapan ang isang tao kapag kasama ka. It's not what you think or doubt. Isasama kita dahil gusto ko, hindi dahil gusto kong mahirapan kasama ka," paliwanag nito sa kanya dahil nag-iisip na naman siya ng kung anu-ano. "Eat your breakfast first. Sasabihan ko ang isa sa mga helper na asikasuhin ka, ayusan ka at mamili ng dress na isusuot mo. Hihintayin kita sa front lawn at ire-ready ko na ang kotse."
Humigpit ang kapit ni Harika sa kamay nito saka tipid na ngumiti. "Okay. I'm going with you," aniya na tila excited.
Gaya ng sinabi ni Waki ay nag-almusal na muna siya. Kasabay sana niyang kumain si Melanie ngunit may tumawag sa telepono nito na kailangang sagutin, kaya naman ay mag-isa na lang siyang kumain.
Pagkatapos ay nagtungo siyang muli sa guest room, naligo at nag-ayos kasama ang isang helper na aasikaso sa kanya.
"Ma'am Harika, gusto n'yo bang mababang pusod ang gawin ko sa buhok ninyo?" anang matandang helper na sinusuklay ang tuwid na tuwid niyang buhok. Nakasuot na siya ng puting bestida na pinili niya nang papiliin siya nito.
"Sige po, manang."
Nakaharap siya sa malaking salamin na may mga ilaw at nakasalansan ang mga make up sa vanity table sa harapan niya. Sinusubukan siyang pagandahin ng helper na kasama niya. Ang kagandahan pa kay Harika kapag inaayusan, hindi na niya kailangan ng makapal na make up o matingkad na lipstick sa mga labi, primer lang at setting powder ay babagay na sa natural na ganda nito, saka kaunting tint sa labi upang mas maging kagiliw-giliw ang kanyang hitsura.
Sa tapat ng salamin ay sinubukan niyang ipagpalagay sa kanyang isip na presentable na siyang tingnan kahit pa hindi siya sigurado roon. Tiwala naman siya sa helper na nag-asikaso sa kanya na napaganda siya nito bago sila tuluyang umalis ni Waki patungong grocery store.
Iginiya ng matandang helper ang kamay nito at ipinasa siya patungo sa bisig ni Waki nang makalabas sila nang mansyon at maglakad sa front lawn kung saan ito naghihintay. Waki was pleased that despite her simplicity, Harika had such a sophisticated appearance. His gaze and smile gave her a non-verbal compliment about how lovely she was.
Inalalayan nito ang ulo niya nang makapasok sa passenger's seat matapos pagbuksan ng pinto ng kotse. Nang huli ay nagpasalamat ito sa matandang helper bago pinaandar ang kotse.
"I apologize for keeping you waiting. It would be simple for me to move quickly if I could only see my surroundings."
"Sinabi ko kanina sa iyo na hihintayin kita sa front lawn ng mansyon. So, don't mind about it." Nakatingin lang si Harika sa isang banda habang paulit-ulit ang pagsulyap sa kanya ni Waki. "May gusto ka bang bilhin o daanan pagkatapos nating mamili sa grocery store?"
"I'd love to visit my favorite lighting store. Ang kaso, baka kailanganin ka na sa mansyon at gugunitain pa ang death anniversary ni Tito Joseph. I think we should do it some other time. Ayokong maging hadlang pa ako sa espesyal na araw na ito."
"Bakit hindi, kung sasaglit lang naman tayo?"
Malapad na napangiti si Harika marahil ay mapagbibigyan siya ni Waki kahit na sumaglit lang sa lighting store na madalas nilang puntahan ng congressman noon. Ang kaibahan lang ngayon ay wala siyang dalang pad upang iguhit ang mga bagong aranyang madalas niyang gayahin habang tinitingnan ang kumikislap na mga ilaw nito sa tindahang iyon.
She wasn't expecting the time she spent with Waki while shopping groceries will make her heart flutter like a happy kid. Hindi man niya nakikita ang paligid, ang mga pagitan ng istante, ang grocery refrigerators, ang cashier counters o ang mga taong kasa-kasama nilang namimili rin habang tulak-tulak ang mga cart noong mga oras na iyon, masaya pa rin ang damdamin niya dahil habang hawak ng isa niyang kamay ang basket at ang isa ay nakakalang sa braso ni Waki ay hindi naging dahilan ang kawalan niya ng paningin upang maramdaman ang pakiramdam na iyon. It didn't affect her experience at all. Katulong ang kanyang pinalawak na imahinasyon at pagsasalin ni Waki ng mga salita upang ilarawan ang paligid, mas naging malaking suporta pa iyon para sa kanya kung susumahin.
Habang naglalakad sila patungong cashier counter upang bayaran ang mga pinamili ay naulinigan na naman ni Harika ang pagtunog ng telepono ni Waki mula sa bulsa nito. Napapansin niyang kanina pa ang pag-vibrate niyon noong nasa kotse pa sila. She's wondering why Waki isn't answering the phone, he's been ignoring it since they got in the car.
"Hindi mo ba sasagutin ang cell phone mo?" tanong niya habang nakaharap hindi direkta sa kinatatayuan nito.
"Hindi dapat sinasagot ang mga taong nangungulit lang," natatawa nitong tugon sa kanya.
"Kinukulit ka saan?" usisa niya.
Napatingin muna ito sa kanya sa loob ng himas na sandali. "Kinukulit lang ako ng mga kaibigan kong taga-Bellmoral para sa isang get-together party. Tinaggihan ko na sila dahil ayokong umalis ngayong weekend, aalis si mom ng mansyon at wala kang makakasama," anito kahit pa may mga helper na maiiwan para kay Harika.
Sa naging tugon ni Waki ay biglang rumihistro kay Harika ang alaalang ibinalita sa kanya noon ni Manong Liro na nagbabalak nang lumipat ang mga Ishida at manirahan sa syudad ng Bellmoral. Kung totoo man ang kanyang hinuha na nag-aasikaso na ang mga ito sa paglipat, bigla siyang nakaramdam ng kaunting lungkot.
"Huwag mo akong alalahanin, Waki. Do your thing without thinking about me. Ipinararamdam mo namang nagiging sagabal ako sa kasiyahan at dapat mong puntahan. Isa pa, hindi na rin naman ako magtatagal sa mansyon ninyo."
Kumunot ang noo nito sa narinig mula sa kanya. "Aalis ka na?"
Tumango siya. "Y-yes. I intend to go back to my unit, visit our own mansion, and take care of everything Lolo Dad has left me. Don't turn down your friends just because of me. Hindi mo kailangan gawin ang bagay na iyon."
"Nasabi mo na ba kay mom ang plano mo? Kapag nalaman niya, tiyak malulungkot 'yon."
Umiling si Harika. "Not yet. Malaking tulong na ang ilang linggo kong pananatili sa mansyon ninyo. It's time for me to go and no longer rely on anyone. Ayoko na ring magtagal pa dahil mahihirapan lang akong umalis kapag hindi ko iyon ginawa nang mas maaga." Napasinghap siya. "Lalo na sa 'yo, masyado na kitang naaabala. Palagi mo na lang akong iniisip at inaalala na hindi mo naman required gawin. Pakiramdam ko, sa lahat ng pagkakataon at mga bagay na dapat mong gawin ay palagi akong nakabakod."
"Harika, you know that's not true—"
Naputol ang pagsasalita ni Waki nang muling tumunog ang telepono nito sa kalagitnaan ng usapan nilang dalawa.
"Sagutin mo na ang cell phone mo. Hihintayin kita rito," tangi niyang sambit dito.
Before taking the call and stepping away to where she was standing, Waki gave her a worried-looking expression.
Maraming kaibigan si Waki, alam iyon ni Harika... ngunit ang huli niyang narinig ay boses ng isang babae mula sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag bago tuluyang nawala nang makalayo na ito mula sa kinalulugaran niya.
✦❘༻༺❘✦
Naging tahimik lang si Harika sa byahe habang papatungo sila sa nasabing lighting store matapos nilang makapamili. Sasaglit lang naman sila roon kaya ay pumayag na si Waki sa kagustuhan niya.
Nang makababa siya habang ala-alalay siya nito papasok sa loob ng store, sumasagi sa isipan niya na importante pa bang puntahan niya ang tindahan ng mga ilaw kung hindi naman niya tunay na nakikita ang mga ito? Magiging masaya pa ba ang damdamin niya sa kaisipang papasok siya sa isang lugar na punung-puno ng mga nagliliwanag na bagay ngunit dilim pa rin ang mananaig sa kanya dahil sa kawalan niya ng paningin? How ironic.
Nag-angat ng tingin si Waki at binasa ang pangalan ng store.
Luminosity.
Sumalubong kay Harika ang katamtamang lamig nang makapasok sila sa pinakaloob, pakiramdam niya ay nasa loob siya ng mall. Wala ring gaanong tao sa loob ng store noong oras na nagpunta sila.
"Stand here..." Hinawakan ni Waki ang kanyang magkabilang balikat at pinatayo sa isang banda.
"What are you doing?" nagtataka niyang tanong habang nagbatid ito ng utos na kailangan niyang sundin.
Mula sa kaliwang bahagi ni Harika ay naroroon nakatayo si Waki habang bumuboses.
"Sa harapan mo, naroroon ang sconces at iba pang wall lighting fixtures. Sa kanan mo naman ay makikita ang floor and table lamps. Kapag nag-angat ka ng tingin, matatanaw mo naman ang iba't ibang klase ng chandeliers at recessed lightings." Sinubukan nito na ilarawan sa kanya ang lahat ng klase ng ilaw na nakikita nito noong mga sandaling iyon. "And each and every light was emitting a glowing incandescent."
Napapangiti si Harika sa paglalarawan nito. She could vividly picture how lovely the setting was. Nabisita na niya ang store dati at aalalahanin na lang niya ang mga bagay na nakita na niya noon, subalit mas gusto niyang palawakin pa ang kung anong imahinasyon na ang nabubuo ng kanyang utak, mas gusto niyang pagandahin ang mga bagay bukod pa sa inilarawan nito sa kanya.
Masaya ang damdamin niya hanggang sa lumingon siya patalikod at walang kaalam-alam na napaharap kay Waki saka muling nagtanong, "Sa bandang 'to, ano naman ang makikita ko?"
Nakatitig lang ito sa pagharap niya. Pinagmamasdan lamang siya nito nang bahagya pa siyang humakbang papalapit dito hanggang sa mabunggo siya sa dibdib nito.
She stepped back bowing her head down. "I'm sorry. I didn't know you were still standing there. Ang akala ko ay sinasabayan mo ako kung saan ako lilingon at haharap."
Hindi makapagsalita si Waki. Sa simpleng pagbubunggo nila, hindi niya aasahan na magigising ang puso niyang bigla-bigla na lang tumibok nang ganoon. Nagririgodon ito at tila nagtatambol. Iyon din ang isang bagay na matagal nang kinatulugan ng puso nito, ang muling tumibok para kay Harika.
"M-my bad..."
He moved slowly, his gaze diverted away. Nakalimutan nito ang naitanong ni Harika. His cheeks were flushed. His mind wandered to another idea. Madalas silang magdikit ni Harika sa tuwing magkatabi sila, ngunit bakit sa simpleng bungguan lang na iyon ay tila naaapektuhan ito?
Muling tinawag ni Harika ang pangalan nito nang sandaling hindi ito makasagot.
"Uhm... sa harap mo ngayon ay makikita ang mga track lighting at monorail, saka ilang linear LEDs," utal nitong tugon.
Napatango-tango si Harika. She never thought Waki will become her eyes and being as helpful as he was for her. He also detailed everything to her, not just the specifics, but also how everything shines, shimmers, and twinkles in the eyes. Kung ang mga ilaw na naroroon ay nakasindi sa madilim na paligid, tiyak ay para itong mga bituin na nagniningning sa kawalan.
"M-may gusto ka bang bilhin?" tanong nito habang nakatayo sa gilid niya.
Umiling siya at ngumiti. "Saka na, kapag bumalik na ang mga paningin ko," aniya. Pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang palad. "Halika na, umuwi na tayo."
"Agad? Kararating lang natin."
"I've already imagined and built the entire place in my mind. There's no need for us to stay longer. Gusto ko na ring magpahinga."
Pinagmamasdan siya ni Waki na bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Napapadalas na rin kasi ang katamlayan ni Harika sa tuwing magkikikilos lang ito nang kaunti. They went for a nice walk while at the grocery store, maaari na rin iyong maging rason upang mapagod siya at mag-request ng pahinga.
Marahang ginagap nito ang kamay niya. "Sige. Uuwi na tayo para makapagpahinga ka na."
Bago pa sila tuluyang makalabas ng store ay may isang lalaking huminto sa harapan nila at may kasama itong maliit na batang babae.
"Harika? Is that you?" The man who came studied her. "Long time no see. Napabisita ka?"
Her brows furrowed. Pamilyar ang boses ng lalaking ito para sa kanya. "S-sino po kayo?"
"Pasensya na..." saka ito bumuwelo, "ako si Roman, naalala mo? Ang may-ari nitong store."
Harika paused for a moment and think about the name. "Kuya Roman?" she said until she remembered him before. "Kumusta na po kayo?"
Naalala na niya ito matapos muling magpakilala sa kanya. Kung minsan ay hindi niya matandaan ang mga tao kung babase lang siya sa pagkapamilyar ng boses ng mga ito. She's not bad at remembering their names, which was why she recognized the man when he mentioned his own name
"Maayos lang naman. Ito, kasama ko ang anak kong si Emmie."
"Hello po, ate," bati sa kanya ng bata habang kumakaway.
Natutuwa si Harika dahil noong bumibisita pa sila ng congressman sa lighting store na iyon ay wala pang anak si Roman, makalipas ang halos kalahating dekada ay ipinakilala na nito sa kanya ang anak nito. Time flies so fast that she didn't even notice.
"Ikaw? Kumusta ka? Nabalitaan ko ang aksidenteng nangyari sa iyo noong nakaraan. Kumusta na ang mga paningin mo?" nag-aalalang tanong nito.
"I'm doing well physically. Medyo wala pa ring improvement pagdating sa mga paningin ko, despite having no sight..." she shrugged, "had to continue life."
"Don't lose hope, Harika, all will be well in time. Palagi ka lang magpakatatag," Roman gave her words of encouragement. Napatingin ito kay Waki at tila may iba pang tao itong hinahanap bukod sa kanila. "Ang congressman, hindi mo kasama?"
By the time Roman asked about it, Harika held her breath. Hindi pa ba nito alam na lampas tatlumpung araw na ang nakalilipas nang pumanaw ito? Hindi niya maiwasang magtaka, pero naroroon pa rin ang posibilidad na maaari ding clueless pa ito sa pagkamatay ng kanyang Lolo Dad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top