17: An Arcade Ring

Venus' birthday celebration featured a tea-themed concept. She turned nine, and her classmates and friends were all invited. Ngunit ang lahat ng mga magulang na dumalo sa selebrasyon ay nakatuon ang atensyon kay Harika dahil sa suot nitong bestidang kapukaw-pukaw ng pansin. The dress was made of rich and royal hue.

"Mommy, why does Harika getting a lot more compliments and attentions rather than me? Sino ba ang may birthday ngayon, ako hindi po ba?" pagmamaktol ni Venus habang nakatunghay ang mga mata sa living area ng mansyon kung saan napalilibutan si Harika ng mga bisita.

Matalim ang mga titig ni Lymareva sa pamangkin nito. Tama ang anak nito, bakit nga ba nakabaling ang atensyon ng mga bisita kay Harika kaysa sa anak nitong nagdidiwang ng kaarawan noong araw na iyon?

"Don't mind them, Sweetheart. Mga matatanda naman ang mga kasama niya. Look at your playroom, all the kids are there. Sino ba ang gusto mong makalaro, iyong mga magulang nilang kasama ngayon ni Harika?" Lymareva told her daughter.

Nakangusong naiinis na nagmartsa pabalik ng playroom si Venus habang ang ina nitong si Lymareva ay nakahalukipkip sa ikalawang palapag at nakamasid sa mga bisita mula sa ibaba.

"Harika, you are so gorgeous! If Helen were still alive, she would have looked like a mini version of you."

Mas lalong nagngitngit ang mga ipin ni Lymareva nang ikumpara pa ng mga ito si Harika kay Helen.

Dumating si Councilor Levantine at tumango ang mga bisitang naghihintay sa living area habang nakapalibot din sa lugar na iyon ang mga inihandang masasarap na pagkain sa serbisyong catering. Humalik sa noo ni Harika ang kanyang Lolo Dad at lumipat na ang atensyon ng mga panauhin sa councilor.

"Lolo Dad, babalik na po ako sa room ko," bulong ni Harika sa matanda.

He looked at her with a smile. "Y-yeah... go ahead."

Before returning to her room, Harika hurriedly walked to the kitchen to get a glass of water. Malinis ang pagkakaayos ng kanyang buhok na bagay sa bestidang suot-suot niya. Wala siyang nadatnang helpers sa kusina noong mga sandaling iyon dahil maraming inaasikasong panauhin ang mga ito. Matapos niyang uminom ng tubig ay napansin niya ang isang batang nakaupo at nag-iisa sa large backyard ng mansyon. Nakatanaw ito sa malayo habang nakapayong dito ang lilim ng malaking puno, sa tabi ng trampoline.

Harika peered through the door until she realized it was Waki she was looking at. He's wearing white longsleeves and a small coat. Imbitado rin kasi ang pamilyang Ishida sa party ni Venus.

"Waki!" tawag niya, naglakad palabas at lumapit dito.

Lumingon ito sa kanya at sumilay ang maamong ngiti.

"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa playroom ka ngayon ni Venus kasama ng iba pang mga bata?" tanong niya.

"I don't like to be there. Isa pa, ayoko ng mga laruan sa playroom niya, panay dollhouse, manyika at mga tasa. Wala man lang siyang video games o kaya lego blocks," reklamo nito. "Ikaw? Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

Umiling siya rito at pumantay sa gilid kung saan nakatayo si Waki. "Kahit pa gustuhin kong sumali sa kanila, ayaw rin naman akong isali ni Venus. She told me that I am not belong in her circle. Kapag daw hindi ako umalis, ipagkakalat niya raw may crush ako sa 'yo."

Sa sandaling marinig ni Waki ang bagay na iyon, agad na natigilan ito.

"W-what? Harika, crush mo 'ko?" hindi makapaniwala nitong tanong.

Tumango si Harika. "Y-yes... bakit hindi ba ako puwedeng magka-crush sa 'yo? They say crush is paghanga, hinahangaan kita kasi matalino ka at mabuting bata. Isn't it reasonable?" Para sa isang batang katulad ni Harika, nagulat si Waki kung paano lang itong kaswal na kinompronta ito.

Harika would never say such a thing to him, he knows, subalit nang sandaling banggitin niya iyon dito, ibig sabihin lang niyon ay totoo siya sa mga sinasabi niya.

"Crush lang naman 'yon," banggit niya at sinimplihan lang. "Anyway, why are you here? Gusto mo bang maglaro sa trampoline?" Harika pointed the trampoline, which was a few meters away from them.

Wala lang para kay Harika na ipagtapat ang bagay na iyon, ngunit iba ang dating kay Waki sa pag-amin na iyon... na ikinamula nito.

And then they went inside the netted trampoline and they enjoyed jumping.

"Kailan ka ba nahilig sa trampoline, Harika? Does the councilor gifted this to you?"

She shook her head. "No. It was kept in the attic. Sinabi ko kay Lolo Dad na kung puwede pang gamitin ang trampoline na ito, gusto kong ilagay ito rito sa backyard para mapaglaruan. Sayang naman kung hindi mapakikinabangan."

Waki scoffed. "Bakit, nagsawa ka na ba sa big dolls at kitchen toys mo?"

Natatawa si Harika. "Kailanman hindi ako nagsawang laruin ang mga iyon, because I never played those toys and dolls. I don't enjoy things when I play it alone. Kung may kalaro ako o kasama para laruin ang mga regalong iyon, baka hindi na ako lumabas ng kuwarto ko."

He looked through her eyes. "Gusto mong bumisita sa amin minsan? Marami tayong puwedeng gawin at laruin sa amin," masayang banggit nito. "Ang kaso, panay video games, lego blocks at toy trains lang ang mga laruang mayroon ako. Okay lang ba sa 'yong maglaro nang ganoon?"

"I can play with anything, Waki. I am not picky or anything you might think of me. Kahit ano puwede kong laruin, ang importante sa akin ay iyong kasama na makikipaglaro sa akin so I don't get bored easily. Kung gusto mo, ipadala ko itong trampoline sa inyo para sa tuwing bibisita ako, doon tayo maglalaro," ani Harika na malapad ang ngiti sa mga labi.

Hindi makapaniwala ito sa inalok ni Harika. "Talaga? Sige! Okay sa akin itong trampoline!" masayang saad nito na patalon-talon sa trampoline.

Ilang saglit pa ay naghawak-kamay ang dalawa at sabay na nagtatatalon. They jumped in unison, gripped each other's hands tightly, and laughed as the moment enveloped them in joy.

Nang mapagod sa kasiyahang binalot sila sa loob ng trampoline ay kapuwa sila nahiga roon.

"Harika..." may dinukot si Waki sa bulsa nito.

As they lay down, she turned to face him. "Huh?"

Waki pulled something out of his pocket, held it between his fingers, and shone through the bright sky while gazing at it.

She sat up. "Ano 'yan?"

Hindi inalis ni Waki ang bagay na iyon sa kanyang mga daliri habang nakatitig pa rin dito. "It's an arcade ring," he said.

"It's so beautiful," she told him as she stares at it closely. "Where did you get it?"
Even though it's just a fake toy ring, she still noticed the beauty in it.

"I won it in a bet—specifically, in a video game battle. At hindi lang basta singsing ang isang 'to, it can light-up in the dark."

Namilog ang mga mata ni Harika. "Really?!"

Tumango-tango si Waki. "Yes. Look closely." Pagkatapos ay pinagsalikop nito ang mga kamay at itinago ang singsing sa madilim na loob ng mga palad. "Nakikita mo ba ang pulang ilaw?"

Nakasilip si Harika sa loob ng halos nakakuyom na mga palad ni Waki. She saw the red light inside his curved hands. "You're right! Umiilaw nga!"

It was just a simple thing and Harika was amazed by just looking at it. Kahit gaano kagarbo ang pamumuhay niya mula sa mansyon, kahit gaano kamamahal ng mga gamit at laruang mayroon siya... nakukuha pa rin niyang mamangha sa mga bagay na alam niyang makapagbibigay sa kanya ng aliw at saya.

Waki took her hand in his and placed the arcade ring on her palm. "You can have it if you want," he said.

"Talaga? Ibibigay mo sa akin ang singsing na 'to? 'Di ba ang sabi mo napanalunan mo ito sa video game battle bet? Sigurado ka ba?"

He gave her a nod. "Just think that I win the game for you," he said, his genuine smile making Harika's heart race a little.

She then took the ring. "Thank you!" she said and kissed Waki's cheek. "I will accept it as a gift from you."

Hindi na nakapagsalita si Waki matapos dumampi ang mga labi ni Harika sa pisngi nito, tila ba ang halik na iyon ay isang mahikang napatigil ito sa loob ng kisap-matang sandali.

✦❘༻༺❘✦

Naalimpungatan si Harika nang makaidlip sa kanyang kuwarto. Hapon na noong nagising siya at ang una niyang hinanap ay ang Lolo Dad niyang wala noon sa mansyon. Venus' party was over, nag-uwian na ang mga bisita, pati na ang mga kaklase nitong dumalo sa kaarawan nito na ginanap sa playroom nito.

Naalala niya bigla kung sino ang nakasama niya kanina, si Waki na binigyan siya ng singsing na makikita ang ninging ng pulang ilaw sa dilim. Umukit ang ngiti sa kanyang mga labi, it meant something to her. Kahit na pekeng singsing lang iyon, basta't galing dito, mahalaga iyon at alam niyang may ibig sabihin.

Harika makes a slow descent walk downstairs in search of the councilor. Aandap-andap pa ang mga mata niya. She had a strange afternoon because no one else was present in the mansion besides her. Walang mga helper na naglilibot sa mansion o mga driver sa labas o sa garahe.

"Just do me a favor... please do everything to win this mansion for me," a woman said, all or nothing.

Dahan-dahang napalingon si Harika nang maulinigan ang boses ng isang babaeng nasa halos pabulong na tono. If she's not mistaken, she heard it from the outside—from the backyard of the mansion.

"What?! Are you kidding me? Alam mong hinding-hindi ko magagawang ibigay sa iyo ang mansion! I cannot give you something I cannot get in the first place. Napakaimposible nang gusto mong mangyari..."

Harika sharpened her ears.

"Just do something! The councilor, persuade him to give the mansion to you... ikaw na lang ang tangi kong alas upang makuha itong mansyon."

A lady scoffed. "You're imposible! Bakit ba ganyan katindi ang pagnanais mong makuha itong mansyon? You have your own, you have your privileged and extravagant life! Bakit pati itong mansyon ay gusto mong makuha? I know you have your reasons. Tell me..."

"I don't want my plans to crumble, you know that! I could get you a Montecillo... for your daughter! Hindi ba't matagal mo na ring gustong mapabilang sa pamilya ng mga Montecillo? I know you're dying to be in their clan. Ito lang ang maihihiling ko sa iyo, kung magawa mo ang gusto ko, matitiyak na ang napakagandang future ng anak mo..."

Nagpipintig ang bawat sentido ni Harika sa mga naririnig ng kanyang mga tainga. Dapat ba niyang pakinggan ang usapang iyon, dahil una sa lahat... wala siyang maintindihan.

Nagpatuloy pa ang usapan, ngunit masyado nang nawala ang atensyon ni Harika nang dumating ang councilor.

"Why are you here? I thought you're sleeping..." Kinarga siya ng councilor.

"I am looking for you, Lolo Dad. Kanina lang kasama kita sa kuwarto, nang magising ako... wala ka na," nakangusong dahilan niya.

"Okay, I am not going anywhere. Ibabalik na kita sa kuwarto mo para ipagpatuloy ang pahinga mo. And then we're going out later tonight, at the park. Okay ba 'yon?"

Nakangiting patangu-tango si Harika habang buhat-buhat siya ng councilor.

Then he returned her to her room, and the highlights of what happened that day flashed through her eyes first before she fell asleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top