16: Doubts and Hesitations
"Waki, would you mind walking me to the garden?"
Lumingon si Waki kay Harika na tumayo mula sa kama noong mga sandaling iyon. They were both in the guest room where Harika changed her clothes. She reached for her stick and started to point the floor.
"Sure."
Inalalayan siya nito patungo sa garden ng mansyon. When they got out, he took care of her seat and let her breathe the warm air that was gently circling the garden... and she already could feel it. And Waki returned to his room to take a quick shower, then helpers assisted her.
"Miss Harika, may aasikasuhin lang ho ako saglit sa kusina, babalikan ko rin agad kayo," anang helper na tinanguan lang niya at iniwan na siya nitong mag-isa.
Kabisado niya ang pakiramdam sa tuwing nasa garden siya ng mga Ishida, magaan ang atmosphere na nararamdaman niya, may pasulpot-sulpot na hanging dumadampi sa kanyang balat... lalo na iyong huni ng munting mga ibon sa itaas at kaluskos ng mga tuyong dahon mula sa pavement na tinatangay ng marahang hangin. Isa pang kapayapaang natatamo niya mula sa lugar na iyon ay ang halimuyak ng mga nakatanim na bulaklak sa paligid at ang nanghahalinang lagaslas ng tubig na nagmumula sa maliit na pond 'di kalayuan. Every time she spends time alone in the garden, it seems like she has already had a great day.
Ilang sandali pa ay naulinigan ni Harika ang pag-uusap ng dalawang tao sa hindi maintindihang mga salita, tila ba nagkakasagutan ang mga ito kung kaya't napukaw nito ang kanyang pansin. She rose from her seat and search for an indistinct conversation that took her attention.
Bumalik siya at pumasok sa loob.
"Hindi mo maitatago ang lahat ng ito... Melanie. She should know about these! Importante ang mga dokumentong ito, huwag mong ipagkait sa kanyang malaman ito sa lalong madaling panahon. Kung hindi mo ihaharap sa akin... ngayon, huwag mong hintaying may malaman pa siya tungkol sa 'yo..."
Pamilyar ang boses nito para kay Harika, ngunit putol-putol ang kanyang mga naririnig. She couldn't understand where this lady was coming from. She then fold her stick and stood close to the wall and listen attentively.
"Wala siya rito ngayon, bumalik ka na lang sa ibang araw."
"Pagbibigyan kita ngayon, pero sa pagbabalik ko... huwag ka nang magtangkang pigilan pa ako. Be considerate to her. She needs to know everything—especially about what's happening with her family."
She finally realized who owned the voice to which she was paying close attention to and it had come from her aunt. Dali-daling sumagi sa kanya kung ano ba'ng sadya nito. May dapat ba siyang malaman dito?
Sa puntong iyon ay biglang tumigil ang pag-uusap, huling narinig niya ang malulutong na tunog ng takong palayo hanggang sa mawala na ito nang tuluyan.
She approached Melanie while being led by a nearby helper.
"Tita Melanie, sino po ang dumating at kausap ninyo?" patay malisya niyang tanong. Kilala niya ang boses ng kausap nitong babae kanina.
Tila nabigla si Melanie sa pagsulpot ni Harika dahil sa oras na matapos ang sagutan nila ni Lymareva ay siyang pagdating niya.
"K-kanina ka pa ba nar'yan, hija?"
Umiling siya. "Ngayon-ngayon lang po," tugon niya, "si auntie po ba ang kausap ninyo?"
Nag-aalangan itong kaharap siya. Wala mang paningin si Harika, ngunit bakit nahihirapan pa rin itong magsinungaling o pagtakpan ang naging pag-uusap ng mga ito kani-kanina lamang?
"Y-yes... Eva came here."
Harika's brows furrowed. "Bakit daw po? Ano po'ng kailangan niya, Tita Melanie? Nanggulo po ba siya?" Napakapit siya nang mariin sa nakatuping stick na hawak niya.
"No, hija. She went here just to check on you. Nang puntahan ka raw niya sa unit mo, wala ka. Nag-aalala lang siya sa 'yo," Melanie said lowering her eyes.
Natigilan si Harika. That was not what she had heard. Putol-putol man ang mga narinig niya kanina, ngunit natitiyak niyang tila pinagtatakpan ni Melanie ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Lymareva. Wala siyang paningin at hindi ibig sabihin niyon ay pati ang pandinig niya ay wala na rin. Hindi man niya gaanong naintindihan ang pinanggagalingan ng usapan ng mga ito kanina, alam niya sa sarili niyang klaro ang kanyang mga narinig.
She doesn't want to ask further. Kung iyon lang ang maibibigay ni Melanie na sagot sa kanya, hanggang doon na lang din siya.
"Kumain ka na ba, hija? Gusto mong gawan kita ng tsaa?" alok ni Melanie na lumapit at humimas ng kamay niya.
Nang maramdaman ni Harika ang gagap na iyon, tipid siyang ngumiti at tumango.
A helper lead Harika to the dining area and wait for her sweet tea. Sa pagitan ng mga sandaling iyon, hindi pa rin mawala sa isip niya kung bakit nagtungo ang aunt Lymareva niya sa mansyon ng mga Ishida. Dalawa lang naman ang ibig sabihin ng pagpunta nito; may masama itong balita o may nais itong liwanagin. Alam niyang never itong naging concern sa kalagayan niya, lalo pa ngayong wala siyang paningin... kailanman ay hindi niya naramdaman ang pag-aalala mula rito.
Nang sumapit ang hapon ay nagpalipas ng oras si Harika sa guest room. Wala roon si Waki dahil may inasikaso itong ibang bagay na konektado sa trabaho. Kahit pa nakikinig siya ng classic music mula sa walkman na iniregalo nito sa kanya, mas nangingibabaw pa rin ang mga salitang narinig niya kanina na hindi niya maintindihan kung ano ang tunay na konteksto.
She leaned her back on the bed's headrest and solemnly closed her eyes.
"...be considerate to her. She needs to know everything—especially about what's happening with her family."
Iyon lang ang bagay na pinakamalinaw niyang narinig, kung napaaga sana ang kanyang pagbalik sa mansyon galing ng garden, may maririnig pa kaya siyang ibang bagay bukod doon?
Naidlip si Harika at nagising siyang madilim na ang labas, ngunit pakiwari niya'y hapon pa rin. She couldn't tell if she had a quick nap or it took longer than a nap.
Napalingon siya nang may kumatok. Pumasok si Waki at nagtungo sa kanya.
"Hindi ka ba lumabas ng guest room simula nang umalis ako?" bungad nito
Tumango siya. "I don't feel like going anywhere." Napasinghap siya. "Ikaw, kanina ka pa nakauwi? Kumusta iyong inasikaso mo?"
"It's just a meeting with a contractor. Kani-kanina pa ako nakauwi, I think half an hour ago. Ayoko munang puntahan ka rito sa kuwarto mo at baka maabala ko ang pagpapahinga mo. And I just made in time because you're awake now. Gusto mo bang maghapunan na?"
Bahagyang umalog ang kama kung nasaan si Harika nang umupo ito sa tabi niya.
"Busog pa ako, Waki," malumanay niyang tugon.
She doesn't feel like she had enough with her sleep a moment ago, so she's just sluggishly talking to Waki.
Nang muli siyang humiga ay nagtaka na si Waki dahil tila ba may iniisip itong ibang bagay kung kaya't para bang tahimik ito at walang kasigla-sigla.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.
Dahan-dahang umiling si Harika.
"Naabala ba kita?" muling tanong ni Waki at tanging iling ang muling isinagot niya rito.
"Okay. You go continue your rest. Kung may kailangan ka, naririto lang ako sa labas o kaya magtawag ka ng helper."
Simula nang mawalan ng paningin si Harika, palagi nang ganoon ang mood swings niya, minsan masaya at maganda ang gising ngunit madalas ay para bang tinatamad siya na hindi maintindihan. Kaya tuloy pati ang mga taong nakapaligid sa kanya ay naaapektuhan at nag-aalala na lang sa kapakanan niya.
Gumalaw ang kama nang tumayo si Waki at nagsimula nang lumabas ng guest room.
"Waki..."
Lumingon ito sa kanya. "Yes?"
"Pasensya ka na, ah."
Waki's halfway out of the door. "Pasensya, para saan?"
"Pasensya ka na dahil palagi kang nariyan para sa akin, kahit hindi mo naman obligasyong pagmalasakitan ako nang ganito. 'Tapos minsan nagagalit pa ako sa mga walang makabuluhang bagay, minsan nasisigawan kita, madalas pa ang mood swings ko na ipinag-aalala mo. Deserve ko ba talaga 'yang concern mo para sa akin?"
Harika became dramatic over the things she overthought lately. She told him everything she feels. Kung nasaktan man niya ang loob nito dahil sa mga pag-aasal niyang iyon, sana ay tanggapin nito ang pasensyang hinihingi niya rito ngayon.
Muling naglakad si Waki patungo sa kanya. "Harika, I know it felt like you're alone in this battle. Nawalan ka ng paningin, nawala sayo ang pinakamamahal mong Lolo Dad... idagdag mo pa iyong nangyari noong retirement's party. Ayokong maramdaman mong nag-iisa ka habang pinagdadaanan mo ang lahat ng mga ito." Ginagap nito ang kamay niya. "Gusto kong maramdaman mong naririto kami ni mom, na magiging kakampi mo hanggang sa maging okay ka na."
She felt what Waki told her. It was something that tingled her heart. Noong mayroon pa siyang paningin at buhay pa ang congressman ay maraming tao ang nagmamalasakit at nag-aalala para sa kanya... ngunit ngayong nawala ang importanteng tao sa buhay niya, naglaho na rin ang mga ito na parang bula.
Yumakap si Harika rito. "Maraming salamat sa 'yo, Waki."
Yumakap ito pabalik sa kanya. "Huwag mo nang isipin pa nang isipin ang mga bagay na 'yan, ang importante ay hindi mo pinababayaan ang sarili mo at maging positive ka lang na babalik din ang paningin mo."
Waki's words ease Harika's doubts and hesitations. Sa mga simpleng usapan nila at mga salitang sinasabi nito sa kanya... hindi lang paggaan ang naidudulot nito kung hindi pati na ang pagiging positibo niyang magiging maayos din ang lahat.
She's always had in her mind a saying that 'everyone's gonna die and no one will remember you'. Ngayon pa nga lang na paningin pa lang ang nawala sa kanya ay tila ba nakalimutan na siya ng karamihan, paano pa kung mawala pa siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top