13: Number Combinations
Matapos ihatid ni Manong Liro ang mga grocery na pinamili para kay Harika sa unit niya ay napag-usapan din nila ang tungkol sa mga Ishida. Kinukumusta niya ang mga ito sa matandang driver at nagtanong na rin ng ilang bagay. Harika was unable to determine the reason behind her question. Was it because Waki hadn't spoken to her in a while?
"Ma'am Harika, ang balita ko ay lilipat na ang mga Ishida sa syudad ng Bellmoral. Hindi ko alam kung ano ho ang tunay na rason, ngunit iyon lang ang nalaman ko tungkol sa kanila nang kuhanin ko ang mga prutas na ipinabibigay ni Mrs. Ishida para sa inyo," anang matanda.
Napahinto siya nang marinig niya ang balitang ito.
Simula nang araw na nabulyawan niya si Waki, iyon na rin ang huling sandali na nagpakita ito sa kanya. Inaamin ni Harika na nanibago siya nang palaging mag-isa. Typically, Waki looks after her for all of her needs and other things. Kaya ngayong halos ilang araw na ring hindi ito nagpapakita sa kanya, ang matandang driver na ang humalili upang sundin ang mga ipag-uutos ni Harika na mga bagay na gagamitin niya para sa unit niya. But not in the same way as Waki's prior behavior, halos lahat ay inaasikaso nito alang-alang sa kanya.
Suminghap si Harika habang nakaupo sa kanyang malambot na kama. Dilat na dilat ang kanyang mga matang walang nakikita. Nakaharap siya sa istante ng mga libro, samantalang malayo sa kanyang gilid ay naroroon naman na nakatayo si Manong Liro.
"Ma'am Harika, mauuna na ho ako. Tatawagan ko kayong muli mamayang alas singko ng hapon kung may kailangan pa kayo."
"Sige po. Maraming salamat, Manong."
Harika reached for her foldable stick and walked him to the door. Napahinto siya nang isarado ang pinto ng kanyang unit, naramdaman na naman niya ang pag-iisang halos kinasasanayan na ng puso niya ng mga nagdaang araw. Mali rin niya dahil dumipende siya masyado sa kanyang Lolo Dad, ngayong wala na ito, mag-isa na lang talaga siya.
At some part of her loneliness, she's contemplating why the Ishidas are relocating to Bellmoral. Is there anything she didn't know?
Walang araw na hindi nag-iisip si Harika ng kung anu-ano. Isa pang halos hindi siya pinatulog gabi-gabi ay iyong pagsagip sa kanya ng isang lalaking pinaghihinalaan niyang iyon ay ang lalaking may maskara ng lobo. She's familiar with some of his aspects, but he remains a complete mystery to her.
Nang makaramdam ng kaunting pagkauhaw, nagtungo si Harika sa dining area at naupo. She filled a glass of water on the table without realizing it was already full, and as a result, it spilled. She moaned in irritation. When will she stop making mistakes?
She thought of Waki right away.
"Harika, I'll do it." Inagaw nito ang babasaging pitsel sa kanya. "Baka mamaya ay umapaw na naman ang tubig sa mesa."
"Harika, do not touch the induction after turning it on. Mabilis iyong umiinit at baka mapaso ka."
"You can call me if you need anything, okay? Isang tawag mo lang, pupuntahan agad kita rito sa unit mo."
Hindi niya alam kung malulungkot ba siya dahil wala nang Waki na palagi siyang ginagabayan. Gusto niya minsang mapag-isa, ngunit ngayong mag-isa naman siya ay tila ba may kulang na sa kanyang araw-araw.
Nang mabingi siya sa katahimikan nang umagang iyon ay naisipan niyang gamitin ang kanyang vinyl player upang maibsan ang kabagutang nadarama niya. When she attempted to carry the records' box and pick it up, it slipped through her arms and regrettably damaged a vinyl CD. Napapikit siya at nainis sa sarili. Madalas na ang mga pagkakamali niya kaya'y mas lalo niyang sinisisi ang kanyang kapansanan. It would make a huge difference if her eyes could only see.
Naluha siya at matamlay na ibinagsak ang katawan sa carpeted floor. She touched the chain around her neck while holding her chest. She quickly thought of the memories with the congressman. Nang dahil dito, ikinalungkot niya ito nang husto. She felt constrained and exhausted because she hadn't had breakfast yet. Wala pa man siyang gaanong ginagawa, pakiramdam niya ay buong araw na ang lumipas.
And now she realized she needs Waki more than not. Gaano ba ito nagalit sa kanya at kung bakit hindi man lang ito tumawag o kausapin siya? Kung busy man ito sa ibang bagay, bakit napakatagal naman yata nito na muling kumustahin siya?
Harika had no idea she had taken a nap from the carpeted floor where she had just laid down in frustration about her disability. Isang mahinang ungol ang pumukol sa kanya kung bakit siya nagising. She managed to stand up and find the indistinctive voice she was luring by as she reached for her foldable stick right beside her.
Nagawi siya sa narrow hallway ng kanyang unit—sa pagitan ng isang maliit na kuwarto at rest room. Mula sa dulong bahagi niyon ay may isang lamesita na may nakapatong na flower base at sa ilalim niyon ay may maliit na vent sa dingding. She was right, it was a moan from a woman and it was coming from the vent. Tinukod niya ang foldable stick na hawak at lumuhod. She let her ear broadened its senses. Matapos ang halos minutong itinagal ng kakatwang ungol... bigla iyong nawala.
Agad na napalingon si Harika nang maulinigan niya ang mabilis na pagbukas at pagsarado ng pinto ng unit niya. Dali-dali siyang napatayo at hinarap ito.
"Sino 'yan?" sambit niya sa kung sino man ang pumasok sa loob ng unit niya.
Binalot siya ng takot. Walang sumagot nang muli siyang magtanong. Paano niya malalaman kung nasaan ito, wala siyang nakikita, paano kung bigla na lang siyang saktan ng kung sino mang tao ang nagtangka siyang looban?
Isa lang ang tumatakbo sa isipan niya noong mga oras na 'yon... gusto niyang tawagan si Waki at puntahan siya nito. Ayaw niyang maglakas-loob na gumalaw sa kinatatayuan niya. Hindi niya pa masyadong kabisado ang paligid, lalo na kung sino mang tao ang kasama niya sa loob ng unit noong mga sandaling iyon.
She waited for a moment. Subalit ang mga sumunod na mga oras ay tila napakatagal. Pinakiramdaman niya ang bawat segundo. Sinamantala ang kanyang kaligtasan sa isang banda. Tunay bang may pumasok sa unit niya o guni-guni niya lang ang mga iyon dahil magulo ang isipan niya? Kung bakit, hindi niya alam.
Harika's brave side told her to move. Nagmadali niyang kinuha ang kanyang telepono upang tawagan si Waki, ngunit hindi ito sumasagot. He usually took her calls in just a snap, but what's happening as of that moment was something different.
Sa pananatili niya sa loob ng kanyang unit, hindi pa rin napapawi ang takot na kanina pa siya niyayakap. What if someone actually broke down the door of her unit? Paano kung nagtatago lang ito sa kung saan at pinagmamasdan siya 'di kalayuan?
She was unaware of what was going on in her unit right now. She felt extremely unsafe and terrified. She was quivering and scared from someone or something she couldn't see and thought of the unusual. Kahit man protektahan niya ang kanyang sarili, mahihirapan pa rin siya dahil hindi niya kalkulado ang buong sitwasyon.
When Harika's cell phone rang, she was incredibly thankful. Manong Liro called her early than what she anticipated a call from him later.
"Ma'am Harika, may nakalimutan—"
"Manong Liro, puntahan ninyo ako rito sa unit ko. Magtawag na rin kayo ng security..."
"Ma'am Harika, ano ho ang nangyayari?"
"Please, manong, bilisan ninyo... natatakot na ako."
Akap-akap ni Harika ang kanyang mga tuhod at hindi mapakali. Naroroon siya sa kanyang kama. She was still robed with fear.
"Okay ho, ma'am... papunta na ako."
✦❘༻༺❘✦
Nahimasmasan na si Harika nang magdatingan ang mga security sa unit niya. Kinakausap siya ni Manong Liro at tinatanong ang lagay niya. She is not hurt, but fear cannot leave her at the moment.
"Ms. Levantine, are you sure someone has intruded your unit? We have checked everything, pero wala kaming nakitang ano mang pagtatangkang looban ang unit ninyo. We also reviewed the CCTV footage from your unit's floor and found nothing suspicious."
Hindi makapagsalita si Harika sa mga itinatanong sa kanya ng babaeng security. Para sa kanya, nagsasabi siya ng totoo. Hindi siya maaaring magkamali sa mga narinig niya. Hindi siya maaaring magsinungaling sa mga ito ng kung anu-ano lang.
"Para na lang po sa kaligtasan ninyo, hihigpitan namin ang seguridad sa palapag ng unit n'yo. There's an emergency button here beside your unit's door, huwag kayong mag-atubiling pindutin ito kung may kahina-hinalang nangyayari dito..."
Maraming pinaalala ang babaeng security sa kanya. Harika received some advice from her, and tightening the security of her unit's floor. Ayaw ng security department ng condominium na makaramdam ang unit owners nila ng peligro o ano mang takot sa paninirahan ng mga ito sa naturang gusaling iyon.
Madalas na ang pagiging mag-isa niya ng mga nagdaang araw, ngunit hindi pa niya maaatim na matulog ng mag-isa at walang kasama. Natatakot pa rin siya sa mga posibilidad. She then grabbed her coat and informed Manong Liro that she couldn't stay in her unit by herself that night. She wanted to go somewhere and around people she knew that she was safe. Sumang-ayon ang matanda sa kagustuhang niyang mangyari. He drove her to the Ishidas. Iyon na lang ang mga taong kilala niyang mga totoong nagmamalasakit sa kanya at wala nang iba.
Nakakalang ang kamay ni Harika sa braso ng matandang driver nang papasukin sila sa loob ng gated lawn ng mga Ishida. Sinalubong sila ni Melanie mula sa foyer. Tinawag nito si Harika at mahigpit na yumakap ito sa kanya mula sa inuupuang wheelchair.
"Hello po, Tita Melanie. Pasensya na po kayo at hindi ako tumawag sa inyo na bibisita ako sa araw na ito."
Melanie smiled at her. "No worries, hija. Halika, maupo ka muna," alok nito.
Manong Liro led her to the living room where she folded her stick and took a seat.
"Ano'ng gusto mo, hija? Just tell me what do you want to eat, ipaluluto ko ang lahat ng mga gusto mo."
Masayang-masaya si Melanie sa pagbisita ni Harika, ngunit hindi pa niya nasasabi rito ang nangyari kung bakit siya napabista ora mismo.
"Anything, Tita."
To prepare something for her, the mansion's helpers went to the kitchen and cook some food. Melanie swung the wheels and moved into the area where Harika was seated.
"Kumusta ka na?" Melanie asked in a soft voice, she then held her hand.
Harika curved a tight smile. "Not okay, Tita," she muttered.
Nagsalubong ang mga kilay nito at nag-alala nang kaunti sa kanya. "Why? May nangyari ba?"
Nakatingin lang sa isang banda si Harika, wala siyang nakikita subalit nararamdaman niyang nasa gilid lang si Melanie na nag-aalala para sa kanya.
"I still find it hard to believe what were happening to me these days. Nawalan po ako ng paningin. Nawala si Lolo Dad. Tita, I'm feeling so lonely, abandoned, and worthless right now." She started to cry.
Melanie caressed her shoulder with a consoling hand. "I am aware that taking everything in is difficult for you. When Joseph passed away, I experienced a similar emotion and did nothing but sit in my wheelchair. Mahirap tanggapin ang lahat na para bang bara sa lalamunan na mahirap lunukin. You may feel alone and worthless, but we are here to help. Kung gusto mo ng kasama, we will be here for you, Harika. Always."
She was sniffing and wiping away her tears. "But the real reason why I came to your house and why I'm afraid of right now, Tita, was something that happened to me earlier."
Melanie was taken aback. "What happened, hija?"
"When I heard someone I didn't know had entered my unit, I was utterly afraid. Until I finally got to my phone, I called Waki first, but he didn't answer, and thankfully Manong Liro called to check upon me. Dumating siyang kasama na ang mga security at kinumpirma nilang walang nangyaring panloloob sa unit ko. Even though they found nothing, I still felt unsafe," she sobbed softly to Melanie.
She received an embrace from her. "Hija, hearing that from you was incredibly horrifying. Napakahirap ng sitwasyon mo lalo pa't wala kang nakikita. Just tell me anything so I could help you."
Napag-usapan pa nila ang tungkol sa nangyari. Pinasalamatan din nito si Manong Liro na palaging nariyan at hindi pinababayaan si Harika. Melanie agreed that she could spend the night at their mansion, but Harika stated that she would only stay the night, yet Melanie insisted she could stay in their home for as long as she'd like or whenever she felt leaving.
Sumapit ang gabi at natapos ang isang buong hapunan. Hinatid si Harika ng isang helper patungo sa isang guest room malapit sa garden area. Sa mahabang pag-uusap nila ni Melanie sa living room at dining area, ni minsan ay hindi nasagi sa usapan nila si Waki pati na ang nabalitaan niyang napipintong paglipat ng mga ito sa syudad ng Bellmoral. At ngayong nasa mansion na siya ng mga Ishida ay iniisip pa rin niya kung matindi ba talaga ang galit ni Waki sa kanya.
She sighed and removed her coat before going to bed. Nang kapain niya ang bulsa ng kanyang coat ay nadukot niya ang isang papel—isang paper crane na misteryosong palagi niyang natatanggap sa isang misteryosong lalaki. Sumagi agad sa kanyang isipan ang lalaking nakamaskara ng lobo na palaging nag-iiwan sa kanya ng paper crane na iyon, na iniligtas siya noong nakaraan. She gathered nine of it in addition to one more for that night.
Pinatong niya iyon sa side table at nagpahinga na. Little did she know that the paper crane she just got has number combinations printed beneath the right wing: 58.625903 | 34.478140.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top