12: Devoured by Fear

"Don't let Cris get too close to Harika, do you understand?"

Pinagmamasdan ni Harika si Constancio Levantine sa foyer ng mansion habang may kausap itong lalaking naka-formal suit at tumatango-tango sa mga ibinibilin nito. Nakasilip siya sa pagitan ng wood balusters ng hagdan paitaas. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito dahil tungkol iyon sa mga samo't saring negosyo at pagmamay-ari ng mga Levantine—pati na sa taong nagngangalang Cris na palaging bukambibig ng matanda. Constancio makes it clear to this man that all of the properties and businesses belong to Harika and Harika alone.

Aandap-andap na ang mga mata niya sa antok habang nakahalumbaba. She's waiting for her Lolo Dad; she can't sleep without him by her side. Maging ang paborito niyang stuffed toy ay hindi magawang maipalagay ang kalooban niya upang tuluyan nang makatulog.

Huminga nang malalim si Constancio at tinalikuran na ang lalaking kausap na hinayaang lisanin ang mansion. When her Lolo Dad looked at her, Harika tiresomely grinned. He will bring her to her room till she falls asleep.

"How come you haven't fallen asleep yet? It's past midnight," he questioned as he approached her.

"I was waiting for you, Lolo Dad. I thought you were leaving me again at this hour."

Nagtaka ang matanda. "I didn't leave you, my Precious Little Princess. May kailangan lang akong asikasuhin noong isang gabi. Nagising ba kita noong mga oras na 'yon?"

Harika pouted her lips and nodded. She put her arms around Constancio's neck as he carried her. Umilig siya sa balikat ng matanda at agad na nakatulog habang karga nito.

Kinabukasan ay inayusan na si Harika habang suot-suot ang puting mamahaling knee-long dress na iniregalo sa kanya ng tanyag na seamstress na si Morion Jane Fortich. Kilala ang pamilyang Levantine kahit na saang dako ng Windercoln, sino pa ba ang kailangang gumawa ng mga isusuot ng mga ito kung hindi ay mga sikat at maimpluwensya ring tao gaya nila. Harika had no idea how pricey her things were; all she knew was that everything around her made her happy and giving people a wide smile, because it was what her Lolo Dad taught her.

"Napakaganda mo talagang bata, Harika!" puri ng make-up artist na nag-ayos sa kanya. "Kahit anong mga damit ang suotin mo... lahat bagay sa 'yo. Only a true Levantine has that kind of beauty and elegance!"

Nakangiti si Harika sa papuri ng mga ito. Venus, on the other hand, had a dagger expression on her face, crossed her arms irritably, and made a face. Harika makes her envious, dahil halos lahat ay siya ang tinututukan, inaayusan at maya't mayang pinupuri ng mga taong nakapaligid. Samantalang ito, nang matapos ayusan ay nawalan nang pakialam ang mga tao.

"Ma'am Harika, hinihintay na po kayo ni Councilor Levantine sa ibaba. Nakahanda na po ang limousine sa labas na maghahatid sa inyo sa inagurasyon ni Mayor-elect Abellanosa," saad ng babaeng helper ng dumating upang abisuhan siya.

Before Harika went downstairs, the make-up artists and designers gave her a final touch.

Constancio rose from his seat in his pressed suit as he noticed his twelve-year-old granddaughter looking stunning in her costly dress.

"Lolo Dad, kasama po ba natin ang mga Ishida sa inauguration ni Mr. Abellanosa?" tanong ni Harika nang mahawakan ang kamay ng kanyang lolo.

He lowered his gaze on her. "Yes, my princess. Don't worry, hindi lang naman ikaw ang batang dadalo sa inagurasyon ni Mr. Abellanosa, kasama natin si Venus pati na ang auntie Lymareva mo."

"Dad, tapos na bang ayusan si Harika?" Lymareva interrupted them and she saw Harika was ready, "finally... Harika, you looked beautiful in that dress. Magkamukhang-magkamukha talaga kayo ni Helen," she said with a hidden smirk.

Nakakapit si Venus sa kamay ng ina at walang reaksyon ang mukha nito na nakatunghay kay Harika. "Mommy, mommy, gusto ko na pong sumakay sa limousine," pangungulit nito.

"We'd better go," Constancio said as he led the way.

The Levantines had exited the mansion. The Sullivans also took the limousine to the inauguration.

Nang makarating ay maraming cameraman ang nagpaulan ng flashes nang makababa ang mga Levantine sa red carpet. Hindi na rin mahulugang karayom ang kapal ng taong dumating mula sa malawak na grandstand quadrangle. Ang ilan ay nakasuot ng formal at naghihintay sa pagsisimula ng inagurasyon.

"Councilor Levantine! Harika! Harika!" paulit-ulit na tawag ng mga cameraman kung saan dapat sila tumingin na masasapul ng camera.

Harika has a large number of admirers. Kahit bata pa lamang siya ay marami na ang kumikilala sa kanya hanggang sa pagdadalaga niya, lalo pa't nasa tabi niya ang kanyang Lolo Dad kung kaya't mas lalong nananaig ang kasikatan niya sa murang edad. It demonstrates how Constancio accompanied her through every major events, such as this inauguration.

Harika flicked her gaze over her shoulder as they approached the end of the red carpet and noticed Venus rolling her eyes at her. Iritable ito nang makita siya. Sa kabilang banda ng mga Sullivan ay ang pagdating naman ng pamilya Ishida. There's Joseph, Melanie sitting on her wheelchair, Jed... and Waki, who has the innocent appearance of a young boy. Agad na nag-iwas ng tingin si Harika nang lumingon sa kanya si Waki and pretending as if their eyes were never met.

Before the mayor's address, performers lead the inauguration and then followed by various musicals. Hapon noong mga oras na iyon at hindi gaanong naaaliw si Harika kaya roon siya mukhang dadapuan ng antok katabi ang kanyang Lolo Dad.

She rose from her seat and moved to the side.

Constancio held her hand. "Where are you going?"

"Lolo Dad, may titingnan lang po ako roon," dahilan niya at itinuro ang gilid na bahagi ng grandstand. Ang totoo, gusto lang niyang maglakad-lakad sa paligid, sa walang gaanong tao upang pawiin ang kanyang antok.

Nagtungo si Harika sa lilim ng naglalakihang puno na nakapaligid sa buong lugar. Napahinto siya nang maulinigan ang tawanan ng mga bata.

"Hindi ba't ikaw 'yong may nanay na hindi makalakad?"

"Oo! Siya nga 'yon! Imbes na ikaw ang inaalagaan niya, ano'ng pakiramdam na ikaw ang nag-aalaga sa kanya?"

Harika peered around a tree to see what was going on over the murmurings of the youngsters. She squinted her eyes and clearly saw Waki's back. Ito ang pinagtutulungan ng mga batang naroroon.

"May sakit siya! Hindi lang siya basta hindi makalakad! She's the best mom! Kaya tumigil na kayo sa mga pang-aasar ninyo kung ayaw n'yong—"

"Ayaw naming ano?" paghahamon ng batang lumapit kay Waki na tila gusto ng away.

Napansin ni Harika ang pagkuyom ng mga kamao ni Waki. Nagagalit na ito dahil sa pang-iinis ng mga batang idinadamay pa ang ina nito sa walang kabuluhang mga bagay.

"Gusto mo magsuntukan tayo rito?!"

Naghahamon pa lang ang matapang na bata ay inunahan na ito ni Waki. He slammed his fist into the kid's jaw. Napatumba ni Waki ang batang ito, ngunit ang ilang bata na nasa likuran nito ay inundayan ito ng suntok sa sikmura. While being kicked and battered, Waki collapsed to the ground.

Nasapo ni Harika ang bibig niya sa pagkabigla. She was speechless as she watched Waki get beaten up by the troublesome kids. Wala siyang magawa kung hindi ay tumunganga at lamunin ng takot. Paano niya tutulungan ito kung ang sarili niyang mga paa ay nabato na dahil sa nasasaksihang panggugulpi na ginagawa rito?

She appeared and disrupted them.

"Stop it!" malakas na loob na sigaw niya sa mga ito.

Napatigil ang mga bata. "At sino ka naman?!"

"Huwag ninyong hayaang sumigaw pa ulit ako para mas marinig ng mga pulis na naririto sa inauguration ni Mr. Abellanosa!"

Hindi natakot ang mga bata, subalit nang tangka ulit siyang sumigaw ay nagtakbuhan na ang mga ito palayo.

Waki lay helpless on the ground. Harika knelt beside him and offered assistance.

"Waki! Waki!"

He groaned in pain and turned to face her. "Please, Harika, don't tell my parents..."

Namumula ang pisngi nito. May sugat din itong natamo sa gilid ng labi.

"Bakit ba kasi pinatulan mo pa ang mga batang 'yon? Look at you! You look like mess!"

Hindi alam ni Harika ang gagawin niya. Kahit pa hindi niya sabihin sa mga magulang ni Waki ang nangyari, mahahalata pa rin ng mga ito ang pasa at sugat sa mukha nito. It was impossible for her to take his favor.

"Just take me somewhere. 'Tapos sabihin mo kay Councilor Levantine na sa inyo ako sasabay pauwi, tiyak maiintindihan 'yon ng mga magulang ko."

Alalang-alala si Harika kay Waki. Lalo pa't napanood niya kung paano ito bugbugin ng mga bata kanina. Dala-dala pa rin niya ang takot at pangamba kung sakaling dalhin niya ito sa kung saan... paano kung balikan sila ng mga iyon?

Inalalayan ni Harika si Waki upang makatayo. He pressed his palm against his stomach and moaned in pain. Mas lalong siyang nag-aalala para dito. Gagawin ba niya ang ninanais nito o dapat ipaalam niya sa mga magulang nito ang nangyari?

Akbay-akbay niya ang braso ni Waki na nakakalang sa balikat niya. They went to a nearby park and sat on a vacant bench. "Anong trip mo, Waki? Talaga bang gusto mong maglibot-libot nang ganyan ang kalagayan mo? Dapat sigurong malaman ito ni Tita Melanie para masuri ka agad ng mga doktor. Why are you so concerned about them finding out?"

Waki bowed his head with a pouted lips. "Ayokong mag-alala sila sa akin," dahilan niya. "Palagi akong may sakit noong maliit pa ako, kung malalaman nila ang nangyari... tiyak mag-aalala na naman sila ng todo sa akin. I don't want them to bear a burden that I can bear myself."

Alam ni Harika na nagtatapang-tapangan lang ito. Her eyes were filled with concern as she looked at him. Naaawa siya rito.
Sa maikling panahon na magkasama sila noong hapong iyon sa parke ay biglang pumukaw kay Harika ang bagabag ng kanyang alaala. She remembered leaving Waki after he fell in an empty well when their family had gathered in a little town in Chrisford back in the day. Umiiyak si Waki na hinihingi ang tulong niya, ngunit takot ang namayani kay Harika kung bakit hindi niya nagawang balikan ito at tulungan. She felt the same way when an important person abandoned her before her mother died when she was a child. She had no idea about anything, but the darkness in her room that very moment devoured her with fear.

It was late at night when she informed his parents that Waki had fallen into an empty well. Takot na takot ito na nakabalik sa rest house na tinutuluyan nila. She should have assisted him. She should have apologized to him after leaving him behind.
Gusto niyang linisin ang bagabag sa kanyang puso. Inisip ni Harika na humingi ng tawad sa pang-iiwang ginawa niya kinabukasan... ngunit ang kinabukasang iyon ay hindi na nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top