10: Varsity Ace Van Doren
"Hello everyone, my name is Van Doren, and I'll be your new classmate, nice meeting y'all!" a newly transferred student smiled as he introduced himself.
Pinagmamasdan ni Waki ang lalaking transferee mula sa harapan. Nakatunghay ang mga kaklase niya sa pagdating nito, lalo na ang mga babaeng halos na-infatuate na agad dito hindi lang dahil matangkad si Van Doren o guwapo, malakas din ang appeal nito para sa mga ito. He's the type of guy who'll quickly receive a raining admiration by many.
"All right, Mr. Van, you may now occupy any available seat."
Van entered the aisle and sat down in the last row's open seat. Napalingon si Waki rito dahil sa harap nito, doon nakaupo si Harika. Sa pagdating ng transferee na ito, inaasahan na niya na pagtitinginan ito ng kababaihan, pagbubulungan, kakikiligan dahil sa palangiti at maamo nitong mukha. Tahimik lang si Waki na muling ibinigay ang atensyon sa guro mula sa harapan na itinuloy ang leksyon nang umagang iyon.
Makalipas ang ilang buwan ay lumobo na ang admirers ni Van Doren, mas nakilala na ito nang karamihan sa buong campus. The school's varsity basketball club even recognized his talent and invited him to join the team. Mas lalong gumawa ito nang ingay dahil hindi lang sa marunong itong maglaro ng basketball, he also has a three-pointer with excellent accuracy. Every time he's shooting a ringless shot, the crowd went wild. On the other hand, Waki can also play basketball, but he decided not to join the varsity team and joined the school publication instead, rather than being a student athlete, he decided to pursue his creative side by joining the club. Isa pang dahilan niya ay mas malapit ang school publication sa school broadcasting kung saan ay member naman doon si Harika.
Matapos ang mahabang araw ay ginabi si Waki dahil sa pagde-design ng layout kasama ng iba pang school publication member. The editor-in-chief dismissed them after a brief meeting.
"Waki!"
Napalingon siya nang may tumawag sa kanya noong naglalakad siya sa hallway palabas ng campus. Mabilis na naglakad papalapit sa kanya si Venus habang akap-akap nito ang ilang libro.
"Hindi ka pa nakakauwi?" tanong nito at sinabayan siya sa paglalakad.
He shook his head. "Tinapos ko lang ang final layout ng school newspaper at nagkaroon lang ng maikling meeting para naman sa date ng publication." Lumingon siya kay Venus. "Ikaw, anong oras na at bakit nandito ka pa rin sa school?"
Venus grinned. "Uhm... nakatulog kasi ako sa library," natatawang tugon nito. "Ginising lang ako ng mga librarian dahil closing time na ng library. They advised me to continue sleeping at home," kuwento nito. "Anyway, malapit na nga pala ang release ng school newspaper and you're the one doing the layout, so I know it will have a fantastic design," Venus wishes luck and hopes for a successful release.
Waki thanked her as Venus noticed a poster of the transfer student Van Doren glued to the bulletin board as they passed the area. "Grabe talaga ang ginagawang ingay nitong si Van Doren, ano? He's only in tenth grade, like us, but universities are rooting for him. Isn't he doing well on the court?Kaya na-scout na siya ng ilang university coaches noong may basketball tune-up games na naganap dito sa school," Venus started a discussion about the famous varsity ace Van Doren.
Waki was at a loss for words in the relation of Van and the publication. It was strictly confidential. Dahil ito rin ang halos laman ng newspaper na ire-release nila this month. Van wasn't just a student who has achieved a lot, made an impact, and gained popularity; he has also been remarkable in making their school known all over Windercoln.
"Usap-usapan nga nitong mga nakaraang araw na may gusto raw si Van Doren kay Harika. We all know they weren't going together or that close, so why does Van Doren still like her?"
Waki was silenced by Venus after she revealed information about Van and Harika. Kaya pala madalas niyang mapansin ang kumpulan ng mga estudyante sa labas ng broadcasting studio. Baka iyon ang dahilan niyon.
Naging tahimik lang si Waki habang kasabay si Venus patungo sa parking area ng campus. Binasag lang ni Waki ang katahimikan nang magtanong siya rito,
"Hindi ba kayo nagsasabay ni Harika sa pag-uwi?"
Sumeryoso ang mukha ni Venus nang mabanggit niya ang tungkol sa pagsasabay ng magpinsan. "Magkaiba ang driver na sumusundo sa amin. Kilala mo naman 'yong si Harika, masyadong malayo ang loob sa akin na pinsan niya, lalo na kay mommy," she said.
"Hindi ba kayo naging close kahit noon?"
Venus aimed the pavement of the parking lot with her eyes straight. "We used to be, but not anymore. Siguro nag-mature na kami sa ilang bagay at iyong mga dating napagkakasunduan namin, ngayon ay hindi na."
They talked for a fat minute before Waki got in his car and started it, leaving Venus to wait for his driver to pick her up.
"Venus... need a ride? Kung matagal pa ang susundo sa 'yo, ako na ang maghahatid sa iyo pauwi," alok niya na nakadungaw ang ulo sa bukas na bintana ng kanyang kotse.
Iba ang lapad ng ngiti ni Venus noong mga sandaling iyon. She canceled the ride right away by texting her driver. She quickly jumped into the passenger seat, her eyes flickering to Waki as he steered the vehicle.
Matagal nang may lihim na pagtingin si Venus kay Waki since elementary pa sila, kaya mas lalong lumayo ang loob nito kay Harika dahil ang kaisa-isang lalaking gusto nito ay si Harika pa ang palaging bukambibig. She knew Waki also likes Harika, but he didn't want to pursue the matter further because of the connection between his father and councilor Levantine and he doesn't want to affect anything by any means.
Following a week, their school hosted another tune-up game. Napuno agad ang bleachers sa sobrang daming estudyante ang nagka-interes na manood ng laban. Malaki ang hatak ni Van Doren sa mga estudyante dahil nakabuo na rin ito ng fan base na sumusuporta sa bawat laro nito, 'tapos ang naka-tune-up pa ng mga ito ay mga school alumni.
Naglakad si Waki papasok ng gymnasium at napansin niya agad ang kapal ng mga estudyante. He took a glance over the school alumni team habang ang school varsity team naman ay tila kulang pa.
Venus approached him as the game began, saying, "I've never been interested in watching basketball games, pero mukhang maganda ang laban ngayon, ah."
Waki was looking around the bleachers when he realized Venus was standing next to him... he's busy searching for a specific person.
"Wala pa siya...," he muttered to himself.
"Wala pa? Sino?"
Napalingon si Waki. "Oh, Venus, you're here."
Napangiti na lang ito sa kanya. She is aware that Waki was acting impatiently because he was looking for Harika. That much is certain.
Dismayado ang audience nang malamang wala pa rin sa loob ng court si Van Doren at nagsisimula na ang laban. Van wasn't anywhere within the area despite the fact that he's a starter in every game they had. At the side space, the bench players were searching for him in a panic.
"Lizbeth! Isinugod si Harika sa clinic!" sigaw ng isang estudyante na humihingal patungo sa bleacher kung saan nakaupo si Lizbeth na hinihintay ang kaibigang si Harika.
"Ano?!"
Nagmamadaling bumaba si Lizbeth ng bleachers at tumakbo palabas ng gymnasium habang nagpapatuloy ang tune-up game.
Nagsalubong ang mga kilay ni Waki. He's unsure of why he was unable to follow Lizbeth with his feet. Narinig niya ang isinigaw ng dumating na estudyante, ngunit bakit tila nabato siya sa narinig na balita.
Venus yelled, "Waki! Where are you going?"
Waki did not look at her. Pinilit niyang tumakbo. Ang nasa isip niya lang noong mga sandaling iyon ay si Harika.
"She rushed to the clinic, what happened to her?" he thought.
Nang makarating ay naabutan niya ang mga estudyante mula sa labas ng clinic na nakikiusyoso sa nangyari. While he was there, he saw Lizbeth entered, risking her own entry while he stood at the back of the crowd.
"Ano'ng nangyari kay Harika?"
"Ang sabi nahulog daw siya mula sa hagdan habang kinukuha ang wall clock sa broadcasting studio. She fell and had a poor landing."
"Kawawa naman si Harika. Mabuti na lang at naisugod agad siya ni Van Doren sa clinic para masuri ang lagay niya."
Waki overheard conversations about Harika's incident at the broadcasting facility. Kung iyon man ang tunay na nangyari, nagi-guilty siya dahil wala siyang nagawa para matulungan man lang ito.
He pressed his body against the crowd and peered through the clinic window with the blinds open. Nakita niya sa loob ng ang dalawang school nurse, ilang estudyante na member ng school broadcasting, si Lizbeth at si Harika habang nakaagapay rito si Van Doren na nakasuot pa ng jersey at halatang ipinagpaliban ang tune-up game para lang kay Harika.
Waki held his breath. Pinagmamasdan niya lang si Harika katabi ang lalaking umagapay rito. He ought to be Van. He should've been there for her. Subalit ano ang sitwasyon ngayon? Na siya ay nakatunghay lang sa malayo at walang nagawa para kay Harika.
His heart pricked with discomfort. He has to unlearn the envious feeling, but it never leaves him when it comes to Harika.
From a distance, Venus was intently observing Waki while showing genuine concern for Harika.
✦❘༻༺❘✦
Nagkunwari si Waki na ngayon-ngayon lang siya nakarating. Hinayaan na muna niyang makaalis si Genesis bago muling bumalik ng hospital room kung saan kasalukuyan nang nagpapahinga si Harika. Nalanghap agad nito ang pamilyar na amoy niya kaya't nakilala agad nito kung sino ang dumating.
"Waki, I thought you're coming back here later this afternoon. Wala ka bang trabaho ngayon?" she asked as she pulled the duvet over her stomach.
Waki averted his eyes to her. "I filed a leave yesterday. Simula nang malaman ko ang nangyari sa 'yo, kailangan ko nang mag-file agad para matutukan ka," he said.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Waki. You can visit me after your work. Maayos naman ako rito at hindi pinababayaan ng mga nurse."
He thought he wasn't as helpful as he believed. "Ayaw mo bang naririto ako?"
Hinanap ni Harika ang boses niya at lumingon kung nasaan siya banda. "It's not what I meant. Ang akin lang, naaapektuhan na pati ang trabaho mo nang dahil sa'kin. I don't want you to put everything on the line for me. Ayokong isipin na lagi na lang ako ang iniintindi mo. Ayokong palagi kang naaabala nang dahil sa akin."
Natahimik si Waki. He handed the bouquet of flowers for space and organized the fruits he had brought. The bouquet quickly reminded him of Genesis.
"May bisita ka pala kanina?" banggit niya.
Harika reclined and looked not straightly over Waki. "Yes, I have. Si Chelsea, Mary at Georgia. They apologize for what happened to me."
"I mean the other one," Waki muttered. "The Montecillo guy."
Napangiti si Harika. "Ah, si Genesis... yes. Actually, kaaalis-alis lang niya. Sayang at hindi kayo nagpang-abot."
"Why is he visiting you?" he then asked curiously.
"Kinukumusta niya lang ako. Nabalitaan niya rin kasi ang nangyari sa akin. We walked outside and talk about something..."
Gusto pa sanang magtanong nang magtanong ni Waki tungkol sa napag-usapan ng mga ito sa hospital's garden kanina, ngunit wala siya sa posisyon upang manghimasok. Hinayaan na lang niya si Harika na magpahinga dahil iyon ang bagay na kailangan nito ngayon.
✦❘༻༺❘✦
Kinagabihan ay naalimpungatan si Harika dulot na rin ng isang panaginip. She dreamt about the congressman. Kaya'y nagising siyang humihikbi at malungkot. She got to her feet and started looking around with her stray hands. Kinapa niya ang paligid habang humahangos.
"Lolo Dad...," she's crying his name.
Wala si Waki noong mga oras na nagising siya, kaya't pakiramdam niya ngayon ay nag-iisa lang siya.
"Lolo Dad... come back here..."
Umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa sobrang bigat ng kanyang damdamin ay napahinuhod siya sa malamig na tiled floor at humagulgol. Idagdag pa sa bigat na nararamdaman niya ay ang paningin niyang walang ibang nakikita kung hindi ay wala. She sobbed on the floor helplessly. Sinisisi niya pa rin ang sarili sa mga nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya ay pinarurusahan siya ng Diyos at bakit siya naghihirap nang ganoon.
Noong maayos pa ang mga paningin niya, marami ang tumatawag sa kanya, marami ang nag-aalala para sa kanya, maraming nakapaligid sa kanya... bakit tila ngayon ay nag-iisa na lang siya. Nasaan na ang mga ito? Kinalimutan na ba siya at inabandona? She initially believed that everyone adored her simply for being herself, but she has since come to understand that everyone loves her because she's bracketed as a Levantine and became famous for being the granddaughter of the congressman. Ngayong wala na ito, para na rin siyang naglaho sa mga ito. Bilang na lang ang mga taong may pakialam sa kanya, ang iba ay hindi pa siya sigurado.
"Harika! What happened?"
Naibagsak ni Waki ang mga dala-dalang pagkain galing ng convenience store at atubiling nilapitan si Harika nang madatnan nitong nakahandusay sa sahig.
She sobbed, "I missed my Lolo Dad so much!" She yearns to be with the congressman.
Harika stroked her temples while supporting her head. Nanakit bigla ang ulo niya sa nangyayari sa kanya. Nahihilo. She seemed to be crying while also being exhausted by it.
Ilang sandali lang ay nagmamadaling pumasok ang mga nurse at sinuri si Harika. They calm her up. Dulot ng stress at nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang linggo, hindi pa rin makuha ni Harika na tanggapin ang lahat. Mas magiging seryoso ang epekto niyon sa kanya dahil sa malaking adjustments na nangyayari sa buhay niya.
Nang kumalma siya habang nagpapahinga mula sa hospital bed ay muli siyang kinumusta ni Waki, "Okay na ba ang lagay mo?" Nag-aalala ito sa kalagayan niya.
Iba ang naging dating ng tanong na iyon para kay Harika, para ba siyang iniinsulto.
"If night and day are now the same to me, how can I be okay? Tell me!" she exclaimed with so much anger and frustration.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top