1: Masked Wolf

Four years ago...

When Harika realized she had forgotten her school ID, she let out a soft cuss. Umirap siya, bumagsak ang mga balikat at bumuntong-hininga. Nakalimutan na naman niya iyong damputin nang ipatong niya iyon sa kanyang vanity table. Bakit ba kasi nagsuklay pa siya nang huli kahit alam niyang maayos na ang kanyang buhok? Nawala tuloy iyon sa isipan niya. She's close for being late for the subject and has an exam. Paano niya masasagutan ang pagsusulit na iyon kung sa malaking gate pa lamang ng campus ay hindi na siya makapasok? Para bang gusto na lang niyang umuwi at magmukmok. She was so prepared for the exams, yet nothing seems to be going her way.

Nakaukit ang inis sa kanyang mukha habang naglalakad sa wide pavement sa labas ng campus patungo sa main gate ng Fairwater High kung saan siya pumapasok. She has one more year before entering a more challenging and advanced education. She's in her senior year and about to graduate. Kung ngayong sasablay-sablay na siya, paano pa kung tumuntong na siya sa kolehiyo?

Pinagmamasdan niya ang ilang estudyante na kasabay niyang naglalakad doon. Ang iba ay tila naghahabol na ng oras dahil sa pagtakbo. She noticed the blue laces dangling from their necks, which gave her the feeling of being very envious. Tinanggap na niya sa kanyang sarili na pipila siya sa linya ng mga walang ID—sa pila ng school violators. Ang iba roon ay hindi pinapasok dahil lumabag sa school rules; tulad ng may kulay ang buhok, fitted ang slacks at may piercing. She won't be returning home, but she will be spending hours in detention room.

Bago pa siya tuluyang pumila roon ay nasurpresa siya nang isinabit ng isang lalaki ang ID lace sa kanyang leeg.

He beamed at her as he approached her. "Ace your exams!" Tinuro siya nito. "I'll sacrifice my myself for you!" Nagawa pang ngumisi-ngisi ng lalaking ito.

"Waki, what are you doing?" said Harika with knitted brows.

Sinilip niya ang ID na isinuot sa kanya ng lalaking ito. It's Waki's school ID.

"Saving your ass... again. Sige na, pumasok ka na at baka ma-late ka pa." His nose scrunched as he laughed. Labas din ang mga ipin nitong ngumiti sa kanya at pumila na kasama ang ilang estudyanteng mapupunta sa detention room noong araw na iyon.

Waki's hair was a bit tacky, with short sides and swept fringe. Simple na medyo gulo-gulo ang ayos dahil sa kapal at itim na itim na kulay nito. It was a high taper fade, it looked good on him, conservative yet classic perfect haircut. Ngunit ang singkit na mga mata nito at malalapad na ngiti sa labi ang siyang nagdadala ng lahat. He smiled radiantly. He's so natural.

Nagmamadali nang naglakad si Harika papasok sa loob ng campus habang iniisip pa rin ang ginawa ni Waki kanina. He switched off for her. Should she acknowledge him for saving her behind or continue to ignore him as she had always been doing?

Joaquin Seiji Ishida has always been so classic, from his distinctive manner, particular style, warmth, encouraging aura, and timeless quality. His bubbly personality was evident in the sparkle in each of his smiles. Hindi rin nalalayo na magustuhan ito ng mga estudyanteng babae sa campus dahil sa personalidad at karisma na taglay nito. Palangiti, mabait at palaging may tuwa at saya sa mukha. Ito ang tipo ng tao na hindi mahirap i-appreciate. In contrast, when he is present, Harika experiences a visceral, almost physical response. He occasionally smiled so brightly that she struggled to contain it.

Nang matapos ang exams niya ay confident naman siya sa magiging resulta no'n. Last night, Harika studied for almost a sleepless one. She is making a greater effort and likely performing even better than her previous. Gusto niya rin kasing ma-qualify sa mga top university na tipo niya. If she has the required grades, it will be simpler.

Okay lang naman din sa Lolo Dad niya kahit hindi ganoon katataas ang kanyang mga marka. Ang mahalaga, natututo siya sa paraang alam niya. She received no pressure from the congressman at all. He wanted Harika to have the kind of academic experience she deserved, but Slayter, her boyfriend, would always be there to patch things in her mind and steer her in the wrong direction.

"Slayter, where are you taking me?" tanong ni Harika nang dalhin siya nito sa likod na bahagi ng campus.

They were in front of a thick, tall campus wall. They were skipping classes.

Slayter mumbled, "We're going to Jessica's party."

"What? Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Lolo Dad. Tiyak magagalit 'yon kapag nalamang nag-skip ako ng klase. He'll definitely won't like it!"

Pinanonood ni Harika si Slayter na kumakapit na sa improvised rope at inaakyat ang mataas na pader.

"You loved me, didn't you? And if you do, you're going out with me without a doubt. Dalian mo, bago pa tayo abutan ng nag-iikot na guwardiya." Nang makaakyat si Slayter ay ihinulog nito ang makapal na lubid para kay Harika. "Now, your turn."

"Pero Slayter..."

May alinlangang nadarama si Harika sa balak nilang pagtakas. She knew they were doing an illegal school stuff. Paano kung doon pa lang ay mahuli na sila?

"Sasaglit lang naman tayo roon. The Congressman will not know about the party—"

"He will... because I am telling him." Isang makapal na boses ang biglang sumabad.

Kapuwa napalingon si Slayter at Harika sa lalaking dumating.

"Waki?" Harika muttered, surprised.

Waki looked at her. "Harika, sumasama ka na naman sa lalaking 'yan? I warned you not to associate with someone like him. He's nothing but trouble!" madiing paalala nito.

"Waki, don't tell Lolo Dad about this," may kaunting pagsusumamo sa tinig ni Harika.

Matalim na tumingin si Waki sa kanya. "If you don't go with that dick, he won't know about this!" Itinuro niya si Slayter na nakasampa na sa pader.

"Bro, fuck you!" Slayter provoked him. "Hold the rope, Harika, otherwise, we'll be late to the party. Hayaan mo na 'yang gagong 'yan!"

"Sa tingin mo ba matutuwa si Congressman Levantine kapag nalaman niya itong ginagawa mo? You're skipping classes. You still have a class to attend to. Tama ba 'yang ginagawa mo Harika, ha?"

Umigting ang panga ni Harika. Nagpipintig ito sa mga tainga niya sa diin ng mga salita ni Waki. Parang naririndi siya. She got the impression that he was ordering her and limiting what she could do. Pakiramdam niya ay dinadahilan lang nito ang Lolo Dad niya upang takutin siya.

"Waki, p'wede ba," ani Harika, matigas ang tono at huminga, "huwag mong limitahan ang mga bagay na gusto kong gawin. Leave my shit alone and do your own!"

Nanlaki ang mata ni Waki sa sinagot ni Harika sa kanya. "Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang lalaking 'yan. He's putting you in a bad situation; he's a total jerk! He breaks everything and has a lot of bad school records, proving he's not a good influence on you. Hindi mo ba alam na isa ka lang sa mga babae niya?" Waki spilling some tea about Slayter and Harika didn't like what he said. Paniniwalaan kaya niya ang sinasabi nito?

Mas lalong nagalit si Harika sa sinabi nito. Tumalim ang titig niya kay Waki.

"Stop interfering what am I suppose to do. Ikaw, kahit minsan hindi ko pinakialaman ang mga bagay na gusto mong gawin! Kailanman ay hindi ko kayo pinakikialaman ni Stella kahit na madalas kayong maglandian dito sa campus, kahit na para siyang linta kung makapulupot sa braso mo at asong nakasunod sa 'yo. Why don't you just go to her and mind your own business?"

"Stella and I don't have a thing!" Waki told her the truth. "Siya lang itong palaging dikit nang dikit sa akin—"

"Wala akong pakialam... tangina!" Harika shrieked. That curse contains an old hatred, much like some of her previous jealousy.

Hindi na niya napipigilan ang kanyang damdamin. Kaya mas lalo siyang naiinis kay Waki dahil palagi na lang nitong pinakikialaman ang buhay niya. She became rebellious. Nagbulag-bulagan na siya sa mga bagay kahit pa alam niyang mapapasama siya. Dahil dala-dala na niya ang galit dito.

Natigilan na si Waki sa kinatatayuan niya nang magmura si Harika na tumutulo ang mga luha habang ibinabalik dito ang ipinahiram na school ID kanina.

"Ibabalik ko na 'to." Inabot niya ang ID sa palad nito. "Bago pa ako magkaroon ng utang na loob sa 'yo." Umikot ang mga mata niya saka siya sumama kay Slayter.

With a muffled laugh and an intimidating stare, Slayter teased him. He won by convincing Harika to side with him against Waki. Naiwan ito roon habang naiinis sa sarili dahil hindi nito nagawang ilayo si Harika sa masamang impluwensya ng lalaking iyon.

Slayter has always been a part of trouble. Matalinong babae si Harika, ngunit bakit palagi pa rin siyang sumasama sa lalaking 'yon? Wasn't it ironic, she didn't want Waki to limit her, but let Slayter anyway.

✦❘༻༺❘✦

Harika changed from her uniform to a knee-length dress. Mabuti na lang at naroroon pa ang dress na iyon sa kotse ni Slayter na naiwan niya noong nakaraan, including her sandals and other stuff.

"Sabihin mo sa akin kapag ginambala ka pa ng gagong 'yon. If so, I'll definitely punch him in the face. Pasalamat siya nasa bakod na ako kanina, kung hindi pa ako nakaaakyat malamang ay nakatikim talaga sa akin ang isang 'yon," labas sa ilong na banta ni Slayter. Hindi pa rin nawawala ang galit nito sa nangyari kanina. He never liked Waki, dahil palagi na lang negatibo ang lumalabas sa bibig nito pagtungkol dito.

Ayaw na rin ni Harika na lumaki pa ang gulo. "Hayaan mo na lang siya, Slayter."

Slayter tried to kiss her cheek while he was driving to Jessica's party, and he easily got one.

"Pagbibigyan ko siya ngayon, pero sa susunod na pakialaman niya ulit tayo... hindi na ako magdadalawang-isip maging bayolente," Slayter promised, stirring up an anger.

Harika sighed. Hindi na niya inintindi si Slayter bagkus ay tumingin na lamang siya sa labas ng bintana ng kotse at pinagmasdan ang mahabang coast area na nadadaanan nila. Maraming beach resorts sa malaking bahagi ng Windercoln. Sa probinsyang ito talagang matatagpuan ang naglilinawang mga tubig-dagat at ilang magagandang private pools.

Agad na napalingon si Harika nang maamoy niya ang kakaibang uri ng pabango na tila nanggagaling kay Slayter. "Are you wearing perfume?" kunot-noong tanong niya na nilingon ang nobyo habang abala ito sa pagmamaneho.

Slayter averted his eyes to her and low bowed. "Yes, I tried the new Vanhook perfume—Temptation Me. Do I smell good?"

Nagtataka lang si Harika. "Of course you do." It has a masculine smell, a sexy, clean and long-lasting fragrance. "Hindi lang ako sanay na nagpapabango ka nang ganyan."

"Well, masanay ka na. Since I bought one bottle, I'll probably use it everyday."

Harika chuckled. "Masasanay rin siguro ako. Nakakapanibago lang." She awkwardly drew her gaze away from him and returned her eyes out the window.

Mayamaya pa ay nakarating na sila sa party ni Jessica. Nagdidilim na rin ang kalangitan nang i-park ni Slayter ang kotse nito sa bukanang bahagi ng bahay nila Jessica. Makulimlim din noong hapong iyon. Nasa front lawn pa lang sila ay maririnig na mula roon ang napakalakas na tunog ng speaker. It was beating within the heart. Yumayanig ang bass, malakas ang impact na nanggagaling sa mga ito.

There were so many guests, many of whom were students like them. Parang halos lahat ay imbitado, lahat ay pinaanyayahan ni Jessica na dumalo. A great party already.

Pagpasok nila sa loob ay sumalubong sa kanila ang red party cups na may lamang juice na may halong alak. Mula sa loob ng bahay nila Jessica ay makikita ang mga dumalo na may kanya-kanya nang puwesto. The couches were already occupied, and guests filled the stairs for space. Marami na ring nakatayo sa foyer at maging sa backyard area ay may mga bisita na rin.

Slayter took Harika's hand and led her to the pool side. "Dito tayo."

Sumusunod lang si Harika kung saan siya dalhin nito. He kissed her cheek again and let her take a seat near the pool. "Stay there. Ikukuha lang kita ng pagkain."

Naghintay lang doon si Harika hanggang sa hindi na siya binalikan ni Slayter mula sa pangako nitong kukuhanan lang siya ng pagkain. Tila nahatak na ito ng iba pang dumating na bisita at nawalan na nang tuluyan ng oras para sa kanya.

She didn't drink her jungle juice. Hindi siya palainom ng kung anu-ano. Lalo na sa mga party na gaya kung nasaan siya.

"Harika Levantine? Wow, you're actually here!" Yumakap sa kanya ang isang babaeng hindi naman niya kilala. Dahil nabibigla ito na naririto siya.

"H-hi," she returned her greeting with a tight smile. Walang ideya si Harika kung sino ang babaeng kumakausap sa kanya.

"Nagpupunta pa pala ang isang tulad mo sa mga kasiyahang ganito? I believed you were always at royal parties, which is where you should be. Rich, with a well-known surname, and the congressman's granddaughter, but I suppose I'm wrong; you're still a girl who needs this kind of party, right? Cheers?"

Harika raised her cup. "Cheers," she said under her breath and then they both drank the juice. It was sweet, yet strong in the aftertaste.

Lumipas pa ang mga oras at tila hindi na siya nagawang balikan ni Slayter, mukhang nalimutan na siya ng kanyang nobyo. Nagdesisyon si Harika na bumalik sa loob ng bahay at naghanap ng comfort room. Nang makahanap ng bakante ay naghilamos siya para mahimasmasan ang diwa dahil nakainom na rin siya. Isang baso pa lang ang natungga niya ay para bang tinatamaan na agad siya. It shouldn't be happening. Kapag nalaman ng Lolo Dad niyang nakainom siya, tiyak malilintikan talaga siya.

Harika noticed her cheeks were blushed as she looked in the bathroom mirror. She also had a messy appearance. Nalasing na ba siya agad?

She washed her hands in the sink and discovered something next to the small plant. A white paper crane. Agad niyang dinampot iyon at napangiti. Even though she has no idea who put it there, it made her smile. She just assumed it was made for her.

When she was holding the paper crane between her fingers, her phone vibrated. Waki is calling her, but she's refusing to answer. Papakialaman na naman siya nito kung sasagutin niya ang tawag na iyon.

Lumabas na siya roon habang hawak niya ang paper crane na iyon. Sunod niyang ginawa ay hinanap niya si Slyater dahil gusto na niyang umuwi. Kinakabahan na siya kung sakaling malaman ng congressman na nakainom siya. Hindi niya ito natagpuan sa front lawn, dumaan na rin siya sa backyard at binalikan ang pool side. Hindi na niya ito mahanap. Kung umuwi na ito, bakit nito iiwanan ang kotse nitong naka-park pa rin sa labas?

Pumanhik siya sa itaas at nakiraan sa mga bisitang nadaraanan niya roon.

"Uhm, hello, nakita n'yo ba si Slayter?" nagtanong na siya sa ilang bisitang nakasalubong niya.

"Slayter? Do you mean the guy who lost the game? He's having a dare right now. Naroroon siya sa k'wartong 'yon." Itinuro ng babae ang pinto kung saan sinasabi nitong naroroon si Slayter.

She didn't know about the dare. Iyon ba ang mga hiyawan na naririnig niya kanina habang abala siyang kausap ang babaeng hindi naman niya kilala? Naroroon lang siya sa pool side at hindi akalaing may nagaganap na pa lang dare sa loob.

Agad niyang pinuntahan ang k'wartong iyon at tumambad sa kanya si Slayter kasama ang isang babae. Harika pressed both of her palms against her mouth. Her eyes widened as she realized what they were doing. She recognized the girl... it was Jessica. They're kissing, making out half-naked on the bed.

Lumingon si Slayter sa kanya na walang damit pang-itaas. "Harika?"

Natigilan ang mga ito sa paghahalikan. Harika caught them in the act. Tumalikod siya at mabilis na tumakbo paibaba. Hindi niya alam kung paano siya mag-re-react sa nasaksihan. Her tears blurring her vision. Gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, mas gugustuhin na lang niyang maglaho dahil panloloko ni Slayter. Pinagtitinginan na rin siya ng ilang bisita na nakakabangga niya. Her mind was a jumbled mess, and she couldn't think of anything else. Hindi na niya hinayaang maabutan siya ni Slayter dahil mabilis na siyang tumakbo palabas. Gusto na niyang umuwi... mag-isa.

Naglalakad si Harika nang mabilis habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Her heart was broken by the pain and betrayal. She's fleeing down the dark street. She stood up and came to a halt when she noticed a man staring at her—a man on the opposite sidewalk where she was standing, under the streetlight. It wears a wolf-mask that covers his entire head. Her heart has never pounded as hard as it is right now. It scared the crap out of her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top