Simula
PROLOGO.
"Ang gwa-gwapo, inday!" Malakas na hiyaw ng isang hindi kilalang babae na kasalukuyang nakatitig sa mga nakahilerang binatilyo sa harapan ng kanilang paaralan.
"Ang pogi nilang lahat!" sigaw pa ng isa pa nilang kasama.
"Hala! Bakit kaya nandito sila sa eskuwelahan natin, ano?" takang tanong naman ng isang nakasalaming dilag sa mga kasamahan nitong mga babae na kasalukuyan ding nakatingin sa mga lalaki.
"Ako kasi yung hihintay nila hahaha!" Pabirong usal pa ng babae sa nakasalamin na dilag na mukhang kaibigan nito.
"Hala. Grabe nakahilera pa talaga sila, tingnan mo oh!" bulong na saad pa ng isa pang binabae.
"Oo nga eh." sang-ayon naman ng kausap nito.
"Gusto ko yung nandoon sa may kotse ang gwapo ng dating niya, inday!"
"Hay naku Dai, mas gwapo yung nandoon sa bisikleta napakasimple lang pero lakas ng dating."
"Hoy... mas maangas kaya yung nasa motorsiklo, tingnan mo oh. Hala teh! Ngumiti siya! Ang gwapo, woy!" Pigil ang kilig na tili pa ng isang estudyanteng babae na katabi no'ng binabae.
"Yung lalaki na katabi nung taxi ang mas gwapo sa lahat, ano palag?! Tingnan niyo oh, mukhang sa paaralan din natin siya nag-aaral."
"Eh ang tanong, bakit sila nandyan?"
"Hayon lang."
"Malay namin."
"Ewan."
"Ayon lang... Baka nandito yung nililigawan nila?"
"Hala! Ang suwerte naman kung sino yung nagugustuhan nila! Sayang hindi ako." Kunwaring malungkot na komento ulit ng binabaeng kasama nila.
"Anong sayang? Hindi ka naman kagandahan, malamang maganda yung mga tipo nila, nako." Pang-aasar naman ng isa pang babae na parang kaibigan din nito. Sabay silang nagsitawanan lahat.
"Ang sama mo sakin ah! Minsan naiisip ko hindi ko kayo kaibigan, hmp." Pagtataray ng lalaking may pusong babae.
"Nagsasabi lang naman kami ng totoo," tugon pa ng nakasalamin na babae saka ito ngumiti.
"Tanggapin nalang natin, beh." gatong pa ng isa at muli ay naghagikgikan sila sa tawa.
Sa kanilang banda, si Rose Ann naman ay tulala pa rin at hindi makapaniwala sa nakikita nito. Narito sa kanilang paaralan ang lahat ng kaniyang mga manliligaw. Nasa harapan sila ngayon ng kanilang eskuwelahan at kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.
Pagkalabas nila Rose Ann sa gate ng school nila ay sabay na nagsilapitan ang apat na binatilyo sa dalaga.
"Rose." Sabay na salita rin no'ng apat kaya naman napatingin sila sa isa't isa saka pinapakiramdaman kung sino ba ang dapat maunang magsalita.
"Sumabay ka na sa akin umuwi, hatid na kita sa inyo." Isang estudyanteng lalaki ang nagpaunang nagsalita subalit hindi pa man nakakasagot si Rose ay bigla namang nagsalita ang isa pang lalaki na ngayon ay nakasandal sa kanyang motorsiklo.
"Hindi Rose, sa akin kayo sumabay ni Angel." Seryosong usal nito saka tinitigan ang babaeng kaniyang nililigawan. Nagpakawala pa siya ng isang nakakabighaning ngiti.
"Aba't!? Bakit naman siya sa iyo sasabay?" Palaban na tanong ng binatilyong estudyante sa lalaking nakasandal sa motor. Sasagot na sana ang lalaking kausap nito nang biglang may umentrada pang isa.
"Hindi sasabay sa inyo ang kababata ko sapagkat sa akin siya sasabay," sabat ng isa pang manliligaw ni Rose dahilan para tingnan ito ng dalawang binata na kanina lang ay halos magtalo na.
"Hindi ba, Rose Ann?" dagdag pa niya sabay kindat pa kay Rose. Mas lalo namang napatulala ang dalagita dahil sa ginawang ito ng dating kaibigan at wala sa sariling napangiti.
"At paano ka naman nakakasiguro?" Mapang-asar na tanong naman ng kuya-kuyahan ni Rose. Siya 'yong lalaking nakasandal sa motor.
"Sigurado ako kaya para hindi na kayo mapahiya ay umalis na kayo." Pagyayabang pa muli nito.
"Yabang," kontra ulit ng binatilyo sa sinabi ng isa pang manliligaw ni Rose na siyang kamag-aral nito.
Nagtatalo na ang tatlo. Ano kaya ang gagawin ni Rose?
"Bakit kayo ganiyan sa harapan ng isang babae. Huwag kayong magtalo. Dapat hinahayaan ninyong si Rose ang magdesisyon." Malumanay na suhestiyon naman ng taong nasa tabi ng kaniyang bisikleta, na tila ba'y may maginoong aura na nagpahinahon sa nagtatalong mga kasama sa panliligaw.
"Oo nga Rose, kanino ka ba sasabay umuwi?" takang tanong naman ng isang lalaki may astig na aura, ito yung lalaking nasa motor.
"Sinong pinipili mo sa aming apat, Rose?" Seryosong tanong naman ng isang lalaki na katamtaman lang ang tangkad na ngayo'y nakatitig na sa nililigawang dilag.
Sino nga ba ang dapat niyang piliin sa apat na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top