Huli
Epilogo,
ang Pagtatapos.
Makalipas ang limang taon,
Maraming nagbago sa nakalipas na limang taon. Marami ang mga naging kaganapan sa loob ng taong ito at ang mga tauhan din natin ay may kanya-kanya na ring buhay. Halika, tunghayan natin ang mga nangyari sa kanila.
Unahin na natin si Francisco o mas kilala natin sa pangalang, Kiko. Nang makapagtapos ito ng kolehiyo sa kursong business ad ay tinulungang niyang mapalago ang tindahan na ipinundar pa ng kanyang ina na si Aling Erlynda.
Ito ang pinagkaabalahan niya sa nakalipas na limang taon at katuwang niya rin dito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Angel. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makatagpo ng pag-ibig subalit siya naman daw ay willing-to-wait. Hindi nga naman minamadali ang pag-ibig. Ika nga, kapag minamadali, nadadali.
Samantala, ang kapatid naman ni Kiko na si Angel Dela Cruz na minsan ay tinatawag nating Angge ay nakapagtapos na sa kursong Hotel Restaurant Management.
May pinagtratrabauhan siyang hotel at doon niya ginagamit ang kanyang pinag-aralan iyon lamang ang nangyari sa kanya. 'Yung sa kanila ni Roms? Stay strong pa rin, kahit na minsan ay away bati sila na para bang aso't pusa. Mas okay na 'yun atlis nagbabati. Inaayos naman agad nila kapag may gusot sa relasyon nila kaya ayan nakaabot sila ng 5 years!
Sunod naman. Si Romeo Delos Reyes na may palayaw na Roms. Noong natanggap siya ni Carlito bilang kapatid ay nagkaroon sila ng masayang samahan, naging close pa ang dalawa.
Ngunit no'ng nakapagtapos na si Romeo ay kinailangan na niyang lumipat ng paaralan sa ibang bansa upang mahasa pa ang kaniyang nalalaman. Kasama niyang lumipat doon ang kapatid na si Mariko at si Carlisle De Dios. Arkitekto kasi ang kinuha nito at doo'y nakahanap siya ng permanenteng trabaho sa isang kilalang kompanya sa America.
Kahit na mahirap kina Roms at Angge ang LDR o Long Distance Relationship ay kinaya pa rin nila at iyon ang mas nagpatatag sa relasyong nabuo nilang dalawa. Bumalik muli si Romeo sa Pilipinas dahil gusto niyang makasama si Angel at sa tamang panahon ay mag-aaya na ang binata na magpakasal rito. Napagpasyahan kasi nilang pareho na mag-iipon muna sila bago magpakasal at gumawa ng pamilya.
Isunod naman natin si Carlo na ang totoong pangalan ay Carlito De Dios Jr. At tulad nga ng sinabi ni Rose ay naging ama nga si Carlo. Impossible naman kasi na may mangyari sa inyo tapos walang magbubunga at bago pa man lumabas ang bata ay napagdesisyunan na nina Carlo at Jakilyn na magkasal sa lalong madaling panahon.
Sinunod ni Carlito ang sinabing payo sa kanya ng dating nobya. Naging responsable itong ama sa kanyang anak at naging maalagang asawa naman kay Jakilyn.
Sobrang saya ang naramdaman ni Jackie Lynne De Allegro no'ng pinakasalanan siya ng taong hinahangaan niya lang dati. Nagkapatawaran na nga rin pala sila Rose at Jakilyn. Kaya noong ikinasal ang dalawa ay isa si Rose sa mga masayang dumalo no'ng araw na iyon.
Bukod sa pamilya ay naging responsable ring tagapagmana si Carlito. Inalagaan niya ang kompanyang iniwan sa kanya ng kaniyang Daddy Don. Katuwang niya naman dito sila Stacie at ang asawa nitong si Jakilyn.
Sa nag-iisang bidang babae naman natin. Si Rose Ann Del Rosario na mas kilala sa tawag na An An ay bumalik sa pagiging masiyahin nito. Dala ng kaniyang inspirasyon syempre.
Kahit na magkalayo silang dalawa ni Janry ay punong puno pa rin sila ng pagmamahalan. Ramdam mo sa bawat pagkikita nila sa kompyuter ang pagkasabik nila sa isa't isa.
Naging isang ganap na guro naman si Rose sa dati nilang paaralan. Nais kasi talaga nitong magturo, mas lalo na sa mga bata kaya ang kinuha niyang kurso ay ang pagiging guro.
At sa huling bidang lalaki naman natin, si Janry De Guzman.
Noong huling kabanata ay umalis siya. Ngayon naman ay makakabalik na siya sa Pilipinas. Pagkatapos ng 5 taon na paghihintay ay makikita at mahahawakan na niyang muli si Rose.
Dati kasi sa kompyuter lang sila nagkikita't nagkakausap ngunit ngayon ay maaari na nilang hagkan ang isa't isa at noong taong ring iyon ay nagpakasal na ang dalawa. Sobrang saya nila no'ng araw na iyon.
Ikinasal sila noong ika-14 ng Pebrero, isinakto talaga nila sa araw ng mga puso ano? Pareho nilang kagustuhan iyon na ang kanilang wedding anniversary ay matapat sa valentine's day para doble celebration at iyon nga ang nangyari.
Sa career naman ni Janry. Ganap na siyang doctor noong pagkatapos ng kasal nila ni Rose Ann. Nagkaroon din siya ng sariling hospital, gawa ng pagtra-trabaho nito sa ibang bansa. Napagdesisyunan ng mag-asawa na mag-ipon muna at magpalago bago sila gumawa ng pamilya parang kagaya lang din nila Romeo at Angel.
At doon natatapos ang istorya nilang lahat, walang malungkot, lahat may ganap. Lahat ay masaya sa naging resulta ng mga karanasan ng bawat isa. Walang talo sapagkat lahat sila'y may kani-kaniyang tagumpay sa buhay. Kaya ikaw, kung ang buhay mo ngayon ay hindi masaya ibig sabihin lang no'n ay hindi pa tapos ang kabanata ng buhay mo. Magpatuloy ka lang at makakarating sa rin sa pinapangarap mong buhay (^ω^)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top