8
Kabanata 8:
Love at First Sight?
Simula no'ng araw na iyon ay hindi na nawala sa isip ni Kiko ang mukha ng babaeng nakabangga niya noong isang araw.
Sa tuwing maalala niya ang araw na iyon ay parati nalang siyang nababahala't napapaisip. Nababahala siya dahil sa kanyang nararamdaman. Iniisip niya na kung tama bang maramdaman niya ito sa isang babaeng hindi naman niya gaanong kakilala.
Ito na ba ang sinasabi nilang, love at first sight?
Namilog ang pareho niyang mata sa naisip niyang tanong. Bigla pa itong bumangon sa kanilang kama saka ginulo ang kaniyang buhok.
Hindi, imposible.
Sa sobrang pag-iisip ni Kiko ay hindi nito napansin na nakatingin na pala sa gawi niya ang kapatid niyang babae.
Magkatabi silang matulog sa kama kaya mararamdaman agad nila ang isa't isa kung may bumangon na ba sa kanilang dalawa.
"Kuya?" tawag pa nito. Takang tiningnan ni Angel si Kiko subalit dahil nakatalikod ito sa kanya ay napilitan na ring bumangon si Angel sa kama nila upang matingnan lang ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang Kuya.
Ngunit mas lalong nagtaka ito nang biglang kumunot ang noo ng Kuya niyang si Kiko at doon muli niya itong tinawag.
"Kuyaaaa!" Napalakas ang pagtawag ni Angel dahilan para mabigla si Kiko at dagliang napaatras palayo sa kapatid. Nawala siya sa kanyang iniisip kaya inis siyang napatitig sa kapatid na babae.
"Ano bang problema mo't tulala ka riyan?" takang tanong agad ng dalaga.
"Anong problema ka riyan? Eh ikaw itong biglang naninigaw! Baka ikaw ang may problema, tsh. " Dahil sa inis ay nasigawan nito ang kapatid.
"Ano ba yan kuya, hindi mo naman kailangang sigawan ako eh!" pasigaw ding tugon ni Angel bilang ganti sa paninigaw sa kanya ni Kiko.
"Hay," buntong-hininga ni Francisco.
"Pero hindi nga, ano ba ang problema mo Kuya?" Sinserong tanong na ni Angel dahilan para huminahon na rin si Kiko.
"Ah? Wala, wala." Pagsasawalang-bahala ng Kuya nito sa tanong ng kapatid. Ang nasa isip kasi ni Kiko ay baka kantiyawan lang siya ng kapatid kapag sinabi niya kung ano ang problema niya.
Isa lang naman 'yung problema niya, isang simpleng babae lang naman na kanina pa nagpaulit-ulit sa kanyang isipan.
"Hay nako, Kuya! Huwag mo akong taguan. Kilala kita kaya alam ko kung may problema ka ba o wala. Magkapatid kaya tayo, duh!" tonong nag-iinarteng saad ni Angel.
Kahit puro sila away at sigawan na magkapatid ay magkasundo pa rin naman sila sa ibang mga bagay at sa minsan na 'yon, madalas mangyari sa mga panahong kailangan nila ng seryosohan, gaya na lamang ng mga ganito.
"Dahil ba yan kay Ate Cie?" Malumanay na tanong ni Angel habang nakatitig sa nakatatanda niyang kapatid.
Nagbago ang timpla ng mukha ni Kiko, mula sa inis nitong mukha na ngayon ay malungkot na.
"Ano? Kanina pa ako salita ng salita rito, ni isa sa mga tanong ko hindi mo nasagot. Ganoon ba kahirap yung tanong ko ha, Kuya?"
"Hindi..." Nanghihinang tugon ni Kiko sa kapatid.
"Eh ano?" usisa ni Angel at dahil dito ay medyo nakaramdam ng pagkainis si Kiko.
"Argh! Huwag ka nga munang makulit dyan, wala ako sa wisyo para magsabi sa iyo ngayon." Pag-iwas nito sa tanong ng kapatid.
"Ano ba yan Kuya, ang daya daya mo na! Hindi ka na nagkukuwento sa'kin magmula no'ng nagbreak kayo ni Ate Stacie." Nagtatampong wika ni Angel. Nagpakyut pa siya sa kapatid para lang magkuwento ito kaso hindi rin tumalab bagkus ay tinakpan lang siya ng kanyang kuya, sa pamamagitan ng kamay nito.
"Yak Kuya!" Kunwaring nandidiring usal pa nito.
"Hahaha, hindi na pala bagay sayo ang magpakyut." Natatawang banat ni Kiko sa kapatid.
"Ewan ko sayo Kuya! Bakit kasi ayaw mong magkuwento eh." ani muli ni Angel saka umirap patalikod sa kuya nito.
"Huwag ka ng makulit hindi ko sasabihin sa'yo kung sino siya, hangga't hindi ko pa siya napapasagot--" Sa pagkakataong ito napaharap agad si Angel at gulat na napatingin sa kuya nito. Bahagya niya pang inilapit ang mukha nito kaya napaatras si Kiko.
"Ano ba yan! Hahalikan mo ba ako ha?!" gulat pang reaksyon nito.
"Hindi hehe, naninigurado lang ako kung nagsasabi ka ng totoo. Ang sabi kasi nila sa mata raw malalaman kung nagsasabi ng totoo ang isang tao kaya tinitigan ko mata mo pero yung itsura mo Kuya hahahaha! Grabe," Natatawang asar pa ni Angel sa Kuya niya na sinadya pang ituro ang mukha nito.
"Hay naku, ewan ko sayo. Kung saan-saan mo na naman napupulot iyang mga sinasabi mo." Tila'y pasuko ng usal ni Kiko.
"Ah kung ganoon, may bagong babae ka na? Tama? May bago ka na pala kuya ba't hindi ka nagsasabi! Sino siya? Maganda ba? Sino na ba 'yong bagong mapapangiti sa'yo ha, Kuya? Ikaw ah ayie, " tukso ni Angel sa kapatid niya.
"Ah basta, makikilala mo rin siya." Nakangising kuwento ni Kiko dahilan para makaramdam ng saya si Angel para sa Kuya niya.
"Ang daya mo na talaga Kuya Kiko," komento pa nito saka hinampas ng unan ang Kuya niya.
"Ano ba, masakit kaya! Yung zipper unang tumama sa'kin, hoy!" Kumuha na rin ng unan si Kiko saka hinampas sa kapatid para makaganti sa ginawa nitong paghampas sa kanya.
Nagtawanan lang sila habang naghahampasan ng mga unan nila.
"Tama na nga! Ayaw ko na para tayong mga baliw dito, hanggang ngayon para ka pa ring bata tsh." Natatawang ani Francisco sa kaharutan ng kapatid.
"Sus Kuya, mamimiss mo rin kaya 'to hahaha!" Akmang hahampasin sana siya ulit ni Angel kaso agad hinawakan ni Kiko ang unan saka niya ito binato pabalik sa kama nila.
"Tigilan na nga, ang kulit talaga nito." saway niya kay Angel.
"I love you Kuya!" lambing ng kapatid ni Kiko saka ito ngumiti ng pagkalaki-laki sa harapan niya.
"I don't love you, Angge." Pang-aasar naman ng Kuya nito sa kanya. Angge, ang palayaw naman ni Angel.
"Ay, ayaw ko na." tampong wika ni Angel.
"Hindi biro lang! Syempre mahal ko rin naman kapatid ko, love you." Biglang bawi nito sa kanyang naunang sinabi.
"Ayun! Sige, bati na tayo." Pigil tawang ani Angel sa sinabi ng nakatatanda nitong kapatid.
"Ewan, korni mo. Oh sige na maligo ka na, may pasok ka pa." Ginulo lang niya ang buhok ng kapatid.
"Ay! Ay!" Kahit na gusto niyang pagalitan ang kanyang Kuya dahil sa panggugulo nito sa kanyang buhok ay napangiti nalang din si Angel at saka tumungo na sa kubeta.
"Lab na lab talaga ako ni Kuya, hihi." bulong pa nito sa kaniyang sarili.
"Ano pang sinasabi mo riyan?" tanong ni Kiko no'ng napansin niyang bumulong pa ang kapatid niyang babae.
"Ah wala, ang sabi ko ang gwapo mo hahaha!"
"Ah---" Naputol ang dapat na sasabihin ni Kiko nang bigla siyang tawagin ng kanilang Ina.
"Francisco!" pasigaw pa nitong tawag sa binata na ngayo'y nasa taas na parte ng bahay nila.
"Oh sige na. Baba na ko tinatawag na ako ni Nanay. Bilisan mo na. Sandali isa pa pala, huwag ka ng magkonsert dyan sa loob ng banyo dahil hindi naman yan entablado, nako ka Angge." sermon pa nito sa kapatid saka siya dali-daling bumababa para makita ang kanyang Nanay. Alam niya kasing maiinis na naman sa kanya ang kapatid dahil sa sinabi nito kaya bumaba na siya agad gamit ang hagdan nila.
Samantala, ang kanilang nanay naman na si Aling Erlynda ay kasalukuyang nasa kusina at naghahanda na ng kanilang agahan nang maalala nito na may kulang na sangkap pa kanyang niluluto. Tinawag niya ang panganay niya upang utusan ito.
"Oh bakit po, Nay?" Magalang na tanong ni Kiko nang mapadpad na ito sa kusina.
"Bumili ka muna roon ng betsin." utos ni Erlynda sa anak nito.
"Sige po." sagot naman ni Kiko na siyang sinunod naman ng binata.
"Ay! Mamaya ikaw na munang maghatid kay Angel sa eskuwelahan nila. May gagawin pa ako kasi ako rito, pwede ba 'yon?" Pahabol pang pabor ng Nanay nito.
Tumango lang si Kiko bilang tugon sa sinabi ng nanay niya saka siya lumabas upang bumili na ng betsin.
---
Sinunod naman ni Kiko ang isa pang pabor ng Ina nito na ihatid sa eskuwelahan ang kapatid. Inihatid niya ito gamit ang motorsiklo niya at habang patungo sina Kiko at Angel doon ay may nakita siyang isang pamilyar na mukha.
Sino nga ulit siya?
Sa kabilang banda. Nakatingin lang si Angel sa paligid, nagbabakasali na makita ang kaibigan nito na naglalakad lang sa gilid ng kalsada at hindi siya nagkamali, nakita nga niya ito roon.
"Ah, ah! Kuya, rito nalang po ako hehe. May kasabay na ko papasok." paalam pa nito saka tinapik-tapik sa balikat ng Kuya nita.
"H-ha?! Eh wala pa nga tayo sa tapat ng paaralan niyo eh tapos gusto mo ng bumaba?" takang tanong ni Kiko na bahagya pang tumingin sa kanyang likuran, naroon kasi nakapuwesto ang kapatid nito.
"Nandyan na kasi bestfriend ko eh."
"H-ha? Saan?" Bahagya pang napatingin sa Kiko sa paligid, hinuhulaan kung sino ang kaibigang tinutukoy ng kapatid.
"Ayun po oh!" turo ni Angel sa isang babae na pamilyar para kay Kiko. Nanliliit ang mga matang tinitigan ni Francisco ang tinurong babae ng kapatid niya.
"An!" tawag pa ni Angge sa kaibigan nitong babae rin.
Dahil dito'y napatigil sa paglalakad ang isang babae saka lumingon sa likod kung saan niya narinig ang pangalan niya. Mula roon ay nakita niya si Angel na kumaway at awtomatikong kumaway din pabalik ang babae sa kaibigan nito na kapatid ni Franscico.
At doon nakita ni Kiko ang tinutukoy ni Angge. Bumababa na ito sa sasakyang motor at inalis na ang suot niyang kulay pulang helmet na siyang kakulay naman ng motorsiklo ng Kuya niya.
"An, hintayin mo ako!" sigaw ni Angel sa kaibigan niya. Nakita naman niyang tumango ito kaya napatingin ulit siya sa kanyang Kuya.
"Uwi ka na po Kuya, kailangan ka na roon ni Nanay. Maraming salamat sa paghatid." paalam pa ulit nito saka dumeretso na kung nasaan nakatayo ang naghihintay na kaibigan.
At habang masayang pumasok ang dalawang babae sa kanilang paaralan ay naiwan namang tulala si Kiko. Nang makabalik na ang isip niya sa reyalidad ay pinaandar na niya ang kanyang motor.
Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ni Kiko ang mag-isip.
Pinilit niyang inalala ang pamilyar na mukha ng babae habang pauwi ito sa kanila. Buong byahe ay nag-isip lamang siya, nagtatanong ng possibleng dahilan paano naging pamilyar ang nakita niyang mukha.
"Sino ba 'yong babaeng 'yun? Bakit hindi ko mantandaan kung saan ko siya huling nakita? Pamilyar talaga siya eh. Hayst, bakit hindi ko maalala, nakakainis naman."
At no'ng malapit na siya sa kanila ay bigla nalang itong napakamot sa kanyang batok sapagkat sa wakas, naalala na rin niya kung sino iyon.
Ang may pamilyar na mukha lang naman ang yaong taong muling nagpatibok sa kaniyang dibdib. Babaeng dapat susungitan niya pero hindi natuloy? Grabe, bakit ngayon niya lang ulit naalala kung kailan naman nasa bahay na siya?
"Nakakainis naman, paano ko siya makakalimutan agad? Ano ba yan! Ni hindi ko man lang naitanong pangalan niya o kahit palayaw niya man lang," Inis na bulong niya habang sinisipa ang mga buhangin na mayron sa kanilang bakuran subalit agad ito ngumiti dahil sa bigla niyang naisip.
"Teka, magkaibigan nga pala silang dalawa ng kapatid ko, Yes! Hindi pa ito ang huli naming pagkikita."
"Sa susunod na pagkikita natin, sisiguraduhin kong mararamdaman mo rin ang pinaramdam mo sa akin." Nakangiting aniya sa sarili bago pumasok sa kanilang bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top