7
Kabanata 7:
Anak ni Manang Erlynda
Sa bawat araw na nagdaan, hindi pa rin tumigil sa paghahanap si Manang Erlynda. Sa isip niya'y mahalagang makita na niya si Carlito sa lalong madaling panahon sapagkat may nais itong ipabatid sa binatilyo at bago pa mahuli ang lahat ay kailangan na niya itong sabihin.
"Saan ko ba mahahanap ang lalaking iyon. Bakit ba kasi ako ang kailangan gumawa at magsabi nito para sa kanilang anak."
Napasapo na sa kaniyang noo si Erlynda dahil sa naisip niya at dahil sa sunod sunod nitong kabiguan sa paghahanap kung nasaan ang binata na noong nakaraang araw pa niya hinahanap.
Habang siya ay nag-iisip, hindi niya namalayan ang biglang pagpasok ng isang binata na may katangkaran at bilugang mukha. Katamtaman ang kulay nito sa balat, hindi maitim hindi rin maputi, sakto lang kumbaga.
Kumuha ito ng tubig at uminom, bahagya pa niyang tinitigan ang mukha ng ginang na ngayo'y napapaisip na sa kung anong balak niyang gawin sa susunod.
"Oh? Nay, bakit mukhang biyernes santo yata tayo ngayon. May problema ba?" komento ng lalaki na bahagya pang lumapit sa lamesang may nakatakip na puting tela.
Naroon nakaupo si Aling Erlynda na bahagya pang ipinatong ang mukha sa dalawang palad niyang nasa ibabang parte ng baba niya. Napangalumbaba siya.
"Oh Kiko. Nariyan ka na pala anak, kanina ka pa ba?" takang tanong ni Erlynda sa kaniyang anak na lalaki. Inayos niya ang sarili sa pakakaupo bago siya humarap sa anak nito.
"Opo, kararating ko lang." sagot ng binata at muli, nanahimik ang kausap nitong ginang.
"Sandali nga Nay, napansin ko hong ang lalim ng iniisip niyo, ano pong problema?" Seryoso munit mahinahong tanong ng panganay na anak ni Erlynda na nagngangalang, Kiko.
"Hay nako. Hayaan mo na ako anak, maliit lang itong problema na 'to. Kaya na ito ni Nanay." Ngumiti si Aling Erlynda sa anak nito upang hindi na ito magtanong pa subalit kahit na ngumiti na ang ina nito'y hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa anak.
"Nanay naman," waring tampong saad ng panganay nito. Nagtatampo siya sapagkat hindi sinabi sa kanya ng kaniyang ina ang kasalukuyang problema nito.
"Oh," tumawa ang ina ng lalaki. "Huwag ka ngang ganiyan. Hindi na bagay sa iyo, malaki ka na kaya." tukso ni Erlynda sa anak kaya biglang sumimangot ang binata.
Sasagot pa sana si Kiko sa nanay niyang si Erlynda nang biglang naantala ito dahil sa biglaang pagpasok ng isang babae, na siyang anak rin ni Erlynda na kapatid naman ni Kiko.
"Kuya Kiko!" sigaw pa nito pagkapasok sa kusina, kung saan makikita sina Aling Erlynda at Kiko.
"Oh, anong problema mo?" bungad ni Kiko sa kapatid.
"Hehehe, wala lang. Gusto lang kitang tawagin." Preskong tugon nito dahilan para mapatayo si Kiko at lumapit sa kapatid. Bahagya pang umatras ang batang babae ngunit nabatukan pa rin siya nito.
"Aray naman Kuya! Ang sakit no'n ah!" reklamo ng babae na kinapa pa ang kaniyang ulo, kung saan siya binatukan ng kaniyang Kuya.
"Hoy huwag ka nga! Hindi naman malakas iyon." depensa ni Kiko sa reklamo ng kapatid.
"Nanay, oh!" sisi ulit ng babae kay Kiko.
Habang nanunuod sa simpleng asaran ng magkapatid ay hindi maikakailang magkasundo ang dalawang ito kahit na medyo madalas itong makitang nag-aaway, nagkakabati pa rin naman sila. Palihim na ngumiti ang kanilang ina kahit na hindi naman ito ang tamang oras para ngumiti sa nagtatalong mga anak.
"Ano ba itong dalawang 'to, oo. Tigilan niyo na nga ang isa't isa." saway ni Erlynda sa kaniyang mga anak nang mapansin nitong hindi pa rin sila tumitigil sa bangayan nilang dalawa.
"Hay nako, Nay. Si Kuya po kasi," paninisi ni Angel kay Francisco.
Angel ang pangalan ng babaeng kapatid ni Kiko na bunso naman ni Erlynda samantala, ang buong pangalan naman ni Kiko ay Franscisco.
"Hayan ka na naman, sumbungera ka talaga." singhal ni Francisco sa kapatid nitong babae na si Angel.
"Hahahaha! Inis ka na niyan?" pang-aasar pa ni Angel sa kanyang Kuya.
"Peste!" Dahil sa inis nito, naisipan nalang niyang lumabas ng kanilang bahay.
Patungo sana ito sa palengke kung nasaan ang tindahan ng kaniyang ina ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ay papunta rin pala roon si Rose Ann para mamalengke.
At habang naglalakad si Rose patungong pamilihan ay biglang may bumunggo sa kanya dahilan para mahulog siya sa buhanginan malapit sa baybayin ng dagat na malapit sa kanila.
"A-aray."
Biglang napahinto sa paglalakad si Kiko at humarap sa babaeng nakabunggo niya.
"Ano ba 'yan, hindi man lang tumitingin sa dinadaanan. Tanga ka ba, oh--" Napatigil ito sa pagsasalita nang makita ang kabuoan ng babae.
"Hala, patawad. Hindi ko sinasadya," bawi nito sa kanyang nasabi. Inalukan niya pa ng kamay ang babae upang sana ay matulungang patayuin subalit nagulat ito nang bigla itong tumayo at nagpagpag ng damit sa harap niya.
"Hindi na kaya ko namang tumayo." Pigil ang inis na wika ni Rose sa 'di kilalang lalaki. Naiinis kasi siya sa mga taong grabe kung manghusga. Tinawag ba naman kasi siyang tanga, tama ba 'yon?
"Tsh. Sorry na," Tila'y napipilitang usal ng binata sa kaniya.
"Ewan ko sayo, ikaw na nga itong nakabangga sa akin tapos ako pa yung tinawag mong tanga." Blankong saad ni Rose sa lalaki.
"Sorry na nga eh." Napakamot na sa kanyang ulo si Francisco. Siya sana magsusungit sa babae pero ngayo'y siya na ang sinusungitan ni Rose. Karma nga naman.
"Hindi ko matatanggap 'yan kasi hindi ko naman nararamdaman na totoo iyang paumanhin na mo 'yan." Sumeryoso ang mukha ng dalaga no'ng sabihin niya ang mga katagang ito na nagpatahimik naman kay Kiko.
Pagkatapos nito ay umalis na si Rose Ann. Naiwang tulala si Francisco na mukha namang tinamaan dahil sa mga sinabi ng dalaga sa kaniya.
Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa pero syempre wala silang kaalam-alam na magkakaroon pala sila ng kakaibang kaugnayan sa isa't isa.
Tugdug, tugdug, tugdug.
"Sandali, bakit ganito ang nararamdaman ko?" Wala sa sariling tanong ng lalaki na bahagya pang kinapa ang kaniyang puso.
Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman ako tumakbo para maramdaman ko ito, tama? Ano ito?
Ilang minutong nagmuni-muni ang binata sa baybayin kung saan siya iniwan ng dalagang nakabangga niya kanina. Hindi ito ang unang beses na makaramdaman ng ganito si Francisco. Huli niya itong naramdaman noong minsa'y nagkagusto rin siya sa isang babae.
Stacie Del Monte, siya ang una niyang naging pag-ibig, unang babae rin na nagpatibok ng ganito sa kaniyang dibdib. Babaeng ilang beses din siyang sinaktan nang paulit-ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top